Love Chance - 36

1183 Words
Mama!” mahinang usal ni Ren. Saka marahang nagmulat nang mata. Napakurap pa siya nang magmulat siya nang mata ang Liwanag mula sa ilaw sa ceiling ang sumalunog sa mata niya. Ilang sandali niyang ipinikit ang mata niya saka marahang iminulat ulit niya. Bigla siyang natigilan. At napatitig sa puting ceiling sa itaas niya. Anong nangyari? Tanong nang dalaga sa sarili. Kanina lang nasa tulay siya. Naalala niyang nang tumayo siya tila nawalan siya nang balanse. At para bang may mga kamay na tumulak sa kanya akala niya katapusan na niya nang mahulog siya sa tubig. Hindi siya makaahon kahit na anong gawin niya hanggang sa mawalan siya nang ulirat. Napatingin siya sa paligid niya. Napansin niya ang mga modernong aparatu sa silid. Di yata at nakabalik na siya sa panahon niya? Nanaginip ba siya dahil sa pangungulila niya sa pamilya niya. Biglang napatingin si Ren sa pinto nang silid nang bigla itong bumukas nang bumukas ang pinto Nakita niya ang pamilya na bulto nang katawan na pumasok. “Mama.” Mahinang wika ni Ren nang makilala ang pumasok sa silid. Nang marining ni Anica ang boses nang anak bigla itong natigilan saka napatingin sa anak niya. “Ren!” hindi makapaniwalang wika nito. “Mama.” Wika nang dalaga dahil sa labis na pananabik kasabay ang pagtulo nang luha sa mga mata niya. Agad namang inilagay ni Anica ang mga dala niya sa mesa saka lumapit sa anak niya at agad itong niyakap. Nang yakapin siya nang mama niya wala namang ibang nagawa si Ren kundi ang umiyak na tila isang batang paslit. Talagang nangulila siya sa yakap nang mama niya. Akala niya hindi na niya mararamdaman ang yakap na iyon. Kung nanaginip man siya ngayon. Sana manatili nalang siya doon sa bisig nang mama niya. “What happen?” tanong ni Andrew na dumating kasama si Xander at Ashmaria. Halata sa mukha nang tatlo na nagmamadaling dumating ang mga ito. Nakatanggap sila nang tawag mula kay Anica at sinabing nagising na ang dalaga. Nang dumating sila sa hospital Nakita nilang natutulog ulit ang dalaga. “Akala ko ba gising na siya?” tanong ni Andrew nang dumating at makitang natutulog ulit ang anak niya. “Nakatulog ulit siya. She was crying earlier hanggang sa makatulog siya.” Wika ni Anica. “How is she?” tanong ni Andrew saka bumaling kay Claire. “Okay na naman siya. Stable na ang vitals niya. Hintayin nalang natin na magising siya.” Wika pa ni Claire. Dahil sa nalamang nagising na ang dalaga. Hindi na umalis sa hospital ang tatlo hanggang sa dumating si Eirick. Nitong mga nakaraang araw. Panay ang dalaw nito sa dalaga at nagdadala nang mga bulaklak. Mahalimuyak na nga ang loob nang silid nang dalaga sa hospital dahil sa mga bulaklak na dinadala nito. “Gising na siya!” masiglang wika ni Ashmaria nang mapansing kumilos ang talukap nang mata nang kapatid nang marinig ni Eirick ang sinabi nang dalaga bigla siyang kinabahan. Hindi niya alam kung bakit. Ang lakas nang kabog nang dibdib niya at parang may mga paru-paru sa sikmura niya. Hindi niya maintindihan kung kinakabahan ba siya? Hindi naman ganito ang pakiramdam niya nang mga nakaraang araw na dumadalaw siya dito. “Papa. Kuya. Ate.” Wika ni Ren nang makita ang mga taong importante sa kanya. Kanina habang nakatulog siya sa bisig nang mama niya habang umiiyak lihim siyang natakot baka paggising niya nasa ibang panahon ulit siya. Nang makita ni Andrew ang anak niya agad niya itong niyakap. Napangiti lang si Anica nang makitang niyakap ni Andrew ang anak. Agad naman lumapit si Ashmaria at Xander sa dalaga at niyakap din ito. Walang mapaglagyan ang kaligayahan ni Ren na muling makita at mayakap ang mga taong mahalaga sa kanya. Kung panaginip man ang nangyari sa kanya nitong mga nakaraang araw masaya siyang magising na dahil wala nang mahalaga sa kanya nang mga sandaling iyon kundi ang makasama ang mga taong mahalaga sa kanya. “I miss my little girl. How are you feeling?” wika ni Andrew nang lumayo sila sa dalaga. Napahawak siya sa mukha nang anak niya. Nawala na ang mga galos sa mukha nito ang her wounds have fully healed. Dalawang linggo din siyang walang malay sa hospital. “I am feeling better now that I saw all of you.” Wika nang dalaga. “Wala ka bang nararamdaman sa katawan mo?” tanong ni Claire saka lumapit sa pamangkin. “Aside from I feel like I have been sleeping for days. I’m fine. A little dazy but I’m good.” Wika nang dalaga saka ngumiti nang matamis sa tita niya. Bigla naman siyang natigilan nang mapansin ang pamilyar na lalaki sa tabi nang tita niya. “You’ve been sleeping for 2 weeks. Yet you still feel dazy?” pabirong wika ni Xander. Hindi naman kumibo ang dalaga sa halip ay nakatingin lang ito sa lalaking nasa tabi ni Clair. Napansin nina Xander at Ashmaria ang tinitingnan nang kapatid nila kaya napatigin sila sa binata. “You recognize him?” Tanong ni Xander. Narinig ni Ren ang tanong nang kuya niya. Yes of course she recognizes him. The moment she saw him. Biglang bumalik sa alaala niya ang gabing iyon. And apart from that, she also remembers, Eirick ang lalaking kamukha nito. In Her dreams, he is a man born in 19th century. Siguro nga magkaiba sila nang pananamit, pero hindi maipagkakaila ang magkaparehong aura nila. Napatitig siya sa binata. Anong ginagawa nito doon? “What’s wrong?” tanong ni Ashmaria sa kapatid niya. “Hindi mo ba siya nakikilala?” tanong pa nang dalaga. Napatingin naman si Ren sa kapatid niya. Paano naman nakilala nang pamilya niya ang Binatang ito? Is he here para singilin siya sa pagpapaayos nang kotse? SInabi ba nito sa mama niya at sa papa niya ang nangyari sa kanila? Is he blackmailing his parents? Pero sa ayos nito mukhang hindi naman ito naghihitap kung titingnan, masasabi niyang mga designer clothes ang suot nito. He is too stylish para maging isang scammer. “Gusto mo bang mag-usap muna kayo nang pribado?” tanong ni Anica sa anak. Napatingin naman si Ren sa mama niya. “I refuse. Hindi ko pwedeng iwan---” “Stop being so overprotective.” Wika ni Ashmaria sa kapatid niya. “Let me know if you are not comfortable talking to him. I can always---” “Shin.” Wika ni Anica. Alam niyang he is just trying to protect his little girl. Pero alam ni Anica na kailangang resolbahin ni Ren ang bagay na iyon. “Pwede ba kaming mag-usap?” tanong ni Ren sa papa niya at tumingin dito. “Pero kagigising mo lang. Are you sure----” “Okay na ako kuya. I’ve been sleeping long enough.” Assurance nang dalaga sa kuya niya. “Anong gusto mong kainin? Ipaghahanda kita nang makakain.” Wika ni Anica sa anak niya. “Kahit ano basta luto mo.” Wika nang dalaga at ngumiti. Napangiti naman si Andrew at inilagay ang kamay sa ulo nang anak. Masaya siyang makita ang ngiting iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD