Love Chance- 19

1314 Words
Buntis?" gulat na wika ni Anica nang sabihin ni Claire ang tungkol sa kalagayan ni Ren na hanggang sa mga sandaling iyon ay wala pa ding malay. Dinala sa hospital ang dalagang walang malay mula sa nangyaring aksidente. Habang nasa emergency room ang dalaga napag-alaman nina Claire na nagdadalang tao ang dalaga. Mabuti na lamang at walang nangyaring masama sa dinadala nito. Nabigla siya nang malaman ang kalagayan nang pamangkin. Hindi niya alam kung papaano sasabihin sa pinsan niya ang sitwasyon nito. Pero naisip ni Claire na karapatan naman nina Anica na malaman iyon dahil sila ang mga magulang ni Ren. “Anong ibig mong sabihin buntis?” Maya-maya ay wika ni Andrew matapos ang ilang sandaling pagkabigla. Hindi yon ang inasahan nilang sasabihin ni Claire tungkol sa anak nila. “Yun ang lumabas mula sa test and examination kay Ren. Ligtas sila pareho nang pinagbubuntis niya. But we still have to observe her. She still has to wake up.” Wika ni Claire. Natigilan naman sina Anica at Andrew dahil hanggang sa mga sandaling iyon ay nabigla pa din sila sa nalaman mula kay Claire. "That bastard. Iniwan niya ang kapatid ko. Tapos malalaman kong iniwan niyang buntis. I am going to kill that bastard." gigil na wika ni Xander na papaalis sana ngunit bigla siyang natigilan nang biglang sumalubong sa kanya ang isang binata. Matangkad. Matipuno ang pangangatawan. Habang nakatingin siya dito. Tila nakikilala niya ang binata. Saan nga ba niya ito nakita. Parang pamilyar ito. Si Anica, Ashmaria at Andrew naman ay napatingin din sa bagong dating hindi nila kilala ang binata kaya naman takang-taka sila. Ngayon lang din nila nakita ang mukha nito though inaamin nilang pamilyar ang binata. "Eirick Carillo?!" Bulalas ni Ashmaria nang tanggalin nang binata ang suot na shades. Taka namang napatingin ang lahat kay Ashmaria na biglang bumulalas nang makilala ang binata. Napatingin si Ashmaria na may halong pagtataka sa binata ano namang ginagawa nito doon? Sila ba ang pinunta nang binata? Pero bakit? "Kilala mo?" tanong ni Xander sa kapatid. Hindi niya kilala ang binatang dumating at wala din naman siyang planong kilalanin ito. Nasa isip niya ngayon ay ang balikan si Nathan dahil sa ginawa nito sa kapatid niya. Sa isip ni Xander. Hindi na siya magdadalawang isip na baliin ang leeg nang binata. Masyado nang mahaba ang pasensyang ibinigay niya dito. Kahit pa kaibigan nang pamilya nila ang pamilya nito. Pagsi Ren na ang pinag-uusapan. Wala siyang pakiaalam sa mga ito. Hindi rin siya papayag na basta-basta nalang palusutin si Nathan matapos ang nalaman nila ngayon sa kalagayan ni Ren. Kailangan niyang managot sa ginawa nito. "Not Personally. But he is a well-known idol and artist." wika ni Ashmaria habang nakatingin sa binata. Sino ba naman ang hindi makakakilala sa binatang nasa harap nila ngayon. Sikat na artista at idol. PInagkakaguluhan nang mga kadalagahan. Kahit nga ang mga kasamahan niya sa Rescue team ay nahuhumaling din sa binata. Halos lahat nang pinapanood nila sa opisina nila ay ang mga palabas nang binata. Pa na nga nilang sinasamba ang binata. Sino ba naman ang hindi mahuhumaling dito. Bukod magaling nang artista. Kilala pa itong isang tagapagmana nang malaking shopping mall. Bukod doon, kilala din ang binata na lumalahok sa mga Formula racing, Kamakailan ay naimbitahan ito sa Singapore sa isang F1 Grand Prix. Nasa binata na sigurp ang mga katangiang hihilingin nang isang babae. Nang marinig ni Xander ang sinabi ang kapatid bumaling naman ito sa binatang humarang sa daraanan niya. Sa tono nang boses nang kapatid niya para isang malaking tao ang nasa harap niya. Ano naman kung artista ito? Wala siyang panahon na makipagkumustahan dito. "May kailangan ka? O Baka naliligaw ka." wika pa ni Xander siniguro niyang nasa boses niya ang pagiging sakristo. "Xander." saway ni Anica sa anak saka bumaling sa binatang nasa harap nila. HIndi naman siguro ito naliligaw. Wala naman sa mukha nito ang maligaw. “I’m sorry Hijo. May maitutulong ba kami?” tanong ni Anica sa binata. "I am actually looking for this girl." wika nang binata at inilahad ang isang larawan sa kanila. Napakunot naman ang noo ni Xander. Napatingin naman si Anica sa inilahad na larawan nang binatang dumating "Bakit dito mo hinahanap? Hindi naman presinto ang napasukan mo." sakristong wika nang binata si Xander. "Xander." saway ni Ashmaria sa kapatid. "Pasensya na. Medyo mainit lang ang ulo niya dahil sa mga nangyari. I don’t think we can help you with ----" wika ni Ashmaria na biglang natigilan nang makita ang babaeng nasa larawan. Luma na ang larawang iyon at medyo malabo din ngunit nakikita niya ang mukha ni Ren. Ang ipinagtataka lang niya ay bakit naka suot ito nang damit sa sinaunang panahon. Taka siyang napatingin sa binata. Niloloko ba sila nito? "Bakit?" tanong ni Andrew saka lumapit sa anak. "Papa tingnan mo. Hindi ba si Ren yan." wika ni Ashmaria at ipinakita sa ama ang larawan. Nang marinig ni Xander ang sinabi nang kapatid agad siyang lumapit at tiningnan ang inilahad na larawan ni Ashmaria maging si Anica at Claire ay lumapit din. Taka silang napatingin sa binata. "Anong ibig sabihin nito?" Tanong ni Andrew sa binata saka kinuha ang larawan mula sa kamay ni Ashmaria. Kahit saang anggulo nila tingnan at kahit na luma na ang larawang nasa harap nila hindi maipagkakaila na si Ren ang dalagang nandoon kahit pa nakasuot ito nang bar’t saya na tila mula sa panahon nang mga kastila. "Ako din ay naguguluhan." Wika nang binata. "I met a girl that looks like the girl in that picture. I saw the news on TV about an accident that involves her. I don't have pictures of her except that picture of a woman that looks exactly like her.” wika nang binata. "Kami ba niloloko mo? Kahit artista ka----" putol na wika ni Xander at gigil na bumaling sa binata. Wala silang panahong makipaglokohan sa binata dahil may malaki pa silang problema ngayon. "Hindi ko ugaling manlilang nang kapwa." Wika nang binata. “Wala din naman akong mapapala kong manloloko ako.” Dagdag pa nang binata. "Bakit mo hinahanap si Ren?" tanong ni Ashmaria sa binata. Napaawang ang labi nang binata na tila magsasalita ngunit hindi natuloy dahil sa pagdating ni Nathan. "Si Ren? Nasaan si Ren?" anito na lumapit sa kanila. Bigla naman siyang sinalubong ni Xander. "Gusto kong makita si Ren. Tell me she's okay." nang makita ni Xander ang binata biglang nagdilim ang paningin niya at walang kaabog-abog ay bigla niyang sinuntok ang binata. Humandusay sa sahig ang binata matapos makatanggap nang malakas na suntok mula kay Xander. Kung hindi siya nahawakan ni Ashmaria at Anica marahil ay sinugod pa nito si Nathan. Ang binata naman na nasa state of shock pa din ay napahawak lang sa pisngi niya at napatingin sa binata. "Ang lakas nang loob mong pumunta dito." Asik ni Xander na hindi na napigilan ang sarili niya. “Good thing at dumating ka hindi na ako magsasayang nang gasolin para puntahan ka.” Gigil na wika ni Xander at akmang lalapit sa binata pero pinigilan siya ni Ashmaria. “Let me go.” Ani Xander at lumingon sa kapatid niya. “Huminahon ka nga.” Wika ni Ashmaria sa kambal niya. “Huminahon? Tell me. Hindi ka ba nagagalit sa damuhong yan sa ginawa niya sa kapatid natin.” Asik ni Xander sa dalaga. “Is that even a question. Nagpupuyos ang dibdib ko sa galit pero wala namang mareresolba kung paiiralin mo ang galit mo at init nang ulo. Calm down and let’s handle this nang hindi pinauuna ang init nang ulo. Besides nasa hospital tayo. Maraming pasyente na maiistorbo.” Wika ni Ashmaria saka tumingin kay Nathan. “Salamat Ate Ash---” “Please don’t call me that. Hindi kita kapatid.” Agaw ni Ashmaria sa sasabihin ni Nathan. Napakagat labi naman ang binata saka bumaling kay Andrew at Anica.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD