Napatingin si Ren sa damit niyang tinupi niya at nakalagay sa papag. Dahil sa nasa ibang panahon na siya. Hindi naman pwedeng ang modernong kasuotan ang gamitin niya dahil magiging agaw pansin siya. At habang nandoon siya mas mabuting panindigan niya ang pagpapanggap niyang wala siyang naalala sa pagkatao niya bukod sa pangalan niya dahil hindi maiintindihan nang mga nandoon ang nangyari sa kanya. Kahit siya hindi rin niya alam kung bakit siya nandoon sa panahong iyon.
“Ren Athea. Mas mabuti pang magtrabaho na tayo baka dumating si Senior and Seniora. Mapagalitan pa tayo.” Wika ni Maria na pumasok sa silid. Napatingin ito sa dalaga habang suot ang kasuotan nila. Kahit simpleng Baro’t saya ang suot nito hindi niya maitatanggi na bukod tangi ang ganda nang dalaga lalo na at makinis ang kutis nito kung hindi lang ito tila naliligaw iisipin niya isa ito Peninsulares.
“Trabaho?” Tanong ni Selene saka lumingon sa dalaga.
“Oo. Hindi mo ba narinig ang sinabi ni Senior Carillo? Mabuti at pumayag siya at dumito ka.” Wika pa ni Maria.
“Mabait ba yang senior Carillo niyo? Para kasing hindi marunong ngumiti.” Wika nito. Napatingin sa paligid si Maria dahilan para magulat si Ren at napatingin sa paligid ano naman ang tinitingnan nito.
“Alam mo sayo ko lang sasabihin ‘to dahil sa palagay ko dapat mong malaman.” Wika nito. Napakunot naman ang noo ni Ren ano naman ang ibig sabihin nito. “Mabait naman yang si Senior Carillo. Dati-rati, makikita mo siyang masigla. Kaya lang simula nang mamatay ang asawa niya dahil sa malubhang ramdaman naging ganyan na siya. Hindi na namin nakitang ngumiti.” Wika nito. Napaisip naman si Selene.
“Siya nga pala. Huwag na huwag kang sasagot sa kanya. Huwag ka ding titingin nang derecho sa mga Senior at seniora natin. Alipin tayo malayo ang agwat nang buhay natin sa kanila.” Wika ni Maria. Napatingin si Ren sa dalaga. Wala siyang alam sa mga patakaran sa panahong ito. Pero nakikita niyang gaya nang mga nababasa niya sa libro. Inferior ang mga kakabaihan. Hindi pa nila nagagawa ang mga bagay na nagagawa nang mga babae sa panahon niya.
“Maria. Anong taon na ba ngayon?” tanong ni Ren sa dalaga.
“Taon? Ang alam ko 1896?” wika ni Maria sa dalaga. Napatingin ito nang may pagtataka sa mukha. Bakit naman nito tinatanong kung anong taon na? Kahit naman hindi siya nakakabasa alam niya kung anong taon na ngayon.
“1896. Nasa spanish colonization era ako?” gulat na wika ni Ren.
“Spanish Ano?” Takang tanong ni Maria. Napatingin lang si Ren sa dalaga. Lalong gumulo ang utak niya. She was transported two years before the end of Spanish Colonization Era. Pero bakit? Hindi niya maintindihan ang nangyayari. Patay na ba siya? Namatay ba siya nang mabangga nang truck ang kotse niya. Ito ang mga katanungan sa isip nang dalaga ngayon.
*****
Eirick. May bago tayong alipin?” tanong nang isang babaeng nakasuot nang sopistikadang kasuotan. Dumating ito sa mansion kasama ang isang lalaking sopistikado din ang pananamit. May dala itong tungkod at sa tingin ni Ren ay nasa early 50’s na nito. Sa pagkakadinig niya mula kay Maria at Susima ito ang magulang ni nang binatang si Eirick. Habang nakatingin si Ren sa babae. Bigla niyang naalala ang napanood niya sa telebisyon at nabasa sa aklat. Sa nabasa niya Maria Clara ang tawag sa suot nang babae.
The Maria Clara dress is an elegant formal outfit for women. It is considered a mestiza dress because it is an ensemble combining indigenous and Spanish influences. The Maria Clara dress became very popular during the Spanish era since its emergence in 1890. The name was taken from the legendary Maria Clara, the heroine of Noli Me Tangere, the then recently published novel of Dr. Jose Rizal. Maria Clara remains a symbol of the virtues and nobility of the Filipina woman. Its origin was the traditional baro’t saya of early Filipinos: the original ensemble of a loose, long-sleeved blouse over a wide, ankle-length skirt. The Maria Clara consists of four separate pieces: the baro or the camisa, the saya, the panuelo and the tapis.
Sa pananamit nang ginang masasabing mataas ang estado nito sa lipunan. Kompara sa suot nang mga kasambahay nila na simpleng baro’t saya lang.
Napatingin ang ginang kay Ren. Naagaw agad niya ang atensyon nang babae nang dumating ito. Paano ba naman kasi. Una palang pumalpak na siya. Hindi naman kasi siya sanay sa trabahong bahay. Plano niyang maging invicible sa mga ito habang naghahanap siya nang paraan para makabalik sa panahon niya pero mukhang malabong maging invicible siya gayong unang araw palang mukhang nakuha na niya ang inis nang seniora.
“Anong pangalan mo? Kamag-anak mo ba siya Susima?” tanong nito at tumingin Kay Ren saka tumingin kay Susima.
“Ren Athea.” Wika nang dalaga. Saka tumingin sa ginang.
“Susima. Hindi mo ba tinuruan ang aliping ito na huwag tumingin nang derecho sa seniora niya.” Wika nito na tila na offend sa titig nang dalaga. Agad namang lumapit si Maria sa kanya at simpleng iniyuko ang ulo nang dalaga.
“Ren Athea.” Ulit nang ginang. “Hindi pangkariniwan ang pangalan mo para sa isang alipin.” Wika nang babae. Saka tumingin sa dalaga at pinasadahan ito nang tingin mula ulo hanggang paa saka tumingin kay Eirick.
“Bakit mo siya pinasok sa bahay na ito. Alam mong ayoko nang mga estranghero sa bahay ko. Hindi natin alam kung saan galing ang babaeng yan. Mamaya ay---”
“Wala naman sa mukha niya na isa siyang masamang tao.” Agaw nang binata saka tumingin sa dalaga. Nang marinig ni Ren ang sinabi nang binata bigla siyang nag-angat nang tingin at napatingin dito. Sakto namang nag-angat siya nang tingin nang biglang magkasalubong ang tingin nila nang binata pero agad ding naiwas ang tingin niya nang muling iyuko ni Maria ang ulo niya.
“Saan ka galing? Anong ginagawa mo dito sa lugar namin. Susima alam mong ayoko nang mga hindi kilalang tao na pinaaakyat sa bahay ko. Masyadong delekado ang panahon ngayon.” Wika nang babae.
“Mabait naman ho si Ren Athea Seniora. Hindi lang niya maalala kung ----”
“Wala ka bang maalala sa pagkatao mo?” tanong nito sa dalaga na pinutol ang sasabihin ni Susima.
“Maliban sa Pangalan ko. Wala na ko akong maalala.” Wika nang dalaga. Hindi niya pwedeng sabihing sa ibang panahon siya galing paano naman siya paniniwalaan nang mga ito.
“Eirick. Ikaw ang nagpapasok sa kanya dito. Makakasiguro ba tayong mapagkakatiwalaan siya?” tanong nito sa binata.
“Matagal na nating kilala ang pamilya ni Aling Susima. Mapagkakatiwalaan natin siya.” Wika nang binata at tumingin sa dalagang nakayuko ang ulo. Hindi niya maintindihan pero iba ang pakiramdam niya sa dalaga. Nang una niya itong makita sa labas. Naramdaman agad niyang may kakaiba dito bukod sa kakaibang kasuotan nito nararamdaman din niyang may iba pa sa dalaga at gusto niyang malaman kung ano ito. Pakiramdam din niya parang pinaglalapit sila nang kapalaran sa danami-dami nang tao sa lugar na ito bakit sila pa ang nagkita kung walang ipinahihiwatig ang kapalaran ano ang tawag dito?