"Papa Andrew, Mama Anica I'm sorry sa nagawa ko. I was naive and stupid." wika nito at tumayo. Lalapit sana ito pero biglang humarang si Andrew.
"Hijo. Ayokong maging bastos dahil kahit papaano may pinagsamahan kayo ni Ren. Kung hindi mo naman mamasamain. Pwede bang umalis kana dito. Hindi ko alam kung kaya kong pigilan ang anak ko na saktan ka matapos ang ginawa mo kay Ren."
"Alam ko Pa. Kaya nga humihingi ako nang kapatawaran. Alam kong walang kapatawaran ang nagawa ko. Pero humihingi ako nang pangalawang pagkakataon. Itatama ko ang lahat." wika ni Nathan saka lumuhod at hinawakan ang kamay ni Andrew.
"Paano mo itatama ang lahat? Hindi pa ba sapat na iniwan mo ang kapatid ko at nagpakasal ka sa kaibigan niya. Ano pa bang gusto mo?" bulalas ni Ashmaria.
"Bigyan niyo ako nang pangalawang pagkakataon. Kukumbinsihin ko ang mama at papa ko na ipawalang bisa ang kasal namin----" biglang natigilan si Nathan nang biglang hawakan ni Andrew ang kuwilyo nang damit niya. Nang mga sandaling iyon nakasuot pa siya nang suit dahil kakagaling lang niya sa reception nang kasal nila ni Shane. Nalaman niyang hindi siya ang ama nang dinadala ni Shane at ginamit lang siya nito para may managot sa pagbubuntis nito. Hindi naman niya gustong iwan si Ren kaya lang dahil sa guilt kaya niya iyon nagawa. Ngayon wala naman pala siyang responsibilidad kay Shane pwede na niyang balikan ang babaeng mahal niya.
"Listen Brat. Wala akong plano ipagkatiwala ulit saiyo ang anak ko. Ipawalang bisa ang kasal? Hindi laro ang buhay. Tingnan mo ang nangyari kay Ren ngayon.I am going to lose my daughter and her unborn child because of your selfish and naive action. Kapag sinabi ko bang buhay mo ang ibigay mo kapalit nang buhay nila. Magagawa mo bang ibigay?" galit na wika ni Andrew. His deep voice made it more difficult for Nathan to move.
He was stunned and scared at the same time. Alam niya ang pamusong temper nang Demon General but seeing upfront.gustong mangingig nang tuhod niya. HIndi lang basta gustong parang nanginginig na ngayon ang tuhod niya.
"Leave." wika ni Andrew saka marahas na itinulak si Nathan dahilan para muli itong bumagsak sa sahig.
"Pa-- anong ibig niyong sabihin sa sinabi niyong unborn child." wika ni Nathan nang makabawi sa ginawa ni Andrew sa lahat nang sinabi nang lalaki iyon ang pumasok sa isip niya. Anong ibig sabihin nitong unborn child.
"Tarantado ka! May gana ka pang magtanong---" wika ni Xander na hindi maitago ang galit saka akmang susugurin ang binata ngunit pinigilan siya ni Anica.
“Ma.” Wika ni Xander at tumingin sa mama niya. Biglang natigilan si Xander nang makita ang mata nang mama niya na may nangingilid na luha. Napakuyom nang kamao si Xander. Alam niyang nahihirapan ang mama niya na tanggapin ang mga nalaman ngayon. Nagpupuyos din ang kalooban niya lalo na at nakikita si Nathan na umaaktong walang alam sa nangyari kay Ren. Para ba itong walang alam sa sitwasyon ngayon ni Ren. Talagang ang lakas nang loob nito na pumunat doon ni hindi man lang ito nagpalit nang damit at talagang ipinamumukha sa kanila na kagagaling lang nito sa kasal.
"Pero hindi pwedeng mangyari yun. Wala namang nangyari sa amin ni Ren." wika ni Nathan.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Anica.
"Nangako kami ni Ren na walang mangyayari sa amin hangga't hindi kami kasal kaya----" naputol ang sasabihin ni Nathan. "How can she do this to me." biglang wika. Napatiim bagang naman si Xander sa naging reaksyon ang binata.
"Kami ba niloloko? Hindi kami nakikipagbiruan saiyo." inis na wika ni Ashmaria.
"Bakit ako magbibiro? Kung alam kong buntis si Ren. Bakit ako magpapakasal sa iba. You should know Ren Better." wika pa ni Nathan.
"Ano gusto mong palabasin milagrong na buntis ang kapatid ko." gigil na wika ni Xander.
"Let's not talk about this. Hijo umalis kana dito." wika ni Andrew sa binata.
"Pero Gusto kong makita si Ren."
"Umalis ka na muna Hijo. Huwag ngayon." wika ni Anica saka lumapit sa binata.
"Mama Anica--" tila nagmamakaawa ang tono nang boses ni Nathan.
"Please." wika ni Anica sa binata saka bumaling kay Eirik na nang mga sandaling iyon ay nanonood lang sa kanila. Tahimik lang ito at inoobserbahan sila. Tila din nashock ito sa tila gulo nang sitwasyon nila nang mga sandaling iyon. Hindi naman gusto ni Anica na makita nang iba ang gulo nang pamilya niya. Ngunit hindi rin naman niya mapipigilan ang galit ni Xander lalo na dahil sa nangyari sa kapatid nito.
"Pasensya kana Hijo. Masyadong magulo ngayon ang sitwasyon dito. Gusto ko pa sanang malaman kung bakit may ganito kang lawaran ni Ren kaya lang masyadong magulo ang utak nang lahat ngayon."
"I understand." wika ni Eirick.
"Kaibigan mo ba si Ren? ngayon lang ata kita nakita?" Tanong pa ni Anica.
"I can't say we are friends. We've met once. And I am here to take responsibility for what I have done." wika nang binata dahilan para mapatingin sa kanya ang lahat. Maging si Nathan ay napatingin din sa binata.
“Hindi ko yata maintindihan.” Wika ni Anica na lalong gumulo ang utak dahil sa sinabi nang binata. Napatingin naman ang binata sa mga nandoon. Tila din nagaantay ang mga ito sa sasabihin niya.
“Teka lang. Ang pagkakaalam ko. Walang kaibigang artista ang kapatid ko. At hindi niya ang tipo----”
“She is not the type of person na makipagkaibigan sa mga taong hindi kilala nang pamilya niya.” Wika ni Nathan saka tumingin sa binata at pinasadahan ito nang tingin. “Eirick Carillo. Hindi ang tipo ni Ren ang makikipagkaibigan sa tulad mo. Isang tingin palang saiyo---” wika ni Nathan na inagaw ang iba pang sasabihin ni Xander ngunit natigilan ito nang biglang magsalita si Xander.
“Huwag kang magsalita na para bang kung sino kang malinis. Baka nakakalimutan mo ang ginawa mo sa kapatid ko.” Wika ni Xander. Pinipigilan niya ang sarili niya dahil ayaw niyang lalong masaktan ang mama nila.
“Hindi ka naman siguro pupunta dito kung wala kang mabigat na dahilan.” Wika ni Ashmaria saka bumaling sa binata.
“Yes. As I have mentioned, I am here to take responsibility for what I have done.” Wika nang binata. Lalo namang napatingin sa kanya ang mga magulang ni Ren. Sa isip nang binata ano kaya ang magiging reaction nang mga ito sa sasabihin niya?
Kagaya kaya nang ginawa ni Xander sa binata makakatikim din kaya siya nang malakas na suntok. Nang biglang umalis ang dalaga sa bahay niya matapos ang gabing pinagsaluhan nila. It took hime great deal para malaman kung sino ito. At first he was hesitating na puntahan ang dalaga lalo na nang malaman na anak ito nang kilalang Demon General. Marami siyang mga narinig tungkol sa pamusong Demon General. Bukod doon, nalaman din niyang, Ang lolo nito ay isang Mafia Boss sa Italy. Ang isa pang lolo nito ay may-ari nang Kingdom Hotel. And Bryant Empire is the largest Conglomerate sa bansa. Maimpluwensya ang pamilya nito.
He has his assistant do so research tungkol sa dalaga. Nalaman niyang iniwan ito sa altar nang lalaking dapat sana ay pakakasalan nito. And just before he knew about the aksident. Nalaman niyang ikinasal ang binatang nangiwan dito sa altar. At ang masaklap na katotohanan pa ay pamangkin niya ang binatang nang-iwan kay Ren sa Altar. Nathan may not know him dahil sa ibang bansa naman siya lumaki ang he is using his mother’s maiden name due to family issues and conflict. Nalaman lang niya kamakailan na pamangkin niya si Nathan na makatanggap siya nang wedding invitation mula ama nito na kapatid niya sa ama. Hindi sana siya pumunta sa kasal dahil wala naman siyang dahilan para pumunta. Pero pinilit siya nang ama niya. He is guesing he wanted to use him para ipakitang maimpluwensya ang pamilya nila. Pero hanggang ngayon hindi parin siya ipinakikilala nito bilang anak niya. Nasa reception sila noon nang mabalitaan niya ang tungkol sa aksidente. He rushed papunta sa hospital para malaman kung anong nangyari dito. Hindi naman niya akalaing sasalubong sa kanya ang isang balita.