Love Chance- 06

1264 Words
Stop it already Ren.” Wika ni Nathaniel at sinalo ang kamay nang dalaga. “Wala nang magbabago. Hindi na natin mababalik ang nakaraan at ang dati nating pagsasama. Gaya nang sinabi ko. The sooner you accept it. The sooner you can move on.” Wika pa nito saka binitiwan ang kamay nang dalaga. “We can still be friends. And I am forever grateful sa mga pinagsamahan natin. But I can’t still pretend that I am inlove when I am not.” Wika pa nito sa dalaga at dinampot ang jacket niyang nahulog sa lupa nang itinaboy ni Ren ang kanyang jacket. “Ipapahatid kita sa driver---” “Don’t bother.” Agaw nang dalaga. “Ren. You are being stubborn.” Wika ni Nathan. “Why do you care?” Anang dalaga. “I don’t need help. Especially not from you.” Wika nang dalaga saka nagsimulang maglakad. “Ren.” Habol ni Nathan saka hinawakan ang braso nang dalaga. Pero marahas lang na inagaw nang dalaga ang braso niya mula sa binata. Hindi na nagawang sundan nang binata ang dalaga. Sinundan lang niya nang tingin ang dalaga na naglalakad na parang wala sa sarili niya. Hindi naman niya magawang tawagan ang mga magulang ni Ren dahil sa nahihiya siyang makipagkita sa mga ito. Nitong nakaraang tatlong araw. Ilang beses na bumalik sina Andrew sa bahay nila at hinahanap siya. Kahit nandoon siya, sinasabi nang mga magulang niya na wala siya doon. Alam nilang galit si Andrew lalo na dahil nasaktan ang anak nito. Alam niyang labis niyang nasaktan si Ren. Kababata niya ito at alam niya kung gaano ito kamahal nang pamilya niya. Kung magpapakita siya sa ama nito lalo na sa kuya nito tiyak na manghihram siya nang mukha sa aso. Hrer father is the famour Demon General. Wala itong sinasanto. At ngayong nasaktan ang bunso niya tiyak na mata lang niya ang walang latay kung magkikita sila, He has to protect his family’s reputation at kahit ibig sabihin noon matawag siyang duwag. Kailangan di niyang protektahan si Shane lalo na ngayon at buntis ito. Naaawa siya kay Ren, pero wala na siyang magagawa para dito. Mas mabuting naghiwalay sila ngayon kesa sa magsama sila na wala namang pag-ibig na namamagitan sa kanila. Minahal niya si Ren. Lahat nang sinabi niya sa dalaga noon ay totoo. He is willing to stay with her forever that is before he meets Shane. May bagong buhay na sila ni Shane ngayon. **** Ren, nasaan ka?” Nag-aalalang wika ni Anica nang sagutin ang telepono. Umuwi sila sa bahay nila nang hindi makita ang anak nila sa Hospital. Bigo silang umuwi at hindi man lang alam kung saan hahanapin ang dalaga. Nasa sala sila noon nang mag ring ang telepono na agad namang sinagot ni Anica nang sagutin niya ang telepono ang mahinang boses ni Ren ang narinig niya. Kahit na malakas ang ulan. Naririnig pa rin niya ang malakas na iyak nang anak. Parang dinudurog ang puso niya habang naririnig ang malakas na paghikbi nang anak niya. Sinubukan niyang tanungin ang anak kung nasaan ito pero hindi naman ito sumasagot nang maayos wala itong ibang ginawa kundi ang umiyak. Hanggang sa maputol ang tawag nila. “Nasaan daw siya?” tanong ni Andrew na nag-aalala sa asawa. “Wala siyang sinabi. Wala siyang ibang ginawa kundi umiyak.” Wika ni Anica saka bumaling kay Ashmaria. “Can you locate her?” tanong pa nito sa anak. Just like her. Ashmaria is also a talented computer expert. Tumango naman ang dalaga at agad na lumapit sa laptop niya. And she was able to locate her younger sister. Isang payphone ang ginamit nito sa pagtawag. Kahit na umuulan sumugod ang apat sa location para sunduin ang dalaga. Nang dumating sila sa location nang Payphone nakita nila si Ren na nasa loob payphone booth at nakahalukipkip habang panay ang iyak. “Ren!” Wika ni Xander at binuksan ang pinto nang payphone. Napaangat nang tingin ang dalaga nang marinig ang pamilyar na boses. “Kuya.” Mahinang wika nang dalaga. “What are you doing. Bakit basang- basa ka.” Wika ni Xander at agad na hinubad ang poloshirt niya at inilagay sa kapatid na nakaupo at tinulungan itong tumayo. Nabigla pa si Xander nang makatayo ang kapatid niya agad siya nitong niyakap at patuloy na umiyak. Hindi niya alam kung anong nangyari. What he knows right now is that nadudurog ang puso niya na makita ang kapatid niyang umiiyal. Nagkulong ito sa silid niya nang tatlong araw nang hindi kumakain. At ngayon naman nakita nila itong umiiyak na para bang wala nang bukas. “It’s fine. We’re here now.” Wika nang binata at hinimas ang likod nang kapatid para patahanin ito. “Umuwi na tayo.” Wika ni Xander sa kapatid. “Let’s go home, Ren.” Wika nang isang baritonong boses. Napatingin naman si Ren sa nagsalita Nakita niya ang papa niya na may hawak na payong habang nakatayo sa likod nang kuya niya. “Papa.” Wika nang dalaga. “Ren.” Biglang wika ni Xander nang biglang mawalan nang malay ang dalaga sa bisig niya.”Seriously this girl.” Wika ni Xander at agad na pinangko ang kapatid. Inalalayan naman sila ni Andrew na makalapit sa sasakyan making sure na hindi ito mababasa. Sa halip na dalhin sa hospital. Iniuwi nila ang dalaga sa bahay nila. Si Claire na lamang ang nagpunta sa bahay nila para tingnan ang dalaga. Sinabi naman niyo na kailangang magpahinga nang dalaga. Dahil sa pagkakababad nito sa ulan plus her weak physical state dahil sa tatlong araw na hindi pagkain. Dinapuan nang mataas na lagnat ang dalaga. “Mama. I’m just too tired.” Wika ni Ren habang yakap ang mama niya. Nakaupo ito sa gilid nang kama niya. She is awake pero mahina at hindi parin tumitigil sa pag-iyak. Kahit siguro gusto nitong tumigil sa pag-iyak mukhang may sariling pag-iisip ang mga mata nito at dahil narin siguro dahil umapaw na ang emosyon sa dibdib nang dalaga kaya hindi matigil ang pag-agos nang emosyon nito. “You have to rest. Nandito lang si mama.” Wika ni Anica habang mahinang tinatapik ang balikat nang anak. Nararamdaman niya ang patuloy na pag-agos nang luha sa mata nito. Kahit wala itong sabihin alam niya ang sakit na nararamdaman nang anak niya. Hindi niya pipilitin na magsalita ito ngayon ang alam lang niya. Gusto niyang maging kalmado ang anak Kung pwede lang niyang kunin lahat nang sakit nanararamdaman nito ngayon gagawin niya. “Hindi na niya ako mahal mama.” Wika ni Ren. “Sshh. Let’s not talk about that. Mas importante ang makapagpahinga ka. Let’s talk about this when you wake up.” Wika ni Anica. “He is having a baby with Shane.” Anang dalaga. Ang sinabing iyon ni Ren ay narinig nina Xander na noon ay nakatayo sa labas nang pinto nang silid ni Ren. “Saan ka pupunta.” Wika ni Ashmaria at pinigilan ang braso nang kapatid nang bigla itong tumalikod. “Kakausapin ko ang sira ulong yun.” Wika ni Xander. “Kakausapin? In your state. Baka mapatay mo siya” Ani Ashmaria. “If I have to.” Wika ni Xander na tinanggal ang kamay nang kakambal saka nag lakad pero bigla siyang napatigil nang humarang sa kanyang daraanan si Andrew. “Nasa bahay lang nila ang mokong na iyon. He refuses to face us. Kahit mga magulang niya pinagtatakpan ang anak niya. And for what? Tingnan niyo naman nag nangyari kay Ren.” Wika ni Xander sa ama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD