Love Chance- 07

1315 Words
Kahit wala itong sinasabi alam ni Xander kung anong gustong sabihin nito. He is trying to stop him for causing trouble. Pero sa nararamdaman niyang galit ngayon. Hindi niya alam kung anong pwede niyang magawa kay Nathaniel. Ilang araw silang pabalik-balik sa bahay nang mga ito but he refuses to meet them. Saying he is not around at kahit ang pamilya niya hindi alam kung nasaan ang binata only to find out na nandoon lang pala ito at tinatago nang mga magulang niya. Ang mga magulang ni Nathaniel ay matagal nang kaibigan nang mga magulang niya. Isang judge ang ama ni Nathaniel. They have good family relationship dahil sa pagkakapareho nang trabaho nang mga magulang nila. They have also recently, funded one of Nathaniel’s family’s charity houses and foundation. Dahil gusto nilang mas maging malapit ang pamilya nila lalo na at malapit nang ikasal ang mga anak nila. “You have to think logically, son.” Wika ni Andrew. “With your anger. Anong magiging resulta niya? Kapag nalaman ni Ren ang gagawin mo just because you are angry sa palagay mo ba magugustuhan ni Ren ang gagawin mo? Hindi kita pinalaking pa bara-bara kung kumilos.” Wika ni Andrew. “For once papa. Hindi puro logical thinking ang pairalin niyo. Na agrabiyado si Ren. Anong gusto mong gawin ko.” Galit na wika ni Xander. “Hindi ko sinabing palalampasin ko ang ginawa nila sa kapatid mo. What I am asking you is to think logically.” Ani Andrew. Saka napakuyom nang kamao. Kahit siya gusto ring sugurin ang binata but he has to act with cool head walang maidudulot na maganda kung susugos sika at hindi mag-iisp. Naiinis siya sa katotohanang. Nagsinungaling sa kanila ang mga magulang ni Nathan para pagtakpan ang anak nito. Nagpupuyos sa galit ang dibdib niya pero kailangan niyang maging compose at kalmado. Hindi dapat mangibabaw ang galit nila kung gusto nilang ma resolba ang nangyari nang mahinahon. Even Andrew, alam niyang kailangan niyang maging kalmado. And him telling his son to think logically also applies to him. Dahil kanina nang nakita niya ang pinakamamahal niyang bunso na nasa loob nang payphone booth at umiiyak Gusto niyang magwala at isumpa ang binata. No one messes with his family at hindi sa mga anak niya. He did everything in his best na mapalaki nang maayos ang mga anak niya. Hindi niya gustong maagrabyido ang mga anak niya. He can go through hell para sa kanila. Napakuyom nang kamao si Xander. Alam niyang hindi siya pwedeng magpadalos-dalos at tama ang papa niya ano nalang ang mararamdaman ni Ren kapag nalaman nitong sinugod niya ang binata kahit gaano siya kagalit ngayon hindi pwedeng matakpan ang logic nang emosyon niya. Hindi ganoon ang pagpapalaki sa kanya nang papa niya. “Magpahinga na muna kayo.” Wika ni Andrew saka tinapik ang balikat nang anak niya saka naglakad papasok sa silid ni Ren nakita niya ang bunso niya nakayakap sa mama niya na parang isang batang paslit. “Natutulog na ba siya?” Tanong ni Andrew saka naupo sa gilid. “Yes. Mabuti nalang at nakatulog na siya.” Wika ni Anica. “I think failed her as father.” Wika ni Andrew at hinimas ang ulo nang anak habang nakatingin sa mata nitong namumugto at namumula ang ilalim nang mga mata dahil iyon sa labis na pag-iyak nang dalaga. “Don’t say that, Shin.” Wika ni Anica at hinawakan ang kamay nang asawa. “That’s what I am feeling right now. Kung nalaman----” “Hey.” Wika ni Anica at pinisil ang kamay nang asawa. “Wala namang nakakaalam sa mangyayari sa hinaharap. Huwag kang masyadong maging marahas sa sarili mo. You are a great dad. Hindi mo naman mahahawakan ang buhay nang mga anak mo. Not Ren not even Xander and Ash. Sooner or later haharap sila sa pagsubok nang buhay to develop them and make them stronger. Bilang mga magulang. Ang kaya lang natin gawin ay ang manatili sa tabi nila at gabayan sila. How they will go throuh their own ordeal is up to them. That’s how they will grow up and become better adults.” Ani Anica sa asawa. Alam na alam niya ang pagmamahal ni Andrew sa mga anak niya. He was known as the heartless demon General. But little did they know that he has this big heart for his kids. He was the best father for them. “Anya.” Mahinang wika ni Andrew at napatingin sa natutulog na anak. “I know Shin.” Wika ni Anica at tumingin sa anak niya. “Today was the first time na naisip ko, Kung pwede ko lang ibalik sa sinapupunan ko si Ren to shield her and protect her from all of this pain. Kung pwede ko lang gawin yun ginawa ko na. Kaya lang naisip ko. Can’t do that. She is growing up. Let’s let her experience this and let her draw lessons from this pain.” Ani Anica. “This is just too much for her.” Ani Andrew. “Let’s just be with her. That is what she needed this time. Okay.” Wika ni Anica at ngumiti. Tumango naman si Andrew saka inilapit ang mukha sa anak at hinalikan ito sa noo. ---- Anong ibig sabihin nito Andrew?” wika nang ama ni Nathaniel nang nagpunta ito sa opisina ni Andrew. Natanggap niya mula sa legal team niya ang biglaang pagpull out ni Andrew at nang Bryant Enterprise sa bagong project na sisimulan dapat nila. Ilan sa doon ay ang funding para sa Foundations and Charities nang pamilya ni Nathan. Nandoon sa opisina ni Andrew si Xander na siyang namahala nang mga projects. “It is as what you read.” Wika ni Andrew. “Hindi mo pwedeng gawin ‘to dahil lang sa bugso nang damdamin mo. Hindi dahil hindi na matutuloy ang kasal nang mga anak natin ibig sabihin ay matitigil na din ang project alam mong maraming umaasa sa project na ito.” wika nang Ama ni Nathaniel. “I know that. That is why, we also presented options for you. However, Bryant Enterprise will no longer fund the project.” Wika ni Xander. “You should be logical in handling this matter at hindi----” “We are logical. Mr. Espinosa.” Agaw ni Xander sa sasabihin nang lalaki. Napatingin naman ang lalaki sa binata. “We are talking about business. First and foremost. Bryant Enterprise value trust. You broke it.” Anang binata. “Broke your trust? Paano? We are transparent sa mga transactions natin.” Anito. “Let me remind you. We asked you kung nasaan ang anak mo. But you hide him. That’s an example of you breaking out trust.” “How is that related to business?” tanong nang lalaki. “Anak ko si Nathaniel. Kailangan kong protektahan ang anak ko. Ang reputasyon niya.” Wika nang lalaki. Nang marinig ni Xander ang sinabi nang lalaki napakuyom siya nang kamao. So It was true. Talagang itinago nito ang anak sa kanila. At hindi na siya magtataka kung alam nitong niloko nang anak niya si Ren and still ang anak pa nito ang pino-protektahan nito at ang reputasyon nito. “Kahit ikaw Andrew. Alam kong ganoon din ang gagawin mo.” “I will not.” Wika ni Andrew. “Gumawa nang kalat ang anak ko then as an adult he has to clean up his own mess. Ren knows it. So as Xander. Isang bagay ang pinakaayaw ko sa lahat. Iyon ay ang pagsinungalingan ako. If you can’t be trusted and if you lie to me. How can I trust you sa project na ito? My decision is final. Bryant Enterprise will no longer fund your foundation.” Wika nito at tumalikod. “Hindi mo pwedeng gawin ‘to.” Wika nito. “Face it, Mr. Espinosa.” Ani Xander at lumapit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD