Loved?” Ulit ni Ren sa sinabi nang binata. Saka napatingin dito. Parang ayaw paniwalaan nang isip niya ang narinig. Bakit gumamit ito nang salitang tila nakaraan na? Wala na bang halaga para dito ang mga pinagsamahan nila. They literally grew up together. Bakit ang bilis naman nitong kinalimutan ang lahat.
“Nagbibiro lang diba?” wika nang dalaga saka muling tinangkang hawakan ang kamay nang binata.
“Stop Being stupid.” Wika nito at sa isa pang pagkakataon iwinaksi nang binata ang kamay nang dalaga. “Umuwi kana sa inyo. You don’t look you are okay. Magpahinga ka.” Wika pa nang binata saka tangkang naglakad papalapit sa kotse ngunit bigla siyang natigilan nang hawakan nang dalaga ang kamay niya.
“You said you loved me. Does that mean, hindi na ganoon ang nararamdaman mo ngayon?” wika nang dalaga. Gusto niyang marinig mismo sa bibig nang binata na sinabi nitong hindi na siya nito mahal. Gusto niya nang kasagutan sa nangyari. Ganoon ba siya kadaling kalimutan. Just few days ago before the wedding masaya pa silang nagpaplano para sa kinabukasan nila. Yes, they are still young. But they’ve promised to finish their studies and build their own family.
Humarap si Nathaniel sa dalaga at napatingin sa kamay nito na nakahawak sa braso niya.
“I loved you. Those feelings are true. But I don’t think I still feel the same way. I am really sorry dahil sa ginawa ko. Alam kung kaduwagan ang ginawa ko. Pero hindi ko kayang lokohin ka at ang sarili ko.”
“Lahat nang ipinakita mo sa akin. Those are---”
“Those are real. Kaya lang hindi ko kayang lokohin ang sarili ko at ikaw especiallu. Ayokong matali tayo sa isang pagsasama kung hindi naman tayo magiging masaya.” Wika ni Nathaniel at hinawakan ang kamay nang dalaga at marahang tinanggal sa pagkakahawak sa braso niya.
“Huwag na nating pahirapan ang sarili natin Ren. The sooner you accept what happen. The sooner you will be able to move forward.” Wika pa nito.
“Parang ang dali lang saiyo na itapon lahat nang taong pagsasama natin. Lumaki tayong magkasama. We dreamed----”
“Isa pa yan. Not because we grow up together hindi ibig sabihin na tayo na ang magkakatuluyan. Nagbabago ang Tao rin. We also grow up. I think you should too.”
Hindi makapaniwala si Ren sa mga naririnig mula sa binata. Parang wala itong pakiaalam sa kung anong nararamaman niya. Ang bilis nitong isantabi ang mga pinagdaaanan nila. Sa tatlong araw lang o matagal na talaga siyang hindi mahal nang binata. Bilang respeto nalang sa mga magulang nila. And the wedding was his last straw. He can’t stand pretending to be inlove when he is not.
“Ren. I am really sorry. Let both move on with our lives. Hindi mo kailangang magpatali sa nakaraan natin.” Wika pa nang binata.
“Nathan anong nangyayari bakit ang tagal mo.” Wika nang isang dalaga na bumaba sa sasakyan. Nang marinig ni Ren ang dalagang nagsalita napatingin siya dito. Ganoon na lamang ang gulat niya nang makita at makilala kung sino ang dalagang iyon. Ang ikinagulat pa niya ay ang nakita sa dalaga. May maliit na umbok ang tiyan nito. Taka siyang napatingin kay Nathan. Lalo siyang naguluhan hindi niya alam kung anong iisipin.
Napansin ni Ren na gulat na napatingin sa kanya ang dalaga tila ito nakakita nang multo at hindi inaasahan na makita ang siya sa labas nang bahay nina Nathan. She can still remember. She refuse to be one of her bridesmaid kahit na magkaibigan sila. Sinabi nitong busy siya sa mga projet at naghahanda sa advance training nito.
“Mauna kanang pumasaok sa bahay. Mukhang uulan.” Wika ni Nathan na lumapit sa dalaga. “Manong pakihatid si Shane sa loob.” Wika nito sa driver nila. Agad namang tumalima ang lalaki sa utos ni Nathan. Nakatingin lang si Ren sa dalaga habang papasok ito sa bahay nina Nathan. Marami siyang gustong sabihin at tanungin pero hindi niya alam kung papaano sisimulan.
“You should go back. Uulan baka magkasakit ka.” Wika ni Nathaniel sa dalaga at hinubad ang Jacket niya at inilagay sa dalaga pero mabilis na winaksi ni Ren ang gesture na iyon nang binata.
“Ren. Don’t be stubborn.” Nag taas nang boses ni Nathan. Biglang natigilan si Nathan sa sumunod na ginawa nang dalaga. Lumipad sa ere ang kamay nang dalaga at isang malakas na sampal ang dumapo sa mukha nito. Hindi nakapagsalita si Nathaniel sa ginawa ni Ren. Sa lakas nang sampal na iyon. Umalingawngaw sa paligid ang malakas na tunog nang sampal nang dalaga.
“Ren.” Wika ni Nathan nang makabawi sa ginawa nang dalaga.
“Ren? Si Shane pa talaga of all people? Kelan pa? Kelan niyo pa ako niloloko?” wika nang dalaga na bahagyang nag c***k ang boses. Mukhang ang lahat nang mga iniipon niyang sakit sa dibdib ay nagsisimula nang lumabas. She is about to explode.
“Walang kasalanan si Shane----”
“I am not asking if she is at fault!” bulalas nang dalaga. “Ang tanong ko ang sagutin mo.” Wika nang dalaga at napahampas sa braso ni Nathan. Pakiramdam niya pinipiga ang puso niya dahil sa nararamdamang sakit ngayon. Ang kaibigan niya at ang mapapangasawa dapat niya. Niloloko siya nang hindi niya alam? Ganoon ba siya ka naïve sa tingin nang dalawa para lokohin siya nang mga ito?
“Wala ka tamang suhestiyon para makinig sa ----”
“Ano ba Nat!” Sigaw nang dalaga. “Huwag mo na akong gawing tanga. Nakita ko na kayo. Bakit hindi mo nalang sabihin.”
“Fine. Gusto mong marinig?” wika ni Nathaniel. “We have been friends. Alam kung magkaibigan kayo. She comforts me tuwing may di tayo pinagkakasunduan o kung may problema ako sa papa ko when he is pushing and putting pressure in me. Before I knew it. I already like her. Hindi ko naman ginustong mahulog sa kanya but it happens.” Anang binata. “At gaya nang nakita mo. She is pregnant with my child. Ayokong lokohin ka at si Shane. Kapag nagpakasal tayo. Magiging unfair ako sa yo, kay Shane at sa magiging anak namin.”
“And so when you are left to make a choice. You choose her.” Anang dalaga.
“Magkakaanak na kami anong gusto mong gawin ko? Gawing bastardo ang anak ko? Alam mong may reputasyong iniingatan ang pamilya ko.”
“And you choose to sacrifice me.” Dagdag nang dalaga.
“I am really sorry Ren. I loved you but---”
“That’s enough.” Agaw nang dalaga sa sasabihin nang Binata. “You are talking about you might be unfair. Pero anong tawag mo sa ginawa mo sa ‘kin? Is this not being unfair? Matagal mo na pala akong niloloko. Why didn’t you say anything. Pinaabot mo pa sa araw nang kasal natin. How can you be this heartless. Ano sa palagay mo ang nararamdaman ko ngayon? Buong buhay ko. Hinintay kita. Nilaan ko lahat para saiyo. Buong buhay ko umiikot saiyo. And you---” wika nang dalaga na hindi na napigilan ang pagbuhos nang luha sa mga mata. Hindi na rin niya napigilan ang mga emosyon niya. Sobrang sakit nang nararamdaman niya ngayon. Her world just crumbled. Lahat nang mga pangarap niya para sa kanila ni Nathan parang nilipad nang hangin. Lahat nang iyon sa isang iglap naglaho.
“You--- Choose to break my heart. Nathan.” Wika nang dalaga na muling hinampas ang braso nang binata. Hindi naman pinigilan nang binata ang dalaga sa ginawa nito.