Love Chance - 16

1242 Words
Okay ka lang ba?” Tanong nang babae habang nakatingin sa dalaga. Tila para ito naliligaw sa klase nang expression nang mukha nito. “Alam mo ba kung saan ka nakatira? Pasasamahan kita kay Maria.” Wika pa nang ginang. Muling napatingin si Ren sa mag-ina at muli pang napatingin sa klase nang kasuotan nang mga ito. Alam niyang nasa bansa parin siya. Nasa isang Movie set ba siya? Nakikita niya ang mga ganitong kasuotan sa mga palabas, libro at museum. Hindi naman niya akalaing nasa harap niya mismo. “Ako nga pala si Susima at ito ang anak ko si Maria.” Pakilala nang matanda sa dalaga. Ngunit hindi nagsalita ang dalaga at nakatingin lang sa mag-ina. Hindi parin nag si-sync in sa utak niya ang mga nangyayari. Gusto niyang malaman kung anong nangyari sa kanya. “Inay. Mukhang pepe yata siya.” Wika pa nang dalaga saka tumingin sa ina niya. “Mabuti pa mag bihis ka na Hija. Luluwas kami sa kabayanan ngayon. Baka may makita kang kanilala mo at masamahan kang makauwi.” Anito bago bumaling sa anak niya. “Maghahanda ako nang almusal. Lumabas na kayo pagkatapos niyong magbihis.” Wika nito saka lumabas nang silid. Napatingin naman ang dalaga kay Kay Ren na tila hindi parin alam ang gagawin. Napatingin si Ren sa labas nang bintana. Ang mga kahoy ang nakikita niya sa labas. Saka napatingin sa damit niyang nakatupi na nakapatong sa papag. Natuon ang pansin niya sa kanyang wristwatch. Nakita niya ang lamat sa salamin noon kaya naman agad niyang kinuha ang wristwatch niya. “It’s broken.” Mahinang wika nang dalaga nang makita ang orasan na nakahinto. Pwedeng nasira ito nang bumangga ang sasakyan niya sa truck. “A-anong sabi mo?” tanong nang dalaga nang marinig ang sinabi nang dalaga. Taka namang napatingin si Ren sa dalaga. Umiling ang dalaga. Simpleng ngiti din ang tinugon nang dalaga kay Ren. “Magbihis kana para hindi tayo gabihin sa daan.” Wika nito saka lumabas. Napatingin lang si Ren sa dalaga saka muling tumingin sa damit niya. Napabuntong hininga siya saka kinuha ang damit niya saka nagbihis at lumabas. Napatingin pa ang mag-ina sa kanya nang lumabas siya. Isuot niya ulit ang damit niya. Isang Kulay Rosas na Blouse at Pantalon. Ginamit din niya ang sapatos niya. Nang napatingin siya sa mag-ina para bang gulat na gulat ang mga ito. Parang ngayon lang sila nakakita nang Babaeng nakasuot nang pantalon. “Kumain na tayo nang makaalis tayo nang maaga.” Wika nang ginang at naupo sa harap nang mesa na yari sa kawayan. Naglakad naman papalapit si Ren sa mesa. Napatingin siya sa mga nakahain sa Mesa. Nakita niya ang kamote sa hapag. Napatingin sa gulat ang mag-ina sa dalaga. “Pasesnya kana sa nakahain eneng. Ito lang----” “No. It’s okay.” Biglang agaw ni Ren sa sasabihin nang ginang. Hindi naman siya estranghero sa kamote. Pero hindi niya akalain na may pamilyang kumakain nang kamote lang sa umaga. “Ha?” sabay na sabi nang mag-ina dahil sa sinabi nang dalaga. “Ah, Ibig ko pong sabihin. Hindi niyo kailangang mag-alala. Hindi naman ako mapili sa pagkain.” Wika nang dalaga naupo. “Salamat sa pagkain.” Wika nang dalaga. Napangti naman ang mag-ina dahil sa sinabi nang dalaga. Simpleng ngiti ang tinugon nang dalaga nang lagyan nang ginang nang kamote ang pinggan sa harap niya. Napatingin siya sa dalawa nang makitang kumakain ang mga ito gamit ang kamay. Napaisip ulit ang dalaga. Anong klaseng panahon ba ang napuntahan niya? “Siya nga pala. Anong pangalan mo? Baka matulungan ka naming hanapin ang pamilya mo.” Wika nang ginang. “Ren Athea.” Simpleng wika nang dalaga. “Ren Athea? Kahit pangalan mo kakaiba. Saang bayan kaba galing?” tanong pa nang ginang. Napatingin naman ang dalaga dito. Paano niya sasabihin? Alam ba nang mga ito kung sasabihin niya? “Bakit? Wala ka bang maalala?” tanong pa nang ginang. Umiling lang ang dalaga. “Baka may maalala siya inay kapag nasa bayan na tayo.” Wika pa ni Maria. “Kumain kana. Para maaga tayong makaalis” Wika nang ina ni Maria kay Ren. Ngumit naman ang dalaga at tumango saka nagsimulang kumain. Matapos silang kumain. Nagbihis ang mag-ina at nagsimula silang umalis para magpunta sa kabayanan. Habang naglalakad sila napatingin siya sa paligid. Walang mga building. Puro kakahuyan ang nakikita niya wala ding mga sasakyan. Sumasakit ang ulo niya habang sinusubukang isipin kung anong klaseng panahon ang napuntahan niya at kung anong klaseng panaginip ang napasukan niya. Dumating sila sa kabayanang sinabi nang mag-ina. Lalo namang sumakit ang ulo ni Ren habang nakatingin sa paligid. May mga nakikita siya mga sundalong naglalakad sa kalsada may dalang mga baril. Baril na alam niya na sa sinaunang panahon lang makikita. Ang mga suot din nang mga nakikita niya ay suot hindi mula sa timeline na pinanggalingan niya. “Bakit?” tanong ni Maria sa dalaga na tila nagtataka sa paligid niya. Baril na alam niya na sa sinaunang panahon lang makikita. Ang mga suot din nang mga nakikita niya ay suot hindi mula sa timeline na pinanggalingan niya. “Bakit?” Tanong ni Maria sa dalaga na tila nagtataka sa paligid niya. Takang napatingin si Maria kay Ren na nakatayo lang at nakatingin sa paligid. Para itong batang naliligaw. Naawa siyang makita itong parang hindi alam kung saan pupunta. “Kung iiwan ka ba namin dito alam mo ba kung saan kapupunta?” tanong ni Susima sa dalaga. Napatingin lang si Ren sa babae. “Inay hindi yata magandang iwan natin siya dito. Mukhang hindi niya alam kung saan siya pupunta.” Wika pa nang dalaga. “Eneng. Alam mo ba kung saan ang bahay niyo?” tanong nito sa dalaga. “Malayo dito.” Simpleng wika nang dalaga. “Alam mo kung papaano makakauwi?” Dagdag nito. “Hindi ho. Hindi ko alam.” Anang dalaga at tumingin sa mag-ina. Mukhang sa sitwasyon ngayon hindi niya alam kung papaano siya makakabalik sa panahon niya. Kung panaginip pa din ito masyado naman yatang matagal bago siya magising. “Inay. Pwede kaya natin siyang dalhin sa mansion nang mga Carillo?” Wika ni Maria. Napatingin naman ang ginang sa dalaga at sa anak niya. “Carillo?” tanong nang dalaga. “Mga amo namin.” Wika ni Maria. “Dito sila sa bayan nakatira at isa sa pinaka mayamang pamilya.” Wika pa nito. “Dito muna kayo. May pupuntahan lang ako.” Wika ni Susima. “Maria samahan mo muna siya.” Wika nito saka umalis. Habang nasa kalsada sila muling napatingin sa paligid si Ren. Mag halong pagkamangha at pagtataka ang naramdamanan niya. Sinong mag-aakala na makikita niya nang totohanan ang ganito bukod sa mga nababasa niya sa libro at nakikita sa pelikula. Nawili si Ren sa kakatingin sa paligid at hindi na niya napansin ang kalesang papalapit sa kanya. “Ren Athea!” sigaw ni Maria nang makita ang Kalesa na papalapit sa dalaga. Nang marinig ni Ren ang sigaw ni Maria napatingin siya sa unahan pero hindi agad nakakilos ang dalaga nag makita kalesa na papalapit sa kanya. Hindi nagawang makakilos ang dalaga dahil sa gulat. Napatakip nang mata si Maria nang makita papalapit sa dalaga ang kalesa. Habang si Ren naman ay nakatyo at tila hindi makakilos dahil sa labis na gulat. Impit na napatili si Ren nang biglang mag-angat nang paa ang kabayo sa harap niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD