Aw!” daing ni Ren sabay sapo sa ulo niya. Pakiramdam niya nahulog siya sa isang mataas na gusali dahil sa sakit nang ulo niya. Marahan niyang binuksan ang mga mata niya. At ganoon na lamang ang gulat niya at napabalikwas nang tayo nang mapansin nasa isang kasukalan siya. Napatingin siya sa paligid. Hindi ba siya na nanagainip? Kanina lang ay nasa loob siya nang sasakyan niya. Naaalala niyang bumangga ang kotse niya sa isang truck.
“Anong nangyari?” Tanong nang dalaga. Hindi niya alam kung anong gagawin. Napatingin siya sa paligid. Sumasakit ang ulo niya at pakiramdam niya nahihilo siya. Marahan siyang naglakad. Nasa isip niyang kailangan niyang bumalik sa bahay nila. Baka hinahanap na siya nang mama niya. Hindi siya nagpaalam na aalis siya. Hindi rin niya sinabing pupunta siya sa kasal ni Nathan. Kahit ang kuya Xander niya at Ate Ashmaria ay hindi rin alam na umalis siya. Sinubukan niyang maglakad para makalabas nang kasukalan.
Madilim ang paligid at mukhang takipsilim na. Hindi paman siya sampung hakbang biglang napahawak sa puno ang dalaga dahil sa biglang pagsakit nang ulo niya na parang binibiak. Dahil sa labis na sakit noon. Bigla siyang napaupo sa tabi nang puno. Tatayo sana dahil sa biglang pagbuhos nang malakas na ulan ngunit hindi niya magawa dahil tuwing kumikilos siya parang gustong humiwalay nang ulo niya sa katawan niya. Walang nagawa nang dalaga kundi ang ihilig ang uli niya sa puno.
“Mama.” Singhap nang dalaga nang maalala ang mama niya. Hindi niya alam kung anong nangyari sa kanya o kung nananaginip siya. Dahil sa kawalan nang lakas. Ipinikit ni Ren ang mga mata niya habang nababasa nang ulan. Iniisip niya kung panaginip man ito bakit nararamdaman niyang parang totoo ang patak nang ulan sa katawan niya. Kanina habang nasa sasakyan siya she was thinking that what if she disappear. She wanted to disappear para makalimutan niya ang sakit na nararamdaman niya. Biglang napaiyak ang dalaga nang pumasok sa isip niya ang ngiti ni Nathan at Shane. Ang saya nila habang siya heto at nakakaawa ang sitwasyon. Ano bang ginawa niya para maparusahan siya nang ganito? Ito ang nasa isip nang dalaga.
“Tao!” biglang wika nang isang dalaga nang mapatid. Habang papauwi nadaanan niya ang dalagang natutulog na nakasandal sa puno. Dahil madilim at umuulan hindi niya masyadong nakita ang dalaga. Nang mapatid siya nabitawan niya ang lamparang dala niya. Taka siyang napatingin sa nakapatid sa kanya at ganoon na lamang ang gulat niya nang makita ang isang dalaga.
Napatingin siya nang maigi sa dalaga. Napansin niya ang kakaibang suot nito. Tila hindi ito mula sa lugar nila. Bigla siyang nahintakutan. Ngayon lang niya nakita ang kasuotan nang dalaga. Sino Kaya ang dalagang iyon? Matama siyang napatingin sa dalaga mukhang wala itong malay habang basang-basa nang ulan. Kahit naman kakaiba nag suot nito para namang hindi ito isang masamang tao. Nilapitan niya ang dalaga at tinapik ang mukha pero bigla siyang napatayo nang bigla itong nabuwal pabagsak.
“INAY!” malakas na tili nang dalaga at tumakbo at iniwan ang dalang lampara at ang dalagang walang malay na nabuwal.
“Oh, bakit ka tumatakbo? Anong nangyari?” tanong nito at lumabas para salubungin ang anak niya. “Umuulan bakit ka---” natigilang wika nito nang makitang may itinuturo ang anak. Napatingin naman ito sa tinuturo nang anak niya.
“Ano bang nangyayari? Bakit hindi ka magsalita.”
“’Nay. May Patay.” Wika nito saka napalunok. Bakas naman sa mukha nang nanay niya ang labis na gulat. Agad niyang hinatak ang anak niya papasok nang kubo. Saka tumingin sa paligid at isinara ang pinto nang bahay nila.
“Nay anong ginagawa mo?” Tanong nang dalaga sa ina.
“Sabi mo may patay.” Wika nito sa anak. “Baka may mga guardia sibil at rebelde sa paligid.” Wika pa nito.
“Hindi yun Inay.” Ani sa ina. Napakunot naman ang noo nang babae dahil sa sinabi nang anak niya.
“Anong ibig mong sabihin?” Takang tanong nito.
“Sumama kayo sa ‘kin.” Wika nang dalaga at hinawakan ang kamay nang ina niya saka inakay patungo sa kung saan niya nakita ang dalagang walang malay. Gaya nang inaasahan mabigla ang nanay niya nang makita ang dalaga. Pero agad din naman itong nakabawi sa pagkaka bigla saka nilapitan ang dalagang walang malay. Nang pamagtantong humihinga pa ito. Sinabi nito sa anak niya na tulungan siyang dalhin ang dalaga sa kubo nila. Kahit nagdadalawang isip. Tinulungan niya ang nanay niya na buhatin ang dalaga patungo sa kubo nila.
Ipinahiga nang mag-ina ang dalaga sa pagpag nang makapasok sila sa kubo nila. Pinalitan din nila nang tuyong damit ang suot nitong damit dahil basang-basa ang dalaga. Habang natutulog ang dalaga matama lang na nakatingin ang mag-ina sa kanya. Talagang naguguluhan sila sa dalagang iyon at nag-iisip kung saan ito galing.
“Aw.” Mahinang daing ni Ren sabay sapo sa ulo niya. Nagmulat siya nang mata. Ilang sandali siyang nakatingin sa itaas. Tama ba ang nakikita niya. Pawid na bubong ang nasa itaas niya. Sinubukan niyang alalahanin kung anong nangyari sa kanya. She remember, running araw after witnessing the wedding of Nathan ang Shane. Then she woke up in a forest. Naalala niyang grabeng sakit sa ulo ang naramadman niya enough for her to pass out sa tabi nang isang puno. Alam niyang basang-basa siya sa ulan at kahit anong gawin niya para labanan ang sakit sa ulong nararamdaman niya hindi parin niya nagawa hanggang sa mawalan siya nang malay and then she remember nothing about what happen next. Ngayon naman nakatingin siya sa bubong na pawid sa itaas niya. Hindi niya maintindihan ang nangyayari.
“Maria, gising na ba siya?” Isang boses ang narinig ni Ren. Nang marinig niya ang boses nang nagsalita bigla siyang napalingon. Bigla siyang napabalikwas nang bangon nang makita ang dalawang babae. Isang ginang na sa palagay niya nasa late thirties nito at isang dalagang sa palagay ni Ren ay kasin gulang lang niya at ang bagay na unang umagaw nang atensyon niya ay ang suot nang mga ito.
“Binibini. Alam mo ba kung saan ka nakatira? Mukhang hindi ka mula sa lugar na ito.” wika nang ginang sa kanya at inilapag ang isang tasang ngayon lang nakita ni Ren.
“Tuyo na ang mga damit mo.” Wika nang dalaga at inilapag sa papag ang mga damit niyang nilabhan nito. Napatingin siya sa damit niyang nakatupi. Ito ang suot niya noong umalis siya sa simbahan. Hindi niya maintindihan ang nangyayari. At kung nasaan siya ngayon at kung na nanaginip ba siya.
“Inay, Pepe ata siya.” Wika nang dalaga at napatingin sa ina niya nang hindi nagsalita ang dalaga.
“Aw!” daing nang dalaga nang kurutin niya ang sarili niya. That hurts for a dream. Wika ni Ren sa isip niya.
“Aw?” tanong nang dalaga.
“Kung naaalala mo kung saan ka nakatira. Sasamahan ka namin sa bayad. Luluwas din kami ngayon.” Wika nang ginang sa kanya.
Bayan? Tanong nang dalaga. Alam niyang tagalog naman ang salitang ginamit nang mga ito pero bakit parang kakaiba. Maging ang suot nila. Sa mga libro lang niya nakita ang mga ganoong kasuotan. At nahihirapan siyang pagdugtong-dugtungin sa utak niya ang mga nangyayari lalo na ang intindihin kung nasaan siya ngayon at kung anong nangyari sa kanya.