Biglang nabuwal sa semento ang dalaga dahil sa biglang pagtigil nang kabayo sa harap niya. Gulat siyang napatingin sa paa nang kabayo na nasa itaas niya. Pinahinto nang kutsero ang kabayo nang makita nito ang dalaga na nasa harap nang daraanan nila.
“Anong nangyayari?” tanong nang binata na nasa loob nang nang kalesa.
“Senior. May dalaga kasing nasa harap nang kalsada.” Wika nang kutsero sa binata.
“Ren Athea.” Wika ni Maria saka lumapit sa dalagang nabuwal sa semento. Napatingin naman ang dalawang dalaga sa kutsero at sa kalesa sa harap nila.
“Kayong dalawa ano sa tingin niyo ang ginawa niyo!” asik nang isang sundalo na lumapit sa kanila. Napatingin naman si Ren sa lalaki.
“Paumanhin. Hindi namin sinasadya.” Wika ni Maria saka tinulungang tumayo si Ren at akmang tatalikod.
“Espera un minuto!” wika nang guard. Bigla namang napaigtad si Maria. Napatingin si Ren sa dalaga. Tila bigla itong naubusan nang dugo sa mukha at namutla. At halatang takot na takot.
“Bakit?” pabulong na wika ni Ren sa dalaga.
“Guardia Civil.” Halos na nginginig na wika nito. Napatingin naman si Ren sa sundalo.
“Hindi ka tagarito?” tanong nito at napatingin kay Ren. Agaw atensyon ang suot niyang damit. Naptaingin lang si Ren sa lalaki. Ano naman ang sasabihin niya? Sasabihin ba niyang mula siya sa ibang panahon?
“Isa kang Estranghero. Saang lugar ka galing?” tanong nito.
“Anong nangyayari sa labas?” tanong ulit nang binatang sakay nang kalesa sa kutsero.
“Mukhang kinakausap nang guardia civil ang dalagang may kakaibang kasuotan.”
“Kakaiba?” Ulit nang binata.
“Ganoon na nga Senior. Parang hindi siya mula sa bayan natin. Kakaiba ang pananamit niya.” Wika pa nito. Napatingin naman sa labas nang bintana ang dalaga. Nang hindi niya makita ang nasa labas. Naisip niyang bumaba.
“Que esta pasando aqui?” wika nang binata nang makababa. Napatingin naman ang guardia civil sa nagsalita. Maging si Maria at Ren ay napatingin din nakita nilang bumaba mula kalesa. Tila nabato si Ren mula sa kinatatayuan niya habang nakatingin sa lalaki.
Bigla niyang naalala ang lalaking sa picture frame. Kamukha din nito ang binatang tumulong sa kanya nang masiraan siya nang kotse. Parehong makising ang tindig. Kahit suot nito ang tila sinaunang porma ni Dr. Jose Rizal makisig pa din ang tindig nito. Maging ang binata sa panahon nila, nakasuot nang rider’s suit nang makita niya talagang ang kisig nitong tingnan. Para itong isang artista ka angking kagwapuhan at kakisigan.
Habang naglalakad ang binata papalapit sa kanila napatingin si Ren dito. Maging ang binata ay napatingin din sa kanya.
“Ano bang nangyayari dito?” tanong nang binata.
“Senior Carillo.” Wika nang sundalo.
Matama namang napatingin ang binata sa dalaga. Sa pananamit nito masasabi niyang hindi ito mula sa bayan nila. Isa itong estranghero. At ngayon lang siya nakakita nang babaeng ganito manamit. Walang babae sa bansang ito ang nagsusuot nang ganoong damit. At ang kutis nito. Hindi mo rin masasabing isa siyang alipin. Para bang alagang-alaga ang kutis nito. At hindi rin niya makumbinse ang sarili niya na may sakit ito sa pag-iisip gaya nang sinasabi nang alipin nila.
“May matutuluyan ka ba sa bayang ito?” tanong nang binata sa dalaga.
“Sa ngayon wala pa. Pero wala akong planong manatili dito. Kailangan kong bumalik sa amin.” Wika nang dalaga.
“Alam mo ba kung papaano makakabalik sa inyo?” Tanong nang dalaga.
“Hindi rin. Ni hindi ko alam kung papaano ako nakarating sa lugar na ito.” anang dalaga.
“Hindi mo alam kung papaano ka nakarating dito?” tanong nang binata. Umiling ang dalaga. Totoo naman ang sinasabi niya. Wala siyang alam kung papaano siya nakarating sa lugar na ito. Dahil ang alam niya naaksidente siya habang lumalayo sa kasal ni Nathan at Shane.
“Aling Susima. Hindi ba kulang tayo nang kasambahay ngayon?” wika nang binata sa ginang.
“Oho Senior. Umalis ang isa sa mga alipin.”
“Kung ganoon. Pwede kang manatili dito bilang isang alipin.” Wika pa nang binata.
“Alipin? Ako?” gulat na wika nang dalaga.
“Bakit may iba kang imumungkahi? Kapag nakita nang mga guardia civil ang ayos mo pwede ka nilang ipahuli. Pwede nilang sabihing isa kang estrangherong kinakalaban ang gobyerno.”
“Ha?” gulat na wika nang dalaga. Saan naman galing ang narrative na iyon? Sa isip nang dalaga napaka bossy naman nang binatang nasa harap niya.
“Salamat sa kabaitan mo Senior.” Wika nang ginang.
“Sandali lang hindi pa naman ako pumapayag na maging alipin.” Wika nang dalaga.
“May iba ka bang pagpipilian? Nakikita kung kailangan mo nang tulong at handa kitang tulungan. BIlang may-ari nang bahay na ito bibigyan kita nang pagkakataong magkaroon nang bahay na matutuluyan. Kapag alam mo na kung papaano ka makakabalik sa bahay nito pwede ka nang umalis.” Wika nito at tumalikod. “Aling Susima. Samahan niyo siya sa silid nang mga alipin at bigyan nang ibang kasuotan. Hindi siya pwedeng makita nang iba sa ganyang ayos.” Wika nito saka naglakad paakyat nang hagdan.
“Senior Carillo?” ulit ni Ren. Narinig nang binata ang sinabi nang dalaga kaya napatingin ito sa kanya.
“Kilala niyo siya senior?” tanong nang guardia at napatingin sa dalagang nagsalita. Napatingin muli ang binata sa dalaga. Alam niyang ngayon lang niya nakita ang dalagang ito. Hindi niya alam kung bakit siya nito kilala.
“Ako nang bahala dito.” Wika nang binata. Nagpaalam naman ang Guardia sa kanila.
“Senior Carillo.” Wika ni Susima na dumating. Napatingin naman ang binata sa ginang na lumapit sa kanila.
“Anong nangyari dito Maria?” tanong nang ginang sa anak niya.
“Wala po inay. Kasi si---” wika ni Maria saka tumingin kay Ren. Napatingin naman ang binata sa dalaga. Saka pinasadahan ito nang tingin mula ulo hanggang paa.
“Sa bahay na natin ito pag-usapan.” Wika nang binata saka tumalikod. “Dalhin nito din ang kasama nito.” Wika nang binata saka naglakad patungo sa kalesa at sumakay. Umatras patungo sa gilid nang kalsada sina Ren para bigyan nang daan ang binatang papaalis.
“Inay anong gagawin natin ngayon?” tanong ni Maria habang nakatingin sa ina niya. Napatingin lang ang ginang sa kanilang dalawa.
“Sumunod nalang tayo sa kanya. alam mo namang hindi natin siya pwedeng suwayin.” Wika pa nito.
“Sino ho ba siya?” tanong ni Ren.
“Hindi mo siya kilala?” tanong ni Maria at tumingin sa dalaga na may halong pagtataka. Walang sino man sa bayan ang hindi nakakakilala sa binata. Mula ito sa mayamang at ma impluwensyang pamilya sa bayan na ito.
“Ano kamo ulit ang pangalan mo?” Tanong nang binatang senior nang dumating sila sa mansion nila. Pinapasok niya sa loob nang bahay ang mag-ina kasama si Ren. Napatingin naman ang dalaga sa mga kagamitan sa loob nang kabahayan. Nasa isip niyang para siyang nasa loob nang isang antique shop. Ang mga kagamitan sa loob nang bahay ay hindi mo makikita sa mga bahay sa 21st century. Napatingin naman ang binata sa dalagang tila na mamangha sa mga nakikita niya.
“Ren Athea ho senior.” Sagot ni Maria nang hindi sumagot ang dalagang abala sa kakatingin sa mga gamit sa buong kabayahan.
“Mula ka sa lugar na ito? Bakit kakaiba ang kasuotan mo?” Tanong nang binata ngunit hindi pa rin sumasagot ang dalaga abala pa rin ang mga mata nito.
“Hindi siya mula sa bayan natin Senior. Mukhang sa malayo siya---”
“Maria.” Biglang agaw nang binata sa sasabihin nang dalaga. “Pepe ba ang kasama mo at ikaw ang sumasagot para sa kanya?” anito na pinipigil ang inis. Napahawak naman si Maria kay Ren para pigilan ito sa kanina pang patingin sa paligid. Napatigil naman si Ren saka napatingin sa binata. Nagsasalubong ang kilay nito at tila parang hindi alam kung papaano ngumiti. Pero kahit ganoon hindi parin maitatanggi ang ka gwapuhan nang binata.
“Hindi ka ba marunong magsalita? At anong karapatan mo para tumingin nang derecho sa mukha ko. Hindi mo ba alam na isang kalapastanganan na tumingin ang alipin sa amo niya?” wika nang binata.
“Alipin?” takang wika nang dalaga saka napatingin sa mag-ina. Nakababa ang ulo nang mga ito at halos hindi nakatingin sa mata nang binata sign of inferiority.
“Oo Alipin. Hindi mo ba alam kung sino ako?” tanong nang binata.
“Dapat ba kilala kita?” tanong nang dalaga.
“Anong sabi mo.” Biglang nagtaas ang boses na wika nang binatang senior.
“Paumanhin senior. May sakit sa kaisipan ang kasama namin.” Wika nang ginanag ta hinawakan ang braso nang dalaga.
“Sakit sa kaisipan?” tanong nang binata saka tumingin sa dalaga nang derecho. They way he sees it mukhang normal naman ang dalaga.
“Siyang Tunay Senior. Bukod sa pangalan niya. Wala na siyang alam tungkol sa pagkatao niya.” Wika pa nang ginang. “Hindi rin niya alam kung saan ang tirahan niya. Kahit ang papano umuwi ay hindi rin niya alam.”