Kung naging matapat sana kayo. Regardless of if your son is a totally jerk. We would have continued our partnership. Kaya lang, you choose to betray our trust.” Wika pa nang binata. “Sasamahan ko na kayo palabas.” Wika nang binata at naglakad papalapit sa pinto at binuksan ang pinto nang opisina ni Andrew.
“You don’t have to.” Wika nang lalaki at padaskul na lumabas. Inihatid lang nang tingin ni Xander ang lalaki papalabas nang opisina ni Andrew. It has been one week simula nang hindi matuloy ang kasal nina Ren at Nathaniel. Tatlong araw na hindi kumain ang kapatid niya. Four additional days na walang ibang ginawa kundi ang umiyak dahil sa nangyari. Kahit na hindi pa ito tuluyang nakaka move on sa nangyari sa knila ni Nathaniel atleast ngayon, lumalabas na ito sa silid niya. She is also starting to go back sa school niya. Sometimes nakikita pa rin niya si Ren na nakatulala. Minsan nasa gilid ito nang pool at nakatingin sa sariling reflection ay biglang iiiyak. Wala naman siyang magawa para sa kapatid niya. Kung pwede lang niyang sugurin si Nathaniel. But he can’t, he would disrepect Ren kung gagawin niya iyon.
“Gusto mong magtransfer nang school?” Gulat na wika ni Ashmaria habang kumakain sila at sinabi ni Ren na gusto nitong lumipat nang school.
“Bakit sa Italy?” tanong ni Xander sa kapatid. Hindi naman nila masisisi ang dalaga kung gusto nitong lumayo. Pareho sila nang paaralan ni Nathaniel. At tiyak araw-araw na nagkikita ang dalawa. Alam nila kung anong dakog iyon para sa dalaga. Lalo na at hindi lang si Nathan ang araw-araw nitong nakikita doon. Maging ang bagong kasintahan ni Nathan ay nakikita din nito doon.
“Nandoon si Lola Alice, lolo Darylle at Tito Kim. And--” wika nang dalaga at napakagat nang labi.
“Is that what you really want?” tanong ni Andrew sa anak. Kahit anong gawin nila mukhang hindi na nila maibabalik ang dating sigla sa mga mata nang anak. Hindi na niya maibabalik ang mga ngiti nito. At ngayon ang gusto nalang nitong gawin ay ang makalayo sa lugar na iyon.
Simpleng tumango naman ang dalaga. Sa loob-loob ni Ren, iyon lang ang pwede niyang gawin sa mga sandaling iyon. Araw-araw na nakikita niya si Shane at Nathan sa Campus lalo lang siyang nasasaktan. People are talking about them and how she was dump by her boyfriend para sa kaibigan niya. It’s inevitable dahil iisa sila nang university.
Ayaw din naman niyang magmukmok sa silid niya dahil masaskatan lang ang mga magulang niya. Ang totoo niyan narinig niya ang pag-uusap nang mga magulang niya. Labis ang pag-aalala nang mga ito sa kanya. Kaya lang kung nandoon siya. Hindi rin naman magiging normal ang buhay para sa kanya. Habang nakikita niya si Nathaniel patuloy niyang maalala ang ginawa nito and how her heart was broken into several pieces.
“If that’s your decision at kung sa palagay mo yun ang makakabuti para saiyo. Wala kong tutol na lumipat ka nang paaralan.” Wika ni Andrew. Masakit man sa kanya na mahiwalay sa bunso niya but it’t the only way for now. Kung sa palagay nito ang paglayo ang makakapaghilom nang sugat sa puso nito bakit siya hahadlang.
“Kung okay ang papa mo, then I am good with it as well. Nandoon naman sina Mama tiyak na mababantayan ka nila.” Wika ni Anica.
“Kapag tumutol ba ako lalabas akong kontrabida?” wika ni Xander.
“And Kill joy.” Dagdag ni Ashmaria.
“Guess I don’t have a choice, Majority rules.” Wika Xander. Ngumiti naman si Ren sa mga magulang niya at mga kapatid. Alam ni Ashmaria at Xander na nag desisyon si Ren hindi dahil gusto niyang umalis kundi dahil gusto nitong maka moveon sa mga nangyari sa kanya.
****
Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Shane nang maabutan sa labas nang faculty nila si Ren. Si Shane at Nathaniel ay parehon Law student's kaya nasa iisang faculty sila. Nang araw na iyon naisip ni Ren na puntahan si Nathaniel. Para sabihin dito ang pagalis niya. Naisip niyang kailangan niyang magpaalam sa binata kahit na sinaktan siya nito dati naman silang magkaibigan.
Napatingin si Ren sa umbok nang tiyak ni Shane na bagay na tila napansin nang dalaga. Napahawak ito sa tiyan niya at bahagyang napaatras.
“Huwag kang mag-alala hindi naman ako desperado para maghabol sa taong may sabit.” Wika ni Ren at tumingin sa kaibigan. Magkaibigan sila ni Shane simula nang highschool. Lahat nang mga sekreto niya sinasabi niya dito maging ang tungkol sa kanila ni Nathaniel and how she was inlove sa kababata niya. She really thought masaya ito para sa kanila. Hindi niya akalaing ito pa ang magiging kaagaw niya sa kasintahan niya. Sa tagal nang pagiging magkaibigan nila hindi manlang niya natunugan na may gusto ito kay Nathaniel. She was very supportive. Ito pa ang tumulong kay Nathaniel para e-set up ang proposal nito noong 18th birthday niya at nang wedding proposal nito. Who would have thought.
“Ren, huwag kang pathetic. Nilinaw na saiyo ni Nathan ang lahat diba. At nakita mo naman siguro. Magkakaanak na kami. Magkaroon ka nang delekadesa.” Wika ni Shane sa dalaga.
“Don’t talk to me about Delekadesa. Dahil as ating dalawa. Ikaw ang kitang-kitang wlaa noon.” Wika ni Ren at napahawak nang mahigpit sa bag niya.
“What---” hindi makapaniwalang wika ni Shane. Ang totoo niyan hindi niya inaasahang magsasalita nang ganoon si Ren. She always speak with grace and would avoid using terms na hindi proper para sa isang babae. She was raised by her parents to talk with respect sa mga tao. Kahit na sabihin, isang dating Mafia Lord ang lolo nito. Masasabing isang dalagang respetado si Ren. Hindi lang siya kundi maging ang mga kapatid nito. Kahit na iniwan siya sa altar ni Nathan. Hindi niya narinig na sumugod ang pamilya nito o sinugod nang Kuya niya na isang miyembro nang armed forces ang binata. Probably because they are trying to protect their family’s name or her reputation o talagang hindi nila ugaling kumilos nang hindi nag-iisip.
“Hindi ikaw ang pinunta ko dito. Wala ako---” wika nang dalaga pero biglang naputol ang sasabihin niya at natigil ang paglalakad niya nang biglang hawakan ni Shane ang braso niya. Napatingin si Ren sa kamay nito na hawak ang braso niya.
“Huwag mo na kaming guluhin Ren.” Wika nang dalaga.
“Don’t worry hindi ko kayo guguluhin. Alam ko kung papaano ilulugar ang sarili ko. Kahit naman pagbaliktarin ang mundo. May pinagsamahan kami ni Nathaniel at magkaibigan kami.” Wika pa nang dalaga at inagaaw ang kamay sa kaibigan. Saka nagsimulang maglalakad papasok sa facult pero bigla siyang natigilan nang magsalita si Shane.
“How pathetic. Iniwan ka na nga sa simbahan dahil inutil ka, Naghahabol ka pa din.” Wika ni Shane. Nang marinig ni Ren ang sinabi nang dalaga bigla siyang natigilan at napatingin dito. Ano naman ang pinupunto nito hindi niya maintindihan.
“Acting like you don’t know?” wika ni Shane at ngumisi saka naglakad papalapit sa dalaga. “Alam mo ba kung bakit ako pinili ni Nathan?” anito at inilapit ang mukha sa kanya. “He chooses me dahil kaya kong ibigay sa kanya ang ipinagkakait mo. Matagal na kayong magkakilala, magkababata, Magkaibigan and fiancee to boot. But you never gave him the things that a man would want. Dahil masyado kang old fashion. Anong pinoprotektahan mo? Ang pangalan nang General mong ama? You want to be viewed as the pure little General’s girl? Tingnan mo ngayon ang nangyari. Iniwan ka nang lalaking mahal mo.” Pabulong na wika ni Shane sa kanya. “Man are humans. Mahina sila sa tukso.” Dagdag pa nito.