I gave him what he wanted. Sa buhay talaga hindi ka sigurado sa magiging hinaharap. Kahit ang matagal nang mag-asawa kapag--” biglang naputol ang sasabihin ni Shane nang bigla siyang itulak ni Ren. Napalakas ang tulak nang dalaga kay Shane at nawalan ito nang balanse. Kung hindi siguro Dumating si Nathan at nasalo si Shane marahil bumagsak na ito sa semento and worse couold have happen. Nakita ni Ren ang reaksyon ni Nathan dahil sa nangyari. That fury in his eyes. Ngayon lang niya iyon nakita.
Parang gusto siya nitong kainin nnag buhay sa uri nang titig nito sa kanya. Bigla siyang napaatras. Maging siya ay nagulat din sa ginawa niya. It was not her intention to hurt Shane. Hindi lang niya nagustuhan ang mga sinabi nito. Hindi niya alam kung gaano ka totoo ang mga sinabi niyo sa kanya pero hindi niya matanggap iyon and her defense is to push her nakalimutan niyang buntis ito.
“Ano sa tingin mo ang ginagawa mo Ren!” malakas na sigaw ni Nathan dahilan para mabaling sa kanila ang tingin nang mga estudyante doon. Bigla namang natigilan si Ren at napatingin sa paligid. Pinagtitinginan silang lahat and it appears that siya ang nasa hindi magandang posisyon. Buntis si Shane regardless of what she said dapat hindi naging ganoon ang naging reaksyon niya Paano kung tuluyang bumagsak sa semento si Shane eh di napahamak maging ang bata sa sinapupunan nito. Thinking about that bigla siyang inatake nang matinding guilt.
“I didn’t mean to----”
“Whatever your reason is. Hindi mo ba nakitang buntis siya? Paano kung may nangyari sa kanya dahil sa pagiging careless mo. I know you are angry about me and what happen to us. Pero hindi mo naman dapat ibunton ang galit mo sa kanya. I told you---”
“I said I didn’t mean to.” Agaw nang dalaga sa sasabihin nang binata. Saka napatingin kay Nathan. “Kung sasabihin ko bang kasalanan ni Shane kung bakit ko siya itinulak maniniwala ka?” tanong nang dalaga.
“Ngayon gusto mong isisi kay Shane ang nangyari. How pathetic can you get.”
“Pathetic?” Sakristong wika ni Ren sa dalaga. “Yes. Probably. Dahil may simpatya parin ako para sa isang tulad mo. I should have known. Hindi ko na dapat sinasayang ang oras ko sa isang tulad mo.” Wika ni Ren saka naglakad papaalis.
“You should have done that long before.” Habol ni Nathan sa dalaga at napatingin dito. Napakagat labi lang ang dalaga habang nakakuyom ang kamao. Nagagalit siya sa sarili niya higit kanino man. Bakit pa niya naisip na magpaalam kay Nathan. Iniisip ba niyang magbabago ito at babalik sa kanya kapag sinabi niyang aalis siya? Ito tuloy ang napala niya ngayon. Nakita lang nang buong faculty nila kung gaano siya ka pathetic sa paghahabol sa tulad ni Nathan.
Nang makaalis sa Faculty of Law. Dumiretso siya sa sasakyan niya. At doon walang tigil na umiyak si Ren. Inipon niya ang lakas nang loob niya parang muling makita si Nathan. Hindi dahil umaasa siyang babalik ito sa kanya but to end everything in good terms. Hindi naman niya akalaing maririnig niya sa bibig ni Shane ang mga bagay na iyon. Napaisip tuloy siya. Isa ba iyon sa mga dahilan kung bakit tumingin sa iba si Nathan? Akala ba niya malinaw sa kanila na hindi sila magiging intimate hangga’t hindi sila kasal. Hindi sa dahil isa siyang old fashion. Pero dahil gusto niyang humarap sa simbahan nang walang bahid dungis. Gusto rin niyang patunayan na kahit moderno na ang panahon hindi lahat nang babae basta-basta bumibigay sa gusto nang mga lalaki. Nakalimutan niyang tao lang din si Nathaniel at hindi santo. And luckily for him nandoon si Shane to give him what she can’t offer.
Napaisip ang dalaga. Kung ganoon ka babaw ang pagtingin ni Nathan sa relasyon niya he could have been more aggressive, pero bakit naging matiyaga itong maghintay. He showed her respect and respect sa mga desisyon niya. Was it all just but a lie? Dahil sa kakaiyak at kakaisip sa nangyari. Hindi na namalayan ni Ren na nakatulog na siya sa loob nang sasakyan. Kung hindi pa kumatok ang security guard nang university hindi siya magigising. Napatingin siya sa labas malakas ang ulan at gabi na din.
“I should go home.” Wika nang dalaga at binuhay ang makina nang sasakyan niya. Saka pinaandar iyon papalayo nang University. Napansin din niya ang missed calls sa cellphone niya mula sa mama at papa niya. Maging si Xander at Ashmaria ay may mga tawag din sa kanya tiyak nag-aalala na ang mga ito sa kanya. Kapag hindi pa siya umuwi baka lahat nang miyembro nang Sandatahang lakas sumugod sa Univerisity nila. Bago siya umalis. Tumawag siya sa mama niya at sinabing nakatulog siya sa sasakyan kaya hindi siya naka sagot sa tawag nito pero papauwi na siya kaya hindi na ito dapat mag-alala. Mukhang nakahinga naman ito nang maluwag nang tumawag siya. Simula nang hindi natuloy ang kasal lalong naging protective sa kanya ang pamilya niya para siyang isang basong mababasag kapag nasagi. Ayaw niyang maging pabigat poero mukhang iyon ang nangyayari ngayon.
***
What now?” Wika ni Ren nang biglang marinig ang isang malakas na tunog kasabay ang paghinto nang sasakyan niya. “Oh My gosh. Don’t tell me dito pa ako masisiraan?” Usal nang dalaga. Napatingin siya sa labas nang bintana nang sasakyan niya. Gabi at malakas ang ulan. The last thing she wants is to have her car broken sa gitna nang malakas nang ulan. Kakatapos lang niyang umiyak matapos ang tagpo sa university nila. Wala siyang ibang gustong gawin ngayon kundi ang umuwi. Mukhang hindi naman nakikisama sa kanya ang pagkakataon.
“Anong gagawin ko? Wala naman akong alam sa sasakyan. I should have asked Kuya Xander about cars.” Wika nang dalaga saka napatingin sa bag niya na nasa likod. “Sana hindi busy si Kuya ngayon.” Biglang sumiglang wika nang dalaga nang maalala ang kapatid. Nagmamadali niyang kinuha ang bag niya at kinuha ang cellphone sa loob saka tinawagan ang kapatid.
“Ren! Where are you?” biglang wika nang binata sa kabilang linya nang sagutin ang tawag niya. Bakas sa boses nito ang pag-aalala.
“Kuya.” Mahinang wika nang dalaga.
“Bakit? Anong nangyari saiyo?” Nag-aaalalang wika nang binata sa kabilang linya. Napatingin naman si Ashmaria sa kapatid at maging si Anica ay napatingin din sa anak nang mabakas ang pagaalala sa boses nito.
“Si Ren ba? Anong nangyari?” tanong ni Anica sa anak niya.
“Dapat hindi na tayo pumayag na dalhin niya ang sasakyan niya. She is not even in a state na pwedeng mag-isa.” Wika ni Ashmaria.
“My car Broke! And it’s raining.” Wika nang dalaga.
“What?” biglang naging iritado ang boses nito sa kabilang linya. Napatingin naman si Ashmaria sa kapatid niya nang biglang naiba ang tono nang boses nito.
“Tumirik ang sasakyan ko. Umuulan. Hindi ko alam ang gagawin ko.” Wika nang dalaga.
“Hey Ren.” Mahinahong wika nang binata sa kabilang linya.
“Yes?” Sagot nang dalaga sa kapatid.
“Are you Crazy!” biglang sigaw nito dahilan para ilayo ni Ren ang cellphone sa tenga niya saka napatingin doon. Napatingin naman si Ashmaria at Anica sa Binatang anak dahil sa pagtaas nang boses nito.
“Ano bang nangyayari?” tanong ni Anica na hindi maitago ang pag-aalal sa bunso niya. Gusto niyang malaman kung anong nangyayari dito.