“Behave yourself, Mr. Idol.” Wika ni Xander at bumaling sa binata.
“Stop it.” Wika ni Ashmaria at hinila ang kapatid niya papalabas. Kasunod nilang lumabas ang mama at papa nila kasama si Claire. Napalingon si Eirick sa pintong sumara bago bumaling sa dalaga.
“Hi.” Simpleng wika nang binata. Nakatitig lang sa kanya ang dalaga at tila inoobserbahan ang kilos niya. “Okay, how should I start.” Wika nang binata. “You can still recognize me, right?” tanong nang binata.
“I don’t know, should I?” maang na wika nang dalaga.
“Oh, so you’ve forgotten about that night.” Ngumising wika nang binata. Alam ni Ren kung anong ibig sabihin nito. At inaamin ni Ren. Kahit naman anong gawin niya hindi niya makakalimutan ang gabing iyon. That man was her first. At hindi siya makapaniwalang nasa harap niya ang lalaking iyon.
“Eirick.” Wika nang binata at inilahad ang kamay sa dalaga. “I think it’s quite rude. We’ve done things together, yet you don’t know my name. We are even having a baby together.” Wika nang binata.
“Baby?” tanong nang dalaga. Sa panaginip niya. When she was in 19th she was also pregnant. Napatingin siya sa binata. It was not a dream? Tanong nang isip niya.
“Oh.” Wika nang binata at binawi ang kamay niya nang mapansing tila nagulat ang dalaga. Mukhang siya ang unang nasabi nang bagay na iyon sa dalaga. “Look. I didnt intend this to happen. We both know what happen that night was because of impulse. But regardless, I want to take responsibility for what happen. Just tell me what you need. I can give money and Support for------”
“MA!” biglang naputol ang sasabihin nang binata nang biglang sumigaw ang dalaga.
“Bakit Ren?” tanong ni Xander na biglang pumasok sa silid kasama si Ashmaria. Nasa labas nang pinto ang dalawa at iniwan nina Anica. Umuwi muna ang mag-asawa para ipaghanda nang pagkain ang bunso nila. Hindi naman gustong umalis ni Xander at iwan ang kapatid niya kasama ang Binatang iyon. Hindi siya kampante at mukhang tama ang desisyon niya. Nang marinig nila ang sigaw nang kapatid nagmamadali silang pumasok sa silid.
“Anong nangyari?” tanong ni Ashmaria saka lumapit sa kapatid niya.
“Ate.” Wika ni Ren saka napahawak sa braso nang kapatid niya. Nang makita ni Xander ang tila takot na reaksyon na mukha nang kapatid niya agad siyang lumapit kay Eirick at hinawakan ang kuwilyo nang damit niya. Nabigla naman si Eirick sa naging reaksyon ni Xander.
“I told you to behave yourself. Mr. Idol.” Gigil na wika ni Xander.
“Xander calm down.” Wika ni Ashmaria. “Ano bang nangyari Ren?” tanong ni Ashmaria saka bumaling sa kapatid niya.
“Pwede bang ilayo niyo sa ‘kin ang lalaking yan.” Wika nang dalaga. Napatingin naman si Eirick sa dalaga. May nasabi ba siya para ganoon ang maging reaksyon nito?
“Pwede bang iwan mo muna kami.” Wika ni Ashmaria kay Eirick. Hinawakan naman ni Eirick ang kamay ni Xander na nakahawak sa kuwilyo niya saka tinanggal saka napatingin sa dalaga.
“I don’t know what I did wrong. I’ll leave for now. Pero babalik ako. Let’s talk about us.” Wika nang binata.
“Huwag ka nang bumalik. Walang kayo para pagusapan.” Wika ni Xander.
“Xander ano ba.” Wika ni Ashmaria sa kapatid niya. Napatingin lang sila sa Binatang lumabas nang silid. Nang makalabas ang binata saka lang bumaling si Xander kay Ren.
Matapos ang nangyari. Nalaman ni Ren sa tita Claire niya na buntis nga siya gaya nang sabi ni Eirick. Hindi siya makapaniwala. Talagang magkakaroon na siya nang gaya nang sinabi nito. Nagbunga ang isang gabing iyon. Sinabi din ni Ashmaria sa kanya na alam ni Eirick ang tungkol sa pagdadalang tao niya at sinabi nito sa kanila na handa siya nitong panagutan. Tinanong siya nang kapatid niya kung ano ba ang relasyon niya sa binata. Sinabi naman niya sa kapatid ang nangyari nang gabing iyon. That night, nang makita niya ang kasal ni Nathan at Shane.
“Alam mo bang hindi isang ordinaryong lalaki lang si Eirick.” Wika ni Ashmaria sa kapatid niya saka binuksan ang TV sa silid. Doon napanood niya ang balita tungkol sa bagong Music Video nang binata at sa bagong series nito. He is the famous idol. Hindi makapaniwala si Ren sa nakikita niya sa TV. He is not into the entertainment industry kaya hindi niya kilala ang binata.
“Do you really believe na pananagutan niya ang kapatid natin.” Wika ni Xander at pinatay ang TV. “With his status sa palagay mo ba he has the luxury to just declare he is going to be a father. Her fan girls would surely break their hearts.” Wika pa nito. “And you don’t need him. Nandito naman kami.” Dagdag pa nito saka tumingin sa kapatid.
“Anong plano mo?” tanong ni Ashmaria sa kapatid niya.
“I don’t know. I am trying to process all the data sa isip ko pero the more I think about it. The more na sumasakit ang ulo ko.” Wika nang dalaga.
“Don’t think about it. It’s not worth it. Kapag ginulo ka ulit nang lalaking iyon. Lulumpuhin ko na siya. Kahit pa isa siyang Idol.” Wika ni Xander.
“Si Nathan?” Tanong ni Ren. Gusto niyang malaman kung alam ba nito ang nangyari sa kanya at kung pinuntahan siya nito sa hospital.
Nagkatinginan naman sina Ashmaria at Xander. The last thing they want her to know is him trying to win her back. Dahil sa tila hinid Maganda ang pagpapakasal nito kay Shane kaya gusto nitong makipagbalikan sa dalaga. Pero iyon ang bagay na nagpagkasunduan nilang magkapatid na hindi sabihin sa kapatid nila.
“He is still the same, a jerk.” Wika ni Xander. “Huwag mo nga silang isipin. Thing about recovering fast. Para makauwi kana.” Wika nang binata sa kapatid. Tumango naman si Ren. Tama ang kuya niya. Bakit naman niya iisipin pa si Nathaniel. May bago na itong buhay sa asawa nito. Ang dapat niyang isipin ay ang kalusugan niya at ang magiging anak niya.
“What’s wrong? Ayaw mo ba nang pakain?” Nag-aalalang wika ni Anica nang biglang takpan ni Ren ang bibig niya at umaktong maduduwal. She was trying to eat pero nang ilapit niya sa bibig niya ang pagkain bigla nalang itong naduwal. Taka namang napatingin sina Andrew, Ashmaria at Xander sa dalaga.
“Ayaw mo ba nang pakain?” tanong ni Anica.
“It’s not that. My stomach is somehow not accepting it.” Wika nang dalaga saka napatingin sa mama niya. Nagkatinginan naman sina Andrew at Anica. Kahit anong pagkain ang dalhin nila ayaw kumain nang dalaga kahit na sinusubukan nitong kumain isinusuka lang nito ang pagkaing sinusubo niya. Hindi naman niya malaman kung anong pagkain ang gusto niyang kainin. Nag-aalala na si Anica sa anak niya. Wala pa itong maayos na pagkain simula nang magising ito. Mabuti nalang at tinanggap nang sikmura nito ang gatas dahil kung hindi tiyak na walang laman ang tiyan nito. Hindi naman nila alam kung anong pagkain ang ibibigay sa anak dahil maging ito hindi alam kung anong gusto niyang kainin.