Napatingin si Eirick sa dalaga dahil sa reaksyon nito. Hindi niya alam kung maniniwala siya sa reaksyon nito. Wala ba talaga itong ideya na nagdadalang tao ito? Kanina lang nang sinabi nang doctor ang tungkol sa kalagayan nang dalaga. Hindi pa nga siya makapaniwala. Pero naisip niya. It make sense kung bakit sinasabi nang dalaga na hindi nito alam kung papaano makakabalik sa kanila at wala itong naaalala sa pagkatao niya. Iniisip niyang baka pinagsisinungalingan siya nang dalaga at may tinatakasan ito kaya napilitan itong magpanggap. Pero sa nakikita niya ngayong reaksyon nang dalaga dapat ba siyang maniwala. Tila wala itong ideya na nagdadalang tao ito. Hindi rin naman niya matanong kung anong nangyari dito dahil wala naman itong alam sa nakaraan niya.
No way! Wika nang isip ni Ren habang tuptop ang bibig niya. Wala namang ibang pwedeng maging ama ang dinadala niya kundi ang Binatang iyon na nakilala niya. It was just one night, gabing gusto niyang makalimutan. Pero pano? Heto at may ebidensya nang gabing iyon. Hindi rin naman niya pwedeng masisisi ang binata. And besides kahit gusto niya itong sisihin papaano? Nandito siya sa ibang panahon and she didn’t even know him. Kahit ang lugar nito hindi na rin niya matandaan. Umalis siya nang hindi nagbabayad nang repair sa sasakyan niya not even looking sa paligid.
“Gulat ka yata. Hindi yata at wala kang ideya sa kalagayan mo.” Wika ni Eirick sa dalaga. Taka namang napatingin ang dalaga sa binata. Talagang gulat siya dahil hindi naman niya alam na magdadalang tao siya.
Am I already dead? tanong nang dalaga habang nakatingin sa mukha nang binata. Kung sa panahon ito buntis siya. Patay na ba siya o ano bang nangyayari sa katawan niya sa panahon niya? Gusto niyang bumalik sa panahon niya para malaman kung anong nangyari sa kanya. Pero paano? Mukhang wala naman siyang alam na paraan para bumalik.
“Anong ibig sabihin nang tingin mo?” tanong nang binata.
“Anong gagawin ko ngayon?” tanong nang dalaga iyon ang lumabas sa bibig niya. Wala siyang ideya kung anong gagawin niya. Ano bang ang mangyayari sa mga kagaya niya sa panahong ito? Natatanggap kaya siya nang mga tao? Sa pagkakaalam niya conservative ang mga tao sa panahon ito kapag nalaman nilang buntis siya at walang amo ano ang magiging tingin nang mga ito sa kanya? Eirick was so kind na patuluyin siya sa mansion. Ano na ngayon ang sasabihin nito na buntis siya? Gaya din ba nang iba paalisin din siya nito? Ano kaya ang iniisip nito tungkol sa kanya ngayon? Masamang babae na ba ang tingin nito sa kanya?
“Tinatanong mo baa ko kung anong gagawin mo? Buhay mo iyan. Ikaw dapat ang magdesisyon. Pero sinasabi ko saiyo. Hindi magiging Madali sa isang tulad mo ang buhay dito. Nakatali sa nakaugalian at mga tao. Hindi----”
“Hindi matatanggap nang Lipunan ang tulad ko.” Agaw nang dalaga saka napahawak sa tiyan niya. What a good way to get pregnant. Hindi ko rin naman alam kung papaano makakauwi sa panahon ko. Anong mangyayari sa atin? Tanong ni Ren habang hawak ang tiyan at tila kinakausap ang nasa sinapupunan niya. Napatingin naman si Eirick sa dalaga. Habang nakatingin siya dito sinasabi niya sa sarili niya na hindi na ito ang panahon na maging mapanghusga siya nakikita naman niyang tila totoo ang ekspresyon nang mukha nang dalaga at tila wala talaga itong ideya sa buntis siya. Masyadong conserbatibo ang panahon ngayon tiyak na magiging tampulan nang tukso ang dalaga maging ang magiging anak nito kapag nalamang buntis ito at walang ama. Kapag nalaman din nang magulang niya na nagpatuloy siya nang kagaya ni Ren sa bahay nila lalo lamang magiging matindi ang galit nang ina niya kay Ren. Hindi pa nga ito absuelto sa naging kasalanan nito sa mama niya.
“Sapalagay ko hindi ka dapat manatili dito.” Wika nang binata. Lalo namang napatingin si Ren sa binata.
Figures. Anang isip niya. Ano nang gagawin niya ngayon? Bukod kay Eirick at kay Maria at sa mama nito wala siyang Kilala sa panahong ito. Kung magiging palaboy siya anong mangyayari sa kanila nang dinadala niya? Baka dito pa sila mamatay sa lugar na ito. Kung alam lang niya kung papaano babalik sa panahon niya.
“Kakausapin ko si Aling Susima at Maria tungkol sa iyo.” Wika nang binata. Simple namang tumango ang dalaga. Wala naman siyang magagawa. Sino ba naman ang gugustuhing nasa bakuran nila ang isang gaya niya. Iniisip niya kung nasa panahon niya siya at nalaman nang Lolo Alfredo niya ang tungkol sa pagbubuntis niya magiging malaking issue iyon lalo na sa Asawa nito. They care so much about their Family name. Ano pa kaya sa panahong ito na hind pa uso na ang mga babae ay nagagawa ang gusto nila. They are treated differently in this timeline. Kaya papaano siya matatanggap ni Eirick at mga tao sa bahay na iyon. Kahit ayaw niya mukhang walang ibang paraan kundi ang umalis.
“Magpahinga kana muna. Nasa bayan pa sina Aling Susima kakausapin ko sila pagbalik nila.” Wika nang binata saka tumaliko sa kanya saka naglakad papalabas. Inihatid lang nang tingin ni Ren ang binata lumabas saka muling nahiga.
Oh well. I’ll think about it paggising ko. Sa ngayon kailangan kong mag-ipon nang lakas, Kung aalis man ako dito dapat may lakas ako. Wika nang dalaga saka ipinikit ang mga mata. Dahil siguro din sa masama ang pakiramdam niya kaya siya agad na nakatulog. Hindi naman napansin nang dalaga na bumalik si Eirick at tumayo sa pinto habang katitig sa kanya.
****
Saan kaba nagpupunta? Nang nakaraang araw bigla ka ding Nawala sa set matapos ang shooting.” Wika nang isang dalaga kay Eirick nang dumating ito sa set. Nasa kalagitnaan sila nang pag so-shooting nang isang pelikula. Hindi naman ganito si Eirick. He would stay sa set hanggang sa sabihin nang director na pack up na sila. Pero noong nakaraang araw bigla nalang umalis ang binata matapos kunan ang parte niya. Mabuti na lamang at wala siyang ibang schedule nang araw na iyon.
“At anong nangyari diyan sa mukha mo?” Tanong nito nang makita ang pasa sa pisngi nang binata. Dulot iyon nang sparring nil ani Xander. Kahit naman natalo niya si Xander hindi naman maipagkakaila na may mga suntok din itong naglanding sa mukha niya at dahil mabigat ang kamao nito hindi maiwasang hindi siya magkaroon nang pasa.
“Napaaway ka ba?” tanong nito.
“This is nothing. At hindi rin ako napaaway.” Wika nang binata saka naglakad patungo sa isang tent kung saan nandoon ang ilang crew.
“Hindi napaaway? E anong nangyari sa mukha mo. Don’t tell me na umpog ka sa pader. That’s not gonna----” putol na wika nito nang biglang lumingon si Eirick sa kanya sa mga mata nito parang sinasabi nito na maniwala nalang siya.
“Eirick. Alam mong---”
“I know.” Anang binata at naupo. Alam naman niya ang gustong sabihin nang manager niya.
“Alam mo naman pala bakit ----”
“Don’t overreact. Okay lang ako matatabunan naman nang make up yan.” Anang binata.
“Minsan hindi ko alam kung bakit ako nakakatagal saiyo.” Wikan ito saka umiling at naglakad patungo sa make up artist. Napangiti lang si Eirick saka isinandal ang ulo sa headboard nang upuan at ipinikit ang mga mata.