Ren!” masiglang wika ni Nathan na pumasok sa silid nang hospital kung kung saan nandoon ang dalaga. Kasalukuyang inaayos nang dalaga ang mga damit niya. Ngayon ang araw na lalabas siya sa hospital. Sinabi nang mama niya na susunduin siya nito. Napatingin siya sa may pinto nang marinig ang boses mula doon. Nang makita ni Ren ang lalaki. Bigla siyang natigilan lalo pa siyang nagulat nang bigla itong lumapit sa kanya at yakapin siya nito.
“I miss you. I am happy you are safe at nagising kana.” Wika nito habang yakap siya. Ilang sandaling natigilan ang dalaga. Nang mapagtanto kung sino ang nakayakap sa kanya bahagya niyang itinulak ang lalaki.
“What are you doing here?” tanong nang dalaga habang nakatingin sa binata.
“Ano bang klaseng tanong yan. Nandito ako dahil dinadalaw kita. I didn’t know na gising kana. I am sorry for everything. Alam kung nagkamali ako. It was all my fault. Naniwala ako kay Shane.” Wika nito at muling niyakap ang dalaga pero marahas naitinulak nang dalaga ang binata.
“Nakikita mo nang gising ako. Pwede ka nang umalis.” Wika ang dalaga.
“Ano bang sinasabi mo? Ako ‘to si Nat. I am your fiancé. I miss you.” Wika nang binata at tinangkang lumapit sa dalaga.
“One more step at sisigaw ako.” Wika nang dalaga at umatras. Natigilan naman si Nathaniel dahil sa naging reaksyon nang dalaga.
“Anong sinasabi mo. Ako parin naman ‘to. Nandito na ako hindi Nakita iiwan.” Wika nito at hinawakan ang braso nang dalaga.
“Let go.” Wika nang dalaga.
“Hindi.” Giit nito. “Hindi na kita iiwan ulit. Wala akong pakiaalam kung magkakaanak ka sa ibang lalaki. Palalakihin ko ang batang parang anak ko. Kalimutan na natin ang nangyari. Bumalik kana sa akin. I have learned my lessons. Walang kwenta ang buhay ko kung wala ka.” Wika nang binata at sapilitang niyakap ang dalaga.
“Bitiwan mo ako. Hindi ako babalik saiyo.” Wika nang dalaga at sapilitang kumawala sa binata pero masyadong malakas ang binata at hindi siya makawala dito.
“Wala bang nagturo saiyo na huwag mong ipagpilitan ang sarili mo sa taong ayaw saiyo.” Wika nang isang baritonong boses saka hinawakan ang balikat ni Nathaniel saka buong lakad na hinatak ang binata papalayo sa dalaga sa lakas nang ginawa nito bumulagta sa sahig ang binata na nabigla sa nangyari. Gulat itong napatingin sa Binatang nakatayo na ngayon sa harap niya habang si Ren ay nasa likod nito.
“Ikaw.” Wika nito nang makilala ang Binatang nakatayo sa harap niya. “Ang lakas nang loob mo. Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Nathan saka tumayo.
“Why else would I be here? Nandito ako para sa mag-ina ko.” Wika nang binata saka nilingon ang dalaga. “You’re not hurt, are you?” masuyong tanong nang binata sa dalaga saka napatingin sa kamay nitong nakayakap sa sarili. He can only imagine how scared she was.
“It’s okay now. I’m here.” Wika nang binata at hinawakan ang kamay nang dalaga. Hindi naman iniiwas nang dalaga ang kamay niya. It was more like she feels safe dahil nandoon ang binata. Napatingin naman si Nathaniel sa kamay nang dalawa. Hindi siya makapaniwal sa nakikita she is not even pushing him away. Kilala niya si Ren. Hindi ito papayag na hawakan siya nang ibang tao lalo na kung hindi niya kilala. Kailan lang ba niya nakilala ang lalaking ito.
“Anong sabi mo? Sino ka ba sa tingin mo? Ako ang fiancé ni Ren. Ang lakas nang loob mo.” Wika ni Nathan na akmang susugurin ang binata pero bigla itong natigilan nang biglang tumingin sa kanya ang binata.
“Fiance?” Sakristong wika nang binata saka humarap kay Nathaniel. “You should wake up. Baka nananaginip ka pa. Nabagok ba ang ulo mo at nakalimutan mong may asawa ka? Sa halip na ginugulo mo si Ren. Just go back to your wife. Mas kailangan ka niya.” Wika nang binata saka tumingin kay Ren.
“Are done packing?” tanong niton sa dalaga. Simple namang tumango ang dalaga. “Good lets go. Tatawagan ko nalang si Xander at ang parents mo. Akon ang maghahatid sa iyo.” Wika nang binata at kinuha ang bag sa ibabaw nang hospital bed saka inakay ang dalaga papalayo.
“Sandali hindi mo siya pwedeng dalhin.” Wika ni Nathaniel saka hinawakan ang braso ni Eirick. Pero marahan na winaksi nang binata ang kamay ni Nathaniel dahilan para muli itong bumagsak sa sahig napatingin naman si Ren sa binata. Ngayon lang niya nakitang tila helpless si Nathaniel. Ang lalaking sa tingi niya noon ang knight and shining armor niya. Para itong isang batang inagawan ang laruan.
“Let’s go.” Masuyong wika ni Eirick sa dalaga saka inakay ito papalabas nang silid. Habang naglalakad sila papalabas nakasalubong nila si Claire na inayos ang discharge papers ni Ren. Nang makasalubong nito ang pamangkin napansin niya ang kamay nang dalawa na magkahawak. Agad namang napansin ni Ren ang mata nang tita niya kaya agad siyang kumawala sa pagkakahawak nang binata. Lihim namang napangiti ang si Claire dahil sa nakitang kilos nang pamangkin niya.
“Here.” Wika nito iniabot sa binata ang mga papeles.
“Are you sure ikaw ang magbabayad niyan? Alam mo, insured naman ang pamangkin ko and they are not financially struggling.” Wika ni Claire sa binata.
“I know that.” Wika nang binata at kinuha ang inaabot nitong papeles. “This is the least that I can do.” Wika pa nang binata.
“Ikaw bahala.” Wika nito at nagkibit balikat saka bumaling sa dalaga. “Hindi ka ba susunduin nang mama mo?” tanong nito sa dalaga.
“Tatawagan ko sila. Ako nang maghahatid kay Ren.” Wika ni Eirick. Napatingin naman si Claire sa binata. Mukhang masyado na itong komportable ngayon.
“Mabuti pa sa kingdom mo na ihatid si Ren. Nandoon ngayon ang buong pamilya nila.” Wika nito saka tumingin sa dalaga. “Alam nan ang lolo Alfredo mo ang nangyari.” Wika nito sa dalaga. Saka tumingin sa binata. “You know what I mean, right?” tanong nito sa binata. Kahit hindi nito sabihin alam n ani Eirick ang tinutukoy nito.
“Take care of her.” Wika nito sa binata.
“Of course.” Wika nito saka bumaling sa dalaga. “Let’s go.” Wika nito sa dalaga.
“Tita alis na ako.” Wika nang dalaga kay Claire.
“Mag-iingat ka.” Wika nito sa dalaga ngumiti naman ang dalaga at tumango. Sakto namang nakalabas nang hospital ang dalawa nang makasalubong ni Claire si Nathan na hinahanap ang dalaga.
Nang makalabas sila nang hospital. Napansin ni Ren ang isang Van nakabukas ang pinto noon at sa labas nag-aabang ang isang lalaki.
“Eirick.” Wika nito at lumapit sa binata saka napatingin sa kasama nito. “Sino siya?” tanong nito sa binata. “Bakit tayo nandito sa hospital. Don’t tell me may nabangga ka?” tanong nito sa binata.
“Ilang araw kang kakaiba ang kinikilos tapos dadalhin mo kami dito sa hospital paglabas mo may kasama ka nang----” reklamo nito saka tumingin sa dalaga. “Just what’s going on?” tanong nito sa binata.
“Saka ko na ipapaliwanag.” Wika nang binata saka inakay ang dalaga pasakay nang Van. Papasok din sana si Eirick nang makaupo ang dalaga nang bigla siyang hawakan nang lalaki.
“Anong gulo ang pinasok mo?” tanong nito sa binata. Napatingin lang ang dalaga sa dalawa. Sinabi sa kanya ni Ashmaria na isang artista at idol si Eirick hindi siya magtataka kung iniisip lang nang lalaking ito ang image ni Eirick.
“I told you I will explain later. Sa ngayon umalis muna tayo dito. Gusto mo bang makaagaw tayo nang atensyon dito?” wika nang binata. Napahinga nang malalim ang lalaki saka hinayaan ang binata na sumakay sa Van saka isinara ang pinto. Naglakad naman patungo sa passenger’s seat ang lalaki saka sumakay.
“Sa kingdom hotel tayo.” Wika ni Eirick sa lalaki.
“Kingdom hotel?” wika nito at takang napatingin sa binata. Simpleng ngiti lang ang tinugon nang binata sa lalaki sa bumaling sa dalaga.
“Are you okay?” tanong nito sa dalaga.
“I’m okay. Hindi mo kailangang ipakitang nag-aalala ka.” Wika nang dalaga at iniiwas ang tingin sa binata.
“I am worried.” Wika naman nang binata. “Pwede ko namang gawin yun diba?” tanong nang binata dahilan para mapatingin ang dalaga sa kanya nang lumingon si Ren sa binata. Nakasalubong nito ang mata nang binata. Hindi niya alam kung bakit hindi niya magawang tumingin sa mat anito nang matagal and worse kumakabog ang dibdib niya.