Taka namang napatingin ang binata sa dalaga dahil sa reaksyon nito. Tila ito nakakita nang multo dahil sa reaksyon. Habang ang dalaga naman ay hindi makapaniwala. Ano naman ang koneksyon nang binatang ito sa binatang nakilala niya sa panahon niya. Habang nakatitig siya sa binata. Biglang nagiging malinaw sa isip niya ang gabing pinagsaluhan nila. Though she did not intend for it to happen. Masyado siyang malungkot nang mga sandaling iyon. Knowing kung anong dahilan at iniwan siya ni Nathan sa Altar. Nakadagdag iyon sa devastation niya. She was looking for someone to comfort her at that time and then he was there. Though, she regrets everything that happen that night. Kinalimutan niya ang nangyaring iyon. Inisip niyang isa lang iyon panaginip at that hindi na naman sila magkikita ulit nang lalaki. Pero ano itong kakatwang laro nang tadhana sa kanya. Makikita niya sa panahong itong ang binata and then she was reminded of that passionate night that they’ve shared.
“Anong nangyari saiyo?” Gulat na wika nang dalaga nang makita ang reaksyon ni Ren na biglang tumayo at lumayo na tila nakakita nang multo. Iniwan nitong gulat ang binata habang nakatingin sa kanya. Ang alam nang dalaga may bagong katulong ang mga Carillo. Pero hindi naman niya inaasahan na ganoon ang magiging kilos nito sa harap nang binata.
“Ren Athea.” Wika ni Maria na tumatakbong papalapit sa kanila. “Anong nangyari saiyo?” Tanong nito saka biglang natigilan nang makita si Eirick na basa din.
“Naku Senior. Anong nangyari sa inyo.” Natatarantang wika nito nang makita ang ayos nang binata. Ngunit na kay Ren ang atensyon ito.
“Ano bang nangyari saiyo.” Wika niyo saka lumapit sa dalaga.
“Pepe ba yang kaibigan mo? Bakit ayaw niyang magsalita?” tanong nang dalaga kay Maria. Napatingin lang si Maria sa dalaga. Napabuga nang hangin ang dalaga dahil sa hindi makapaniwala sa reaksyon nang dalawa.
“Umurong ba ang dila mo nang mahulog ka sa tubig?” wika nang dalaga nang hindi nagsalita si Ren at nakatitig lang ito kay Eirick na tila nakakita nang multo. “Ano ba yang----” natigilang wika nang dalaga nang biglang tumayo si Eirick at nakatingin parin sa dalaga.
“Bumalik kana sa bahay at magpalit nang damit.” Wika nang binata kay Ren. “Mauna na kayo sa bahay.” Wika nito kay Maria.
“Masusunod Senior.” Wika nang dalaga. “Tayo na.” wika ni Maria saka inakay ang dalaga papalayo sa kanila.
“Salamat Senior.” Wika nang dalaga saka nagpaalam sa binata at nagmamadaling umalis habang ang dalaga namang kasama ni Eirick ay hindi makapaniwalang napatingin kay Ren saka bumaling sa binata.
“Masyado ka yatang nagiging mabait sa kasambahay ninyo.” Wika nito sa binata.
“Anong gusto mong gawin ko? Ang sungitan siya? Nakita mo naman siguro ang nangyari sa kanya.” Anang binata.
“Nakita ko. Maging ang Reaksyon mo. Kung hindi ko pa alam na alipin niyo siya iisipin kong nag-aalala ka sa kanya.” wika nang dalaga. “Eirick. Alam mo bang ito ang unang beses na tinitigan mo nang ganoon ang isang babae. Siya ang una, matapos mamatay nang dati mong asawa.” Wika pa nang dalaga. Taka namang napatingin si Eirick sa dalaga. Ano ba ang tingin niya sa dalaga kanina?
“Hindi ka makapagsalita? Sana nakita mo ang sarili mo nang malaman mo kung anong ibig kong sabihin.” Wika pa nang dalaga.
“Saka na tayo mag-usap. Ipapahatid na kita sa inyo.” Wika nang binata at akmang iiwan ang dalaga ngunit biglang hinawakan nang dalaga ang kamay nang binata. Taka namang napatingin ang binata dito.
“Anong nangyari sa iyo?” tanong nang ina ni Maria nang makasalubong ang dalawang dalaga at makita ang basang-basa na si Ren. Agad ito kumuha nang tuyong tapis at inilagay sa balikat nang dalaga.
“Magbihis ka nang hindi ka magkasakit.” Wika pa nito. Agad namang sumunod ang dalaga at pumasok sa silid nila. Taka lang na napatingin ang mag-ina sa dalaga.
“Alam mo inay. Nakakapagtaka si Ren Athea hindi ho ba? Wala siyang alam sa mga gawaing bahay. At ang kutis niya parang sa mga Peninsulares. Hindi talaga ako makapaniwala na wala siyang maalala sa pagkatao niya.” Wika ni Maria.
“Kung ano-anong iniisip mo. Mabuti pa ay tulungan mo nalang akong maghanda nang hapunan. Darating ngayon sina Senior. At sabihan mo si Ren Athea na huwag nang tumulong sa pagsisislbi. Dahil may mga opisyal na darating baka makagawa pa siya nang mali sa harap nila.” Wika pa nito. Tumango lang si Maria sa sinabi nang nanay niya saka sumunod dito.
*****
Gusto ko nang umuwi.” Ani Ren habang nakatingin sa tubig nang ilog. Noong isang araw lang kamuntik na siyang malunod dahil sa paghabol niya sa ate niya. Hindi niya alam kung anong nangyari. Pero simula nang araw na iyon. Nakailang balik na siya sa ilog kahit na ilang beses na siyang sinabihan ni Aling Susima na huwag bumalik doon. Hindi niya mapigilan ang sarili niya. Kung may paraan para makabalik siya sa panahon niya gagawin niya. Habang nakatingin ang dalaga sa tubig nang ilog biglang pumasok sa isip niya ang nakita niya noong nakaraang araw. Sa isip niya paano kung ang ilog ang portal pabalik sa panahon niya. If she die in this timeline. Pwede siyang mabuhay ulit sa panahon niya? Iyon ang nasa isip niya. Not making any sense. Pero para sa dalaga. Her being in that timeline is also not making sense.
“Ano sa palagay mo ang ginagawa mo.” Wika nang isang baritonong boses saka hinawakan ang braso nang dalaga. Akmang lulusong ang dalaga sa tubig. She was thinking of drowning herself. Thinking it may be the way para maka balik siya sa panahon niya. Pero bago paman siya makalusong sa tubig may mga kamay na na pumigil sa kanya. Dahil sa pagkabigla. Napatingin siya sa may hawak sa kanya. Ganoon na lamang ang gulat niya nang makita si Eirick.
“Senior.” Wika nang dalaga.
“Ano ang ginagawa mo dito? Noong isang araw lang muntikan kanang malunod.” Wika nang binata sa dalaga. Napatingin naman si Ren sa tubig. Saka bumaling sa binata.
“Nagbabakasakali akong may maalala ako dito.” Wika nang dalaga saka bahagyang lumayo sa binata ngunit sa paglayo niya hindi niya napansin ang madulas na bato.
Nakita nang binata na akmang mahuhulog ang dalaga sa tubig at ang reflex niya ay ang mabilis na kabigin ang dalaga papalapit sa kanya. Nang kabigin niya ito agad niyang hinapit ang bewang nang dalaga para suportahan ito. Dahil naman sa gulat na nangyari. Napadantay ang kamay nang dalaga sa dibdib nang binata saka takang napatitig dito. Oh her heart was racing at time. Hindi niya alam kung dahil ba sa nabigla siya sa ginawa nito. O dahil sa nakatingin siya sa gwapong mukha nang binata at ang biglang pumasok sa isip niya ay ang gabing pinagsaluhan nila nang kamukha nito sa panahon niya. Nang mapagtanto iyon nang dalaga bahagya niyang itinulak ang binata. Napakunot naman ang noo nang binata dahil sa reaksyon ni Ren.
“Alam mo bang pangalawang beses mo na akong itinutulak papalayo.” Wika nang binata. Bahagya namang napakagat nang labi ang dalaga. Hindi naman niya gustong itulak ang binata kaya lang biglang pumapasok sa isip niya ang gabing iyon. And when that happens ang mukha nang binata ang nasa harap niya Siyempre magugulat siya.
“Wala ka bang sasabihin? Nahahalata ko yatang----”
“Pasensya na senior.” Agaw nang dalaga sa sasabihin nang binata. “Nagugulat lang ako kapag nakikita ko ang mukha niyo.”
“Nagugulat? Ano bang meron sa mukha ko?” tanong nang binata.
You look exactly like that man. Wika nang isip nang dalaga ngunit hindi nalang niya isinatinig. “Alangan ho kasi. Ibig kong sabihin. Bago lang ako dito sa bayan niyo. Tapos -----” putol na wika nang dalaga.
“Wala ka rin palang pinagkaiba sa kanila.” Agaw nang binata. Dahil sa sinabi nito biglang napatingin ang dalaga sa binata. Mukhang may ibig sabihin ang sinabi nang binata.
“Bumalik kana sa mansion. Darating ang Papa at may mga opisyal na kasama. Walang katulong Sina Aling Susima sa paghahanda.” Anang binata saka tumalikod at naglakad papalayo sa dalaga nang hindi ito lumilingon.
“Oho Senior.” Wika nang dalaga. Inihatid lang nang tingin nang dalaga ang binatang papalayo. Nung nakaraan nagpunta din sa bahay nang mga Carillo ang mga Opisyal. Hindi naman siya pinatulong ni Maria dahil sa palpak ang mga ginagawa niya. Kung siya lang ang masusunod mas gusto niyang huwag din tumulong. Wala naman siyang alam at. Mukhang mainit ang dugo sa kanya nang Mama ni Eirick at nang kasintahan nito. Simula nang insidente sa ilog noong nakaraan hostile na ito sa kanya. Kung hindi lang siguro dahil kay Eirick matagal na siyang pinaalis nang mama nito at nang kasintahan ang binata.