“You know. How important Ren to us right?” tanong ni Andrew saka napatingin sa binata.
“Yes sir.”
“And I think, hindi na lihim saiyo ang nangyari sa kanya and that man you saw earlier.” Dagdag pa ni Andrew.
“Yes Sir.” Wika pa nang binata. Parang may nakabara sa lalamunan niya. It took him sometime para maka pagdesisyon na magpakita kay Ren. Dahil tinitimbang niya ang pwedeng mangyari. Kapag nalaman ni Nathan na magkamag-anak sila how would he handle it. Masyadong magigng komplikado ang sitwasyon. Nang pumunta siya sa hospital ang gusto lang niya ay malaman kung anong nangyari sa dalaga. He did not expect na magbubunga ang isang gabing iyon na namagitan sa kanila ni Ren. Wala siyang pagdududa na siya ang ama nang dinadala nito Dahil alam niyang siya ang unang lalaki sa buhay nito.
“I am still not convinced on your intention with my daughter. And I can’t just say. I will accept you and let you marry my daughter. Knowing what happen to her. Alam mo siguro kung saan nanggagaling ang hesitasyon ko.” Dagdag pa ni Andrew.
“I definitely understand sir.”
“Good. Mabuti ang malinaw. Now. You can go back to where you belong and never show your face infront of me or my child again. Bago ko gamitin ang pagiging General ko at ipadampot kita sa mga pulis. Kahit isa ka pang kilalang artista. I don’t care.” Wika ni Andrew dahilan para mapatingala si Eirick at tumingin sa ama ni Ren. Nakakatakot ang boses nito. He is clearly trying to sound calm but those silent roar is like thunder. Biglang nagtaasan ang mga balahibo niya sa kamay at batok dahil sa kilabot.
“I’m done here.” Wika ni Andrew saka tumayo.
“Thank you for being honest. But I don’t think we are ready to accept what you said.” Wika ni Anica saka tumayo sa kinauupuan at sinundan ang asawa. Napatingin naman ang tatlo sa mag-asawa na umalis.
“Oh well. Your love of first sight story is not selling Boy. Umuwi ka nalang at umarte.” Wika ni Xander at tumayo.
“You know. I am not acting when I said I will marry her.” Habol ni Eirick.
“Yeah, yeah I heard you.” Wika ni Xander na naglakad papalabas nanag restaurant at patalikod na kumaway sa kanila. Napatingin naman si Ashmaria sa binata bago walang kibo na sumunod sa kapatid.
Napabuntong hininga naman si Eirick nang maiwan sa loob nang restaurant. Para siyang humarap sa isang paglilitis. Though it was short pero pakiramdam niya para siyang bibitayin. Hindi pala biro ang pamilya nang dalagang iyon. Napatingin siya sa hawak niyang Larawan. Simula nang umalis sa bahay niya ang dalaga. He has this weird dreams na para bang nagkita na sila nang dalaga. In his dreams para silang nasa ibang panahon. Ang damit na suot nang babae at lalaki sa larawan ay katulad na katulad nang sa panaginip niya.
He even asked ang mama niya kung kamukha ba niya ang lolo niya dahil sang lalaking nasa larawan ay kamukhang-kamukha niya. Sabi nang mama niya hindi niya kamukha ang lolo niya. Lalo na sa side nang papa niya. Kaya naman nakakapagtaka na mayroon sila nang larawang iyon. At hindi rin matandaan nang mama niya na kamukha ni Ren ang lola niya. O ang mga ancestors nila. Mukhang mahihirapan siya sa dalagang ito. Ang mga magulang palang nito mukhang hindi papayag na basta-basta nalang mag-asawa ang anak nila dahil lang sa isang gabing may nangyari at sa magiging anak nila.
Isang malalim na buntong hininga ang pinawalan ni Eirick bago tumayo sa kinauupuan saka naglakad papalabas nang Restaurant.
****
Napabuntong hininga si Ren sabay naupo sa batuhan sa gilid nang isang ilog. Ang ilog na ito ay malapit sa bahay nang nag Carillo kung saan siya nagmamasukan. Ilang araw na siya sa panahon na iyon pero hindi pa rin niya alam kung papaano makakabalik sa panahon niya. Iniisip niya kung anong nangyari sa kanya. O kung namatay siya sa aksidenting kinsangkutan niya.
Mula siya sa ibang panahon at ang mga nakaugalian sa panahon ito ay bagay na hindi niya maintindihan. Nandiyan pa ang tila umiinit na tension sa pagitan nang mga Filipino at Spanish Government nang mga sandaling iyon. Basi sa naaalala niya, dalawang taon pa mula sa taon kung nasaan siya makakalaya ang mga Filipino mula sa spanish colonozation. Sa mga nababasa at naririnig din niya mula sa usapan nang mga Seniora na dumarating sa bahay nina Eirick. Kamakailan lang nang Dumating sa bansa si Dr. Jose Rizal mula sa pagkakadakip nito nang magpunta ito sa Espanya at ngayon nga ay nakakulong at naghahanda sa paglilitis niya.
Isang malalim ba buntong hininga ang pinawalan ni Ren saka nagpukol nang bato sa ilog. Bigla siyang natiglan at napatayo mula sa kinauupuan nang bigla niyang makita ang nangyaring aksidente sa kanya mula sa malinaw na tubig. Nakita niya ang Ate Ashmaria niya na kabilang sa mga rescue na dumating nang malaman ang tungkol sa aksidente. Tila ba nasasabik na tinawag niya ang Ate Ashmaria niya na para bang maririnig siya nito. Nakita niyang inilabas mula sa kotse ang duguan niyang katawan habang ang kapatid niya ay tulala sa gilid na halos hindi alam kung anong gagawin.
“Ate----” Iyang ni Ren nang makitang umalis ang ambulansyang sinakyan ni Ashmaria lulan ang katawan niya. Dahil sa paghabol nang dalaga. Hindi niya napansin na ang nakikita niya ay mga imahe lang at nasa gilid siya nang ilog. Sa paghabol nang dalaga. Bigla siyang nahulog sa ilog.
“Help!” wika ni Ren at pilit na inaahon ang sarili niya sa tubig ngunit hindi siya marunog lumangoy at unti-unti siyang lumulubong.
Habang naglalakad si Eirick at ang isang dalaga sa tabi nang ilog napansin niya ang dalagang alipin na nakaupo sa may batuhan. Nabigla pa siya nang bigla itong tumayo. Ganoon na lamang ang gulat nang binata nang makita niya nang biglang mahulog sa kinatatayuan ang dalaga. Pinagmasdan muna niya ito sa pag-aakalang makakaahon agad ito ngunit hindi.
Nang mapansing tila nahihirapan ang dalaga habang nasa tubig. Kahit na nagsasalita ang dalagang kasama niya. Nagmamadali siyang tumakbo patungo sa dalaga at walang ano-ano na tumalon at sinagip ang dalaga mula sa pagkakalunod. Ang dalaga namang kasama ni Eirick ay natigilan lang at napatingin sa binata. Hindi niya inaasahan na ang isang tulad ni Eirick ay hindi magdadalawang isip na iligtas ang isang alipin mula sa pagkalunod. Nang makita niyang iniaahon ni Eirick ang dalaga mula sa tubig. Nagmamadali siyang lumapit sa dalaga.
“Nababaliw ka na ba?!” Asik ni Eirick nang maahon ang dalaga sa tubig. Panay ang ubo nang dalaga dahil sa mga nainom na tubig. Nang makabawi mula sa nangyari. Napatingin siya sa binatang halatang-halata na may halong galit at pag-aalala ang boses.
“Eirick. Okay ka lang ba?” tanong nang dalagang lumapit sa kanila. Bahagya namang napatingin si Ren sa dalaga saka muling bumaling sa binata na napaupo habang habol ang paghinga saka tumingin sa kanya. Bigla namang tigilan sa pag-ubo ang dalaga dahil sa titig nang binata. Habang nakatingin siya sa binata. Bigla nalang tila eksena sa pelikula na bumalik sa alaala niya ang gabing nakasama niya ang binatang tumulong sa kanya nang masiraan siya nang sasakyan. Dahil sa labis na gulat biglang napatayo ang dalaga habang takang nakatingin sa mukha nang binata.