Love Chance - 39

1389 Words
Nang dumating sila sa Kingdom hotel. Sinabi ni Eirick kay Peter na hintayin siya nito sa Van dahil ihahatid niya ang dalaga sa loob. Nang pumasok sila sa lobby. Agad silang binati nang mga staff doon. Hindi naman maiwasan nang binata na hindi humanga sa dalaga. Alam niyang galing ito sa isang mayamang pamilya pero hindi niya akaling para itong prinsesa kung ituring. Habang nasa labi sila, sakto namang dumating si Xander at Ashmaria na nagulat pa na magkasama sila. “Anong ginawa mo dito?” tanong ni Xander sa binata. “Inihatid niya ako.” Wika ni Ren. Napatingin naman ang kambal sa kapatid nila. Noong isang araw lang pinaalis nito ang binata pero ngayon magkasama sila. “Good. Dahil hindi na ako magsasayang nang panahon na hanapin ka.” Wika nang binata kay Eirick. Napakunot naman ang noo ni Eirick at hindi maintindihan ang ibig sabihin nito. “May nangyari ba?” tanong ni Ren sa ate niya. “Kilala mo naman si Lolo Alfredo.” Wika ni Ashmaria. “And you. You have to come with us.” Wika ni Ashmaria saka bumaling sa binata. “Bakit?” tanong ni Ren sa kapatid niya. “Well, responsible parties should explain sa mga elder's kung anong nangyari.” Wika ni Ashmaria. “Dumating din si Lola Alice at Lolo Darylle.” Wika nito na tinutukoy ang mama ni Anica at ang stepdad nito. Napakagat labi naman ang dalaga saka bumaling sa binata. Kilala niya ang lolo Alfredo niya ayaw na ayaw nitong may miyembro nang pamilya nila ang gumagawa nang eskandalo. And he expects less sa kanila dahil nga lumaki sila sa ama nilang tinaguriang Demon General. “Bakit?” nag-aalalang wika ni Eirick nang pumasok sila sa Restuarant nang hotel at umaktong naduduwal ang dalaga. Dahil ba sa amoy nang pagkain? Bumabaliktad ba ang sikmura nito. “Are you not feeling well” tanong nang binata. “I’m okay.” Wika nang dalaga at marahang inagaw ang kamay niya sa pagkakawak nang binata. Sinamahan sila nina Xander at Ashmaria sa isang bahagi nang restaurant kung saan naghihintay si Alfredo, Melissa, Alice at Darylle. Nandoon din sina Andrew at Anica. Nang makita ni Anica si Ren Agad itong tumayo mula sa kinauupuan at nilapitan ang anak saka inakay papalapit sa kanila at pinaupo sa isang bakanteng upuan. Habang sina Ashmaria naman at Xander kasama si Eirick ay naglakad patungo sa mesa. Nakatingin ang apat na matanda sa binata at pakiramdam niya kung may mga kutsilyo pa ang bawat tingin nang mga ito kanina pa napuno nang kutsilyo ang katawan niya dahil sat alim nang titig nang mga ito sa kanya. “Maupo ka.” Wika ni Alfredo sa binata. Tumango naman ang binata at naupo sa isang bakanteng upuan sa tabi ni Ren. Mukhang hindi isang Magandang balita ang napasukan niya. Kung itinuring nalang niyang one night stand ang nangyari sa kanila ni Ren baka wala siya sa interrogation room ngayon. “Bakit? Wala pa rin bang tinatanggap na pagkain ang sikmura mo?” tanong ni Anica sa anak niya nang mapansing tinakpan nito ang bibig mukhang maging ang amoy nang pagkain sa loob ay ni-re-reject din nang sanggol sa sinapupunan niya. “Mukhang kagaya mo, mapili din ang sa pagkain ang dinala mo.” Natatawang wika ni Alice saka bumaling sa apo at kay Anica. “Eirick Carillo? Tama ba?” panimula ni Alfredo saka tumingin sa binata. “Y-yes sir.” Wika nang binata. “Anong plano mo sa apo ko? Wala akong planong magkaroon nang isang Bastardo ang miyembro nang pamilya ko.” Wika ni Alfredo. Nang marinig ni Anica ang sinabi nang papa niya bigla siyang napaigtad to think na anak din siya nito sa ibang babae. Napansin naman ni Andrew ang reaksyon nang asawa kaya hinawakan nito ang kamay nang asawa para ipanatag ito. “I am not marrying him.” Wika nang dalaga dahilan para matuon sa kanya ang tingin nang lahat. “Anong ibig mong sabihin?” tanong ni Melissa saka tumingin sa dalaga. “It was an accident. Kapwa naman namin hindi ginusto ang nangyari. Hindi naman Magandang itali natin siya sa isang ----” “I appreciate the gesture.” Agaw nang binata sa iba pang sasabihin nang dalaga saka ngumiti at napatingin sa dalaga. “I can speak for myself.” Wika nang binata at inilagay ang kamay sa ulo nang dalaga saka bumaling sa dalawang matanda. “I will take responsibility.” Wika nang binata. “And how?” Tanong ni Alfredo. “I’ll Marry her.” Wika nang binata. “Alam ko ang pakiramdam na lumaki nang walang kinikilalang magulang. And I don’t want another innocent soult to suffer the same.” Wika nang binata. “Pakakasalan mo ang apo ko kahit wala kang nararamdaman sa kanya?” tanong ni Alfredo. “Balita ko, nasa peak ka nang career mo. Kapag lumabas sa balita ang tungkol dito hindi lang pangalan nang pamilya ko ang masisira. Your career will fall at the same time.” Wika ni Alfredo. “Hindi naman ako habang buhay magiging isang artista o Idol.” Wika nang binata. “Kaya kung buhayin si Ren, kahit hindi ako umarte. I have decent business on my own.” Wika nang binata. “You are a little proud yourself.” Wika ni Alfredo. “I may seem arrogant. But I think, I can be. Ano man ang narating ko ngayon. I can say I am worth it.” Anang binata. Nakatingin lang si Alice at Darylle sa binata. Nagugustuhan naman nila ang nakikita nilang ugali nito. He can face Alfredo head on at hindi siya na iintimidate kahit na minana nito ang pagiging bad temper nang ama nito. Habang nag-uusap sila si Ren naman ay abala sa pag-amoy sa petal nang lotus. May inilagay na lotus flower ang isa sa mga waiter nang makita niya ito hindi niya napigilan ang sarili niya na hindi ito hawakan at amuyin. Ang totoo niyan. Kanina pa siya naglalaway sa lotus flower na iyon. Pinipigilan lang niya ang sarili niya dahil sa ayaw niyang isipin nang lolo at lola niya na wala siyang etiquette. Napansin naman ni Anica ang anak niya at tila alam na niya kung anong nangyayari dito. Gaya niya dati, walang gustong tanggapin na pagkain ang tiyan niya kundi ang lotus. Kaya Ren ang pangalan nang bunso nila. It’s a Japanese term for Lotus. “You know you can eat that.” Bulong ni Anica sa anak. Taka namang napatingin si Ren sa mama niya. “Go ahead.” Wika pa nito. Nakapagat nang labi naman ang dalaga saka ngumiti at nag simulang isubo ang petal nang lotus. Bumaling naman si Andrew sa waiter at sinabing magdala pa nang lotus petal sa table nila. “Ano sa palagay mo Ren. Pananagutan ka raw---” putol na wika ni Alfredo nang makita ang apo niyang busy sa pagkain. Napangiti naman sina Alice nang makita ang apo nila. Nang nilingon ni Eirick ang dalaga bigla siyang natigilan. Kanina lang naduduwal ito nang pumasok sa restaurant ngayon naman aliw na aliw ito sa kinakaing bulaklak. “Let the kids decides for their own. Buhay naman nila yan.” Wika ni Andrew. “Personally, I really don’t want my little girl to marry out of impulse. Not after what happen.” Wika ni Andrew. Hindi na niya gugustuhing makita ulit ang anak niya sa ganoong estado. “You should know na may iniingatan tayong pangalan.” Wika ni Alfredo. “That name was tarnish, when that lad decided to leave my daughter sa harap nang altar ang marry another girl after one month.” Wika ni Andrew. “With all due respect, I understand kung bakit kayo nag-aalala. Pero, buhay nang anak ko ang nakasalalay dito. Hindi ako papayag na dahil lang sa mga hindi natin makontrol na mga pangyayari we will pressure them to do things na hindi nila gusto.” Wika Andrew saka bumaling kay Eirick. “You know what I mean right?” tanong nito sa binata tumango naman si Eirick. “Kung seryoso ka sa gusto mong mangyari, you should earn her hand. Dahil hindi ko ibibigay s aiyo nang basta-basta ang kamay nang anak ko. Kahit pa sabihin saiyo ang anak na nasa sinapupunan niya.” “I understand sir.” Wika ni Eirick.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD