Love Chance - 14

1291 Words
Hindi mapigilan ni Ren na hindi mapaluha habang nakikita sina Nathan at Shane sa loob nang simbahan at idinadaos ang kasal nila. Hindi dumalo ang pamilya niya dahil sa hindi rin naman nila kayang bigyan nang blessing ang binatang nanakit kay Ren. Ngunit si Ren, hindi siya nakatiis at pumunta parin sa simbahan. She stayed outside habang pinapanood ang seremonya. Ang daming mga what if sa utak niya nang mga sandaling iyon. Kung sana nangyari ang mga what iF niyang iyon. Sana, siya at hindi Shane ang ikinakasal sa lalaking minamahal niya. Mahigit isang buwan na silang hiwalay ni Nathaniel at inaamin niyang hanggang sa mga sandaling iyon mahal parin niya ang binata. Hindi naman madaling tanggalin sa puso niya ang binata gayong simula nang bata pa sila gusto na niya ito. Labis siyang nasasaktan nang mga sandaling iyon habang nakikita si Nathaniel na masaya sa piling ni Shane at heto siya at tila gumuho ang mundo. Luhaang tumalikod ang dalaga sa simbahan. Nang marinig niya ang pari na sinabing mag-asawa na sina Nathaniel at Shane bigla siyang napatalikod habang tumutulo ang luha saka naglakad patungo sa sasakyan niya. SObrang sakit nang dibdib niya. She is having a hard time breathing dahil sa sikip nang dibdib niya. Nang makapasok siya sa kotse niya. Naputungo ang ulo niya sa manibela saka hinyaan ang sarili na umiyak. Ilang sandali pa narinig niya ang hiyawan nang mga bisita sa kasal nina Nathaniel. They are praising the newlywed ang wishing them happiness. Nang makita niya ang dalawa na naglakad papalabas nang simbahan. Agad niyang binuhay ang makina nang sasakyan niya at lumayo sa lugar na iyon habang panay ang iyak. Labis na sakit ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. If she can only disappear at that time para hindi na niya maramdaman ang sakit kaya lang hindi naman niya iyon magagawa. Pakiramdam ni Ren walang direksyon ang buhay niya ngayon. Hindi niya alam kung saan siya dadalhin nang pagpapatakbo niya nang sasakyan. Paulit-ulit sa isip niya ang nakita niya sa simbahan. Ang masayang si Nathan at Shane. Hindi pa naghihilom ang sugat sa puso niya and to think it has been just over a week pero kinalimutan na siya nang binata. While he is happy and smiling with his new family heto siya at parang gumuho ang mundo at hindi alam kung magagawa pa ba niyang makabawi mula sa sakit na nararamdaman niya ngayon. Kung pwede siya maglaho nang mga sandaling iyon para matakasan lahat nang sakit na nararamdaman niya. Habang nagmamaneho ang dalaga, panay pa din ang iyak niya dahil sa mga nasaksihan sa kasal nina Nathan. Habang wala sa isip niya ang pagmamaneho hindi napansin ni Ren ang truck na pasalubong sa kanya. Panay ang boses nito sa kanya ngunit wala sa isip niya ang pagmamaneho nang mga sandaling iyon. Isang malakas na bosena ang narinig ni Ren nang tila bahagya siyang naging aware na nasa loob siya nang sasakyan niya. Napatingin siya sa unahan. At ganoon na lamang ang gulat niya nang makita ang truck na pasalubong sa kanya. Namulagat ang dalaga sa labis na gulat. Sobrang lapit na nang truck sa kanya. To her reflex. Agad na kinabig nang dalaga ang manibela para makaiwas ngunit huli na para doon. Bumangga parin ang ramaragasang truck sa sasakyan nang dalaga. Dahil sa impact nang pagbangga bumaliktad ang sasakyan nang dalaga. Agad namang huminto ang truck nang makita ang nangyari. Napahawak pa sa ulo niya ang driver nang makita ang nakabaliktad na sasakyan sa harap nang truck. “Tingnan natin.” Wika nang lalaki sa passenger’s seat nang truck at tinapik ang balikat nang nagulat na driver saka bumaba. Agad namang sumunod ang driver nang truck na bumaba at lumapit sa sasakyan. Hindi sila natuloy sa paglapit nang makita na umuusok ang sasakyan at may mga dugo silang nakikita sa kalsada. “Tayo na umalis na tayo dito.” Wika nang driver saka hinawakan ang balikat nang kasama. “Baliw ka ba!” bulalas nito at humarap sa lalaki. “Kapag hindi natin siya tinulungan baka makulong pa tayo. Hindi namna natin sinasadya na mabangga ang kotse niya. Mabuti pa tingnan natin kung buhay pa ang sakay nang kotse para madala sa hospital.” Wika nang lalaki na sinubukang e-compose ang sarili kahit na siya din ang natatakot gaya nang driver. Naglakad siya patungo sa side nang driver’s seat saka nakita ang dalagang duguan sa loob nang sasakyan. Lumapit siya dito hinawakan ang leeg nang dalaga para tingnan kung may pulso pa ito. “Bu-buhay pa siya!” wika nang lalaki sa driver. “Tumawag ka nang ambulansya.” Dagdag pa nito sa kasama. Nagpapanic naman na kinuha nang lalaki ang cellphone niya saka nagsimulang e-dial nag number nang rescue. Ilang sandali pa matapos niyang makausap ang mga rescue worker sa cellphone. Narinig nila ang tunog mula sa sirena nang ambulasya kasunod noon ang sasakyan nang mga Pulis. “Ren!” biglang wika nang isang dalagang rescue worker nang makita ang dalaga nasa loob nang drivers’s seat. Taka namang napatingin ang driver nang truck at ang kasama nito sa dalaga dahil sa labis na gulat. Hindi alam ni Ashmaria ang gagawin nang makita ang kapatid sa loob nang bumaliktad na sasakyan. She was not expecting na ang kapatid pala niya ang pupuntahan niya. Dahil sa pagkakatulala halos hindi makagalaw mula sa kinatatayuan niya si Ashmaria. Kanina lang magkausap pa sila ni Ren. Sinabi pa niya sa kapatid niya na huwag masyadong isipin ang tungkol sa kasal ni Nathan. She is also about to leave papuntang Italy. Matapos asikasuhin ang mga dapat asikasuhin na mga paper works sa school transfer niya. Talagang hindi na nagpapigil si Ren. Hindi naman sila tutol sa desisyon nito dahil alam nilang isa ito sa napiling gawing paraan ni Ren para makalimutan si Nathan. Looking back, she wished na nakaalis nang maaga si Ren. Kung nakaalis kaya ito nang maaga hindi niya makikita ngayon ang kapatid sa bumaliktad na sasakyan. Habang nakatayo si Ashmaria sa harap nang sasakyan na bumaliktad isang binatang rescuer naman ang napatingin sa kanya. Nang mapansin nitong tila natigilan ang dalaga. Napatingin siya sa sasakyan. Hindi niya alam kung bakit ito tumigil pero narinig niyang may pangalan itong binanggit. Baka kilala nito ang biktima. Naisip niyang lapitan ang dalaga nang makitang tila hindi ito gumagalaw sa mula sa kinatatayuan dahil sa labis na shock. Hindi naman ang tulad ni Ashmaria ang bigla nalang hindi alam ang gagawin. Mga bagong rescuers si Ashmaria ang may mabilis ang response. At nakakagulat na bigla nalang itong hindi alam ang gagawin. “I’ll handle this.” Wika nang isang binatang rescuer na lumapit kay Ashmaria at hinatak ang dalaga papalayo nang makitang tila nabato ang dalaga mula sa kinatatayuan niya. Inutusan naman niya ang iba pang mga rescuer na tumulong para mailabas ang dalaga mula sa sasakyan. Tumagal nang tatlumpong minuto bago tuluyang nailabas sa bumaliktad na sasakyan ang dalaga dahil sa pagpapaipit nito. Nang mailabas ang dalaga. Agad nila itong inilagay sa stretcher at nagmamadaling ipinasok sa naka standby na ambulansya. Agad naman sumunod si Ashmaria at sumakay sa ambulansya. Habang nasa loob nang ambulansya masyadong mahina ang pulso nang dalaga. May malaking sugat din ito sa ulo at Masyado nang maraming dugo ang nawawala sa dalaga. Nanginginig ang kamay ni Ashmaria na hinawakan ang kamay nang kapatid niya. Natatakot siya. Naiwan sa pinangyarihan nang aksidente ang ilang mga pulis at rescueer na naghihintay sa kukuha sa sasakyan nang dalaga. Habang tinatanong nang mga pulis ang dalawang lalaki sinabi nang mga ito na hindi naman nila sinasadya ang nangyari. Ang driver nang kotse ang hindi tumitingin sa dindaanan nito at ilang beses silang bumosena pero walang response mula dito at tila hindi naririnig nang driver ang bosena nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD