Love Chance - 40

1180 Words
So, anong plano mo?” Ulit na tanong ni Alfredo sa binata. Napatingin naman nang derecho ang binata sa matanda. Parang natutunugan na niyang hindi ito tatanggap nang mababaw na rason o excuse. Knowing na iniingatan nito ang pangalan nang pamilya nila. Hindi ito papayag na magkaroon nang isang Bastardo ang angkan nila. “Bakit hindi rin natin tanungin si Ren kung anong pasya niya.” Wika ni Alice sa apo niya. Nang marinig ni Ren ang sinabi nang lola Alice niya at makitang nasa kanya ang mga mat anito. Bigla siyang nasamid at napaupo. Agad namang naging mabilis ang kilos ni Eirick at hinimas ang likod nang dalaga at agad siyang kinuha nang tubig hindi naman nakakilos ang mga matanda habang nakatingin sa Binatang tila natural lang ang kilos. Maging sina Andrew at Anica ay natigilan din sa bilis nang reflexes nito. “May gusto ka ba sa apo namin?” Biglang tanong ni Darylle. “Lolo.” Gulat na wika ni Ren saka tumingin sa asawa nang lola Alice niya. Napatingin naman si Eirick sa matandang lalaki. Kilala niya ang lalaking ito dahil isa ito sa kilalang batiking Direktor. Sa pagkakaalala niya. Nagretiro ito matapos mag-asawa. Hindi niya akalaing dito niya makikita ang Direktor at kung sakaling pakakasalan nga niya ang dalagang ito hindi malabong maging pamilya din niya ang director. Isang extended family na hindi niya inaasahan. “Okay ka na ba?” masuyong tanong ni Eirick sa dalaga matapos nitong alalayan ang dalaga sa pag-inom nang tubig. “Okay na ako.” Sagot naman nang dalaga na napatingin sa binata saka pinamulahan. Hindi niya inaasahan ang magiging gesture nito. Napaawang naman ang labi ni Xander nang makita ang binata at ang titig nito sa kapatid. “I will marry her.” Wika nang binata saka tumingin kay Alfredo. “Sa palagay ko, hindi naman mahirap mahalin si Ren.” Dahil naman sa biglang deklara nang binata biglang napaubo ang dalaga. Agad namang napatingin si Eirick sa dalaga dahil sa pag-aalala. “Take it easy.” Wika nang binata saka hinimas ang likod nang dalaga. “Anong sinasabi mo?” tanong ni Ren sa binata. “Bakit may mali ba sa sinabi ko?” Tanong nang binata sa dalaga. “All of it.” Wika nang dalaga. “Hindi ka naman seryoso sa sinabi mo hindi ba?” Tanong nang dalaga. “Hindi ko forte ang magbiro at magpatawa. At hindi naman ginagawang biro ang kasal. Seryoso ako.” Wika nang binata sa dalaga saka tumayo. Napatingi naman ang dalaga sa Binatang tumayo. “Alam kung hindi isang excuse ang kahinaan para gamitin ko dahil sa nangyari sa amin ni Ren. Regardless, I am taking responsibility. If you will allow me. I would like to marry you daughter sir.” Wika nang binata saka tumingin kay Andrew. Natigilan naman si Andrew dahil sa sinabi nang binata. Hindi niya inaasahan ang gagawin nang binata. Knowing he is a public figure, bakit gugustuhin nitong matali sa isang relasyon na na hindi naman nila kapwa gusto. “Teka lang.” wika ni Ren saka tumingin sa papa niya. “Bakit Ren?” tanong nang lolo Alfredo niya. “Sino ba ang magpapakasal. Teka bat nag dedesisyon kang mag-isa. Wala ba akong boses dito?” anang dalaga at tumayo. “And you are saying hindi ka magpapakasal? Na Okay lang saiyo na lumaking walang ama ang batang dinadala mo?” tanong ni Melissa. “Kasi----” naputol na wika nang dalaga saka napatingin kay Eirick. Paano ba niya sasabihin na hindi pa siya handang magpakasal. Sobrang bilis nang pangyayari. 2 months ago, iniwan siya nang groom niya sa altar. Ngayon naman, magkakaanak siya dahil sa isang gabing hindi naman niya sinasadya. Tapos, heto may nag po-propose nang kasal sa kanya. “Dapat nagisip ka bago ka gumawa nang kalokohan. You should teach your child how to behave hindi yung problema ang ibinibigay sa atin. Decide if she will get married or I will cut off all my ties with her.” Ani Alfredo saka tumayo. “Pa!” habol ni Anica ngunit hindi siya pinakinggan nang ama niya derecho lang itong naglakad papalabas nang restaurant kasama ang asawa nito. Napabuntong hininga naman si Ren saka naupo. “Mama anong gagawin ko.” Tanong ni Ren kay Anica. “You don’t have to do the things na hindi mo gusto.” Wika naman ni Alice. “I appreciate your courage and bravery young man. Pero hindi Madali ang pagpapakasal. Hindi yan isang laro, it’s a lifetime commitment.” “I understand ma’am. And I was serious when I said I will marry her.” Wika nang binata na seryosong tumingin sa dalaga. Napatingin naman si Ren dito. “Hindi mo naman ginagawa ito para magpabilib.” Wika ni Xander. “Why would I do that.” Anang binata na bahagyang tumingin kay Xander bago tumingin sa dalaga. “I meant everything I said.” Malamyos na wika nang binata habang nakatingin sa dalaga. “Hindi mararanasan nang anak ko na maisilang sa mundong ito nang walang ama.” Anang binata. Pakiramdam ni Ren parang may malalim na pinaghuhugutan ang binata sa sinabi niya. “Nasa iyo ang huling pasya.” Wika ni Andrew saka tumingin sa anak. Napatingin naman si Ren sa binata. Tiyak hindi Madali sa kanya ang magpasya na magpakasal sa kanya lalo na at isa itong celebrity. “You have to prove your worth.” Anang dalaga at tumayo. “Prove? How?” tanong nang binata sa dalaga. “It’s up to you. Kahit naman isa kang artista at maraming pera. Hindi ko ipagkakatiwala ang anak ko saiyo. Kaya ko rin namang buhayin ang anak ko. Kahit e-disown ako ni Lolo Alfredo. May ibang pamilya pang tanggap ako.” Wika nang dalaga saka tumingin sa Lola Alice niya at sa asawa nito saka tumingin kay Xander at Ashmaria na nakangiti lang sa kanya. Nag thumbs up pa si Xander sa kapatid. “Hindi magiging malungkot ang isisilang na sanggol ni Ren. Hindi niya maramdaman ang pangungulila dahil bubusugin siya nang pagmamahal nang maraming tao.” Wika ni Xander. Ngumiti naman si Ren sa kuya niya. “This baby is quite lucky to have you. But I will not give up. I am not giving my child to anyone.” Wika nang binata. Napatingin lang si Andrew kay Anica saka tumango. Ang totoo niya napahanga siya ni Eirick. The way he carries himself sa harap ni Alfredo. At ang pakiramdam na ang nakaraan nang binata ang nagtutulak na maging responsable ito sa mga nangyari. Hindi niya alam kung anong itinatago nitong lihim. Pero may palagay siyang, hindi naman masamang tao ang binata. Kung balewala nito ang nangyari at kung hindi ito seryoso sa sinabi nitong paninidigan ang nangyari hindi na sana ito sasama sa kanila sa Hospital at haharap sa Ama ni Anica. Hindi sila perpektong pamilya. They have flaws on their own. Naiintindihan niya ang gusto ni Alfredo. At talagang napabilib siya nang binata. Sana nga hindi hanggang sa mga salita lang ito at talagang panindigan nito ang sinabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD