Chapter 3

1408 Words
  “And above all, watch with glittering eyes the whole world around you because the greatest secrets are always hidden in the most unlikely places. Those who don't believe in magic will never find it.” ― Roald Dahl        “SORAIYA? Ano ba yan barangay, barrio o street?” usisa ni Chase sa babaeng hayok na hinihigop ang chicken soup sa bowl. Nawalan bigla ito ng malay kanina dahil sa pagsusuplado niya. When he grabbed her and carried her petite body in his arms in the garden, may lumitaw na kwintas sa leeg nito, kabute ang palawit na pendant.      Tao naman talaga siguro ito, she looked normal under the chandelier light in the dining hall.      Talagang madungis lang talaga ito kanina, gutay-gutay ang mala-purple na bestida at klaro ang pamumutla. Buti na lang at andito ang asawa ni Manong Dagul na inatasan niyang asikasuhin at ang babae kanina. Pinalitan ni Manang Josefa ng damit ang estranghera, pinaglumaan niyang puting t-shirt at pajamas na nasa locker pa niya sa kuwarto.      Ah, and now that she was awake, clean and dressed, she looked quite humanely pretty.      Come on Chase, you must just be hallucinating earlier…      “S-so pa ‘no ka sumulpot sa garden? Umakyat ka sa mataas na pader?” tanong niya ulit habang busy sa paghigop ang kausap.      Sluuurp. Sinaid nito ang soup bago magsalita-      “Pwede bang magbungkal ng lupa sa garden niyo?” anito.      “What?” gulat si Chase.      “Sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung saan ko mahahanap ang Soraiya dito sa mundo ng mga tao. Pero ang kutob ko kasi ay baka nasa ilalim ng lupa niyo yung mundo ko, o baka nasa ugat ng mga puno.”      “Ang sabi mo tao ka!” bigla siyang napa-atras sa kinauupuan.      Luka-loka o may sabit sa ulo ata itong babaeng ‘to ah.      “Gusto ko lang talaga ng tutulong sa ‘kin kaya nagsinungaling ako saglit kanina sa labas. Pero siguro ay malalaman mo rin kinalaunan na isa naman talaga akong diwata.”      “You know what, I believe in fairies, dwarves, ghosts, kapre and all stuff like that…but you don’t look like one-“      “But I’m a fairy, not just a fairy but a princess! Prinsesa ako ng Soraiya. Maniwala ka kailangan ko lang talaga ng clue kong pa ‘no makakabalik sa lugar namin.”      Okay, okay…this might be worth his time a bit.       Maki-ride on nga ng kaunti sa kabaliwan nitong babaeng ‘to.      “Kung diwata ka, may powers ka siguro. Show me one.”      He concentrated his eyes towards the lady with the bronze-sparkled hair under the chandelier.      “Pwede kitang gawing palaka!”      “Ooops, not that one,” he tilted his head. Delikado, baka nga totoo yung claims nito.      “Pwede kong patayin ang ilaw,” turo nito sa chandelier.      “You can, pero walang gamit na remote o switch,” hamon niya.      The woman snapped her fingers and-      Naka-on pa rin ang ilaw.      She looked surprised but she snapped again. On pa rin.      “Teka, kaya ko ring pasayawin ang bulaklak na ‘yan,” turo nito sa rosas sa vase sa gitna ng dining table.      She pointed one finger and uttered what appeared to be a foreign language – a chant or encantation of some sorts – tapos ay –      Estatwa pa rin ang mga bulaklak.      “Ba-bakit walang epek?” ininspeksyon ng babae ang daliri nito. “Siguro ay dahil sa curse ewan ko nga ba…nawalan rin kasi ako ng pakpak ng naging tao na akong katulad mo.”      He sighed in desperation. Mukhang hindi naman eto harmless siguro nga’t may sayad lang talaga sa utak kaya’t napatinaod na siya.      “Finish your meals at papayagan kitang manatili dito hanggang umaga. Bukas ay ihahatid kita sa City proper at itu-turn over sa pulisya baka naman ay nasa Missing Records ka-”      “Tama! Missing nga ako…pulisya ba ang tawag niyo sa mga Tagasubaybay?”      “Tagasubaybay?” he frowned.      “Sa Soraiya, sa mundo namin, sila ang mga diwata na tumutunton sa mga nawawalang mga fairies. May mga diwata kasing malilikot o di kaya’y nadidisgrasya sa pamamasyal. Ilang beses na ring nagpatawag ang aking inang Reyna ng mga Tagasubaybay dahil sa kalikutan ko.”      Infairness ay natural na natural ang pagkukuwento nito.      “Tama, sila ang mga tagasubaybay sa mundo namin,” ride-on na lang niya para matapos na ang usapan.      “Naniniwala ka nang diwata ako?” her face lit up.      Tumango siya.      “Naku…” biglang napatayo sa kinauupuan ang may topak na estranghera at huli na upang mapaatras siya ng lumanding ang p***t nito sa hita niya, dahilan para mapakandong ito sa kaniya.       “Hmm...ang bait pala ng mga tao!” at mahigpit siyang yinakap.      Halos hindi siya makahinga sa higpit ng pagkakayapos nito sa leeg niya at hihigitin na sana niya ang kamay nito ng-      “Kung sino ka man, isa kang milagro!” salakay ng labi ng estranghera sa pisngi niya. Napatihaya sa hangin sabay bagsak sa sahig ang wooden chair kasabay ang mga katawan nila dahil sa sobrang pagkabigla ni Chase. Bago paman umalis sa pagkakadagan sa kaniya ang bulto ay nasapo na niya ang ulo niya, someone like a hollow voice squeaked and echoed in his mind.      Parang isang boses na napahiyaw sa sakit.      Chase closed his eyes, at hindi niya alam kung bakit unti-onti siyang nilamon ng kawalan…        ELLE PEERED AT THE MAN DRIVING BESIDE HER. Excited siyang pumunta sa pulisya. Walang masyadong archives ang Soraiya tungkol sa kung anu-anong klase ang mga lipon ng tao, pero naririnig nilang may mga taong nasa lipon ng mga mabubuti at matatapang, handang tumulong at nangangalaga sa kaligtasan ng kapwa tao. She’s one step closer to tracing where Soraiya is…and the ‘Pulisya’ could help her.      “Pasensya ka na kagabi kung makulit ako, talagang kapag natutuwa ay ganiyan ako,” yinayakap at binubudburan niya ng mga halik ang mga kaibigan tuwing nakakatanggap siya ng magandang balita. Malambing naman siyang diwata iyon nga lang talaga ay sinusumpong ng kapilyahan. Sa Akademya ay madalas napapahamak ang mga kaklase niya noon dahil sa mga enchantment niya. Matalas naman ang memorya niya at isang turo lang ng mga Elders ay naaalala niya lahat ng enkantasyon kaya lang ay binabago-bago at mini-mix niya ang iilang salita.  Isang beses dahil sa kaniya ay naging palaka ng dalawang araw ang kaklase niya.      She was indeed a bright and mischievous princess. Her Queen fairy mother was very patient with her. Nag-iisa lang kasi siyang anak. Bata pa lang ng maulila sila ng ina niya ang her mother never married again and tended the Soraiya realm in it’s majesty.      She was bound to be a queen like her mother, and she was trained to do so. It never occurred to her that reality, upon her teacher’s frowning and all the opinions surrounding her, when one day she discovered that she will be bethrothed to a fairy prince.      “Okay ka lang ba?” pukaw sa kaniya ng boses ng katabi niya. Si Chase. Hindi makakaila na kung naging tao ang matalik niyang kaibigan na elf na si Caleb ay magiging kamukha ito ni Chase.      Napanatag siya at napatango.      “Alam mo bang maaari ka nilang pagtawanan, Elle? Kung hahanapin mo ang Soraiya at sasabihin mong baka nasa ilalim ito ng lupa?”      “Ngunit baka talaga ay nasa ilalim ito, they must know, right?”      Napailing lang ang katabi at tinitigan siya. “Sometimes they let you stay with them for awhile to gather more information. Ang ibig sabihin ay tatanungin ka nila sa mga impormasyon tungkol sa lugar, kaya’t habang tinatanong ka nila ay iiwan muna kita ng saglit.”      Napatango si Elle. “Kung iyon ang kailangan para sa imbestigayon nila ay gagawin ko.”           JUST A FEW MORE MINUTES, naisip ni Chase, and he will finally get rid of this crazy human being. It would be easy, just drop her in the police station and the police can easily identify her mental status. Pakikiusapan niya na i-refer ito sa mental institution o baka naman ay may pamilya talaga itong naghahanap dito. For him, he is just helping her in that way.       Abangan ang mga susunod na kabanata...  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD