Chapter 2

1930 Words
  We fell in love, despite our differences, and once we did, something rare and beautiful was created. -Nicholas Sparks, The Notebook             ELLE CASSANDRA MONTAGUE could not believe her own eyes.      Kasabay ng mabagal ngunit maugong na yapak ay ang unti-unting paglapit ng mga paa ng higanteng iyon.      Isang tao. Isang human.      No one has prepared her for this, and a stream of fear awoke in her deepest abode collection of feelings. “No way!” alam na niya ang gagawin ng tao na ito, alam na niya ang mga kuwento mula sa mga Elders. Her lilac and silver-hued tiny wings flapped open bago niya ini-launch ang sarili sa pagkawala sa mga nakatabong mga puting balabal ng rehas sa paligid ng silong ng kabute. Damn s**t. Itinulak at binalibag siya ng nagnunguryenteng puting balabal na rehas padapa sa d**o. A pained cry escaped her. Ibinalik niya sa paningin ang palad na may batik-batik ng mga dugo. Ipinikit niya ang mga mata…palapit ng palapit ang yabag… Aapakan ba siya ng nilalang na tao? Pipitasin ba ang kabute at dudurugin siya? “Interesting…” a wave of manly echo resonated. She raised her head and discovered a pair of two giant eyes staring back at her. Maiitim na bilog sa pa-arkong malalalim na mata. Ilong na may maliit na hati sa tungki nito. Isang labi na medyo nakadapig ang ngiti sa kanan. Isang hugis ng mukha na kawangis ng puso. Elle’s face was stricken. Lalo na ng mas dumungaw ang mga mata pailalim sa kabute at ng maramdaman niya ang puwersa ng pagpatong ng kung anong mabigat na bola sa bubong ng kabute niya. A glower of electricity radiated parang hinihigop ang lakas niya. Napasinghap siya. Hindi niya subok mailayo ang pagkakatitig sa mga matang iyon ng higanteng tao. “W-wait!” anas niya ng biglaang umalsa ang matang iyon. Sneakers na lamang nito at duluhan ng pantalon ang nakikita niya. Hindi siya maaaring magkamali… “H-huwag kang lumayo! Pakiusap,” habol niya ngunit napaigtad na ng isang hakbang paatras ang paa. “Ikaw na lang ang pag-asa ko!” Ngayon niya lamang naisip na marahil ay maaari siyang mailigtas ng nilalang na iyon, na marahil ay hindi ito mapanganib na uri ng tao. Hindi mapigilang lumalagaslas ng luha niya sa sobrang pagod, lungkot, takot at pagkalito. Marahil ay ito na ang wakas niya. “Hindi ko sinasadya…hindi ko naman alam…” paulit-ulit niya. She heared the human’s footsteps fade away…and she never felt loneliest than ever before.   DALAWANG LINGGONG NAKAKARAAN SA MUNDO NG SORAIYA “PRINSESA ELLE! KAMAHALAN!” untag sa kaniya ng isang tinig. Ginusot niya ang gilid ng mga mata at napahikab ulit habang inuuyog siya ng matatabang braso ng isang Pantone.      Ang Pantone ay ang liga ng malalaking bulas ng paru-paro na nagsisilbing mga mensahero sa Soraiya. Kaysarap ng tulog niya sa gilid ng batis sa mga kumpol ng puffies, isang uri ng bulaklak sa Soraiya na kasinglambot ng marshmallow. “Gumising ka prinsesa! Kailangan mong tumakas!” Ngunit nanatili siyang nag-i-idlip-idlipan. Marahil ay pinapagising na naman siya ng Mahal na Reyna para sa pagsasanay para sa magaganap na salu-salo… “Prinse-“ nahigit at naputol ang pagtawag na iyon ng masundan iyong ng kaylakas na sabog ng kidlat. Napadilat si Elle at napabuka ang kulay ube at pilak niyang pakpak. Sa paanan niya ay nakahandusay na ang Pantone, na may nakabaong matalim na pana sa tiyan. Tirik ang mata at duguan ang bibig nito. Napahiyaw siya kasabay ng pagtilamsik ng malaking butil ng ulan sa ulo niya.  Ang ulan na may dalang kidlat sa Soraiya ay may isang ibig ipangahulugan lamang: Trahedya. Umungol ang kaylakas na tili na nagmula sa alam niyang kaharian nila. Tinig iyon ng kanyang ina. Nilapitan niya ang Pantone na wala nang buhay, yinugyog ito. “Sabihin mo sa ‘kin kung anong nangyari…” ngunit wala na ito ni isang hininga upang lumapat pa ng isang salita. Hanggang sa… Narinig niya ang mga paggalaw ng talahib, mga dahon ng mga puno, pati na ang pagbangga ng napakabilis na hangin sa mga talutot ng kulay gintong mga bulaklak… Her long bronze hair whipped her face in a slap, kasabay ng pagbangga ng hangin sa katawan niya kasabay ng ulan. Parang isang bagyo.  Marahil ito na nag bagyo na sinasabi ng mga Elders at nababasa niya lamang sa mga libro sa archives ng Soraiya. Nangyari lamang ang bagyo may limampung taon ang nakakalipas ng mawalang parang bula sa mundo ng Soraiya ang isang dalagitang diwata. She flapped her wings more open, ready to launch in a speedy fly, but her frail wings meant for seamless folly was not prepared for the impact of what was to happen next- Nahigit ang napakataas na tili sa lalamunan niya ng maramdaman niya ang lubid ng isang pwersang gumapos sa kaniya at sa pakpak niya, hinila siya nito at idinaloy sa hangin na naging ipo-ipo. “Hayup ka! Pinatay mo ang kapatid ko Elle!” dagundong ng isang boses na balot na balot ng suklam. “Magbabayad ka!” It was an echo that seemed to orchestrate higher with every clap of thunder habang mas hinihigop siya pataas ng ipo-ipo. “Nang dahil sa lubos na pagmamahal niya sa ‘yo ay mas pinili niyang magpakamatay keysa mabuhay sa realidad na hinding-hindi mo siya mahahalin! Ikaw ang dahilan ng lubos niyang kalungkutan!”  Naramdaman niya ang paghigpit ng piga ng puwersa sa kaniya, like squeezing her every every veins into pain hanggang maimpit niya ang isang sigaw na iyak. “Ang prinsesa ng Soraiya, walang mahika ang makapagliligtas sa iyo. Ikukulong ka sa dapat mong paglagyan ng habangbuhay!” Napakatinis ng tinig na iyon sa tainga niya at alam niyang pamilyar ang boses. “Caleb! Caleeeb!” isinigaw niya ang pangalan na lagi niyang sinisigaw sa tuwing nasa bingit siya ng panganib. Si Metuselah…pitik ng utak niya. “Hayup ka! Pinatay mo ang kapatid ko Elle!” Pero bago paman niya tuluyang maintindihan ang lahat ng nangyayari ay pinipiga na pati hininga niya ng puwersang iyon…hanggang sa mawasak na pati sariling tenga niya sa lakas ng hiyaw niya…at naiipit at hinihigop siya…hinihigop ng hinihinigop… Nang dahil sa lubos na pagmamahal niya ay mas pinili niyang magpakamatay keysa mabuhay… muling ulit ng boses na iyon bago higitan siya ng hininga…     KAWALAN. Iyon ang sumalubong sa mga mata ni Elle ng muli siyang mapadilat. Hindi niya namalayan na nakatulog na siya ulit at napahandusay sa berdeng d**o mula sa sobrang kahinaan, pati buong katawan niya ay binalot ng ginaw mula sa hamog. Tinanaw niya ang puting mansiyon at napaisip… Ano kaya ang ginagawa ng nilalang na taong iyon?  Lalabas pa kaya ito ulit? Kahapon ay muli niya itong nasilayan ngunit hindi na ito lumapit pa sa kabute. Ang mga mata pa naman nito ay nagpapaalala sa kaniya sa isang tao… Kailangan niyang makabalik ng Soraiya sa lalong mabilis na panahon. Kailangan niyang malaman kung nasa mabuting kalagayan ang lugar nila. Kailangan niyang maintindihan ang lahat. At higit sa lahat ay kailangan niyang makausap si Caleb… HE WANTED TO DISCOVER A MYSTERY. Iyon ang dahilan kaya’t nakaapak siya ngayon sa gitna ng dalawang fountain. Kahapon ay sinalubong siya ng isang matandang tagapagbantay na kilala niya sa pangalang Manong Dagul. Ilang taon na itong nangangalaga sa mansiyon kasama ang asawa nito. Maging ito ay nagulat daw sa pagbisita niya, halos may pitong taon na kasing hindi siya dumadalaw simula ng mamatay ang ama niya. Matapos siyang paghandaan ng hapunan ay ihinatid siya ng mag-asawa sa isang kuwarto sa ikalawang palapag na nakakabit sa veranda. Kagabi ay doon siya sa sofa ng veranda tumambay dala ang isang makapal na kumot, contemplating under the moonlit sky until he drifted into sleep. Ngunit bago pa man siya sakupin ng antok ay naalala niyang may kuminang at umilaw sa tinatanaw niya…at nandito iyon sa harap ng inaapakan niya… kung hindi siya nagkakamali nagmula pa nga ang bumubusilak na bituin mula sa ulap, parang nag crash landfall iyon bago pumusyaw… “Hindi ko na maramdaman ang gusto kong maramdaman…” he breathed and touched the beautiful face in the photo na dala-dala niya sa kamay patungo sa gitna ng fountain. Si Sofia.  “Sofia, patawarin mo ako. I lost you, nawala ka dahil sa ‘kin. And I didn’t know how to grieve because it was too painful…” Umiyak ka lang, Chase. It was like a voice was whispering somewhere…Umiyak ka lang. His face distorted. A warm touch hovered over his chest and gripped his heart. Narinig niya ang pagtibok ng puso niya at kung ano’y biglang may kumurot doon at pumiga. It was an awakening…and a rush of sadness and loneliness enveloped his whole being. It dropped. Isang luha. One tear. At isang luha lang ang kailangan upang mabuksan niya ang isang misteryo.   ISANG BAGSAK NG ULAN, Elle watch it from above the sky and it was shining. The moment it hit the rooftop of her mushroom…biglang dumilim ang buong paligid and spiral of fireflies flew everywhere. Pinalibutan ang kabute niya ng libu-libong mga alitaptap…everyone was untying and destroying the white veil that jailed her. At sa puntong napunit na iyon ay napapikit siya sa sobrang liwanag… Hanggang sa- “Good heavens….” Pinukaw siya ng isang boses na ngayon ay malinaw na malinaw na sa pandinig niya. Marahan niyang idinilat ang mga mata at sumalubong sa kaniya ang mga matang iyon. “Caleb…” she whispered in utter surprise. Ngunit imbes na ngiti ay pagtataka ang nabasa niya sa mga pares ng mata nito. “S-sino ka?” unti-unting umatras ang bultong may limang pulgadang lampas na tangkad sa kaniya. She scanned him from head to toe, registering if what she was seeing was real. Hindi siya nito kilala? Magkasingtangkad na sila ni Caleb? A-at bakit…nakasuot ito ng mga damit na pareha ng mga nilalang na tao… At bakit...? Bigla niyang nakapa ang sarili… “Bakit may hawak kang payong?” aniya ulit ng bulto na umatras ulit. She blinked her eyes. Imposible pero naging higante siya at kinakausap na siya ngayon ng isang nilalang na kamukhang-kamukha ni Caleb ngunit hindi siya kilala…marahil ay hindi nga siya nito kilala…dahil eto marahil ay isa talagang tao! Imposible…ngunit hindi kaya’t naging tao rin siya? She concentrated in spreading her wings…pero walang pakpak na lumabas mula sa likod niya. Paano nangyari iyon? Himutok niya. Ang buong akala niya’y sa oras na makalaya siya sa kabute ay babalik siya sa dimensiyon ng Soraiya! Ngunit hindi nangyari iyon! Hindi lubos niya maipaliwanag ang lahat at ang saglit na saya sa kalayaan niya ay napalitan ng pagkadismaya. Hudyat ang isang kakaibang milagro ay biglang nagsipatakan ang mga butil ng ulan mula sa langit. “Can’t you speak? Hindi ka naman siguro isang aparisyon?” tanong ulit ng estranghero. “Kailangan kong makabalik sa Soraiya pero hindi ako bumalik!” ingos niya. “Ang akala ko’y ikaw na ang sagot pero hindi pala. Sino ka at ano bang ginawa mo?” “E-excuse me?” tugon ng lalaki. “Nilalang na tao ka ba?” she asked. Once and for all ay kailangan niyang masagot ni katiting ang kababalaghan na nangyayari. “Tao ako...i-ikaw hindi ba?” the human stepped back again. She calculated every possibility and options in her head. Hindi siya pwedeng mag-isa. Kailangan niya ng tutulong sa kaniya. Mas mataimtim niyang tinitigan ang pigurang iyon na mukhang unti-unti nang natatakot sa kaniya. “Kung hindi ka sasagot ay tatakbo na ako…” aniya ng kausap niyang nawawalan na ng dugo sa mukha. “S-sige alis na-“ “Saglit!” habol niya. “Eto naman, tao ako! Na-naligaw lang ako.” Siya naman ang matamang minasdan ng lalaki. “Hindi ka naligaw. Bigla ka lang sumulpot sa paningin ko,” pagtatama nito. The raindrops were then slowly soaking his body…and her body. “Oh sige na sumulpot na, pero naligaw pa rin,” kambyo niya. Ayun na, may kausap na siya kaya’t bumabalik na ang sigla niya. At least ngayon ay hindi na mapapanis ang laway niya. “Kailangan ko muna ng masisilungan kong papayag ka at bukas na bukas ay hahanapin ko ang pinangalingan ko.” Naku! Saang lupalop naman kaya sa mga mundo ng tao niya mahahanap ang Soraiya?  At ano kaya ang final answer ng nilalang na ito? “No, you can’t stay in this place. Sorry, you’re a stranger.”                  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD