Chapter 4

1132 Words
       When they entered the station, naninigarilyo ang isang pulis at ang isa ay nasa lamesa, may kalakihan ang katawan nito at natutulog. Napailing si Chase, but what can he expect with this place…lumapit siya sa isang naninigarilyo na mukhang maangas.      Nakatitig ito sa kanila ni Elle, hindi makakaila ay may angking ganda ang katabi niya. He began to feel protective, tinanong sila kung bakit sila naparito.      “I think this woman is lost. She is searching a place I’ve never heard of.”      “Ano naman iyon?” ngisi ng pulis.      “Soraiya,” biak na pahayag ni Elle. “Maaaring hindi ko mahanap dito ang mundo ko dahil ang totoo’y nasa ibang mundo ito, pero ako’y nagbabakasali na matulungan niyo ako tulad ng mga tagasubaybay sa mundo ko.”      Napanganga lang ang pulis, pagka’y napatawa, dahilan para magising ang isa pa.      “Hoy, pakinggan mo ‘to,” turo nito kay Elle.      Chase cleared his throat. “Sa tingin ko, kailangan niyo siyang tulungan. Baka may naghahanap ng kapamilya nila, she seems sick o baka sa mental hospital?”      “Mental hospital?” hingap ni Elle at napalingon kay Chase. “Iyon ba ay pagamutan? Wala naman akong sakit-“      “May tililing to?” aniya ng isa, “saying at maganda pa naman,” iling ng isa na kagigising lang.      “Sige sir, iwan niyo na yan sa’min, tis-tsek naming kung may naghahanap,” aniya ng naninigarilyo na para bang may naiisip na kakaiba.      Chase just stood there, ipinaupo nila si Elle. Patuloy ito sa pagsasalaysay sa pulis ukol sa mundo nito.      “Saan mo ‘to nahanap sir?” usyoso ng isa.      “B-basta dumaan lang siya at pumasok siya sa bahay,” maikling sambit ni Chase. He was getting impatient. What if there were no leads, what would he do?      “May nahanap na ba kayong impormasyon?” he asked, may kinakalikot sa files ang isa kaya’t akala niya ang tungkol na kay Elle ang hinahanap nito.      “Meron,” tugon nito, “may naghahanap sa babaeng ito. Sa isang barangay. Tatlong araw na siyang nawawala.”      Napatayo mula sa kinauupuan niya si Elle. “Talaga?  May naghahanap sa’kin?”      Tumango-tango ang dalawa. “Hinahanap ka nila, huwag kang mag-alala at tatawagan namin sila ngayon at pupuntahan ka nila mamaya.”      Medyo napanatag si Chase, at medyo nakaramdam siya ng awa sa babae. Ilang taon na kaya ito? Buong buhay ba ay may sakit ito sa utak…he can only guess what lead to this woman’s sickness. He wanted to wait for her family and talk to them, but doing that might mix her personal life with him. Isa pa, medyo sikreto ang pananatili niya sa liblib na lugar na iyon, not a lot of people knows him and it’s better to stay that away.      “H-hintay,” mga kamay nito ang lumapat sa palad niya bago siya makatayo.      “It’s okay,” himig niya, before guilt can even run in his sytem. “I’ll call someone outside. Babalik ako.”      “Call?” ulit nito.      Oh my god, his nerves almost collapsed. He needs to explain everything to this woman. “May nangangailangan ng tulong ko, kailangan ko munang puntahan.”      “Oh,” sambit nito at inulit ang salita, “call…” she whispered. “I will call you when I need you?”      Napatango siya, “Yes you can. You can call my name.”      “I will call you, Chase,” she breathed.      Napatango siya. A part of him doesn’t want to leave her but a large part of him is also whispering to let these petty things go. Marami pa siyang dapat kaharapin, his friends wanted him to have a peaceful retreat so he can process his loss.       No one was was around them for a moment dahil lumabas din saglit ang mga pulis. He walked his way and turned his back at Elle, innocently sitting at the old chair. Her face looks like she wanted to cry.      Nasa parking space na siya at itu-turn on na sana ang ignition ng sasakiyan ng bigla siyang makaramdam ng biglang pamamawis, as if the skin in his back has been pinpricked and he felt a buzz of electricity around him. He heard something, a shout from inside, just very brief but loud.      Doon na siya napatakbo pabalik sa loob…his whole system brazen with adrenaline rush.      Nang mapabalik sa loob ay nakita niya kung paano hinihila ng dalawa si Elle papunta sa isang kuwarto, but the woman was frisking and shrugging them away with force, shouting in an almost alien language.      “Mga walanghiya kayo-“ hindi niya alam kung paano siya nakaabot sa puntong nasa mukha na ng isang matabang pulis ang kamao niya. Napatumba ito. Ngunit hindi nakaalpas ang mukha niya sa isa pa. Nagpagulong-gulong siya sa sahig, nag-uumbagan sila ng isa pa, buti na lang ay mas malaki ang katawan niya sa isa kaya’t napahiga niya ito.      “T-tumakas na tayo!” dinig niya sa likuran niya, at napalingon siya saglit sa nanginginig na babae. Napa-atras siya matapos umbagan ulit sa mukha ang isa, and he realized he just punched two armed cops.      He realized that there might be danger, a real one. Never siyang nanggulpi ng isang armadong tao, ngayon lang. Hinablot niya ang palad ni Elle. Her hands were surprisingly soft and warm. They skidded out of the small door, and they were panting, running as fast as they could until they reach the car.      Halos kapusin siya ng hininga at sabay silang napalingon ng babae sa kinaroroonan ng ingay na iyon, ang dalawa ay ilang pulgada ang layo sa kanila. Naka-awang ang b***l ng isa, nakatutok sa kanila.      Nakangisi naman ang isa. “Paputok mo yan, tapos ilibing ang dalawang yan sa likod.”      Chase was never in a situation like this, nor did he know what he will do, the moment that the person mindlessly pulled the trigger. Napa-awang lang ang bibig niya, klaro ang pagpihit nito sa gatilyo, at ang pagluwa ng bala mula sa ulo ng b***l. It was just milliseconds, before he will face his death again.      And a buzz of electricity ensued again in the air.      And a wind gushed over, biglang dumilim ang kalangitan…at para bang nahipnotismo siya, napalingon siya kay Elle. Nakataas ang isang palad nito, animo‎’y may binebendesyunan.      The bullet stayed one inch away from his chest. Napabalikwas ang titig niya mula sa bala at sa mukha ni Elle, na wari‎’y may enkantasyon na sinasambit.      Hanggang sa nahulog ang bala sa lupa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD