Continuation...
Matapos gumulong ng bala papunta sa sapatos niya, ay nakarinig naman siya ng tahol ng mga aso. Dalawang aso na mula sa kung saan nakatayo ang dalawang pulis kanina. Tumatahol sila, na para bang natatakot. Hanggang sa kumaripas ng takbo ang mga aso sa kanila, nakalabas ang pangil, galit na galit…
At doon na sila napasakay sa kotse, he turned the ignition and speeded the car away. “Don’t tell me you made them dogs!”
“Dogs?” ulit ng kausap.
“Oh god, aso!” he was also inwardly shaking, still trying to grasp what had just happened. “What are you? Bakit mo sila ginawang aso?”
Napakunot ang babae, she hissed after, “Tinulungan lang kita, mamamatay ka sana, hindi ba? Bakit ka ba nagagalit diyan?”
“I’m not even angry,” he said, “I just can’t believe it, okay?”
“So ngayon ay naniniwala ka na?” matagumpay ang ngiti ni Elle. Tinitigan nito ang mga kamay nito. “Pero ang totoo, dahil doon ay medyo nanghihina ako. Uuwi na ba ulit tayo?”
“We should, there is no other way. Let’s just pray that no one else saw us.”
“Nagugutom na ‘ko,” turan nito. “Hindi ko alam na sa mundo niyo, pag gagamitin ko ang puwersa ko ay manghihina ako ng ganito.”
At sa isang iglap pa ay napadapig na ang ulo nito sa balikat niya. Nakaidlip itong bigla.
“E-Elle?” tsek niya pero humihinga pa naman ito. He pushed her head away and settled her in the passenger headboard. Bigla itong humilik.
“Oh my god…” he mumbled under his breath. What is this woman? Totoo bang isa talaga itong fairy, isang enkantada? But he really saw the bullet stop in mid-air infront of his eyes, and he caught how those two police officers vanished and became dogs.
Sinalubong sila sa pagbukas ng gate ni Manang Josefina. Kinuha niya mula sa upuan si Elle at kinarga ito patungo sa kuwarto kung saan ito natulog kagabi, ang kuwarto na kung saan namalagi ang ina niya noon.
Pinagmasdan niya ang mukha nito at wari ba’y nanghihina talaga ito dahil nawawalan na ng pula ang labi nito.
“Ipaghanda niyo po kami ng mainit na sopas, gisingin niyo siya matapos ng ilang minuto upang humigop ng mainit na sabaw, then she can rest again,” tugon niya sa katiwala na napatukod at iniwan sila ni Elle na mag-isa sa kuwarto.
He sighed at hindi niya mapigilan na pagmasdan ang mukha ng babae. Ewan ba niya ngunit biglang may nag-flash na imahe sa utak niya. Imahe iyon ng isang batis, na napakalinis at dalisay ng tubig, may iba’t ibang ibon at paru-parong naglalaro sa ibabaw nito, nakatuntong sa isang halaman ang imahe ng isang babae.
Isang babaeng kulay pilak ang buhok, ube ang suot nito maging ang pakpak nito, na kumikinang, ng tawagin niya ito ay napalingon ito, nakangiti…hanggang sa biglang mawala ang imaheng iyon.
Chase lightly rubbed the temple in his head. Suddenly a sudden prick of pain lurched in the side of his head.
Maybe he needed rest too…Pero paanong nakita niya ang imahe na iyon?
He stood up and for one second, observed Elle’s beautiful face again. Maybe it’s dangerous to go to that place again. Kelangan muna niyang makasagap ulit ng balita mula sa bayan sa pamamagitan ni Manong Dagul.
WHEN THE EARLY SUNSHINE HIT her face, she gently sat on the soft bed. Sariwa ang ihip ng hangin, napatalon siya mula sa kama at sinamyo ang hangin sa bintana. Earth’s air is different, she mused, na sa daigdig ng mga tao may mga parte na iba-iba ang temperatura at kasariwaan ang hangin. Sa Soraiya kasi, nasanay siya na sariwa ang hangin sa bawat sulok ng mundo niya, lahat ay napapalibutan ng mga bulaklak at mga dahon, a forest kingdom in the middle of a pristine blue lake.
Natanaw niya mula sa bintana si Chase, nakatuod ang lalaki sa gitna ng fountain, parang malalim na nag-iisip.
Bigla siyang nakadinig ng katok. Tinatawag ang pangalan niya. “Elle, hija, kain na…” malamyos ang boses at gumaan ang pakiramdam niya. Naalala niya tuloy ang inang reyna niya. Tinatawag siya nito ng personal sa hapag kainan sa mga puntong tanghali na siya gumigising sa kaharian nila.
Mabait ang kaniyang ina at kahit pa nadidinig nito ang mga kabulastugan niya sa eskwela ay iniintindi pa rin siya nito at pinapatawad.
“Narinig ko mula sa Tagasubaybay na iniligtas ka ng prinsipe ng Meilyr mula sa halos na pagkakatali sa sarili mo sa isang sanga malapit sa batis,” tikhim ng ina niya habang kumakain sila sa gintong hapag-kainan.
Tinutukoy nito si Caleb na isang matalik niyang kaibigan. Isa itong prinsipe na ilang taon na niyang nakakasalamuha. Una niyang nakadaupang-palad si Caleb nang maligaw siya sa Meilyr na kalapit kaharian lamang ng Soraiya, isang mataas na bundok ang pagitan ng Soraiya at Meilyr. Bagama’t payapa ay mas mapanganib ang Meilyr dahil minsan ay napapasok ito ng mga halimaw.
Nagpapasalamat ang Soraiya dahil sa Meilyr dahil bago paman mapasok ng katawang-halimaw ang Soraiya ay nagugupi na ito sa mundong Meilyr na pinamamahayan ng maliliksi at matatapang na mga elves.
Ang elves sa mundo ng tao ay mga duwende, ngunit sa Meilyr ay kayguguwapong nilalang ng mga taga-Meilyr. They were called warrior elves with muscular and sleek bodies for men and feminine curves for women. They were taller than the fairies like a giant to the small fairy they can fit in their hand. Think like Peter Pan and Tinkerbell.
In Caleb and Elle’s case, Caleb is the handsome Peter Pan while Elle one time is a beautiful fairy lost in the mountain border between Meilyr and Soraiya.
Masyadong malikot si Elle and she stumbled in one of the thorn trees in the mountain. Buti na lamang ay namamahinga si Caleb sa panahong iyon, mahilig ring magliwaliw ni Caleb sa gubat upang mamasyal at sumilip sa batis ng Meilyr na natatanaw mula sa bundok na iyon. Sumisigaw si Elle ng biglang may mga palad na humawak sa mga pakpak niya, marahan lamang iyon at napalipad siya palayo, ngunit napatakbo rin si Caleb at hinabol siya ng maliliksi nitong mga paa.
“H-hintay! Isa akong taga Meilyr, huwag kang matakot!” habol nito sa kaniya at napadako sila sa malaking puno.
“Ang totoo’y ngayon lamang ako nakakita ng taga Soraiya na kasing ganda ng mga pakpak mo,” anito ng mapa-upo na sila sa bundok kung saan nila nakikita ang ilog.
“Iyon ay dahil isa akong prinsesa,” kumpidanteng lipad ni Elle sa palibot ni Caleb. “Kaya’t naiiba ang pakpak ko.”
“Talaga? Ikaw ba ang sinasabi nilang prinsesa ng Soraiya?” napahalakhak si Caleb.
“At bakit ganiyan ang pagtawa mo?” ingos ni Elle.
“Marami akong naririnig tungkol sayo, ngunit ngayon lang kita nakita ng personal.”
“Naririnig mo marahil ang mga kabulastugan ko,” ismid ni Elle.
“May isang ka-uri ko na pumasyal at di yata’y naging estatwa ng limang oras dahil sa iyo. Kaya’t huwag ka nang magtaka kung bakit alam ng mga Meilyr ang kabulastugan ng prinsesa.”
Naalala ni Elle ang araw na iyon, kung saan namali ng enkantasya ang nabanggit niya sa panauhin ng Soraiya sa palasyo. Minsan ay may mga elves na naglilibot rin sa Soraiya ngunit madalang lang dahil malalaki ang mga elves kumpara ng mga fairies, at hindi nila gustong makapinsala sa mga maliliit na fairies. Kumbaga ay kung may espesyal na okasyon lamang o may mga emergency napaparoon ang elves sa mundo ng fairies.
“Mahirap ang spell na iyon,” ngiti niya. “Ikaw. Ikaw ba ang sinasabi nilang prinsipe ng Meilyr?”
“At paano mo nalaman?”
Itinuro ni Elle ang emblem na naroon sa damit at dibdib ni Caleb. Hindi ordinaryong emblem ang naroon. Sa hitsura rin nito ay litaw ang pagka maharlika nito. Kung isa rin siyang elf ay marahil nagustuhan na niya si Caleb, mukha itong maabit at maamo bukod sa matangos ang ilong at mapupula ang labi nito.
Napangisi lang si Caleb. “Kung gayon, ay nagagalak akong makilala ka prinsesa.”
“At salamat, dahil sa pagligtas mo sa akin. Ngayon ay kailangan ko nang bumalik sa palasyo.”
Napatango si Caleb at doon nagsimula ang kanilang pagkakaibigan.