Chapter 1
Really important meetings are planned by the souls long before the bodies see each other.
-Paulo Coelho, Eleven Minutes
MEMORIES, THAT’S WHAT HE THOUGHT HE LOST, OR MAYBE NOT.
“This is a paper, this is a ballpen, sinusulatan at sinusulat. I know it, I can even write and draw on it,” with urgency ay magulong nag-doodle ng kung anu-ano si Chase sa papel niya.
Napa-blink ang mga kaharap niya, because he was scrawling lines, very quick urgent lines. Nick, Janus, and Colt looked at each other, palinga-linga, their eyes staring bemusedly at their ‘brother’.
“You should rest Chase, huwag mong pilitin. Tutal nasa incubation stage pa lang naman ang plano. And I told you we are halting it, I am bending my Time is Money rule this time,” aniya ng lider ng barkadang si Nick.
“No,” napatayo si Chase. Nagugulumihan ang mukha nito. “Ang ibig kong sabihin ay kayo, ikaw Nick, Janus, Colt, kilala ko kayo. In know the numbers, your birthdays, and your car plate numbers. Pero meaningless lahat iyon dahil wala akong masagap na emosyon mula sa mga nalalaman ko!”
The three guys bobbed their head in confusion and pity.
They know Chase just lost his fianceé Sofia one week ago.
“Alam ko ito, he’s grieving, this is his grieving process,” analisa ni Janus at kinuha ang coupon bond na drinowing-an ni Chase kanina.
“Chase doodles in his grieving process?” kalmang himig ni Colt at tinuro ang drawing.
“I suggest you take a vacation leave Chase,” tayo na ni Nick para tapikin ang kaibigan na hindi matigil sa paglalakad.
Naalala nila ang gabing isinugod ang kaibigan sa hospital, limang araw bago ang nalalabing kasal nito sa fianceé nito. Car crash.
Dead on arrival si Sofia habang nasa Intensive Care Unit si Chase. For the first time, these guys wanted to sprawl out in the ICU floor and cry like babies together. Naka-ventilator na noon si Chase, at alam nilang iyon na lang ang bumubuhay sa ika-apat sa kanilang magbabarkada.
Chase’s mom was just silent outside the room, tinawag silang tatlo.
They were there when the miracle happened. When Chase’s last heart beat dropped and the machine shrieked. Silence.
Bente segundo bago nila marinig ulit ang t***k ng puso ng kaibigan nila. And they shouted like when they cheered for Chase in the University a very long time ago ng bugbugin nito ang isang estudyante ganti dahil sa pananadyak kay Colt.
When Chase awoke, ay kataka-takang gusto nitong dumerecho agad sa trabaho.
Takot man sila sa magiging reaksiyon nito ay inamin nila dito na patay na si Sofia and the only line he replied was ‘Oh, patay na si Sof?’ na parang wala lang.
That’s when their jaws dropped.
“Grieve Chase. Cry bro, feel again how to lose someone and eventually it would heal you. Project Enchanteur could wait.”
Nick was talking about their one project with Alternate Realms, Ltd. Ito ang itinatag na kompanya nilang apat ng makaipon na sila ilang taon matapos ang matagumpay nilang mga karera. They were on the stage of developing an innovative new 3D interactive-online game with the concept of an alternate Enchanted world ng may sumulpot na kung anu-anong mga sikretong kababalaghan bigla o trahedya sa isa’t-isang mga buhay nila…
Maybe, this Project Enchanteur was doomed, and what happened with Chase this time was the last blow.
Tumango lang si Chase. “I want to feel…” bulong nito. “So badly…” his face was still evident of hazy confusion.
Naiintindihan nila. They are men but they wanted to feel too, they wanted to experience something life-changing, and maybe the story for all of them was just starting to unfold…
A MUSHROOM. Maiging tinitigan ni Chase ang isang mala-dalandan na lady-veil mushroom na kasingtaas ng dalawang hintuturo niya. Gabi na ng marating niya ang mansiyon nilang nakatago sa gitna ng isang liblib na kagubatan. He just traced his memory, it was all there, kung ilang layong kilometro mula sa Maynila ang dapat niyang baybayin, kung ilang mga hakbang sa mahabang hike sa makipot na sulok ng gubat na iyon…
Naka-kwadrado ang mansiyon sa mataas na sementadong gate wall na puno ng mga lumot sa labas, ngunit kung bubuksan ang isang maliit na gate niyon, ay mabubungaran mo ang isang paraiso.
The mansion place was beautifully kept, at sa loob, ang gate wall ay napapalibutan na ng mga vines ng malulusog na dahon at mga kumpol ng bulaklak. The mansion was scrubbed white, parang kumikinang. May dalawang magkatabing water fountain sa gitna ng freshly-mowned bermuda grass. Flashes of a young boy laughing freely and running around the green lawn flickered in his mind at dinala siya ng mga paa niya sa gitna ng fountain.
That boy in his memory stood in the middle of the fountain, napalingon ito ng tawagin ng isa pang animo’y isang bata rin…pero hindi ito isang bata…
“Papa…” the young boy embraced the small stature who followed him.
Kasing-liit lang ng batang si Chase ang ama niya. His father was a midget.
Isang unano.
Anak ng isang kilalang personalidad sa showbiz at isang mayamang pulitiko ang papa niya ngunit dahil sa kahihiyan ng unti-unti na itong lumalaki at nadidiskubre ng isang unano ito ay pinagawan at ibinahay ito sa isang tagong mansion kasama ang isang tagapangalaga.
Chase’s mother was once a young maiden who was once lost in the forest and found the mansion.
As bizarre as it could be, the beautiful maiden fell in love with the midget with a heart of gold. At doon sa tagong mansion na iyon nabuo si Chase.
Pero kailangang bumalik ng dalaga sa pamilya nito at hindi rin nito nakayanan ang panlalait ng pamilya kaya’t itinago sa buong lipunan ang totoong koneksyon at katotohanan nila.
To the society, Chase was just borne by a single mom and his father left them. Pero ang totoo, nakakulong sa isang liblib na gubat ang buong katotohanan sa pagkatao ni Chase. Dito sa kinatatayuan niya nakatahi ang mga memorya ng mga pag-ibig na hindi kayang mai-deskripsyon ng mga salita lamang.
That mansion was a secret hideaway of all bizarre, magical and true…
Sa memorya niya, may isang kwentong ikinukwento noon palagi ang ama niya tungkol sa kung anong nasa gitna ng dalawang fountain.
Ang sabi minsan mula sa pagdungaw sa bintana ng papa niya isang gabi sa hardin ay nakita nitong umilaw ang buong paligid sa dami ng mga alitaptap. Ngunit hindi ito mga pangkaraniwang alitaptap.
Wari ba’y ang mga alitaptap na iyon ay may kakaibang buhay, parang mga tao at isa-isa ay nagtipon sa gitna ng mga fountain, na tinatawag ng isang lider.
Ang kumpol ng mga alitaptap ay sumayaw-sayaw, encircling like following a rhythmic dance of celebration. May musikang naririnig ang papa niya sa panahong iyon, at iyon daw ay musikang napakaganda pero alam mong hindi likha ng tao.
And the lights twirled up the sky, nagsasayaw ang mga alitaptap sa ipo-ipo ng liwanag pababa ng pababa parang hinihigop ang mga alitaptap sa lupa...hanggang sa lumamlam ang liwanag at naglaho sa gitna ng fountain ang ilang daang mga alitaptap.
Sa gabi daw na iyon rin siya ipinanganak.
It was like another world was celebrating for his birth. O marahil raw ay may isinilang na isang sanggol sa kabilang mundo sa gabi ring iyon…
Ang hindi alam ni Chase at ng ama niya ay totoo ngang may selebrasyong nagaganap ng gabing iyon.
Dahil sa gabing iyon ay ipinanganak ang isang prinsipe sa kabilang mundo – sa kaharian ng Meilyr – mundo ng mga elves.
Bilang pagkakaibigan ay nag-alay ng sayaw ng selebrasyon ang mga diwata sa kaharian ng Soraiya para sa batang magiging pinuno at tagapagbantay ng kaligtasan ng buong Enchanteur.
Enchanteur is a real kingdom formed by separate magical tribes.
Ang hindi alam ni Chase ang prinsipeng isinilang sa kaparehong gabi ng pagsilang niya ang magiging dahilan kung bakit may isang kabuteng sumulpot sa paanan niya ngayon.
And the answer was in Chase’s hands…to unlock all the mysteries and for him to discover who he truly is...eventually.