Beatrice P. O. V.
Habang naglalakad ako pauwi sa amin ay napansin ko ang bulungan at tinginan ng mga taong nakakasalubong ko. Hindi ko maintindihan kung anong nangyare, kung anong meron?
"Siya nga 'yon..." rinig kong sambit ng isang babae.
Nang tumingin ako sa kaniya ay agad silang nag-iwas ng tingin. Naramdaman ko naman ang pagtunog ng aking cellphone. Kinuha ko iyon mula sa sling bag at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang sinend sa akin ni Cyril.
Isang link. Nakita ko kaagad ang pangalan ko doon kaya dali-dali ko itong pinindot. Napaawang ang labi ko nang makita ang aking larawan habang nakahiga sa kama. Ang lalakeng nakilala ko kaninang umaga na nakasama ko ay nakapatong sa akin sa larawan.
Kusang tumulo ang luha ko. Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga, naninikip ang dibdib ko habang tinititigan ang mga litrato kong nakikipagtalik sa lalakeng hindi ko kilala.
Nakarinig ako ng malakas na tawa ng isang babae, napatingin ako sa kaniya. Alam ko na ako ang pinagtatawanan nila, ito pala ang dahilan kung bakit nagalit ang Ina ni Kyle sa akin. Sira na ako sa lahat ng tao, paano na lang kung makita ito ni Kyle?
Biglang nag-vibrate ang cellphone ko, tumatawag ngayon si Cyril. Hindi ko alam kung paano ko pa ipapaliwanag sa kaniya. Kumakalat ang link sa social media at tinatawag ako ng lahat na isang malanding babae na nakipagtalik sa isang mayaman na lalake. Tinatawag nila akong bayarang babae.
"Hindi ako bayaran!" sigaw ko.
Napatingin sa akin ang babae na tumatawa. Kinuha ko ang papel na binigay sa akin ng lalake kanina, nakasulat roon ang isang milyon. Sa galit ko ay pinunit ko ito at pinira-piraso saka hinagis sa basurahan. Tumakbo ako patungo sa aming bahay.
Hindi pa ako nakakapasok ng bahay ay nakarinig ako ng malakas na kalabog.
"Mama!" sigaw ko at pumasok ng aming munting tahanan.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Papa na may hawak na libro mula sa shelf, inihagis niya ito kay Mama. Napaupo si Mama sa sahig. Nakaakma ang kamao ni Papa at handa nang suntukin si Mama pero agad akong humarang.
"PAPA, TAMA NA!" sigaw ko.
Hindi tumigil si Papa. Naramdaman ko ang malakas nitong suntok sa aking noo. Napahiga ako sa sahig sa sobrang lakas nito.
"BEATRICE!" sigaw ni Mama at gumapang papalapit sa akin.
"M-Mama..." bulong ko at napatingin sa mukha ni Mama.
Dumudugo ang ibabang labi ni Mama dahilan para mas lalo akong mapaluha, hindi ko maatim ang kalagayan ni Mama kay Papa.
"Malandi kang bata ka! Kagaya ka lang ng Ina mo!" sigaw ni Papa at hinawakan ang buhok ko.
"Kiko, tama na! Nasasaktan ang anak natin---"
"Natin? Isabel, naririnig mo ba ang sarili mo?"
Nagulat ako sa sinabi ni Papa. Napatingin ako sa kaniya, namumula ang kaniyang mukha at nakasarado ang kamao na handa na kaming pagbuhatan ng kamay.
"Isabel, nakikita mo ba ang sarili mo sa babaeng 'yan?" Tinuro ako ni Papa. "Ginawa niya rin ang ginawa mo. Naglandi sa isang lalake, nakipagtalik, tapos ano? Nabuntis ka. T*ngina, Isabel. Maniniwala sana ako na anak natin si Beatrice pero hindi ko nakakalimutan na baog ako."
Natigil ako sa pagluha nang isang malaking rebelasyon ang narinig ko mula kay Papa. Ngayon ko lang nalaman. Baog si Papa... Ibig sabihin ay hindi niya ako tunay na anak.
"Tinanggap ko ang batang 'yan kahit hindi sa akin, Isabel. Maayos tayong nabubuhay noon, plano natin mag-ampon pero malandi ka, malandi ka at pumatol ka sa ibang lalake!" sigaw ni Papa at nagulat ako nang sampalin nito si Mama.
"Kiko... Kiko, pinagsisisihan ko 'yon..." wika ni Mama sa pagitan ng pagluha niya.
Napatulala ako sa kawalan. Hindi pumapasok sa utak ko ang nangyayare, hindi ako makapaniwala. Napatitig ako kay Mama, kahit kailan ay hindi niya sinabi sa akin. Kailan pa nila aaminin 'to?
"Lumayas ka dito, hindi kita anak! Walang aapak sa pamamahay ko na kagaya mo!" sigaw ni Papa at sinipa ako.
Nanghihina akong tumayo. Napatingin ako kay Papa na hinawakan si Mama sa kaniyang braso at pinatayo. Kitang-kita ko ang awa sa mga mata ni Mama nang magtama ang mga mata namin.
"Umalis ka na!" sigaw ni Papa.
Dahan-dahan akong naglakad palabas ng bahay. Hindi ako makahinga, gusto ko na lang mamatay sa oras na ito. Hindi ko matanggap, kaya pala ganoon ang trato sa akin ni Papa, parang wala siyang bilib sa akin, kaya hindi niya ako pinagtapos ng kolehiyo at napilitan akong magtrabaho, samantalang si Mama ay walang ginawa kundi mahalin ako at pagaanin ang loob ko.
Kasal sila ni Papa, pero hindi ko alam na ang dahilan pala kung bakit nag-iisa lang ako ay dahil baog si Papa. Gayon pa man ay kinasal sila ni Mama. Gusto kong isama si Mama sa aking pag-alis pero wala akong magawa, walang trabaho si Mama. Wala siyang magagawa, maski ako. Isa lang ang pag-asa, magtrabaho ako ng mabuti para makapag-ipon at maalis ko na si Mama sa poder ni Papa.
"Trycicle?" ani ng isang driver at huminto sa harap ko.
Tumango ako at sumakay sa trycicle nito. Nagpahatid ako sa dati kong dorm, maliit na apartment, dito ako nananatili habang nagtatrabaho ako. Dahil malayo-layo ang bahay namin mula sa trabaho, sayang ang pera pamasahe at oras ko kaya mas pinili kong mag-rent ng apartment.
Pumasok ako sa kwarto kong maliit lamang. Sa maliit na silid na ito ay narito na ang maliit na kama, maliit na sink, at maliit na banyo.
Napabuntong hininga ako at dahan-dahang naupo sa aking kama. Pinunasan ko ang aking luha. Tumunog ang aking cellphone at kinuha ko ito.
"I can't believe you can do this, I loved you so much but we're over. I'm breaking up with you, Bea."
Patuloy ako sa pagluha habang binabasa ang mensahe na natanggap ko mula kay Kyle. Alam ko na kamumuhian niya ako matapos ang nangyare, kahit anong explain ko, alam ko na mali ako.
Wala na akong magagawa kundi tanggapin ang naging kapalaran ko. Hindi lang virginity ko ang nawala, kundi pati ang reputasyon ko, pamilya ko, nobyo ko at ang dignidad ko.
Dahil sa lalakeng 'yon...
************