Beatrice P. O. V.
Kusang tumutulo ang luha ko, hindi ko ito mapigilan. Pakiramdam ko ay dinudurog ang buong pagkatao ko. Tumayo ako sa kama at nanghihinang naglakad para pulutin ang mga damit kong nagkalat sa sahig.
"Anong ginawa ko?" tanong ko sa aking sarili.
Buo ang tiwala ko kagabi, buo pa ang sarili ko kagabi, pero ngayon. Iba na ang pakiramdam ko, wala na ang matagal ko nang iniingatan.
Pumasok ako sa banyo. Dahan-dahan akong humarap sa malaking salamin. Ibinaba ko sa sink ang mga damit ko. Kitang-kita ko ang hubad kong katawan na inangkin ng walang kahirap-hirap ng isang tao na hindi ko kilala. Tila ba nagfa-flashback sa utak ko ang mga halik nito sa akin at ang pag-angkin niya sa p********e ko.
"AAARRRGH!" sigaw ko at napahampas sa sink.
Wala akong magawa kundi ang lumuha, pakiramdam ko ay sobrang dumi ko nang babae. Wala na akong mukhang maihaharap kay Kyle ngayon, paano na ako? Anong sasabihin ni Kyle kapag nalaman niyang hindi na virgin ang babaeng mahal niya?
Tumayo ako sa tapat ng shower at binuksan ito. Pilit kong hinahagod ang aking balat. Lumuluha ako habang patuloy ang pagbuhos ng tubig sa aking katawan. Sa ganitong paraan man lang maisip kong nalilinis na ang dumi na dinulot ng lalakeng 'yon.
Kinuha ko ang sabon at paulit-ulit na kinuskos ito sa aking leeg at dibdib. Napatingin ako sa salamin. Pakiramdam ko ay kahit anong linis ang gawin ko sa aking katawan ay madumi pa rin ako.
"I-Isa akong maduming babae," bulong ko at nabitawan ang sabon.
Natapos akong maligo, muli kong sinuot ang damit ko. Basa ang aking buhok, mugto ang aking mga mata sa kakaiyak. Kinuha ko ang sling bag ko mula sa side table saka sinuot iyon sa aking katawan. Wala akong ganang naglakad palabas ng room. Para akong lanta na gulay na naglakad papasok ng elevator.
"The hell..." rinig kong maarteng sambit ng babaeng katabi ko nang makitang tumutulo sa sahig ang tubig mula sa aking basang buhok.
Hindi ko siya pinansin at napayuko lamang ako. Paglabas ko ng elevator ay naglakad na ako patungo sa exit, mayroong isang babae na staff doon, nakatitig ito sa akin at tila ba nagtataka sa aking itsura. Yumuko ako para hindi nila makita ang itsura ko.
Tumayo ako sa gilid ng kalsada habang naghihintay ng taxi. Sa aking paghihintay ay tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito mula sa sling bag at nakita ang isang message mula kay Kyle.
Nanginginig ang mga kamay ko at pinipigilan ang muling pagtulo ng luha ko. Pinindot ko ang conversation namin ni Kyle.
"Hon? Nasaan ka ngayon? Naghintay ako sa 'yo buong gabi sa hotel room. Sabi ni Cyril pupuntahan mo 'ko, I ordered your favorite food, pasta. Akala ko makakapunta ka. Message me when you woke up."
Napapikit ako ng mariin. Hindi ko alam kung anong ire-reply ko sa kaniya. Malaking kahihiyan ang ginawa ko.
I dialed Cyril's number.
"Hello?" sagot ni Cyril mula sa kabilang linya.
"B-Bes..."
"Kamusta ang gabi niyo ni Kyle?" tanong niya.
"I-Itatanong ko sana kung tama ba ang sinend mo sa akin kahapon na room number?" nanginginig ang aking boses sa pagtatanong sa kaniya.
"Unit number? You mean 332?" tanong ni Cyril.
Napaawang ang labi ko, alam ko na agad. Mali ang na-send niya sa akin na number ng unit dahilan para ibang lalake ang mapuntahan ko. Maling kwarto, maling tao, maling pangyayare.
"Is something wrong, Bea?" my best friend asked.
"N-None!" I answered full of anxiousness.
"Okay, I have a meeting now. I have to go, have a good day, bestie!" she cheerfully said.
I smiled bitterly. Why can't I blamed her? She's my best friend for five years. Nakasama ko siya sa hirap at ginhawa. Sa sobrang dami naming pinagdaanan nang magkasama, ayoko siya isipan ng masama. Alam ko na hindi niya sinasadya ang pag-send ng maling number.
Hindi niya magagawang intentionally i-send ang wrong unit number. Hindi niya magagawa 'yon. Pero sa nangyare, dahil sa nangyare, sobrang hirap. Ang hirap tanggapin na wala na ang pinaka-iniingatan ko ng maraming taon. Na akala ko sa lalakeng mahal ko ibinigay, hindi pala.
"Taxi!" sigaw ko at nagpara ng isang taxi.
Huminto ito sa harapan ko at sumakay ako doon. Habang nasa byahe ako pauwi sa amin ay biglang tumunog muli ang cellphone ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang pangalan ng Ina ni Kyle ang tumatawag.
Umubo ako at inayos ang aking boses na garalgal pa dahil sa aking pag-iyak. Sinagot ko ang tawag nito.
"Hello po, Tita? Napatawag po kayo?" masigla kong tanong.
"Huwag na huwag mo na akong matatawag na Tita!"
Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang sinabi nito mula sa kabilang linya. Napatingin ako sa bintana ng taxi.
"P-Po, ano pong sinasabi niyo--bakit po?" nag-aalala kong tanong.
Nagsimulang tumibok ng malakas ang aking puso, hindi ko maintindihan ang nangyayare.
"Akala ko, sobrang bait mong bata at ikaw ang pinakamatinong naging nobya ng anak ko, nagkakamali pala ako!" gigil nitong sambit.
"T-Tita, hindi ko po kayo maintindihan," bulong ko.
"Ang kapal ng mukha mo, Beatrice! Sobrang tagal niyo na ng anak ko, sobrang kampante na ako sa relasyon niyong dalawa pero hindi ko alam na may tinatago ka pa lang baho!" sigaw nito.
Napaawang ang labi ko. Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko.
"Tita, wala po akong ginagawa---"
"Malandi ka, Beatrice! Ang kapal ng mukha mo. Hinding-hindi ako papayag na sa babaeng kagaya mo lang mapupunta ang anak ko!"
"Tita, please po..."
"Totoo talagang nasa loob ang kulo ng mga babaeng kagaya mo. Simula ngayon, hindi na kita makikita na kasama ng anak ko. Layuan mo na siya, dahil kahit kailan hindi kita matatanggap. Walang malandi sa pamilya namin!" sigaw niya.
"A-Anong malandi ang sinasabi ninyo--" hindi ko na naipagpatuloy ang pagsasalita ko nang bigla nitong patayin ang call.
Muli kong tinignan ang cellphone ko. Bakit niya sinasabi na malandi ako? Napahawak ako sa aking ulo habang iniisip kung anong nangyare, kung bakit nasasabi ni Tita 'yon?
********************