Beatrice P. O. V.
Isang buwan ang lumipas matapos ang nangyare, kahit papaano ay nakakalimutan na ng mga tao ang issue tungkol sa akin. Pero patuloy pa rin ang iilang tao sa panghuhusga sa pagkatao ko.
"Beatrice, ano ka ba? Bakit lima lang ang na-print mo? Ano bang sabi ko, limampu, five zero."
Napaangat ang tingin ko kay Ma'am Cathy, ang katrabaho ko na mas mataas sa akin dito sa company.
"M-Magpi-print pa po ako--"
"Dumb, i-xerox mo na lang 'to, bilisan mo, malapit na ang meeting mamaya!" sigaw niya.
Tumango ako at kinuha ang copy mula sa kaniya. Patakbo akong bumalik ng computer room kung nasaan ang malaking printers. Lima ang printer dito kaya nilagyan ko sila tig-isa lahat. Para mabilis ang xerox na mangyayare. Habang hinihintay kong matapos ito ay bigla kong narinig ang tawag ni Manager.
"BEATRICE!"
Tumakbo ako palabas ng silid. Naroon siya sa hallway at naghahanap sa akin.
"Ma'am, bakit niyo po ako hinahanap?" tanong ko.
Lumapit siya at inabot sa akin ang isang box, puno ito ng bottled water kaya nakaramdam ako ng bigat.
"Dalhin mo 'to sa fifth floor, nandoon ang mga nag-aayos for meeting."
Napaawang ang labi ko, hindi ito ang trabaho ko pero wala akong magawa. Kailangan ko sumunod sa lahat ng i-uutos nila sa akin at hindi rin ako pupwede magreklamo sa kanila. Mas mataas silang posisyon kaysa sa akin.
Sumakay ako ng elevator. Nanginginig na ang braso ko sa ngawit dahil mabigat ang dala-dala ko. Mabilis akong lumabas ng elevator nang bumukas ito. Napatingin sa akin ang mga employees na may kaniya-kaniyang ginagawa.
"Nandito na yung tubig niyo," hingal kong sambit.
Hinihintay kong magpasalamat man lang sila sa akin ngunit hindi nila ako pinansin. Napayuko ako at muling bumalik sa elevator. Napabuntong hininga ako, biglang may lalake na pumasok sa elevator. Napatayo ako ng tuwid nang makilala ko iyon. Ang supervisor.
"Good day, Sir." I greeted him.
"Ground floor," aniya.
"P-Po?"
Tinuro niya ang floor buttons. Agad akong tumango at pinindot ang ground floor para sa kaniya. Nang makapabalik ako sa computer room ay tapos nang ma-xerox lahat ng kailangan. Binilang ko ito para masigurado kong fifty copies.
Nakaramdam naman ako ng pananakit ng ulo kaya naupo ako sa isang upuan.
"Oo, siya ang magme-meeting mamaya. Kaya kailangan lahat tayo nandoon," rinig kong sambit ng katrabaho ko.
Napatingin ako sa kanila at napatigil sa pagbibilang.
"Bagong CEO? Anong nangyare kay Mr. Martinez, wala na siya?" tanong ng kasama nito.
Napakunot ang noo ko, wala na ba ang boss naming si Mr. Martinez? Anong sinasabi nilang bagong CEO. Gustuhin ko man na itanong sa kanila pero alam kong hindi nila ako papansinin. Dito ay wala akong kaibigan.
"Beatrice, nasaan na ba? Napakatagal mo talagang kumilos kahit kailan!" reklamo ni Ms. Cathy.
"H-Heto na po!" sambit ko at kinuha lahat ng papel.
Tumakbo ako papunta sa kaniya at ibinigay ito.
"Bakit ba namumutla ka? Para kang nakakita ng multo," irita niyang sabi sabay kuha ng mga papel na hawak ko.
"P-Po?" tangi kong nasabi.
Tinalikuran niya ako at akmang babalik na ako sa trabaho ko pero hinarang ako ng assistant manger.
"Beatrice, nandito ka pala. Nasaan yung mga files ng sales last month? Kailangan ng auditor."
Napabuntong hininga ako. Nasa second floor iyon.
"Ituturo ko po sa inyo," pilit akong ngumiti kahit pagod na pagod na ako.
Pagdating namin sa stock room ay nagsimula akong maghanap. Umabot kami ng sampung minuto sa paghahanap sa sobrang daming files na narito.
"Iyan lang po ba ang kailangan niyo?" tanong ko sa kaniya.
"Oo, salamat. Mauna na 'ko, need na 'to ng auditor. Strict kasi ang bagong CEO," aniya.
Napakunot ang noo ko, tila ba ako lang ang hindi nakakaalam patungkol sa sinasabi nilang bagong CEO.
"A-Anong CEO?" tanong ko.
Hindi niya ako sinagot at mabilis na lumabas ng stock room. Napabuntong hininga ako, hindi ko malaman-laman kung anong meron at ganap sa araw na 'to.
Biglang bumukas ang pinto, nakita ko ang aming head supervisor na natataranta, bakas sa mukha nito ang tension. Pawis na pawis ang kaniyang noo na parang may hinahanap.
"Beatrice! Beatrice!" sigaw niya.
"Y-Yes, Sir?" ani ko.
Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko.
"You have to help me, ang daming kailangan gawin, isang mali lang mawawalan ako ng trabaho!" natataranta niyang sambit.
"A-Ano pong sinasabi niyo?" tanong ko.
Imbis na sagutin niya ako ay dali-dali niyang kinuha ang files ng lahat ng applicants dito, pati ang files ng local distributor at retailers. Nagulat ako nang i-abot niya ito sa akin.
"Sir, ang dami po nito..." bulong ko.
Halos hindi ko na siya makita sa kabundok na folders at papel na dala ko.
"Dalhin mo na 'yan sa fifth floor, oras na, baka nandiyan na ang CEO, bilisan mo na Beatrice at sa 'yo nakasalalay ang trabaho ko!" sigaw niya.
Bahagya niya akong tinulak sa pinto kaya napilitan akong lumakad patungo sa elevator. Nanghihina na ang katawan ko sa bigat ng mga pinapadala o inuutos nila sa akin.
Pagdating sa fifth floor ay nakahilera sa hallway ang mga employees na tila ba may dadaan.
"Beatrice, ang bagal mo! Ipasok mo na 'yan sa loob ng meeting room!" sigaw ni Manager.
"Tumahimik kayong lahat, nandito na ang CEO!" boses iyon ng supervisor.
Tila ba nabingi ako sa narinig kong sigaw. Dahan-dahang nanghina ang mga binti ko, ramdam ko ang panlalata ng buong katawan ko. Sa sobrang panghihina ko ay nabitawan ko ang mga dala kong folders.
Hinihintay kong bumagsak ako sa sahig ngunit naramdaman ko ang pagsapo sa akin ng kung sino. Sinubukan kong idilat ang mga mata ko, isang pamilyar na mukha ang aking natanaw napaawang ang labi ko.
Kilala ko ang lalakeng 'yon, ang mukha ng taong sumira ng buhay ko. Ang lalakeng umangkin sa akin ng gabing 'yon.
Hindi na ako nakapagsalita pa nang tuluyan na akong mawalan ng malay.
******************