Chapter 8

1590 Words
Beatrice P. O. V. Nakatayo ako sa gilid ng bintana habang pinapanood ang mga sasakyan sa kalsada na dumaraan, natutuwa ako sa mga ilaw nito. Kita ko rin ang magandang buwan na ngayon ay half moon. "Beatrice, I told you to rest!" sigaw ni Harris. Napapikit ako ng mariin. Heto na naman siya para sigaw-sigawan ako. Sinabihan na siya ni Lola Rita kanina na dapat siyang maging mabutang ama, sabagay, hindi asawa. Tatanggapin ko na lang ang trato niya sa akin, bawal ako magreklamo, kailangan ko rin siya para sa anak ko. "Heto na po, sir. Magpapahinga na," pang-aasar ko at hinarap siya. Hindi ko naman inaasahang makita si Harris na nakatapis lamang ng twalya sa kaniyang beywang. Napalunok ako ng ilang beses, hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa matipuno nitong dibdib, ang abs na minsan kong pinagnasahan. "B-Bakit ba wala kang damit!?" sigaw ko. "Where do you think my walk in closet is?" aniya sabay lakad patungo sa pinto ng walk in closet niya. Bago pa nito buksan ang pinto ay hindi mawala ang tingin ko sa makinis at maputi niyang balat. Habang ang tubig na galing sa kaniyang buhok ay tumutulo sa matipuno niyang katawan, para akong nahihipnotismo nito. Nakakalula, nawawala ako sa aking sarili. "Stop staring at my body, pinagnanasahan mo ba ako?" seryoso niyang sambit. Agad akong nagising sa reyalidad dahil sa sinabi nito. "A-Ano? H-Hindi, ah. Ano bang sinasabi mo?" I said awkwardly. Dahan-dahan itong lumapit sa akin. Pilit kong iniiwas ang tingin ko sa matipuno niyang katawan, hindi ako makapaniwala na nakakakita ako ng ganitong klase ng katawan ngayon, he's the almost perfect looking guy. "Look at me," utos niya. Napaatras ako sa bintana at naramdaman ko ang malamig na sliding window sa aking likuran. Itinaas nito ang kaniyang kamay at saka sinandal sa bintana. Lumakas ang t***k ng puso ko, na-corner niya na ako. "I said, look at me." Hinawakan niya ang baba ko dahilan para mapatingin ako sa magaganda nitong mata. "Answer my question, why are you looking at my body?" tanong niya. Mas lalo niyang nilapit ang kaniyang mukha sa akin. Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga sa lakas ng t***k ng puso ko. Tila ba sasabog ito sa bilis ng t***k. "H-Harris..." bulong ko. "Take a shower before going to sleep. We are gonna talk about our wedding," seryoso niyang sambit. Lumayo ito sa akin, pinanood ko siyang lumakad papasok ng walk in closet niya. Tila ba nabunutan ako ng tinik sa aking lalamunan nang sa wakas ay wala na ito. Huminga ako ng malalim bago tuluyang pumasok sa banyo. Gumamit ako ng heater sa pagligo para maligamgam ang tubig dahil malamig na dito sa kwarto ni Harris at naka-aircon kami magdamag. Sobrang high class ng mga gamit dito sa banyo, ang ganda ng shower room, may bath tub din naman pero ayoko gamitin. Maganda rin ang sink at malinis. Ginamit ko ang shampoo at sabon na narito at mukhang kay Harris. Nang matapos ako ay piniga ko ang aking buhok para matanggal ang bigat ng tubig. Napatingin ako sa malaking salamin ng banyo. Napagtanto ko na wala pa lang twalya rito sa loob, akala ko ay may extra para sa akin. Bakit wala? Ano nang gagawin ko nito? Wala akong choice. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Kaunti pa lang ang awang nito ay pumasok kaagad ang malamig na hangin dahilan para manginig ako sa lamig. "H-Harris!" nanginginig ang aking boses sa lamig. Nakita kong nakahiga na si Harris sa kama. Bakit siya naroon? Magtatabi ba kami matulog? "What is your problem?" ani Harris at nilingon ako. "Why are you trembling?" nag-aalala niyang tanong at biglang tumayo. "H-Huwag ka lalapit! K-Kailangan ko ng twalya," nanginginig kong sambit. "Oh... I forgot to get one for you, wait." Pinanood ko siyang tumakbo patungo sa walk in closet. Napansin ko naman na nakasuot lamang siya ng boxer short, kitang-kita ang maputi niyang legs. Niyakap ko naman ang sarili ko sa lamig ng kwarto niya. "Here!" Patakbong lumapit sa akin si Harris. Kinuha ko ang towel na hawak niya at pilit na ngumiti sa kaniya. Napansin ko naman na nakatingin ito sa likod ko. Napakunot ang noo ko, tumingin din ako sa likod ko at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang sarili ko sa reflection ng salamin sa shower room. "BASTOS!" sigaw ko at mabilis na sinarado ang pinto. Nagmamadali akong ibalot ng twalya ang katawan ko. Nang buksan kong muli ang pinto ay napatitig sa akin si Harris nanatiling nakatayo sa harapan ng pinto ng banyo. "Ikaw ata 'tong nagnanasa sa akin!" inis kong sigaw at mabilis na nagtungo sa walk in closet. Inis na inis akong nagbihis ng pantulog. Nang matapos akong mag-ayos ay lumabas ako ng kwarto. Ngayon ay nakita na niya ang hubad kong katawan, samantalang siya, abs lang ang nakita ko. Nakita ko si Harris na nakaupo sa dulo ng kama habang hawak nito ang kaniyang cellphone. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya. Napansin ko namang nakatingin ito sa isang litrato ng sing sing. "Beatrice, do you like this?" tanong niya at ipinakita ang cellphone niya. Napakunot ang noo ko, bakit naman tatanungin niya sa akin 'yon? "Maganda," sambit ko. Tumango siya at napabuntong hininga. Tila ba malalim ang iniisip niya habang busy siya sa kaniyang cellphone. Naupo ako sa kama at hinila ang kumot para takpan ang sarili ko dahil sobrang lamig. "Let's talk about the wedding," malungkot na sabi ni Harris. Napatitig ako sa mga mata niya, kahit hindi niya sabihin sa akin. Nakikita kong malungkot siya at hindi ko maintindihan kung bakit, wala naman akong ginagawang masama. "Parang labag sa loob mong ikasal sa akin, kung ayaw mo gawin 'to. Ayos lang naman sa akin, kailangan ko lang naman ng suporta sa anak ko," sabi ko at pilit na ngumiti. "It's fine. Wala na rin naman ang babaeng dapat papakasalan ko." Nang sabihin niya iyon ay napagtanto ko na iyon ang dahilan kung bakit malungkot ang itsura niya. Mayroon siyang babaeng gustong pakasalan, hindi ako. Malamang ay ang ex-girlfriend niya 'yon na si Celine. "Kung iniisip mo si Lola Rita, yung sinabi niya. Kakausapin ko siya para--" "If our child grew up. What would he think? That he have a broken family? His parents aren't married. It will be hard for him." Nagkatitigan kami, tama siya. Paano nga naman kapag lumaki ang anak namin. Malalaman niya pa ba na nabuo lang siya dahil lang hindi namin sinasadya? Ayokong masaktan ang anak ko ng ganoon. "I am just thinking, since we had an issue before. You want to solve it, right?" tanong niya. Tumango ako. "Let's get married and prove everyone that we're in a relationship before." Napakunot ang noo ko sa kaniyang sinabi, magsisinungaling na naman kami sa mga tao. Parang ang hirap naman noon. "Mahirap magpanggap, Harris." "I know, but for the sake of my child..." Napayuko ako sa kaniyang sinabi, may parte sa akin na natutuwa ako na may pakialam siya sa anak namin. Pero parang ako mismo ang may ayaw na ikasal sa kaniya. Matatali ako sa lalakeng hindi ko naman mahal. "You have to decide. Because for me, I'll marry you for my child. This baby need a mother and a father, a complete family, Beatrice. Unang anak ko 'to, I want to be perfect." Napatingin ako sa kaniya, mukhang desperado siya. Kung para lang sa anak namin, wala akong choice kundi ang pumayag. "Sige, magpakasal tayo para sa bata," bulong ko. "Does church wedding is okay to you?" tanong niya. Tumango ako. Nagpatuloy naman siya sa pag-check ng kaniyang cellphone. "What about the reception?" "Kahit saan." "The theme of our wedding?" "W-Wala akong alam sa taste niyong mayayaman, ikaw nang bahala. Kahit ano naman okay lang sa akin." He nodded and turn off his phone. "Our wedding will be held next week, Saturday. Before everyone knew that you are pregnant with me." Nilagay niya sa side table ang kaniyang cellphone saka tumayo. Niyakap ko naman ang aking sarili sa panlalamig. Lumakad siya patungo sa switch ng ilaw saka ito pinatay. Binuksan niya ang lamp at pinanood ko siyang tumabi sa akin. "T-Teka, magtatabi ba talaga tayo? Okay lang naman kung sa couch na lang ako matutulog--" "The bed is wide enough for two people. I'll just put a pillow between us," aniya at kumuha ng unan saka inilagay sa gitna namin. Tumango ako at umayos ng higa. Tinakpan ko ng kumot ang buong katawan ko pero pakiramdam ko ay hindi iyon sapat para maibsan ang lamig ng aircon. **************** Nagising ako nang maramdaman ko ang haplos sa akin likod. Naamoy kong muli ang pamilyar na pabango. Nakaramdam ako ng ginhawa sa katawan, kaya dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. Madilim ang paligid ngunit dahil sa liwanag ng lamp ay nakakakita ako ng sapat. Napagtanto ko na nakasubsob ako sa dibdib ni Harris habang siya ay nakayakap sa akin. Sa gulat ko ay mabilis kong tinanggal ang kamay niya. Napaupo ako sa kama. Dumilat ito at tinignan ako. "B-Bakit niyayakap mo 'ko!?" sigaw ko. "You're trembling, pinatay ko na ang aircon pero nanginginig ka pa rin. What if something happened to my baby inside you? So, I decided to hug you, tumigil ka sa panginginig," aniya. Napaawang ang labi ko. Ganoon ba talaga siya mag-alala sa anak namin? Pakiramdam ko ay exaggerated na ito. "S-Salamat, okay na ako," sambit ko at muling humiga sa dulo ng kama. Tinalikuran naman ako ni Harris at mukhang natulog na muli. Ipinikit ko naman ang mga mata ko para bumalik sa pagtulog. ****************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD