Beatrice P. O. V.
Wala akong nagawa kundi ang sumama kay Harris. Dinala niya ako sa isang malaking bahay na tila ba palasyo sa sobrang ganda at laki nito. Nakakalula ang taas ng bahay nila. Sa harapan ay napakalaki ng garahe samantalang mayroon pang fountain sa gitna katapat ng main door.
"Magandang tanghali, Sir Harris," bati ng isang babae na may edad na.
Nakasuot ito ng uniporme ng isang kasambahay. Binigay naman ni Harris ang susi ng kotse niya sa kasambahay.
"Get the luggage on my car trunk."
"Opo, Sir." she bowed on us and walked away.
Tinignan ako ni Harris. Cold ang mga mata nito sa akin, ngumiti ako sa kaniya ng tipid.
"Let's go, inside." Nauna siyang maglakad.
Sumunod naman ako sa kaniya. Napaawang ang labi ko pagpasok pa lang ng bahay, sasalubong sa 'yo ang malaking silid mayroong magandang sofa at malaking table sa gitna. Mayroon ding malaking TV. May hagdanan sa gilid na sobrang taas at mukhang maraming kwarto ang itaas na palapag.
"Where's Lola?" tanong ni Harris.
Nakita kong may isa pang kasambahay ang may hawak na walis na nakatayo sa gilid ng malaking pader. Lumapit ako roon at namangha ako sa loob na may malaking dining area.
"Umalis po si Doña Rita, Sir."
Napatingin ako sa maid na parang gulat na gulat nang makita ako. Nakarinig naman kami ng foot steps. Nakita ko ang may edad na babaeng dala-dala ang maleta ko, tumakbo ako sa kaniya at akmang tutulungan siya dahil may kabigatan ito.
"Manang, tulungan ko na po kayo, sa akin po kasi 'yan---"
"Beatrice."
Napahinto ako nang tawagin ako ni Harris. Nilingon ko siya, naglakad ito papalapit sa hagdanan.
"Come here, I'll carry you," aniya.
"T-Teka, saan mo naman ako dadalhin?" tanong ko.
"Guest room."
"Sir, sira pa rin ang aircon ng rest room. Diyaan po kasi natulog ang barkada ng kuya niyo," sambit ng babaeng kasambahay.
Napatingin ako kay Harris. Tila ba nag-iisip ito.
"We don't have a choice, you'll be sleeping in my room," ani Harris.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Bago pa man ako makapagsalita ay naramdaman ko ang kamay niyang humawak sa balakang ko at saka ako binuhat. Napatakip sa bibig ang katulong dahil sa nakita nito. Naramdaman ko naman ang pag-angat ko sa ere sa pag-akyat ni Harris sa hagdanan.
"B-Baka mabigat ako, kaya ko na maglakad, Harris. Ibaba mo na ako," sambit ko.
"Napakagaan mo, it's so obvious that you don't eat so well. Don't you dare starve my child," aniya.
Nang makarating kami sa isang pinto ay binuksan niya ito. Tumambad sa akin ang malaking kwarto. Kusang bumukas ang aircon ng silid. Iniupo ako ni Harris sa isang malaking kama na tila ba bulak sa sobrang lambot.
"Sigurado ka bang dito ako matutulog?" tanong ko.
"Yes."
Hindi man lang ito nagdalawang isip sa pag-sagot. Napabuntong hininga naman ako habang iniikot ang aking paningin sa paligid. Mayroon pang isang pinto doon na mukhang banyo. Kapansin-pansin ang mahabang lamesa sa tabi ng shelves, mukhang ito ang study table ni Harris na puno ng mga papel. Mayroong swivel chair doon. Mayroon ding maliit na halaman sa magkabilang side table ng kama. Sa tapat ng kama ay may malaking TV.
Nakita ko namang mayroong baso at pitsel sa kabilang side table. Isang lamp naman ang nasa dulo ng silid sa gilid ng kama. Sa dulo ng kama ay mayroong mahabang couch at pabilog na lamesa sa gitna, may kurtina sa gilid ng couch na parang may doorknob pa. Napakunot ang noo ko. Kung banyo na ang pinto sa pagitan ng study table at kama. Ano ang pinto na 'yon.
"Sir, ito na po ang gamit ni Ma'am," ani Manang habang dala ang maleta ko.
"Leave it, you may now go. Prepare a healthy lunch for us," utos ni Harris.
Lumabas ang kasambahay at sinarado ang pinto. Hinila naman ni Harris ang hawakan ng maleta ko, hindi ko nasabi na sira iyon, biglang natanggal ang holder.
"A-Ano, sira na 'yan," nahihiya kong sambit.
Bakas ang inis sa mukha ni Harris. Binuhat niya ang maleta ko. Nagtungo siya sa kurtina na katabi ng couch at inusog ang kurtina, nakita ko ang isa pang pinto. Binuksan iyon ni Harris at nagulat ako nang bumukas ang ilaw roon. Sa pagkamangha ko ay tumayo ako at sumunod sa kaniya. Namangha ako dahil isa pala itong walk in closet.
"Ang ganda, ang daming damit..." bulong ko nang pumasok ako doon.
Binuksan ni Harris ang isang closet ngunit puno ito ng mga T-shirt na organized pa. Lumipat si Harris sa isa pang closet, wala itong laman.
"You can put your clothes here, I will tell manang to arrange it," ani Harris.
"Hindi! Ako na ang mag-aayos, nakakahiya naman baka kung ano pang makita ni Manang sa maleta ko," nahihiya kong sabi.
Naalala ko kasi ang bra at panty ko na nilagay lang dito. Nanatili namang nakatayo si Harris at tila ba binabantayan ako. Sa gitna ng walk in closet ay mayroong maliit na couch, lumapit doon si Harris at naupo.
"B-Bakit?" tanong ko.
"I will watch you fix your things," ani ko.
I laughed awkwardly.
"Okay lang ako, ano ka ba? Pwede ka na lumabas, kayang-kaya ko na 'to."
Hindi siya kumibo. Nanatiling seryoso ang mukha niya kaya nawala ang ngiti sa labi ko. Napalunok ako ng ilang beses at dahan-dahang binuksan ang zipper ng maleta. Nang buksan ko ito ay tumambad sa akin ang bra at panty ko. Napatingin ako kay Harris na nakatitig sa akin. Nakaramdam ako ng hiya at napayuko. Kinuha ko ang mga damit ko at inayos ng tiklop saka isa-isang nilagay doon sa loob ng closet.
"Where's your parents, why do you live alone in that small apartment?" tanong niya.
"N-Nasa malayo sila kaya doon ako tumira para sa trabaho ko," pagsisinungaling ko.
Hindi ko masabi na pinalayas ako ng tatay ko. Ayoko nang maalala 'yon.
Bigla namang tumayo si Harris. Nagulat ako nang kuhanin niya ang pantalon ko na hindi maayos ang pagkakatiklop.
"You're so slow. I hate it when something isn't organized," inis niyang sambit.
"S-Sorry," tangi kong nasabi at pinanood siyang ilagay ang mga damit ko sa closet.
Akmang kukuhanin niya ang panty ko, agad kong hinawakan ang kamay niya para pigilan siya sa balak niyang gawin.
"H-Harris, please. Kinakain na ako ng kahihiyan," ani ko.
"Fine, do it yourself," aniya at tumayo ng tuwid.
Mabilis kong kinuha ang mga panty ko at inilagay sa loob ng closet. Napalunok ako ng ilang beses dahil nakita na niya lahat ng panty ko at wala na akong mukhang maiharap sa kaniya sa kahihiyan. Kung umasta naman siya ay parang wala lang.
"You're done?" tanong niya at itinabi ang maleta ko.
"Oo."
"You lay on my bed, wait for our meal." Lumabas siya ng walk in closet kaya sumunod ako sa kaniya. Kusa namang namatay ang ilaw sa closet nang lumabas kami.
Sinarado ko ang pinto at inayos ang kurtina. Sobrang ganda dito sa loob, first time ko makapasok sa ganoon.
"Beatrice, I told you to lay down, now!" sigaw ni Harris.
"Sandali lang, may tinitignan lang ako. Porket nandito ako sa pamamahay niyo grabe ka na mag-utos sa akin," reklamo ko.
"How dare you to talk back?" inis niyang sambit at hinawakan ang kamay ko, bigla na lamang niya akong hinila at inupo sa kama.
"Ano ba!?" sigaw ko.
"You will obey me, remember how you ruined my reputation? I never forget that, Beatrice."
"Harris, hindi lang naman ikaw ang nasira dito. Hindi mo alam kung gaano kasakit ang mga sinasabi sa akin ng ibang tao. Nakita nila na binigyan mo ko ng cheque, posted lahat sa internet 'yon, Harris. Nagmukha akong bayarang babae sa harap ng madaming tao, all over the world! Pinalayas pa ako ng magulang ko sa amin dahil lang sa kumakalat na chismis tungkol sa atin! Nakipaghiwalay sa akin ang boyfriend ko dahil sa 'yo!" sigaw ko.
"It's your fault, you came to my room and remove your clothes. What am I supposed to do? I thought you are Celine so I grabbed you and--"
"Pareho lang naman tayo na maling akala, kasi sa pagkakaalam ko, kwarto 'yon ng boyfriend ko!" sigaw ko.
"So, you have a boyfriend? What if that's not my child, since you admitted that you have a f*cking boyfriend, Beatrice!"
"Paano ko ba ipapaliwanag sa 'yo? Iyon nga ang first ko!"
"Unbelievable, you never had s*x with your boyfriend?"
"Oo--"
"How can I believe you?"
"Second anniversary namin nang gabing 'yon at nag-booked kami sa hotel na 'yon dahil galing siyang Mindanao, magce-celebrate kami ng second anniversary namin at ipinangako kong ibibigay ko ang sarili ko sa kaniya kagaya ng ginawa ko pero sa 'yo ko naibigay!" sigaw ko.
"S-So, you're virgin that night?" tanong niya.
Napahilamos ako sa mukha ko.
"Oo, ano pa nga ba!?"
"Ow, that's why it's tight---"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niyang kabastusan. Hindi ko napigilan ang sarili ko, sinampal ko siya.
"Manyak ka!" sigaw ko.
"How dare you to touch my face--"
"Enough!" Napatigil kaming dalawa nang bigla naming marinig ang boses ng kaniyang Lola.
Sabay kaming napalingon sa pinto, naroon pala nakatayo ang lola ni Harris habang nasa likod nito ang dalawang kasambahay na may hawak na pagkain.
"Don't shout at her, can't you see that she's pregnant? I heard everything." Lumakad si Lola papalapit sa kama kung saan ako nakaupo.
"Lola, I still remember how she ruined me. It's just a mistake but everything went so wrong," ani Harris na parang batang nagsusumbong.
"Lola Rita, alam ko naman po na mali ako, hindi ko na nga siya sinisisi pero binabalik pa niya yung nakaraan," sabat ko.
"Para kayong mga bata na nagbabangayan, hindi niyo man lang naisip na may bata kayong nabuo. Ang batang 'yon nakasalalay sa inyo. Umaasa siya sa inyo, kayo ang magulang niya. Alam mo bang nararamdaman ng bata sa sinapupunan mo ang stress?" ani Lola Rita at naupo sa kama, hinawakan niya ang kamay ko dahilan para mapa-upo rin ako sa kama.
Dahan-dahan akong napatango. Nakaramdam ako ng hiya dahil narinig niya pala lahat ng sinabi ko at natawag pa kaming bata. Nagawa kong pagsalitaan ang apo niya sa harapan niya.
"Lola, still---"
"Harris, you are now a father, act like one." Napatigil si Harris sa sinabi ng kaniyang Lola.
"I want to be a good father, pero sa tuwing naalala ko ang ginawa ng babaeng 'yan---"
"Forget it for the baby," utos ni Lola.
Rinig ko ang malalim na pagbuntong hininga ni Harris. Ang seryosong mukha ni Lola Rita ay napalitan ng masiglang ngiti. Hinawakan niya bigla ang tiyan ko na ikinagulat ko. Napasandal ako sa headboard ng kama sa kaniyang ginawa.
"Mayroon na akong apo. Alam mo bang ang tagal ko nang hinihintay na magkaroon ulit ng bata sa pamilya namin? Sobrang hilig ko sa mga bata, gusto ko man lang ulit makabuhat ng apo bago ako mawala sa mundo--"
"Lola!" sigaw ni Harris.
"H-Huwag niyo po sabihin 'yan," ani ko.
"Matanda na ako, ang ibig kong sabihin, sabik ako makabuhat ng baby na sarili kong apo, paano na lang kung manghina na ako, hindi ko na sila mabubuhat," aniya.
"Ilang taon na po ba kayo?" hindi ko napigilan ang sarili ko na magtanong.
Mahina itong tumawa. Nagtaka naman ako sa ginawa niya kaya napatingin ako kay Harris na masama pa rin ang itsura ng mukha, halatang galit pa rin siya sa akin.
"Seventy-three na ako, iha. Hindi na halata?" biro nito at tumawa.
"Nakaka-proud naman po kung ganoon. Ang ganda-ganda niyo pa rin, hindi halata sa edad," sabi ko.
Tumigil siya sa paghimas ng tiyan ko at hinawakan ang balikat ko. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Para bang nadismaya ang mukha nito.
"Kumakain ka ba sa tamang oras, iha?"
Sabi ko na nga ba, papansinin na naman nila ang pagiging payat ko. Natural na sa akin ang pagiging payat dahil mula bata ako ay payat na talaga ako.
"O-Opo, kumakain po ako."
"Gusto kong alagaan mo ang apo ko na nasa sinapupunan mo. Manang, magluto ka palagi ng masustansya. Lagyan mo lagi ng malunggay, pampagatas," aniya at tumayo.
Ngumiti ako ng pilit, mukhang puro gulay ang ipapakain nila sa akin kahit ayoko, mapipilitan ako para sa bata.
"Huwag po kayo mag-alala, aalagaan ko po ang apo niyo," ani ko.
*************