Chapter 6

1992 Words
Beatrice P. O. V. "It's just a mistake." Napatitig ako kay Harris, tila ba may kirot sa puso ko nang sabihin niya iyon. Totoo naman, isang malaking pagkakamali ang gabi na 'yon dahilan para masira ang buhay namin. "Mistakes, the wrong things you did that you supposed to make it right," ani Mrs. Serafina. Napatitig ako sa kanila, hindi umimik si Harris at nanatiling nakatayo. "Harris, aaminin ko na hindi ko kayang buhayin nang mag-isa ang batang 'to. Hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral, mababa nga lang yung posisyon ko sa company niyo, mababa lang ang sinasahod ko na sapat lang para sa akin." Umayos ako ng upo sa hospital bed at tumingin sa kaniya ng tuwid. "Please, kahit yung bata na lang ang tulungan mo, huwag na ako. Maawa ka sa bata, Harris. Anak mo 'to." Napa-iwas ng tingin sa akin si Harris. Lumapit ang kaniyang lola sa kaniya at tinapik ang balikat nito, may binulong siya na hindi ko narinig. Tumingin ito sa akin. "Iha, I have to go now. I know my grandson know the right thing, dahil ako ang nagpalaki sa kaniya," aniya. "Maraming salamat po, Mrs. Serafina--" "Masyadong pormal. Just call me Lola like my grandson calls me," sabi niya at ngumiti. Ngumiti ako habang pinanood siyang lumabas ng silid. Naiwan kaming tatlo nila Harris. Lumapit naman si Harris kay Gab. "How's the baby?" tanong ni Harris sa kaniya. Napatitig ako kay Harris, tila ba may kung anong saya sa puso ko ngayong malaman kong interesado siya sa batang dinadala ko. Gaya ng sinabi ng Lola ni Harris, siya ang nagpalaki kay Harris kaya't umaasa ako na mabait din ito kagaya ng kaniyang Lola. Kahit galit kami sa isa't isa, sana naman ay huwag siyang magalit sa anak niya. "Maayos ang lagay ng baby, pero dahil first baby daw ito ni Ms. Beatrice, sensitibo ang pagbubuntis niya. Nagbigay ng mga gamot ang Doktor na kailangan inumin ni Beatrice sa tamang oras." "What kind of medicine?" tanong ni Harris. Nasa table ang mga gamot na naka-plastic, kinuha iyon ni Gab at inabot kay Harris. Pinanood ko naman si Harris na bulatlatin ang laman ng plastik. Bakas sa mukha nito ang gulat at kinuha ang mga gamot. "She will take all of this?!" wika ni Harris. "O-Oo, may problema ba?" tanong ko kay Harris. Nilingon niya ako at muling ibinalik sa plastic ang hawak niyang gamot saka bumuntong hininga. Nag-iwas ito ng tingin sa akin. "N-Nothing... Will you take this medicine everyday?" tanong niyang muli. "Oo, kailangan para sa baby. Pampalakas ng kapit at vitamins din," sagot ko. "Pampa--what? What do you mean kapit?" naguguluhan niyang tanong. "Sir, dahil sa sensitibong pagbubuntis ni Beatrice, may posibilidad na malaglag ang bata o miscarriage. Para maiwasan 'yon, kailangan niya mag-bed rest at uminom ng mga ito, Sir." Ngumiti ako sa tamang pagpapaliwanag ni Gab. Tunay na matalino siyang tao, sa akin sinabi ng Doktor iyon pero nakabisado niya lahat sa pakikinig lamang. "R-Right, is she okay now?" Nagkatinginan kami ni Harris kaya tumango ako sa kaniya at tipid na ngumiti. "Yes, sir. Sinabi naman ng Doktor na once magising si Beatrice ay pwede na siyang umuwi." "That's good." "Salamat sa inyo, alam ko si Lola mo ang nagbayad ng bills at bumili ng gamot ko," ani ko at tinanggal ang kumot na nakabalot sa aking binti. "We have no choice," sagot ni Harris. Sinuot ko ang aking black shoes na pang-trabaho ko. Kinuha ko ang aking ID na nasa lamesa at sinuot ito. "Where are you going?" tanong ni Harris at nilapitan ako nang tumayo ako. "U-Uuwi na, mag-leave sana ako, Sir." Ngumiti ako sa kaniya para payagan niya ako mag-leave dahil siya na ang bagong boss namin. "Sure, ihahatid na kita. Gab, get a wheel chair." Nanlaki ang mga mata ko sa utos nito kay Gab, bakit kailangan niya ng wheelchair, uupo ba ako doon? Parang ang exaggerating naman kung mag-wheel chair pa ako. "Kung ako ang gagamit ng wheel chair, pwede naman ako maglakad, kaya ko pa," sabi ko. "Do you want to kill my child? How dare you!" sigaw ni Harris. Napaatras ako sa sinabi niya. Napaawang ang labi ko at hindi ko alam ang isasagot ko sa kaniya. Umiling ako ng mabilis. "I will carry you, if you don't want the wheel chair." "T-Teka---" Hindi ako nakapagsalita. Mabilis niyang hinila ang braso ko at binuhat ako nang pa-bridal style. Sa takot ko ay napakapit ako sa kaniyang leeg. Naramdaman ko na lang ang pag-angat ko sa ere. "The Doctor said, bed rest. Do you even know what that means?" seryoso niyang tanong. "O-Oo, sorry. Wala akong masamang intensyon sa baby," sabi ko. Hindi siya sumagot at naglakad palabas. Napayuko ako nang mapatingin ang mga nurse at pasyente na nakakita sa amin. Pakiramdam ko ay napunta na lahat ng dugo ko sa aking ulo dahil sa kahihiyan. Napatingin ako sa reflection ko sa elevator, namumula ang aking pisngi sa ginagawa ni Harris. "I want you to take a rest once I take you to your place, that's an order." Napatitig ako sa mukha nito. Ngayon ko lang natitigan nang malapitan ang kaniyang mukha, napakakinis ng balat nito na daig pa ang kababaihan. Tila ba never siya nagkaroon ng tigyawat. Dagdag mo pa ang matangos niyang ilong. Mas nakagwapo rin sa kaniya ang mapula nitong labi. Ang pantay niyang kilay na palaging magkasalubong. "Are you done checking my face?" tanong ni Harris dahilan para magising ako sa reyalidad. "H-Ha?" nahihiya kong sambit. "Stop staring at me like that. I feel uncomfortable," aniya. Agad akong yumuko. Dinala niya ako sa isang magarang kotse na sa tingin ko ay siya ang nagmamay-ari. Isinakay niya ako sa passenger seat. Hinila ko naman ang seat belt saka ito sinuot. "Where do you live?" tanong niya. "Ituturo ko," ani ko. Tumango siya at binuksan ang makina. Bumukas ang aircon ng sasakyan dahilan para mapabahing ako sa amoy ng aircon nito. Tinakpan ko ang ilong ko at napansin naman iyon ni Harris. "Why?" he asked. Umiling ako at tumingin na lang sa bintana habang nagmamaneho siya. Tinakpan ko ang ilong ko. "I am asking you, how dare you na talikuran ako, Beatrice?" madiin nitong sambit. Napalingon akong muli sa kaniya sa takot. Hindi ako makapagsalita sa sama ng amoy ng kaniyang sasakyan. Tinuro ko na lamang ang aircon, wala siyang pag-aalinlangan na tanggalin ang air freshener na nakakabit doon. Sabi ko na nga ba, may tinatagong bait ang lalakeng 'to. Galing siya sa mabait na pamilya kaya sana ganoon din siya. Kahit sa baby na lang namin siya maging mabait at huwag na sa akin. Matatanggap ko 'yon. Kahit maubos ang pride ko, basta para sa batang dinadala ko. "P-Pasensya ka na, hindi ko lang nagustuhan yung amoy---" "You don't have to explain." Napakagat ako sa aking ibabang labi at tumango sa kaniya. Napayuko ako. Kapansin-pansin naman ang bagal ng takbo ng sasakyan ni Harris kanina pa, nasa highway na kami pero ang bagal niya magpatakbo kahit na hindi traffic. "Pwede ko ba itanong kung nagsasanay ka pa lang ba mag-drive?" Nilingon niya ako at bigla itong tumawa. "Do I looked like a beginner?" sarcastic niyang sambit. "A-Ano, mabagal ka kasi magmaneho kaya akala ko... ano..." "Look, this is my first time have a child. I don't f*cking know what I'm supposed to do. What if you got miscarriage because I drive too fast?" balisa niyang sambit. Hindi ako makapaniwala sa ikinikilos niya. Para siyang nababaliw, hindi siya mapakali. "Nag-ooverthink ka ng ganiyan? Okay lang naman ako." Bahagya akong natawa sa kaniyang ginagawa, halata sa mukha niyang stress na siya. Alam kong mahirap paniwalaan, maski ako ay hindi makapaniwala. May anak na ako, sa kaniya pa. "Just lead the way, okay?" irita niyang sabi. Tinuro ko sa kaniya ang daan pauwi sa aking apartment na malapit lang sa company nila Harris. Nang makarating kami doon ay pinark niya lamang ang kaniyang kotse sa isang maliit na kalsada. Nauna akong naglakad papasok sa isang maliit na gusali na puno ng mga pinto. "Why are we here? Do you live here?" tanong niya. Hindi ko siya sinagot at kinuha ang susi sa aking bulsa. Napatigil kami ni Harris nang makarinig kami ng malakas na kalabog mula sa itaas na palapag. Mukhang may nag-aaway dahil nagsisigawan ito, boses ng isang lalake at isang babae. "Huwag mo na sila pansinin, sanay na ako sa kanila. Palaging nag-aaway yung mag-asawa sa itaas," nahihiya kong sambit at binuksan ang pinto ng apartment ko. Pagpasok namin ay nakita kong nakasabit sa upuan ang pinapatuyo kong panty at bra. Napatingin ako kay Harris na nakatitig sa hanger na nakasabit sa upuan. Sa kahihiyan ko ay agad akong tumakbo roon at kinuha ang bra at panty ko saka niyakap. "A-Ano... D-Dito ako nakatira, salamat sa paghatid mo sa akin, pwede ka na umalis." Lumapit ako sa kaniya at akmang itutulak siya palayo. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. "You should have told me that---" Napatigil sa pagsasalita si Harris nang makarinig kami ng malakas na ungol mula sa katabi kong silid. "Ughh! Sige pa--ugh!" Sa sobrang kahihiyan ko ay mabilis kong tinulak si Harris. Nalaman niya pa ngayon ang mga ginagawa ng kapitbahay ko rito, sobrang nakakahiya. "Umalis ka na, salamat sa paghatid!" sigaw ko. Akmang isasarado ko na ang pinto pero hinarang nito ang kaniyang kamay doon. Hinawakan niya ang doorknob at pumasok siya sa aking dorm. Napaatras naman ako nang isarado niya ang pinto. Niyakap ko nang maigi ang hawak kong bra at panty. Bakas ang inis sa mukha ni Harris dahil patuloy pa rin ang ungol ng kapitbahay ko rito sa apartment. Napapikit ako ng mariin sa kahihiyan at napahawak sa aking sentido. Nagulat naman ako nang hampasin ni Harris nang malakas ang pader ng aking silid. "S-Sir Harris!" pigil ko sa kaniya. "You're living here and hearing those every day?" tanong niya. Huminto ang ungol ng kapitbahay ko dahil sa ginawa ni Harris. Bakas ang inis sa mukha niya at lumakad papalapit sa kama ko. Tinignan niya ang single size kong kama at mga damit kong nakapatong doon dahil wala akong drower. "O-Oo, okay lang naman. Ito lang kasi yung pinakamura na apartment. Ito lang din yung malapit sa trabaho ko, nilalakad ko lang din para tipid--" "The f*ck? You walk from here to my building?!" gulat niyang tanong. Dahan-dahan akong napatango. Napasapo naman siya sa kaniyang noo. Kinuha ko ang maleta ko at agad na nilagay doon ang hawak kong bra at panty. Pati ang mga damit ko na nasa kama ay nilagay ko na rin sa maleta dahil nakakahiya na makita pa niya lahat ito. "Small room, noisy environment, dirty facilities," ani Harris at binuksan ang banyo ng silid. "My child is literally gonna die here, Beatrice." "B-Bakit naman? Nasa loob siya ng tiyan ko--" "I don't want my child to hear every moan of your neighbors, Beatrice!" aniya. "S-Sorry, hahanap na lang ako ng ibang apartment na maayos, promise." Umiling ito. Napayuko ako, magkano lang ang sahod ko na naritong natira sa akin. Kung aabsent ako ngayon mababawasan pa ang sahod ko. Bigla namang binuksan ni Harris ang stante na nasa ibabaw ng aking lababo. Mabilis akong tumakbo patungo sa kaniya para pigilan siya. Huli na ang lahat, may lumabas na ipis nang buksan niya ito. "F*cking cockroaches!" sigaw ni Harris at napaatras. Kumuha ako ng tsinelas at agad na hinampas ang ipis. "P-Pasensya ka na, madami talagang ipis dito." Kinuha ni Harris ang cupnoodles na lima sa loob ng stante, iyon na lang ang stock kong pagkain. "Five cupnoodles, don't tell me this is the food you only eat?" tanong niya. "O-Oo, pagkain pa rin naman 'yan--" "F*ck, Beatrice. Cup noodles lang ipapakain mo sa anak ko?" irita niyang sambit "K-Kapag sumahod ako bibili ako ng pagkain," nahihiya kong sambit. Mas nagmumukha akong kawawa ngayon, sana hindi na lang niya ako hinatid dito. "You'll leave this place. Get all your things, you're coming home with me." ******************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD