Kumunot ang noo ni Oscar nang magtama ang kanyang mga mata at ng sekretarya ng kanyang ina.
'What the f*ck! Hinanap ko pa siya! Narito lang pala sya all this time!'
"Aham," tikhim ni Doña Florentina.
Agad namang lumingon si Annika sa kanyang boss.
"Ma'am."
"Grabe naman ang titig mo sa anak ko." Nangingiting udyo ng Doña.
Tumawa nang pilit si Annika.
"G-gwapo po kasi ng anak niyo, kaya hindi ko maiwasan ang tumitig." Muli nya pang sinulayapan si Oscar na hindi naalis ang pagkakatitig sa kanya.
Tumayo si Oscar at lumapit sa pwesto ng ina. Nananitiling nakaupo ang Doña.
"Annika," ulit ni Oscar.
'Dang! The way he said my name! Ang lalim at parang nang-aakit! Jusko, help me! Baka hilain ko na lang bigla ang lalaki na ito at mabilis hubaran!'
"Yes, sir. Annika Salvador po."
Tumango lang ito. He put both of his hand to his pocket.
"Okay! So, Annika. Sa kanya mo muna ibibigay ang lahat ng important papers na darating sa loob ng isang buwan. At sya na rin muna ang a-attend ng meetings on my behalf," paninimula ng Doña.
"Y-yes, ma'am. I already gave them the heads-up about that. No w-worries po." Hindi makapag-concentrate si Annika sa pagsasalita dahil hindi inaalis ng lalaki ang tingin nito sa kanya.
His bluish eyes is making her nervous!
"Mom, I'll leave now! Kailangan ko pang ayusin ang mga dadalhin natin mamaya."
"Ipakikilala pa kita sa iba kong empleyado," pagtutol ng ina.
"No need for that, mom. Your secretary can do that when I come back, right Annika?"
Napalunok si Annika nang makita niyang naglakad ang lalaki palapit sa kanya.
"Y-yes sir. A-ako pong bahala sa inyo."
Pumantay ng tayo ang lalaki sa kanya at bahagyang ibinaba ang ulo malapit sa kanyang tenga at bumulong.
"There are lot of things that we need to talk about when I get back," bulong nito sa kanya. Mahina ngunit mapagbanta.
She almost forgot how to breathe. Naramdaman niya ang hangin mula sa bibig nito. He smells really good!
"Gotta go, mom!" Tinaas lang ni Oscar ang isang kamay at hindi na lumingon pa sa ina. Tuloy-tuloy sya sa kanyang paglabas.
"Pagpasensyahan mo na ang anak ko, Annika. Masungit talaga 'yon."
"No problema, ma'am. Ako pong bahala sa kanya."
Totoo ba ito? Talagang narito ang lalaki?
INIS na inis si Annika ng makita na umuulan. Kung kelan naman wala siyang dalang payong. Nag-time out muna siya at iniangat ang kanyang bag, upang maging pansilong sa ulan at saka mabilis tumakbo patungo sa waiting shed na malapit sa kanilang building. Mayroong shuttle sa loob ng compound na ito, patungo sa mga sakayan ng jeep at bus.
20 minutes na siyang naghihintay at lalo pang lumalakas ang ulan. Naalala niyang biyernes nga pala ngayon. Friday rush!
Kinuha ni Annika ang panyo sa kanyang bag at naupo muna sa wooden chair ng waiting shed at pinunasan ang talsik ng ulan sa kanyang katawan at mukha.
Beeppp...beeeeppp...
Napatingin si Annika sa sunod-sunod na pagbusina ng sasakyan na huminto sa kanyang tapat.
Binaba ng sasakyan ang window side.
"Leon?"
"Halika na, ihahatid na kita," sigaw ni Leon na hindi bumaba sa driver seat at sinilip lamang siya.
Hindi na nag-inarte pa si Annika. Hindi sya makakauwi kung aayaw pa siya sa offer nito. Muling sinukob ni Annika ang bag at saka mabilis tumakbo patungo sa sasakyan ni Leon.
"Hindi ko nakilala ang sasakyan mo. Bumili ka na naman ng bago." At nagpunas siyang muli ng katawan na nabasa dahil sa ulan.
Tumawa si Leon.
"I love cars, you know..."
"...put your seatbealt on, so we can go."
Sinunod naman ni Annika ang sinabi nito, at umandar na si Leon ng makita na nakasuot na siya ng seatbelt.
"Salamat, huh. Kanina pa ako sa waiting shed pero walang dumadaan na shuttle. That's my struggle every friday."
"No problem. Kaya nga ako na rito. Dahil alam ko na mahihirapan ka ulit sumakay."
"You mean, pumunta ka talaga ro'n para sunduin ako?"
"Yep! Gusto kong dalawin si, Amara. Namimiss ko na ang batang 'yon."
Napangiti nang mapait si Annika habang nakatingin kay Leon na nagda-drive. Ngayon alam na niya kung bakit iba ang pakikitungo ni Leon sa kanyang anak. He's the uncle.
"You, okay?" Napansin ni Leon ang ibang emosyon ni Annika.
"Yeah! I'm fine!" Iniwas niya ang tingin at inilipat sa labas ng bintana.
"Namimiss ko rin naman ang nanay hindi lang ang anak."
Kumunot ang noo ni Annika sa sinabi ni Leon.
"What?"
Nagkibit balikat muna si Leon. "Baka kasi, nagtatampo ka dahil sinabi ko na namimiss ko si, Amara. Ikaw din naman ay namimiss ko, hindi lang siya."
Tumawa nang malakas si Annika.
"Sira ulo ka talaga!"
" 'Yan! Mas maganda ka kapag naka ngiti or nakatawa. Mukha kang amasona pag nakasimangot."
Sinuntok pa ni Annika ang balikat ni Leon. Sabay silang nagtawanan.
"By the way, Leon. Paano nangyaring magkaiba kayo ng last name ng kuya mo?"
"Ah, 'yon ba? Nagalit ako noon kay Daddy dahil sa pag-iwan niya samin. Kaya nang dumating na ako sa legal age, sinunod ko na ang surname ko kay mommy. That's why, I'm De Villa, and kuya is Navarro."
"I see."
"Nakilala mo na si kuya?"
"Yes. Kanina lang."
"Ngayon pa lang humihingi na ako ng pasensya. Kasi masungit talaga 'yon. Isang buwan ka lang naman magtitiis. After that, babalik na rin si mommy."
"At ang kuya mo? May sarili ba siyang kompanya rito?"
"Wala na. Bago siya nagdesisyon na manirahan sa Washington for good, inilipat niya muna sa akin ang Navarro Mining corporation..."
"...babalik din siya agad sa Washington. Pinakisuyuan lang naman siya ni mommy dahil nga magbabaksyon siya," dugtong pa ni Leon.
Tumango nang mabilis si Annika.
Muli siyang napatingin sa labas ng bintana.
Lalong lumalakas ang ulan.
Wala rin palang saysay kung sasabihin niya sa lalaki ang tungkol kay Amara. Aalis lang din naman ulit ito at iiwan sila.
Nalungkot siya para sa anak. Gusto man niyang bigyan ito ng kompletong pamilya, ngunit malabo at napaka-imposible.