"Yuhu! I'm home!"
Mabilis tumakbo si Amara palapit sa ina ngunit hinarang ni Annika ang kanyang bag.
"Opps, baby. Medyo basa si mommy dahil sa ulan. Kiss na lang tapos liligo na si mommy bago tayo mag-hug ng marami. Okay?"
"Okay, mommy!"
Annika low down her body at nginuso ang labi upang mahalikan ang anak. At mabilis naman siyang hinalikan ng anak.
"May kasama ako."
Biglang pasok naman ni Leon.
"Hi, beautiful!" Lumuhod si Leon upang mabuhat si Amara. Deretso siyang naupo sa sofa at kandong lang ang bata.
"Maliligo lang ako nang mabilis, Leon."
Tumango lang si Leon kay Annika.
Hinila ng palihim ni Annika si Mila papunta sa kusina. Binaba niya sa lamesa ang dalawang box of pizza na binili ni Leon upang pasalubong sa kanyang anak.
"I saw him, Mila!" sapat na lakas lang na hindi maririnig sa kinaroroonan ni Leon.
"Sino?"
"Si Oscar!" Sumilip pa si Annika sa awang na tanaw si Leon. Kinakabahan siya na baka marinig nito ang kanilang usapan.
"Oscar? Ang ama ni Amara?" Napalakas ng kaunti ang boses ni Mila.
"Sssh. 'Wag kang maingay!" Tinakpan pa ni Annika ng kamay ang bibig ng kaibigan.
"Oo, sya nga!"
"Where? Paano? Did you tell him about, Amara?" sunod-sunod na tanong ni Mila.
Sumandal si Annika sa lababo at deretsong tumingin sa awang na tanaw si Leon at ang kanyang anak na ngayon ay naglalaro.
"Kapatid sya ni, Leon. Sya ang panganay na anak ni Miss De Villa na magiging boss ko for a month."
"What the f*ck? Paano nangyari? Hindi ba't kaibigan mo si Leon? Bakit hindi mo alam kung sino ang kapatid niya?"
Nasapo ni Annika ang kanyang noo.
"Hindi pala kwento si Leon about sa family niya and I fully understand naman dahil private person sila, Mila. Never niyang naikwento sa akin about sa kanyang kuya o kahit sino pa sa pamilya niya."
Naupo si Mila sa bangko na naroon. At halata mong nanlumo.
"What are you gonna do then?" Mila asked her.
Napatingin lang si Annika sa kaibigan at muling pinagmasdan ang mag tito na naglalaro. She bit her lower lip.
"I'm sorry Leon, kung hindi ko pa masasabi agad sa'yo."
"CONGRATULATION on your wedding, Angelique. It's beautiful."
"Thank you, Oscar. Bakit pala wala si Leon?"
"Marami raw kasi siyang aasikasuhin sa opisina, but he sent his regards and meron siyang gift sayo."
Tumango lang si Angelique.
"Salamat talaga at nakadalo ka, Oscar. Sobrang saya ko at narito ka." Angelique hugged him.
"Aham!" tikhim ni Felix mula sa likuran. Mukhang sumunod ito sa asawa.
Bumitaw naman si Angelique sa pagkakayakap sa kanya.
"Huwag kang mag-alala. Walang agawang nangyayari rito." Paninigurado ni Oscar kay Felix. Agad siyang lumapit dito at inabot ang kanyang palad.
"Congrats! I'm glad that you already told her about everything," dugtong pa niya.
Tinanggap ni Felix ang palad ni Oscar. They shaked hands.
"Nabanggit ko na rin sa kanya na nagsinungaling ka rin at hindi lang ako, para patas."
Natawa ng kaunti si Oscar, dahil sa seryosong mukha ni Felix.
"If you will excuse us. Sosolohin ko muna ang asawa ko," ani pa ni Felix.
Tumango naman si Oscar at ngumiti.
"Sure. She's all yours. Happy for you guys!"
Ngumiti lamang si Angelique sa kanya at nag-wave goodbye.
Finally! He can say that he's totally moved on! He is genuinely happy for Angelique and Felix. Seeing them together seems like they were really meant for each other.
'Siya kaya? Kailan kaya siya makakahanap ng babaeng makakapag patibok muli ng kanyang puso?'
"Beer?" tanong ni Annika kay Leon na nakaupo pa rin sa sofa. Katatapos lang nilang kainin ang pizza at kasalukuyan namang pinaliliguan ni Mila si Amara upang makapaghanda na sa pagtulog.
"Hindi ko tatanggihan 'yan." Kumuha si Annika sa kanilang ref. Nagbukas siya ng dalawa at pinunasan ng table napkin ang nguso ng bote.
Malakas pa ang ulan kaya napagdesisyunan ni Leon na magpatila muna ng kaunti at mamaya na lang umuwi.
Iniabot niya ang isa kay Leon at pasalampak siyang naupo sa tabi nito. Agad siyang napabuntong hininga.
"You okay?" Leon asked Annika.
Tumango lang si Annika at lumagok ng beer.
"You don't seem fine, tho." Leon noticed it and drink his beer. Halos makalahati niya agad ito.
Humarap si Annika sa gawi ng lalaki at tinukod ang isang kamay sa sandalan ng sofa. Ipinatong niya ang ulo sa kamay na nakatukod.
Gumawi rin si Leon nang tingin kay Annika.
"Naisip ko lang. Paano kung bumalik ang tatay ni Amara?" paninimula ni Annika.
"Then, tell him about Amara. Hindi mo na mababago na ama pa rin siya ng anak mo."
Lumagok muli siya ng beer bago nagsalita. "Paano kung wala siyang pakealam?"
Nakatitig lamang si Leon sa mga mata ni Annika. Medyo basa pa ang buhok nito dahil sa pagkakaligo. Sobrang pungay ng mga mata ni Annika at mahahaba ang pilikmata. Isama mo pa ang brown eyes nito.
"Edi 'wag. Hindi naman siya kawalan. Halos apat na taon mo nang binubuhay si Amara ng ikaw lang. Hindi mo naman siya kailangan kung tutuusin. Isa pa..."
Umangat ang kamay ni Leon at marahang tinanggal ang kaunting buhok na humarang sa mukha ni Annika.
"...nandito naman ako. I'm only one call away. Pangako ko na hindi ako mawawala sa tabi niyo ni Amara."
Nakita ni Leon ang pagngiti ni Annika. She has natural pinkish heart shaped lips.
Napalunok si Leon sa pagtitig sa labi ni Annika.
Annika poked Leon's nose.
"Bakit ang sweet mo? Sige ka, baka isipin ko na crush mo ako, huh!" Malakas na tumawa si Annika at muling lumagok ng beer.
Magsasalita pa sana si Leon nang patakbong yumakap si Amara sa kanyang ina. Katatapos lang nitong maligo.
"Bango na po ako, mommy!"
"Paamoy nga, kung talagang mabango na!" Tinaas ni Annika ang kili-kili ng bata at inamoy! Namimilipit pa si Amara mukhang nakikiliti sa kanyang ginagawa.
"Aba! Mabango na nga!" At hinalikan ang buong mukha ng anak.
Napangiti si Leon sa pagmamasid sa mag-ina. At siya'y napaisip!
'I want to be part of this family. Gusto kitang alagaan, Annika. Gusto kong maging ama ni Amara!'