CHAPTER 5

930 Words
Halos lahat na ng posisyon sa kama ay nagawa na ni Oscar para lang makatulog, ngunit hindi talaga siya dalawin ng antok. Kaya napag desisyunan niyang bumangon at lumabas sa kanyang balkonahe. Nakita niya ang kaha ng sigarilyo sa maliit na lamesa na naroon. Kumuha sya ng isang stick at binuksan ito. He only smoke kapag bored siya or stress. Ipinatong niya ang dalawang siko sa rail at pinagmasdan ang paligid. Maliwanag ang buwan at maraming bituin. Napakalamig din ng simoy ng hangin. Bumuga siya ng isa at muling bumalik sa kanyang alaala nang makita ang cctv footage. 'She was the waitress at the restaurant that Angelique and I used to eat at.' He took another puff of cigarette. 'Paanong siya ang naghatid sa akin? Anong nangyari ng gabi na 'yon?' Lalo lang siyang hindi makakatulog nito kakaisip sa babaeng 'yon! Hindi niya malilimutan ang mukha nito. Agaw pansin ang aura ng babae. Sa tuwing kakain sila ng dating kasintahan sa restaurant na 'yon. Oo, maganda ang kanyang ex-girlfriend. Pero, sa totoo lang. Iba ang dating sa kanya ng waitress na 'yon. This girl has sleepy but expressive eyes. 'How come that you're the one who led me that night to my hotel room?' he asked himself. "HEY, where are you going?" Doña Florentina asked Oscar. Kasalukuyang siyang nasa kusina at kumakain ng umagahan. "Good morning, mom, good morning Nanay Coring..." Humalik si Oscar sa ina at sa mayordoma. "...Susunod na lang ako sa office mamaya. Mayroon lang ako aasikasuhin." "Just make sure na, darating ka. At mamayang gabi ay lilipad na tayo papunta sa 'Night in Paradise', okay?" "Yes, mom. Gotta go!" "Hindi ka ba muna kakain?" Hindi na narinig ni Oscar ang ina dahil nagmamadali itong umalis. "Ano naman kaya ang aasikasuhin ng alaga mo na 'yon," tanong ni Doña Florentina kay Nanay Coring na nagpupunas ng lababo. "Sana babae, para magka apo ka na." "Aba'y magdilang anghel ka sana!" "NAKU SIR. Hindi ko po talaga kilala 'yong dinidiscribe niyo na babae. 'Yong mga dating empleyado po kasi dito ay wala na. Baguhan na po lahat dito." Oscar went to the restaurant, nais lang sana niyang tanungin ang babae kung paanong ito ang naghatid sa kanya. He called his old friend who owns the restaurant only to find out na matagal na pala itong naibenta sa iba. Tumango na lamang siya at mabilis tumalikod. Sinuot niyang muli ang sunglass at mabilis tumungo sa kanyang sasakyan. Pagsakay sa kanyang sasakyan ay bigla siyang napaisip. 'Bakit ko ba sya hinahanap? Maybe I was just too drunk that night kaya nag magandang loob ito na ihatid ako.' Napailing na lamang siya at binuhay na ang makina ng sasakyan. Dideretso na lamang siya sa opisina ng ina. "Oh, akala ko ay ipakikilala sa atin ni Ma'am De Villa ang anak niya?" "Mala-late lang daw sandali at may pinuntahan pa," sagot ni Annika. "Siguro gwapo rin 'yon, no? Kasi grabe kagwapo si, Sir Leon," saad ni Patty. "Maybe." Napaisip si Annika. May popogi pa ba sa ama ng kanyang anak? Napangiti sya sa naisip. Apat na taon na ang lumilipas, ngunit hindi maalis sa kanyang isip ang itsura ng lalaki. Napakagwapo nito, tindig na animo'y isang hari. Katawan na akala mo ay isang model sa dami ng abs. Ang mukha na parang ginuhit ng isang magaling na artist at biglang nabuhay. Every part of his face is perfectly formed. Isama mo pa ang mataba, mahaba at pink na batuta nito. Lalong lumapad ang ngiti ni Annika. "Hoy! Ngumingiti mag-isa? Ano 'to?" nagtatakang tanong ni Patty sa kanya. Tumawa pa si Annika. "Mag-cr na lang muna ako. Mabilis lang." Tumango lang ang kanyang katrabaho. Sakto sa kanyang pag-alis... Tumayo si Patty nang mapansin ang isang lalaking matangkad, makisig at sh!t, ang gwapo! Mayroon itong kasama na dalawang civillian guard ng building. "Good morning po, sir," bati ni Patty. Ni hindi man lang siya nito tinignan. Pero hindi sya naapektuhan sa hindi nito pagpansin sa kanya dahil para siyang namatanda sa nakita. Nakatitig lamang siya sa bawat paglakad ng lalaki. Kahit pa nga wala na ito sa kanyang tanaw ay nakamasid pa rin siya. Sa ganitong pwesto siya nadatnan ni Annika. "Hoy! Ano't nag-de-day dream ka dyan?" "Ang gwapo!" Tili pa nito. Tinignan ni Annika kung saan nakatanaw si Patty. Wala namang tao roon. "Sinong gwapo? Nasaan?" "Pumasok sa office ni, Ma'am De Villa!" Sasagot pa sana si Annika ng tumunog ang kanyang station telephone. Mabilis niya itong dinampot. "Yes, Ma'am?" "Please, come here to my office, Annika." "Okay po ma'am. Right away." At mabilis binaba ni Annika ang telepono at kinuha ang kanyang record book. Nakita pa niya si Patty nakapangalumbaba sa lamesa nito na animo'y nananaginip ng gising. Umiling na lamang siya at mabilis tinungo ang office ng kanyang boss. She knocked three times. Then she entered when she heard her boss telling her to come in. "Good morning, ma'am." She noticed a guy na nakaupo sa sofa na naroon. Nakadekwatro ito, nakasandal at nagbabasa. Natatakpan ang mukha nito ng dyaryo na binabasa. Nagmumukang maliit ang 2 seater sofa sa pag-upo ng lalaking ito. Halata mong malaking tao. Nakaramdam ng kaba si Annika sa hindi niya maipaliwanag na kadahilanan. "Oscar, this is Annika, my secretary." 'Oscar?' Lalo siyang kinabahan sa narinig na pangalan. Nakatitig lamang si Annika sa lalaking nakaupo. Unti-unti nitong binaba ang dyaryong binabasa at nagtama ang kanilang mga mata. Umawang nang kaunti ang bibig ni Annika sa pagkagulat kung sino ang kanyang nasa harapan. 'Oscar Navarro! Walang iba kun'di, ang ama ng kanyang anak!'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD