"You are full of surprises. Woman! Tsk."
"Well, sa tagal mo akong nanay, hindi mo pa ba ako kilala?" Tumawa pa si Doña Florentina De Villa.
"Kelan mo naman planong magbakasyon?" Oscar asked her mom.
"A-attend ka ng kasal ni Angelique hindi ba? Sabay tayong pupunta sa 'Night in Paradise.' Doon sila ikasasal, at si Angela ay niyaya akong mag-stay for a month."
"Buti naman ay malapit pa rin kayo ng mommy ni Angelique, kahit tapos na ang lahat sa amin."
Nabitin ang pagsasalita pa sana ni Doña Florentina nang bumukas ang pinto ng kanyang opisina at niluwa nito ang kanyang bunsong anak na si Leon.
"Ikaw ba ang nakabangga kay, Annika?" Nangingiting tanong ni Leon, at humalik sa pisngi ng ina.
"I don't know who's Annika, but yeah! May nabangga akong babaeng hindi tumitingin sa kanyang dinaraanan."
"That's Annika. My friend and mom's secretary."
"Siya ang magiging sekretarya mo habang wala ako. Don't worry, she's very smart and reliable."
"Hmp. Sana talaga, 'cause I hate stupid people, mom. Mahina ang pasensya ko sa mga ganoong tao."
"Maiba tayo! Kelan ang alis mo, mom?" Pag-iiba ni Leon at naupo sa bakanteng 2-seater sofa sa opisina ng ina.
"The day after tomorrow na ang kasal ni, Angelique. Kaya bukas ng gabi kami aalis ng kuya mo. Tomorrow morning, ay ipakikilala ko muna sya sa lahat ng aking empleyado."
"Sigurado ka ba na gusto mong umattend?" Leon asked Oscar.
Napatingin din si Doña Florentina sa anak.
"Yeah! I wanna see her. I just wanna see if she's genuinely happy," Oscar answered Leon.
"She is happy, Oscar. I can assure you that. Saksi ako kung gaano siya kamahal ni Felix. Lalo pa't mayroon na rin silang anak," si Doña Florentina ang nagsalita.
"I know, mom. Pero mas mapapanatag ako kung ako mismo ang makakakita."
"Kayo ba? Kelan niyo ako planong bigyan ng apo? Hindi naman ako bumabata."
Tumingin si Oscar kay Leon na biglang tumingin naman sa kisame na animo'y walang naririnig. Kaya napilitan si Oscar na sumagot.
"Mom, bago ang anak. Girlfriend muna. Wala pa nga kaming mahanap, 'di ba?"
"Naghahanap naman ba kayo? Ikaw Oscar, akala mo'y hindi ko alam? Sabi ng daddy mo ay kung sino-sinong babae ang dinadala mo sa condo mo sa Washington...
"...Ikaw naman Leon, mula sa pagiging playboy ay bigla namang hindi na kita nakikitang lumalabas na may kasamang babae."
Nagtawanan lang ang magkapatid. Na para bang hindi sila apektado sa hinaing ng ina.
"TALAGA bang hindi sumasabay si Mommy kapag pinupuntahan mo siya?" Oscar asked.
"Aha! Mas gusto niya na sa sariling sasakyan sumasakay. Alam mo naman si mommy, medyo wirdo," tumawa pa si Leon.
"Talaga pa lang bumalik ka na ulit sa dati mong gawi na pambababae," dugtong pa ni Leon. Deretso lang ang kanyang tingin sa daan habang nagmamaneho pauwi sa kanilang Mansion.
"It's my way to forget her." Tumingin si Oscar sa labas ng bintana.
"Hindi mo pa ba siya nalilimutan?"
"To be honest? I'm not really sure."
"Talaga lang, huh. Eh, right after siyang makipaghiwalay sayo ay may kasama ka na agad na babae sa hotel."
Lumingon si Oscar sa kapatid.
"What do you mean?"
"Naikwento mo kasi sa akin, na nag-stay ka sa hotel natin ng gabi na 'yon, and that same day, kamo ay nakipaghiwalay si Angelique sa'yo 'di ba?"
"Yeah, I know that part. Pero wala akong kasamang babae."
"No way! Hindi ako pwedeng magkamali."
Huminto si Leon dahil sa traffic at nilingon ang kapatid.
"Naalala mo 'yong sinabi ko na, nagkaroon ng problema sa hotel natin at kailangan kong icheck ang cctv footage?..."
Umandar nang kaunti si Leon at huminto rin agad. Bumper to bumper ang traffic.
"...When I checked it. Nandoon ka rin sa same floor."
"Yeah, I used the normal rooms at hindi sa penthouse dahil marami kaming alaala ni Angelique doon."
"Yep, and I saw you. Akay-akay ka ng isang babae. Nakatungo siya, kaya hindi ko namukaan masyado. Sa timeline ng cctv, umaga na siya umuwi. So, anong ginawa niyo? Nag-jack en poy?" Tumawa pa si Leon at muling umandar ng kaunti.
"I told you, I don't remember. Sobrang lasing ako ng araw na 'yon."
Nagkibit balikat lamang si Leon at hindi naniniwala sa kanyang kapatid.
"Gusto mong makita ang cctv?"
Tumingin sandali si Oscar sa kapatid.
"Yeah, I wanna see it. Gusto kong makita kung sino ang babaeng naghatid sa akin."
"Okay! Deretso tayo, sa office ko."
"MOMMY!" sigaw ni Amara at mabilis pang tumakbo payakap sa kanyang Mommy Annika.
"Hi, baby!" At hinalikan ni Annika ang buong mukha ng anak.
"Look what I have!" At iniangat niya ang bitbit na paper bag na may lamang Jollibee.
"Wow! I love Jobiyi, mommy!"
"Who do you love more? Me or Jollibee?"
"Ofchorse you, mommy!" At yumakap pang muli ang bata kay Annika.
Lumapit si Mila at kinuha ang kanyang bitbit. Kaya nabuhat niya ng anak.
"Hindi naman ba, sya makulit Tita Mila? Good girl po ba si Amara?"
Sumunod si Annika kay Mila sa kusina habang buhat ang anak.
Isa-isang nilabas ni Mila ang pagkain sa paper bag.
"Opo. She's a good girl!" Mila answered at kumindat pa kay Amara.
"See, mommy. I am a chud girl."
"Talaga palang deserve ng Jollibee, kasi good girl." Kininiliti ni Annika ang tagiliran ng anak. Dinig na dinig ang kanilang mga hagikgik sa loob ng kanilang munting tahanan.