FOUR YEARS LATER
"Sigurado ka ba dito, pare? A-attend ka talaga sa kasal ni Angelique?"
"Yep! I will. Gusto ko siyang makita, kung masaya ba siya ngayon. Kasi kung hindi ay aagawin ko na talaga siya," tawa pa ni Oscar.
Kasalukuyan silang nag-iinom ng kanyang mga kaibigan, si Calvin at Roland. Kababalik niya pa lang galing Washington ay inistorbo na siyang agad ng dalawang kaibigan.
"Kumusta sa Washington? Nakarami ka naman siguro, noh?" tanong ni Roland.
"Nakarami ng ano?" Oscar asked.
"Nakarami ng chicks! Knowing you. Nagbago ka lang naman noong kayo na ni Angelique."
"Gago! Pinagsasabi mo."
"Kunwari ka pa. Tama si Roland. Matinik ka sa babae, naglaylo ka lang naman 'nung nagseryoso ka na kay, Angelique," Calvin agreed to Roland.
"Kung nakarami man ako, sa akin na lang 'yon! Mga ulol!" Sabay-sabay pa silang nagtawanan.
"Order pa tayo?" Roland asked.
"Pass na ako. Alam niyo namang hindi ako malakas sa alak. Tska, baka magalit na sa akin ang mga asawa niyo. Umuwi na kaya kayo at ng makapag pahinga naman ako. May jetlag pa ako!"
"Kj talaga nito pagdating sa pag-iinom. Sige na nga! Ubusin na lang natin 'to!"
KUMATOK muna si Annika ng tatlong beses bago, pinihit ang siradora.
"Magandang hapon po Ma'am."
"Halika, Annika. Maupo ka rito."
Naupo si Annika sa tinurong upuan ng kanyang boss. Two years na rin siyang nagtatrabaho dito as secretary.
"Magbabaksyon ako for one month sa 'Night in Paradise.' Kaya, itatalaga ko muna ang anak ko pansamantala."
"Si, Sir Leon po?"
"No. Not him. Ang panganay ko. Uuwi kasi sya pansamantala. Kaya naman, naisip kong sya na muna ang bahala rito habang wala ako."
"Okay, ma'am. No problem. Paano po pala ang mga meetings na may set na ng mga dates?"
"Ituloy pa rin. Pero, I want you to inform them na imbes na ako ay ang anak ko ang darating."
"Sure, ma'am. Ako na po ang bahala. Just enjoy your vacation!" Annika smiled genuinely.
"Ikaw ba, Annika? Kelan ka hihingi sa akin ng bakasyon? Sa two years mo dito ay ni isang beses ay hindi mo ginamit ang mga leave mo. Pwera na lang kung talagang may emergency ka."
"Well, ma'am. Kailangan ko po kasi talaga ang magtrabaho nang maigi. Alam niyo na, para po sa anak ko. She's going four na. Magsisimula na siyang mag-aral. Hindi po ako mayaman, ma'am. Pero gusto ko po siyang makapag-aral sa magandang paaralan."
"Nakakabilib ang pagmamahal mo sa'yong anak, Annika. Sandali, hanggang ngayon ba ay hindi mo pa rin nakikita ang ama ng iyong anak?"
"Hindi pa rin po, ma'am. Hindi na rin naman ako umaasa na makikita ko pa siya. Huling balita ko ay sa ibang bansan na raw ito naninirahan."
"Well, ganyan din ang ginawa ng asawa ko. Tinakbuhan ako. Mabuti na lamang ng lumaki na ang dalawa kong anak ay binigyan niya pa rin ng karapatan sa kanyang mga kompanya, at buti na rin na mayaman ang aking ama at ina kaya mayroon talaga silang makukuha."
Tumayo si Annika.
"Wala na po ba kayong ipaguutos ma'am?"
"Wala na, Annika. Salamat."
"Sige po, aasikasuhin ko muna ang mga bilin niyo."
"Okay, just make sure, don't over work yourself. Hindi ka si darna."
Ngumiti lamang si Annika at saka lumabas na.
Napaisip siyang bigla sa sinabi ni Miss De Villa tungkol sa ama ng kanyang anak.
Sino ba mag-aakalang magbubunga ang isang gabi ng kanilang pagsisiping ng lalaking kanyang pinagpapantasyahan?
Oscar Navarro. Buti na lamang, kahit paano ay alam niya ang pangalan nito. Pero ang lalaki ay walang alam tungkol sa kanya. Hindi nga siya sigurado kung may alam ito na may nangyari ng gabi na 'yon.
"Aw! S--sorry." Bumagsak ang lahat ng bitbit ni Annika nang mabangga siya ng isang matipunong lalaki. Hindi niya ito nilingon bagkus ay agad niyang pinulot ang mga papeles na hawak.
"Stupid! Nasa hallway ka, pero hindi marunong tumingin sa nilalakaran."
Nahinto si Annika sa pagpulot ng mga papeles dahil sa sinabi ng lalaki. He has deep low voice, ngunit dinig mo ang panunuya sa boses nito. Sinundan ng tingin ni Annika ang lalaking nakabangga sa kanya. Likod na lang nito ang kanyang nakikita dahil, dinaanan lang siya nito at hindi man lang humingi ng tawad o tumulong sa kanya sa pagpulot ng mga papeles.
'Marami talaga sa mayayaman ang entitled, tsk," sabi niya sa sarili.
Nagulat pa si Annika ng biglang may tumulong sa kanya sa pagpulot.
"Leon."
Tumayo na ito nang makuha na ang lahat at ganoon din naman siya.
"Anong nangyari?" Leon asked her.
"Uh! Wala naman. May nakabangga lang ako kaya nahulog lahat ito. Ano nga pala ang ginagawa mo rito?"
Mayroon sariling kompanya ang anak ng kanyang boss, at pumupunta lang doon ang lalaki kapag may importanteng meeting. Ngunit wala naman siyang matandaan na urgent meeting today.
"Personal matter. Dumating na kasi si Kuya, kaya pupuntahan lang namin si Mommy. She's still here, yeah?"
"Yeah. Naroon pa sa opisina niya."
"Okay..." Inabot nito sa kanya ang mga papel na napulot.
"...next time, mag-iingat ka."
Annika just smiled and nodded.
Ngumiti rin sa kanyang ang lalaki at mabilis nang naglakad patungo sa opisina ng ina.
Napakabait nito sa kanya. Kapag pumupunta ito sa opisina ng ina ay lagi siya nitong pinupuntahan sa kanyang cubicle at nakikipag kwentuhan. He is indeed a good friend.
'Ang swerte ng magiging girlfriend niya.'