"Sir, thank you. Pwede na po kayong bumalik sa opisina. Salamat po sa paghatid sa akin."
"Call me when you need anything, Annika."
Mabilis bumaba si Annika ng sasakyan at halos matapilok pa siya sa pagtakbo.
Nag-text sa kanya si Mila na dinala ang anak sa ODN Asian Hospital room 204.
Agad siyang tumungo sa silid na sinabi ni Mila. She knocked. Then Mila open the door. Pagpasok ni Annika sa room ay nagulat pa siya sa itsura nito. Para itong hotel room na meron pang bay window. Hindi ito mukhang hospital.
Hindi niya inaasahan na ganito ang kukunin ni Mila dahil hindi naman lingid sa kanila na hindi nila kayang magbayad ng ganitong kwarto.
"I know. Kahit ako ay ganyan ang naging reaksiyon na dito nila dinala si Amara. Sabi ko na hindi natin afford ang ganito at kung maaaring sa ward na lang."
Dahan-dahang lumapit si Annika sa natutulog na anak. Hinaplos niya ito. Meron itong nakalagay na dextrose.
Muli niyang nilingon si Mila. "Ipapalipat na lang natin siya mamaya. I know na mas magiging komportable siya dito pero kahit ibenta natin ang bahay ay hindi natin mababayaran ang araw niya dito..." saad ni Annika.
"...ano ang sabi ng Doctor, Mila?" Muli niyang hinaplos ang mukha ng anak. Gusto niyang maiyak dahil naaawa siya dito. Pero kailangan niyang maging matapang.
"Wala pa, Annika. Pupunta na lang daw sila dito kapag may result na ang lab test."
Suddenly they heard knocks.
Bumukas ito at niluwa ang isang doctor na lalaki at isang nurse.
"Mommy ni Amara?" Si Annika ang tinutukoy nito.
"Yes po, siya ang mommy," si Mila ang sumagot at tumango lamang si Annika.
"Your daughter has dengue. Critical stage na kaya kailangan natin siyang masalinan ng platelets sa lalong madaling panahon."
Natakpan ni Annika ang kanyang bibig at hindi na napigilan ang mga luhang pumatak sa kanyang mga mata.
Kaninang umaga bago siya pumasok ay mainit na ang anak. Pero, hindi nila ito masyadong pinansin dahil tinutubuan ito ng ngipin kaya naisip nila na normal lang ito.
Pakiramdam niya ay naging pabaya siyang ina.
"Sige po! Pwede po ako."
"Ab+ ang blood type ni, Amara. Pareho po ba kayo?"
Nagkatinginan sila ni Mila. Type O si Mila at type B naman si Annika. "H-hindi po. Type B po ako, Doc. Paano b 'to? Meron naman po kayong mga reserbang dugo 'di ba?"
"Huwag po kayong mag-alala. Kinukunan na po ng dugo si Mr. Navarro upang maisalin kay Amara."
"Mr. Navarro?" si Mila ang nagtanong.
"Yes po. Narito si Mr. Navarro ang owner nitong hospital. Siya po ang nagbigay ng room na ito. Mr. Navarro's blood type is also Ab+ kaya inoffer na rin niya ang kanyang sarili."
"Sinong Mr. Navarro ito, doc?"
Napaisip bigla si Annika. ODN ASIAN HOSPITAL. Oscar De Villa Navarro.
Hindi na nakasagot ang doctor dahil lahat ay napatingin sa pagpasok ni Oscar.
"Thank you Calvin. Ako na ang bahalang magpaliwanag." At tinapik nito ang balikat ng doktor.
"Okay, Oscar," sabi ng doctor at muling humarap kay Annika.
"Aayusin na po namin ang mga blood bag. Dito na po natin isasalin sa room." Ito lang at tinapik din nito ang balikat ni Oscar saka lumabas ng silid.
"Bibili na muna ako ng makakain, Nik. Maiwan ko muna kayo." Nginitian lamang ni Mila si Oscar at lumabas na rin ng silid.
Nakita pa ni Annika ang bulak sa pinagkunan ng dugo kay Oscar.
Walang ano-ano ay bigla niya itong niyakap. Tumingkayad pa siya upang maipulupot nang maayos ang kanyang mga kamay sa leeg ng lalaki.
Nagulat sandali si Oscar ngunit agad ding nakabawi at niyakap din si Annika.
"Thank you so much, sir. Hindi ko alam kung paano ako magpapasalamat sa mga nagawa mo! Pero utang ko po sa inyo ang buhay ni, Amara."
Masuyong kinalas ni Oscar ang pagkakayap ni Annika sa kanya. Nakita niya ang luha sa mata nito. He wiped her tears using his hand. "I just want you to be there, when I need you, Annika. 'Yon lang ang gusto kong ibayad mo sa akin."
Tumango si Annika at sumisinghot pa dahil sa kanyang pag-iyak.
'Kahit anong oras, Oscar. Isang tawag mo lang. Darating ako! Dahil mahal kita!'
"M-mommy."
Nagpunas muna ng luha si Annika bago nilingon ang nagising na anak. Lumapit siya dito at hinaplos ang mukha.
"Hi, baby. I'm here. How are you feeling?"
Naupo siya sa edge ng kama.
"I'm fine, mommy. Mainit po ang pakiramdam ko," halos pabulong nitong sabi at ramdam ang panghihina.
"Who is he mommy?" Napansin nito si Oscar na nakatayo at nakamasid sa kanila.
Biglang nakaramdam ng kaba si Annika. Ang unang pagkikita ng mag-ama!
Sinulyapan niya si Oscar na mabagal na naglalakad palapit sa kanila.
"Hi. I'm Oscar. Your mom's friend." He smiled awkwardly. He looked straight to her eyes.
'Blue eyes?'
"He is your savior, baby. He helped us. This room? Siya ang nagbigay nito. Pati ang blood niya ay binigay niya rin sa'yo," paliwanag ni Annika na pinipilit na hindi kabahan.
"Hi, savior. Thank you for saving me." She smiled at him. Tinaas ni Amara ang kanyang kanang kamay na para bang nais nitong makipag-shake hands kay Oscar.
Naintindihan naman ito ni Oscar. Lumapit pa siya nang kaunti at tinanggap ang kamay ng bata.
Bumilis ang t***k ng kanyang puso. Nilamig bigla ang kanyang katawan. Hindi niya maipaliwanag ang kanyang damdamin ng dumapo ang kanyang kamay sa batang ito.
Muli niya itong tinignan. Mapungay din ang mga mata nito gaya ni Annika. But the color of her eyes! Her nose, her physical features!
Natigil lamang ang kanyang pag-iisip nang pumasok muli ang kanyang kaibigan na si Calvin na doctor ni Amara. Meron pang kasama na dalawang nurse. Dala na ng mga ito ang blood bag.
"Sisimulan na po namin..." Nakatingin ito kay Annika.
"Hi, Amara. Ready ka na ba? Remember 'yung sinabi ko sa'yo kanina? Be strong okay?"
Tumango si Amara at ngumiti.
"I am strong Doc. Calvin. My mommy is here so does my savior, Tito Oscar. Kaya kailangan ko i-show sa kanila na matapang po ako."
Muling kumabog ang dibdib ni Oscar nang banggitin ng bata ang kanyang pangalan.
'Bakit? Anong meron? Hindi maaari! Hindi kaya...?'