CHAPTER 19

1098 Words
Hindi maiwasan ni Annika ang maglakad pabalik-balik. Kinakabahan siya para sa anak. Lumabas muna sila sandali ng silid at hinayaan ang doctor at mga nurse ang mag-assist sa anak. Si Oscar ay nakaupo sa silyang naroon at nakamasid kay Annika. "Annika. What happened that night?" Napahinto si Annika sa paglalakad sa tanong ni Oscar. She looked at him. "What night, sir?" "4 years ago. You accompanied me back to my hotel. I wanna know what happened in my room?" Na shock si Annika sa narinig. 'Naalala niya?' Mukhang napansin ni Oscar ang kanyang pagkagulat. "Nalaman ko lang din, pagbalik ko dito mula Washington. Leon showed me the cctv footage at nakilala kita nang makita ko ang video." 'So he was really f*cked up that night. Wala talaga siyang naaalala.' Napaisip si Annika. Hindi ito ang tamang oras para sabihin niya ang totoo kay Oscar. Marami pa siyang iniisip dahil sa kalagayan ng anak. But soon. She'll tell him the truth. 'But not now, Oscar.' "H-hinatid po kita. Dahil sobrang nalasing ka." "Bakit mo naman gagawin 'yon? I'm just a random guy back then." Tumawa nang pilit si Annika. "Regular customer po namin kayo, sir. Hindi ka naman random guy lang." Tumango si Oscar. Napabuntong hininga si Annika. Mukhang naniwala naman ito sa kanya. "Umaga ka na nakauwi that time. Did you sleep there with me?" Muling kumabog ang dibdib niya. 'Sh!t.' "O-opo. Doon na ako nakatulog. Pero sa sofa ako natulog, sir." Lumalim ang tingin sa kanya ni Oscar. Tumayo ito at nilagay ang dalawang kamay sa mga bulsa. "Sino ang ama ni Amara? Is he a foreigner? Amara has blue eyes like me." 'Gusto ko na lang maging bula! Lord. Patayin mo na lang ako, ngayon din!' "Si A-amara? Opo. He's American. Na-na meet ko siya sa isang beach resort. We-ahm. We made love a couple of times. And-ahm. Yeah! Nabuo po si Amara." Annika sat down sa upuan na malapit sa kinatayuan ni Oscar at hindi niya naiwasang kagatin ang kanyang kuko. Kinakabahan siya! Hindi pa siya handang malaman ni Oscar ang katotohanan. Oscar looked at Annika. He has doubts! Pero ang hirap patunayan dahil wala talaga siyang maaala that night. Pero malinaw sa kanya ang isang panaginip na meron siyang katalik na babae at mukha itong makatotohanan. 'Is it just a dream? Or it's you Annika?' Magsasalita pa sana siya nang... "Annika. What happened?" Humahangos na dumating si Leon at nilampasan lamang niya ang kanyang kapatid at dumeretso kay Annika. Mabilis tumayo si Annika nang makita si Leon, mabilis siyang yumakap dito. "Mila called me." Lumayo siya nang kaunti sa pagkakayakap ni Annika. "Is she okay now?" "Yes, Leon. Amara is okay now," si Oscar ang nagsalita. Nilingon ni Leon ang kapatid. "Thank you for staying. Nandito na ako. Ako na bahala sa kanila. You may go now." "Actually, I wanna stay. Gusto ko makita si Amara na maayos bago ako umalis." "Sir. Babalitaan na lang po kita. Kailangan mo na talagang bumalik sa opisina, dahil marami pa po kayong gagawin," sabat ni Annika. "Pinaapalis mo na ako? Why?..." nilingon ni Oscar si Leon. "Dahil mas gusto mo siyang kasama kesa sa akin?" Annika frowned so does Leon. Nagsukatan muli ng tingin ang dalawang magkapatid. Magsasalita pa sana si Annika ng biglang lumabas na si Calvin mula sa silid ng bata. Calvin smiled. At lumapit sa kanilang tatlo. "We did it! But still kailangan pa rin niyang mag-stay dito for a couple of days at i-monitor ang kanyang lagnat." "Thank you, doc. Pwede po ba akong pumasok sa loob at tignan siya?" tanong ni Annika. "Yes. Ms. Salvador. You can go inside." Tumango pa si Calvin nang makita si Leon sa tabi ni Annika na nakahawak pa sa kamay nito. Tinignan lang sandali ni Annika si Oscar at saka naglakad na patungo sa silid ng anak. Nakasunod naman si Leon dito na hindi na nag-abalang lingunin ang kapatid. "Parang papatayin mo si Leon sa mga tingin mo, huh. Selos 'yan?" tawa pa ni Calvin. "Ikaw kaya patayin ko?" "Hoy, gago! Hindi ka na mabiro. Doctor kaya ako ng anak ng chicks mo." "Can we talk? I have a favor, Calvin." "Sure. Let's go to my office." "NAG-OFFER ang kuya mo kaya sa kanyang platelets ang naisalin kay, Amara." "Ab+ si Amara?" tanong ni Leon. "Mmm. Buti na lang talaga. Ang rare pa naman ng gano'ng blood type. Buti narito ang kuya mo." "Ab+ din ako, Annika. Kaya ko rin gawin ang ginagawa niya. Lahat ng tao kayang gawin ang ginawa niya," naiinis na sabi ni Leon. "Leon, are you okay? I'm just telling you what happened, okay? I'm not fighting here," mahinang sagot ni Annika at inayos ang kumot ng Anak. Nilingon niya si Leon na nakatayo at nakamasid lang kay Amara. "Sorry, Annika. Ako dapat ang nandito. Nangako ako na aalagaan ko kayo. Pero wala ako sa tabi mo kanina." Lumapit si Annika kay Leon at hinawakan ang kamay nito. "Hey, don't be sorry. Hindi mo alam kung gaano karami na ang nagawa mong kabutihan sa aming mag-ina. Nariyan ka no'ng nanganak ako. Pinagkamalan ka pa nilang ama ni Amara, dahil hindi ka talaga umalis sa hospital kahit pa nga hindi mo naman ako kilala nang panahon na 'yon. You stayed. Until now, you are here..." She hugged Leon. "Oscar may be, Amara's savior. But you, Leon? You are my savior. And no matter what happens, I'll treasure that. Always remember that. Okay?" And she kissed him on his cheeck. "DNA TEST?" gulat na tanong ni Calvin. "Yes, Calvin. I need you to run a DNA test kay Amara at sa akin." "But why? Amara is going 4. You mean. You already know Annika 4 years ago?" Tumango si Oscar. "She has blue eyes like me. Her face. She looks like me." "Bro, kung blue eyes lang. Hindi lang naman ikaw ang may blue eyes sa mundo. Baka foreigner ang ama no'ng bata." "Can you do it or not?" "I need the permission of the mother, Oscar. It's against the law. Baka mawalan ako ng license kapag may nakalaam nito." "You want my blue lamborghini, right? I'll give you that right away. Just do what I say." "Kung ganyan ba naman ang mga offeran. Hindi kita tatanggihan," tumawa pa ito. "But kidding aside, bro. Paano kung anak mo nga si Amara?" Biglang napatitig si Oscar kay Calvin. 'Paano nga ba?' Ready na ba siyang maging ama? Iniwan sila ng kanyang daddy sa mga panahong mas kailangan nila ito. Kaya anong alam niya kung paano maging mabuting ama? 'Amara. Are you mine?'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD