CHAPTER 17

955 Words
Annika went to the bathroom and clean herself. Tumutulo pa sa kanyang hita ang mga likidong nailabas ni Oscar. Ringg...Ringgg... Her phone rang. Tinapon niya muna ang tissue na ipinunas sa kanyang hita atsaka mabilis kinuha ang telepono sa kanyang bag. It's Mila. "Yes Mila? Napatawag ka?" "Annika, nasa hospital kami! Dinala ko si Amara dahil sobrang init na niya." "What? How? Okay! Please paki text sa akin kung saang hospital!" Pinatay agad ni Annika ang telepono at kumaripas palabas. She went straight to Oscar's office. Nakalimutan na niyang kumatok sa sobrang pagmamadali. Napatunghay nang mabilis si Oscar mula sa pagpirma ng mga papeles na nasa kanyang desk ng bumukas ang kanyang pinto. Nakita niya ang tarantang mukha ni Annika. Mabilis siyang napatayo dahil sa pag-alala. "What's wrong, Annika?" "Sir. Mag-half day po sana ako. Emergency lang po!" "What's the emergency? Tell me!" "Ang-ang anak ko po kasi ay dinala sa hospital. I need to be there!" Halos maiyak-iyak na si Annika. Sa halos apat na taon ay hindi niya pa nadala si Amara sa hospital maliban sa mga vaccines na kailangan ng bata. Pero ang dalhin ito sa hospital dahil sa sakit ay hindi pa nangyayari. Kaya sobrang nag-aalala siya. "Sige-sige. Ihahatid na kita. Para hindi ka na mahirapan pang humanap ng masasakyan." "Pero, sir. Ang mga papeles na 'yan ay kailangan nang maipasa today. Ang iba po diyan ay deadline na ngayong araw. Kaya ko na po, sir. Salamat po sa offer pero ayaw ko na abalahin pa kayo." "Hindi ito abala, Annika. Ako na ang bahala sa mga papeles na ito. Hindi mo na dapat pang problemahin 'yan." Kinuha ni Oscar ang kanyang coat na nakasabit sa kanyang chair at ito ay sinuot. He opened his table drawer at kinuha ang susi ng kanyang sasakyan. He walked near her at tumayo sa harap ni Annika. Kinulong niya ang mukha nito sa kanyang dalawang palad. He kissed her on the lips. Kita niya ang mga mumunting luha sa mga mapupungay nitong mata. "Don't cry. Everythings gonna be alright, baby." Kinuha niya ang isang kamay nito. "Let's go." Nagpatangay si Annika sa paghawak sa kanya ni Oscar. She was staring at him habang masuyo siya nitong hila. Gusto niya lalong maiyak dahil sa extra gestures na ginagawa nito sa kanya. Gusto niyang umasa na maaaring umibig din ito sa kanya. Na maaaring kapag sinabi niya ang tungkol kay Amara ay mag-stay na ito at hindi na bumalik sa Washington. "PAKIRAMDAM ko, may gusto si Oscar kay Annika." "Paano mo naman nasabi 'yan? Hindi ba't ang kuya mo ay babaero lang din kagaya mo?" "Yeah! Kaya nga hindi ko gusto ang mga nakita ko kanina sa mga mata niya. Nakakita ako ng selos." "Leon, baka guni-guni mo lang 'yon. Baka naman gusto lang niya matikman si, Annika." Tumawa pa ito. "Lalong hindi ako papayag, Aljon! Mahal ko si Annika at hindi ako papayag na paglaruan niya lang ito." "Ang bagal mo naman kasi! Hindi ka naman ganyan. Ewan ko ba kung bakit parang ang torpe mo pagdating kay Annika." Buti na lamang ay narito ang kanyang kaibigan sa opisina. Kalaban niya ito sa business ngunit kaibigan sa personal. Leon took a deep breath at napasandal sa kanyang swivel chair. "I don't know either. She's very different, Aljon. She is so sweet. Everytime she smile, natutunaw ako at nalilimutan ang gusto kong sabihin." "Paano ang nangyari sa inyo no'ng kaibigan niya?" He paused for a bit at napatitig sa kaibigan. He bit his lower lip. "It's a mistake. I don't know how it happened, Aljon. We were just staring at each other and the next thing I know was, I'm already kissing and touching her. Pero hanggang do'n lang 'yon. Wala ng ibang nangyari at hindi na muling mauulit. I love, Annika. And I can only see myself with her and not with someon else." "Dude. But that's her friend. Anong tingin mo magiging reaction niya if malalaman niya na nag-make out kayo ng kaibigan niya?" Napahinto si Leon. Hindi niya alam kung bakit niya nagawang halikan si Mila nang gabing pumunta siya sa tirahan ni Annika. Nag-aalala siya para dito dahil sa nabalitaang pang momolestiya ni Mr. Cordero dito. Ngunit sa kanyang paghihintay ay nagkaroon sila ng pagkakataon ni Mila na makapag-usap. Mila confessed to her that night. Na matagal na raw siya nitong gusto. He got overwhemled so, he kissed her. He close his eyes. 'It was a mistake right? Yes it is! Mila is nothing to him.' "GRABE ka Lorraine. Ibig mong sabihin, sinadya mong iwan si Oscar sa opisina mo para makasama ang sekretarya mo?" si Angela ang nagtanong. Kasalukuyan silang nagsasalo-salo ng tanghalian sa iisang kubo kasama si Angelique at Felix. "Oo naman. Hindi mo na tatanungin. Napakaganda ng sekretarya ko. Kaya hindi malabo na magustuhan siya ni Oscar." "Hindi ba't may anak na 'yon?" si Thomas ang nagtanong na ama ni Angelique. "Meron na nga. Pero wala naman sa akin ang mga ganyang bagay. Kung hindi maanakan ni Oscar si Annika, 'di hindi. Gagawin ko na lang apo ang anak niya. Basta ang importante ay mag-settle down na siya." "Sorry, tita," malungkot na sabat ni Angelique. "Don't worry about it, Angelique. Nauna naman talaga si Felix sa iyo dahil nawala ang alaala mo. Kaya kahit kailanman ay hindi ako nagalit sa'yo." "Playing cupid naman pala ang role nang mommy sa sa panganay niya," tumatawang sabi ni Angela. "Maswerte po ang mamahalin ni, Oscar, tita. 'Cause he is very gentle and sweet," dugtong pa ni Angelique. "I am actually here, Mrs. WILDER. Ka-kakasal lang natin ulit tapos may ibang lalaki kang binabanggit," saad ni Felix at biglang nagtawanan pa ang lahat. Kita nila ang selos sa mukha ni Felix.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD