Chapter 8

1544 Words
“O, YSABEL, gising ka na pala,” bungad sa kanya ni Manang Tessie pagdating niya sa kusina. “Magandang umaga ho,” bati niya. “Kumusta na ang pakiramdam mo?” tanong pa nito. “Mabuti naman po.” “Hindi na ba kumikirot ang sugat mo?” “Hindi na po masyado.” “Mabuti naman kung ganoon.” Habang naghahanda ng umagahan ay nagtimpla siya ng kape pagkatapos ay naupo sa bar stool. “Gising na po ba si Sir?” tanong niya. “Naku tulog pa tiyak ‘yon. Kapag ganitong weekend, nagbabawi ng tulog ‘yon.” “Ah,” usal ni Luna. “Alam mo, nagpapasalamat ako sa Diyos at babae ang naging assistant niya ngayon. Mula nang dumating ka, napansin ko na may iba nang nakakaagaw ng kanyang atensiyon. Hindi na puro trabaho at organisasyon,” kuwento pa ni Manang. “Wala ho bang girlfriend o naging asawa si Sir?” “May mga naging girlfriend siya noon pero hindi naman din nagtagal iyon. Walang babaeng tumagal dahil nga career oriented masyado iyang bata na ‘yan. Isa pa dahil na rin sa background ng pamilya nila kaya walang tumatagal.” Muling umiral ang pagiging secret agent ni Luna. Sinamantala niya ang sandaling iyon upang magtanong tungkol kay Blaine. “Gaano na po kayo katagal nagtatrabaho kay Sir?” pag-uusisa pa niya. “Naku matagal na, trese anyos pa lang ‘yan si Blaine eh ako na ang nag-aalaga riyan. Kaya noong umalis sa poder ng mga magulang at nagsarili ay kasama pa rin niya ako.” “Mukhang maganda ang relasyon ninyong dalawa.” Nakangiti itong lumingon sa kanya. “Para kaming mag-ina. Mula kasi nang pumanaw ang Mommy niya, ako na ang nag-alaga sa kanya. May isa pa ‘yang kapatid, si Beatrice, iyong bunso. Naroon ‘yon sa poder ng Daddy nila.” “Alam n’yo po ba iyong tungkol sa organisasyon nila?” “Aba’y oo naman.” “Hindi po ba kayo natakot?” Marahan tumawa ang may edad na babae. “Alam mo mula ng maupo si Blaine bilang leader ng grupo, naging payapa ang organisasyon. Inayos niya ang sistema. Walang gang war. Inalis niya sa ilalim ng pangangalaga ng Montejo Group ang lahat na illegal na negosyo ng ama niya. Siya ay naka-focus siya sa trabaho sa kompanya. Si Don Ben naman ang nangangalaga sa mga sarili nitong illegal na negosyo. Pero noong kapanahunan ng Daddy niya, naku ang gulo tapos ang daming mga illegal na negosyo.” “Gang war? Hanggang ngayon po ba ganoon ang nangyayari?” “Naku hindi na! Simula nang si Blaine ang naupo bilang CEO ng Montejo Group at maging Leader ng organisasyon, pinagbawal niya ang gang war. Eh kahit naman noon kapanahunan ni Don Ben, hindi siya ang nauuna, sila lagi ang sinusugod ng mga kalaban. Eh siyempre, hindi maaaring hindi gaganti si Don Ben. Sabi nga ni Blaine noon sa akin eh, kapag nagkaroon daw siya ng pagkakataon, siya mismo ang gagawa ng paraan para mahinto ang mga illegal na negosyo ng Daddy niya. Hindi ko rin naman masisi ang batang ‘yon dahil lumaki siya na nakagisnan na nakikita ang mga illegal na ginagawa ng daddy niya. Drugs, smuggling, gang war. Mabuti nga at lumaki siyang mabait.” Napahinga ng malalim si Luna. Kung ganoon ay kailangan niyang makapasok sa mundo ng ama nito. Kailangan niyang makita ang mga negosyo ni Don Benjamin Montejo. At ang mga ambush na nangyari nitong nakaraan mga linggo, ngayon ay napatunayan na niyang hindi si Blaine ang may kagagawan niyon kung hindi ang Dragon Empire, si Henry Wang. Ngunit habang hindi pa siya nakakapasok sa mismong sentro ng organisasyon, sa ngayon ay ipagpapatuloy na lamang ni Luna ang pag-iimbestiga. Kailangan niyang makumpirma kung wala talagang kinalaman si Blaine sa mga illegal na negosyo ng ama o pinoproteksiyunan lang nito ang grupo. “Alam mo natutuwa nga ako batang ‘yan,” pagpapatuloy ni Manang Tessie. Naputol ang iniisip ni Luna at muling tumingin sa kausap. “Kagabi nang makatulog ka, panay ang silip niya sa’yo at inspeksiyon ng sugat mo. Hindi mapakali at nag-aalala.” “Talaga po?” “Oo,” natatawang sagot ni Manang. Natahimik si Luna. Hindi niya maintindihan kung bakit tinatapunan siya ni Blaine ng ganoon atensiyon samantalang tauhan lang din siya nito. She felt a bit burdened. Hindi sanay si Luna na may nag-aalaga sa kanya. Hindi siya sanay na may nag-aalala at nag-aasikaso sa kanya. “Salamat po ulit sa pag-aasikaso n’yo sa akin kagabi,” sabi pa ni Luna. “Naku, walang anuman. Umalalay lang naman ako kay Blaine, dahil siya mismo ang nag-alaga sa’yo.” Tumikhim si Luna at napaisip. Mayamaya ay tumayo siya at nagtimpla ng kape pagkatapos ay maingat na umakyat sa second floor. Humugot siya ng isang malalim na hininga saka iyon pinakawalan bago kumatok sa pinto ng silid ni Blaine. “Pasok,” narinig niyang sagot nito mula sa loob. Dahan-dahan na binuksan ni Luna ang pinto. Naabutan niya na nakasuot lang ng board shorts si Blaine at walang suot na pang-itaas. “Ysabel, kanina ka pa gising?” tanong nito. “Mga thirty minutes ago na,” sagot niya. “Come in.” Tumuloy siya sa loob at nilapag ang kape nito sa ibabaw ng coffee table doon. “Ah, coffee,” sabi niya. Ngumiti ito. “Thanks. Nag-abala ka pa na dalhin ‘yan dito.” Nahihiya na tumungo siya. “Ah… ano… pasasalamat lang dahil sa pag-aasikaso mo sa akin. Sinabi ni Manang Tessie na kahit tulog na ako, binabantayan mo daw ako.” “You’re welcome. Nag-alala lang ako dahil baka tumagilid ka ng higa sa parte ng sugat mo. You’re sleeping so well last night. Maupo ka lang,” sabi pa nito. Sumunod si Luna sa sinabi ni Blaine at naupo sa gilid ng kama. Kinuha nito ang tasa ng kape na dala niya saka tinikman iyon saka nakangiting lumingon sa kanya. “Did you know that your coffee is better than Sheila?” Napangiti si Luna ng wala sa oras. “Salamat.” Matapos iyon ay lumapit sa kanya si Blaine at nag-squat sa kanyang harapan. Kumabog ng husto ang dibdib ni Luna nang kumapit ito sa kama at nakulong siya sa gitna ng mga braso nito. Patuloy sa mabilis na pintig ang kanyang puso nang umangat ang tingin nito. “Taas mo ‘yong damit mo, tignan ko ‘yong sugat mo,” utos nito. Lihim siyang tumikhim pagkatapos ay umiwas ng tingin. Kinakabahan na inangat niya ang damit. Maingat nitong inalis ang gasa at sinilip iyon. “It’s getting better. Basta huwag ka masyadong kikilos, gagaling agad ‘yan.” Marahan siyang tumango. “Mahiga ka.” Nanlaki ang mata niya. “Ha?” gulat na bulalas niya. Natawa si Blaine. “Lilinisin ko ‘yang sugat mo,” sagot nito. “Ah, hindi na!” mabilis na tanggi niya sabay tayo. Ngunit hindi siya nakalayo man lang sa kama nang tumayo rin si Blaine at hinawakan siya sa braso. Natunaw ang depensa ni Luna sa sarili nang magtama ang kanilang tingin. Her cold and calm heart turned into chaos as their gazes locked on each other. “Fine, kung ayaw mong mahiga. Just sit down.” Tumikhim si Luna saka marahan tumango. Tahimik siya naupo muli sa gilid ng kama. “Wait here.” Muli siyang tumango. Nang sa wakas ay makalabas si Blaine ay saka pa lang siya nakahinga ng maluwag. Ngunit ang kanyang puso ay hindi pa rin bumabalik sa normal. Pagbalik ni Blaine makalipas lamang ang ilang sandali ay dala na nito ang medicine kit. “Taas mo ‘yong damit mo.” Sumunod si Luna at bahagyang inangat ang suot na t-shirt. Maingat inalis ni Blaine ang gasa at nilinis iyon. Matapos lagyan ng gamot ay saka pinalitan ng malinis at bagong gasa. “May boyfriend ka?” biglang tanong nito. Natigilan si Luna at muling napatingin dito. “W-wala, hindi ba nasabi ko na sa’yo?” sagot niya pagkatapos ay binaba ang damit. “Sa klase ng trabaho ko, paano ako magkakaroon ng boyfriend?” “Pero nagkaroon ka na ng boyfriend?” Marahan umiling si Luna. “Hindi pa. Sinabi ko na rin ‘yan sa’yo. I feel like, in the world that I live in, I don’t have time for love. How can an assassin like me love someone else when I can’t even love my own self?” sagot niya sabay hinga ng malalim. “My job is to kill, Blaine. Wala akong maipagmamalaki sa lalaking kung sino man ang mamahalin ko.” Tumikhim si Blaine at ngumiti. “That’s good, then. Habang sa akin ka nagtatrabaho, bawal kang mag-boyfriend. I’m a very jealous boss. Gusto ko sa akin lang ang oras at atensiyon ng assistant ko,” sabi nito sabay tayo. Kumunot ang noo niya. “Kahit doon sa dating assistant mo ganyan ka?” nagtatakang tanong niya. Natawa si Blaine at napailing. “Lalaki ‘yon, ano ka ba?” sagot nito. Muli ay hinagod ng palad nito ang ulo niya. “Halika na at baba na tayo para kumain.” Hindi napigilan ni Luna ang mapangiti pagkatapos ay sumunod na siya sa binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD