Chapter 9

2104 Words

MAY pag-aalinlangan na lumapit si Luna kay Blaine. Naroon ito sa loob ng study room at abala sa mga binabasang papeles. Tumikhim siya at marahan kumatok sa nakabukas nang pinto. “Blaine,” mahina ang boses na tawag niya. Agad umangat ang ulo nito. “Oh, Ysabel. May kailangan ka?” Pumasok siya sa loob at tumayo sa harap ng office table. “May lakad ba tayo mamaya hanggang bukas?” tanong niya. “Wala naman. Bakit?” “Ah, magpapaalam sana ako kung puwede umalis? Babalik din ako bukas.” Kumunot ang noo nito sabay sandal sa backrest ng kinauupuan na swivel chair, pagkatapos ay bumuntong-hininga. Tinitigan lang siya ng binata saka sumenyas sa kanya na lumapit. “Come here,” sa halip ay sagot nito. Tahimik siyang lumapit. Nahigit ni Luna ang kanyang hininga nang hawakan siya nito sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD