Chapter 7

3929 Words
NAGTAKA si Luna nang mag-ring ang kanyang phone at rumehistro ang pangalan ng kasama niyang agent na nag-undercover din sa Montejo Group na si Lani. Lumingon muna siya sa pinto at tiniyak na naka-lock iyon bago sagutin. “Alam mo na hindi mo dapat ako tinatawagan, ‘di ba?” bungad niya. “Hello… I’m calling as your friend,” sagot nito. Marahan siyang napangiti. “Video call, dali!” Napailing na lang si Luna at pinagbigyan ang hiling nito. Agad itong napasinghap nang mag-open ang video cam niya. “Bakit ganyan reaksyon mo?” nagtatakang tanong niya. “Hmm… may iba sa’yo…” Kumunot ang noo ni Luna. “Anong iba?” Saglit itong nag-isip habang nakatitig sa kanya. “Iyong aura mo. Parang umaliwalas ang mukha mo, gets mo ba ‘yong ibig kong sabihin?” “Kung anu-ano na naman ang naiisip mo,” napapailing na sagot niya. “Hindi, totoo! May nag-iba sa’yo.” Pinagpatuloy ni Luna ang paglalagay ng light pink na lipstick pagkatapos ay binraid ang sariling buhok. Nang matapos sa pag-aayos ay pinatungan niya ng metallic blue color na longsleeve, ang suot na white tank top at black jeans. Habang nagsasapatos ay muli siyang tumingin sa camera. “Hindi ka na kumibo diyan,” puna niya sa kaibigan. “Sorry abala lang ako sa panonood sa’yo. Ngayon lang kita nakitang nag-ayos ng ganyan. You don’t wear make-up,” natatawang sagot nito. “This is part of my job, okay? Hindi naman magandang tingnan na nasa isang corporate office ako at palagi akong nakabuntot sa CEO tapos wala man lang akong ayos. Hindi lang ako madalas naglalagay noon dahil sa gabi at laging takip ang mukha ko, iba ngayon ang sitwasyon,” depensa ni Luna. “Alam mo girl, bagay sa’yo ang may konting make-up na ganyan. Iyon nga na hindi ka palaayos dati ang dami nang nagtangka manligaw sa’yo sa USO, lalo na ngayon.” “Stop!” saway niya saka pinandilatan ito ng mata. Sa halip na maapektuhan ay tumawa lang ang kaibigan. “Kung libre ka mamayang lunch magkita tayo sa canteen,” sabi pa ni Lani. “Sige, bye!” Agad niyang binaba ang tawag pagkatapos ay sinukbit ang gun holster sa kanyang beywang, kung saan naroon ang kanyang baril, dalawang extra magazine at military knife saka tinago iyon sa ilalim ng blouse na suot. Matapos iyon ay saka siya lumabas ng silid. Eksaktong pagbukas ni Luna ng pinto ay siyang labas din ni Blaine mula sa silid nito. Sinalubong siya ng binata ng ngiti. “Good morning, Sir,” bati ni Luna. Hindi sumagot si Blaine sa halip ay nanatili lang itong nakatulala sa kanya. “H-Hi, ah… good morning.” Matipid lang na ngumiti si Luna pagkatapos ay dumiretso na ng baba sa hagdan. Sabay na silang kumain ng umagahan. “Manang, hindi ho kami dito kakain mamaya,” sabi ni Blaine. “O sige.” “May lakad ba tayo mamayang gabi?” tanong ni Luna. Ngumiti lang ito. “Mamaya malalaman mo.” Matapos kumain ng umagahan ay agad silang nagpaalam kay Manang Tessie. Sa halip na sumakay sa kotse ni Blaine ay lumapit si Luna sa kanyang big bike. “Mario, kayo na diyan sa kotse. I’ll take my bike,” sabi niya. “Okay.” “Bakit? Ayaw mo bang sumabay dito sa sasakyan?” tanong ni Blaine. “Mas makakabuti kung dala ko ‘to para in case na may ipagawa kayo, madali akong makakaalis,” sagot niya sabay tingin sa driver. “Ingat sa pagmamaneho, sasabayan ko kayo,” sabi pa ni Luna. “Sakay na po kayo, Sir,” sabi pa ni Mario kay Blaine. Agad sumakay si Luna sa kanyang big bike at nagsuot ng helmet. Pagkatapos ay agad na sumunod sa kotse ni Blaine nang umandar iyon. Habang nasa biyahe ay nakaagapay siya sa kotse ng binata. Napapansin din ni Luna na panay ang tingin sa kanya ni Blaine at tila pinapanood siya. Makalipas ang ilang minutong biyahe ay nakarating na sila sa gusali ng Montejo Group. Pinarada niya ang big bike sa tabi ng kotse ni Blaine. Nang pumasok sila sa gusali ay naglakad si Luna sa kanan bahagi ng binata. Pagdating sa elevator ay may binulong ito kay Mario bagay na pinagtaka niya. Nang bumukas ang pinto niyon ay agad silang sumakay ni Blaine ngunit nagtaka siya nang naiwan si Mario at iba pang tauhan nila. Nang sumarado ang pinto at biglang humarap sa kanya si Blaine at pinihit din siya paharap. “S-Sir?” nagtatakang usal niya. Huminga ito ng malalim pagkatapos ay inayos ang kanyang buhok. “There, much better,” sabi pa nito. “May p-problema ho ba?” Ngumiti ito at umiling. “Wala naman. I just want to take care of you, that’s all. Babae ka pa rin. Kahit na mas matapang at malakas ang loob mo kaysa sa akin. You deserve to be treated like a woman.” Biglang kumabog ng malakas ang kanyang dibdib. Tumikhim si Luna at agad iniwas ang tingin nang maramdaman na nag-iinit ang magkabila niyang pisngi. “T-Thank you.” Pagdating sa top floor ay agad silang sinalubong ng pagbati ng mga empleyado. Pagpasok sa loob ng pribadong opisina ni Blaine ay agad sumunod si Sheila saka dinetalye ang schedule ng binata para sa buong maghapon. Samantala ang mga trabaho naman para sa organisasyon ay sinimulan nang gawin ni Luna. “Sir, coffee?” tanong ni Sheila. “Ako na,” prisinta ni Luna. “Sige, salamat,” nakangiting sagot nito. Nang makalabas ang sekretarya ay saka siya nagtimpla ng kape ni Blaine. Nang mailapag iyon sa mesa ay tumingin ito sa kanya. “Thanks Ysabel. Mamayang alas-sais ng gabi ay magkikita kami ng ibang head ng organization. Be alert.” “Okay, Sir. Pero may ipapalakad po ba kayo ngayon? Gusto n’yo ba mag-surveillance ako sa Dragon Empire?” “No. Stay here where I can see you,” sagot nito. Napamulagat siya. “Ano, Sir?” gulat na tanong niya. He smirked and looked at her. “I said, just stay here.” “Okay po.” PAGBABA pa lang sasakyan ay agad inalerto ni Luna ang sarili. Mabilis na gumala ang kanyang mga mata. Ang gabing iyon ay sa sa mahalagang sandali ng kanyang misyon, sapagkat ngayon mangyayari ang isang malaking pagpupulong ng organisasyon ng Montejo Group. Sa loob ng isang pribadong silid para sa mga VIP, sa isang Japanese restaurant magaganap ang nasabing pagpupulong. “Alerto kayo, magmasid ng mabuti sa paligid, Mario. Hindi malayong may mga tao ni Henry Wang ang umaligid,” bulong niya dito. “Copy,” sagot nito. Samantala si Luna naman ay sumunod kay Blaine hanggang sa loob ng restaurant. Nang bumukas ang pinto ay tumambad sa paningin niya ang maraming pamilyar na mukha. Ang mga ito ay ang pawang malaki ang pangalan pagdating sa negosyo. Ang iba naman ay mataas ang posisyon sa military at gobyerno. Nang pumasok si Blaine ay natahimik ang mga ito at pumunta sa kani-kanilang puwesto. “You may take a seat, gentlemen.” Sumunod ang mga ito at naupo. Samantala si Luna ay tumayo lamang sa bandang likod. Tahimik. Alerto. Nakikiramdam at nagmamasid, habang ang micro camera na nakalagay sa kanyang smart watch ay patuloy na kumukuha ng video footage. Nagkuwentuhan muna ang mga ito ng kung anu-ano habang isa-isang dumarating ang mga pagkain na order ng mga ito. Nang mai-serve na ang mga pagkain ay saka natahimik ang lahat. “Blaine, ano itong balita na nakarating sa amin? Totoo ba na sine-set-up tayo ng kabilang grupo para sa atin ibintang ang mga nangyayaring pagpatay sa mga dating kasamahan natin sa organisasyon?” tanong ng isa. “Yes, that’s true.” “Kung ganoon, wala man lang ba tayong gagawin?” Huminga ng malalim si Blaine. “Of course, I have plans. Pero hindi sa paraan iniisip ninyo. We cannot solve the problem if our solution is violence as well. Don’t worry, I’m taking this matter seriously, one step at a time. Darating din ang araw na babagsak ang Dragon Empire.” “That b*stard Henry Wang is cunning. Gagawin nila lahat ng kanyang ama ang kahit anong paraan bumagsak lamang ang Montejo Group. Gusto nilang masolo ang lahat ng operasyon natin sa buong Maynila.” “Isa pa sa inaalala ko ay para magkaroon tayo ng problema sa mga operasyon ng negosyo at grupo.” “Everything is doing well so far, kung iyan ang inaalala ninyo. I have everything under control. As you know Montejo Group of Companies is now clean. Para sa mga operasyon ng ibang negosyo, I don’t handle them anymore. Si Dad pa rin ang may hawak niyon.” Napalingon ang lahat ng may isang humampas sa mesa. “Bakit hindi mo na lang gawin ang ginagawa noon ng ama mo? Saka bakit inalis mo sa pangangalaga ng kompanya ang ibang negosyo? Mas malaki ang mapapakinabangan natin kapag binalik iyon sa ilalim ng kompanya!” Narinig ni Luna ang bigat nang bumuntong-hininga si Blaine. “Nasagot ko na ‘yan pero ipapaliwanag ko baka sakaling hindi mo naintindihan ang sinabi ko kanina. I’m not my father. I have my own way to lead Montejo Group. I have my own way to solve the organization’s problems. Kung susugod tayo at kakalabanin si Henry Wang. Hindi buhay ninyo ang malalagay sa peligro kung hindi ang mga tauhan natin na may mga naghihintay na pamilya. Papayag ako sa sinasabi mo, kung sasama ka at ikaw ang mangunguna kapag sumugod tayo doon. Tungkol sa kompanya, kapag nagkahulihan, tiyak na babagsak ang Montejo Group of Companies at kapag nangyari ‘yon, marami sa empleyado ang madadamay at mawawalan ng trabaho. Dito, hindi palaging tapang at baril ang pinapairal, minsan ginagamitan din ng utak,” walang prenong sagot nito. Tumikhim ang lalaking nagsalita kanina. “Violence is not always the answer. Marami nang tao ang nagbuwis ng buhay para sa atin. Ayoko na ulit malagasan ng tao kahit isa,” puno ng paninindigan at may awtoridad na sagot ni Blaine. “Now, dig in gentlemen. Kumain kayo habang nagrereport sa akin,” sabi pa nito. Makalipas ang tatlumpung minuto ay pumasok si Mario at lumapit sa kanya. “May napansin kami na umaaligid,” bulong nito. Nagsalubong ang kilay ni Luna at napalingon kay Mario. “Dito ka lang, huwag mong iaalis ang tingin mo kay Sir,” sagot niya sabay bunot ng baril mula sa kanyang beywang. Doon napalingon sa kanya si Blaine. Isang tingin lang ang binigay niya dito pagkatapos ay lumabas na ng VIP Room. Paglabas ng restaurant ay sinalubong siya ng isa mga tauhan nila. “Ma’am doon sa bandang likod. May nakamotor kaming napansin na kanina pa paikot-ikot.” Tinapik niya ito sa balikat at tumango. “Kayong tatlo, ikutin n’yo ang paligid at mag-inspeksyon kayo. Tawagin n’yo agad ako kapag may napansin kayong iba. And keep your guns away. Baka matakot ang mga tao,” utos niya. “Sige po.” Muling tinago ni Luna ang baril sa kanyang holster saka nag-ikot sa labas ng vicinity ng restaurant. Napahinto siya ng mapansin ang isang motor na may nakasakay na dalawang tao at nakatingin sa kanya. Mabilis na tumakbo si Luna ngunit mabilis din nakatakbo ang mga ito ng makitang palapit siya. “Sh*t!” she exclaimed. Dahil maraming tao sa paligid, hindi nagawang bumunot ng baril ni Luna. Nag-aalala siya na baka magpanic ang mga tao kapag nakitang may baril siya. Wala nang nagawa si Luna kung hindi ang hayaan ang mga itong makaalis. Nang makabalik sa parking area ng restaurant ay tinipon niya ang mga tao nila. “Talasan n’yo ang mga mata n’yo, umalis na ‘yong nagmamanman. Sabihan n’yo ako ulit kapag may napansin kayo.” “Yes Ma’am.” Pagbalik niya sa VIP room ay agad lumipad sa kanya ang tingin ni Blaine. Sinulyapan lang niya ito at tumingin kay Mario. Sinalubong siya ng lalaki at binulungan ito. “Magmatyag lang kayo sa labas ng mabuti,” sabi niya. “Okay, copy.” Nang bumalik siya sa puwesto ay agad lumingon sa kanya si Blaine at sumenyas na lumapit. Mabilis na sumunod si Luna. “Everything okay?” bulong sa kanya nito. “Yes, Sir.” “May nangyari ba sa labas?” tanong ulit nito. “Wala po.” Tumango lang ito ngunit halatang hindi kumbinsido sa kanyang sagot. MATAPOS ang meeting ay isa-isa nang nagpaalam ang mga miyembro ng organisasyon. Paglabas ni Blaine ng restaurant ay agad siyang sumenyas kay Mario. “Stay alert,” she mouthed. Marahan lang itong tumango. Nang sumakay si Blaine sa kotse ay nilapitan ni Luna ang driver pagkatapos ay tinawag ang isa pang tao nila. “Sumakay ka sa kotse kasama ni Sir at Mario. Kuya, mag-iingat ka sa pagmamaneho, alam mo na ang nangyari kanina. Naka-convoy ako, huwag kayong mag-alala, ako ang mag-eescort sa inyo.” “Yes Ma’am.” “Senyasan ko kayo kapag may napansin akong sumusunod sa atin. Pagkatapos sundan n’yo lang ako,” bilin pa ulit niya. “Opo.” Tinapik niya ang mga ito sa balikat. “Let’s go,” yaya niya. Mabilis siyang nagsuot ng helmet at bago paandarin ang motor ay kinasa muna niya ang baril saka binalik sa holster. Hindi pa rin mapalagay ang loob ni Luna. Malakas ang kanyang hinala na babalik ang dalawang lalaki na nakamotor kanina. Nang umandar ang kotse ni Blaine ay umagapay si Luna. Naging matalas ang kanyang mata sa habang pinapatakbo ang motor. Hanggang sa makalipas lang ang dalawang minuto habang nasa kalagitnaan ng daan ay biglang may humabol na motor sa kanila. Tumama ang hinala ni Luna at agad nakilala ang motor. Agad niyang nakita na naglabas ng baril ang taong angkas sa likod. Dahil maraming inosenteng motorista ang maaaring madamay kapag nagpaputok ito ay agad siyang sumenyas kay Mario at tatlong beses na tinuro ang unahan. Nakuha ng driver ang ibig niyang sabihin at pinabilis ang takbo ng kotse. Luna swerved her motorbike to the left where the gunmen are. Pagkatapos ay hinarang ang sarili niya para hindi maituloy ang balak nitong pagbaril sa kotse ni Blaine. Nang masiguro na malayo ang iba pang mga kotse ay saka niya tinapatan ang dalawa ay saka siya naglabas ng baril sabay tutok sa mga ito ng harapan. Pagkatapos ay mabilis na pinaputukan ito sa mismong kamay kung saan hawak nito ang baril. Mula doon ay narinig ni Luna ang malakas na sigaw nito. Hindi pa siya nakuntento at binaril din niya ito sa tuhod. Halos mahulog ito ngunit mahigpit na kumapit sa kasamang nagmamaneho ng motor. Binilisan ni Luna ang pagmamaneho ng motor at tumapat sa kotse ni Blaine. Sumenyas siya sa driver na kumanan sa susunod na kanto at sumunod naman ito. Gaya ng inaasahan sumunod ang driver ng motor sa kanila. Bigla niyang binuwelta pabalik ang motor saka sinalubong ang ito. Mabilis siyang nakaiwas ng magpaputok ang mga ito ng sunod sunod. Ang mga kasama niya na sakay ng kotse ni Blaine ay pinaputukan din ang mga ito. Nang magkatapat sila ng motor ay kapwa nila inasinta ang isa’t isa at sabay nagpaputok. Tumama ang bala niya sa dibdib nito dahilan para tuluyan bumagsak ang motor at mahulog ang mga ito. Mabilis niyang hininto ang motor saka bumaba at nilapitan ang mga ito. Patay na ang driver matapos tumama ang kanyang bala sa mismong puso nito. Samantala ang naka-angkas sa likod ay buhay pa at halos umiiyak sa sakit. Gamit ang paa ay pinatihaya niya ito sabay tutok ng baril. “Henry Wang?” tanong niya. “Wala akong alam!” She sarcastically smiled. “Umamin ka na,” sagot niya. “Wala sabi akong alam!” giit ng lalaki. Napalingon si Luna sa plate number ng motor. Ito rin ang motor na gamit ng mga pumatay kay Mr. Sanchez. Mayamaya ay tumatakbong dumating si Blaine at iba pang kasama niya. “Ysabel, okay ka lang?!” tanong agad ni Blaine. “Yes, Sir. Ayos lang ako,” sagot niya. Binato niya ang plate number sa duguan na mga gunmen. Babarilin na sana ito ni Luna nang biglang hawakan ni Blaine ang kanyang kamay. “Enough, Ysabel.” Para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang salubungin ang mata ng binata. “Wala na siyang magagawa.” Doon siya huminga ng malalim at binaba ang baril. Nag-squat siya sa harap ng lalaki at tinutok ang baril sa mismong sugat nito saka iyon diniinan kaya napasigaw ito ng malakas. “Umalis ka na, magpakalayo ka. Kapag nalaman ko na bumalik ka kay Henry Wang, kaya kitang hanapin kahit saan ka magtago, naiintindihan mo?” pagbabanta niya. “O-Opo.” “Dalhin n’yo sa ospital ‘to,” utos ni Blaine sa mga tauhan. “Ako na ang magmamaneho ng motor mo,” prisinta ni Blaine. Huminga siya ng malalim saka tumango. Umangkas siya sa likod nito. bago umandar ay hinawakan nito ang dalawa niyang kamay at niyapos sa beywang nito. “Hold tight,” sabi pa nito. Her heart skips. Kaylakas ng kabog ng dibdib niya habang tumatakbo sila at nakayakap siya sa beywang ng binata. For the first in her life, she felt safe and at peace. Gusto niya ang pakiramdam habang nakayakap sa binata. She was supposed to take care of him, that’s her job. Ngunit tila kabaligtaran ngayon ang nangyayari. Ilang sandali pa ay nakarating na sila sa bahay. Pagpasok sa gate ay agad silang bumaba ng motor. “What happened there?” tanong agad sa kanya ni Blaine. “Sir, kanina pa lang habang nasa meeting kayo ay umaaligid na sila sa restaurant. Doon pa lang ay hahabulin ko na sila dapat pero masyadong maraming tao, nag-alala ako na baka magpanic ang mga tao at may mga inosenteng madamay sakaling magkabarilan kami kaya hinayaan ko na lang silang umalis. Naghinala na ako na susundan ka nila at hindi nga ako nagkamali.” “Bakit hindi mo sinabi agad?!” “I’m sorry, Sir. Nasa gitna kayo ng importanteng meeting, ayokong mawala kayo sa focus kanina.” Marahas itong bumuntong-hininga. “Ysabel, delikado ang ginawa mo kanina. Babae ka pa rin! Bakit ka nakipagbarilan ng harap-harapan doon?!” sermon nito. “Sir, ginagawa ko lang ang trabaho ko.” “Paano kung ikaw naman ang nasaktan?” “Mas importante po ang kaligtasan n’yo.” Napapikit ito at umiling. “Ikaw pa rin ang babae. Hindi ako mahina para hindi ko magawang protektahan ang sarili ko. Sa susunod, sabihin mo sa akin kung anong nangyayari.” “Yes, Sir.” “Tara na sa loob.” Pagpasok nila ay sinalubong sila ni Manang Tessie. “Ginabi yata kayo ng husto,” sabi pa nito. “May meeting lang po akong pinuntahan,” sagot naman ni Blaine. Mayamaya ay tumingin sa lapag si Manang Tessie at kumunot ang noo. “Ano ba itong tumutulo? Dugo ba ito?” nagtatakang tanong nito. Pati si Luna at Blaine ay napatingin din sa sahig. Mayamaya ay biglang napahawak si Luna sa kanyang tagiliran nang biglang maramdaman ang kirot mula doon. Muntik siyang mawalan ng balanse at matumba, mabuti na lang at mabilis siyang naalalayan ni Blaine. “Ysabel, anong nangyari sa’yo?!” nagtatakang tanong nito. Nang tumingin siya sa kanan bahagi ng kanyang beywang ay doon lamang napansin ni Luna ang bahid ng dugo sa damit. “Ay naku po, anak! Nagdudugo ang tagiliran mo!” bulalas ni Manang Tessie. Mabilis na inangat ni Blaine ang laylayan ng kanyang damit. “May tama ka!” Nang tignan niya ang sugat ay nagawa pang ngumiti ni Luna at umiling. “Daplis lang.” “Halika, dadalhin kita sa ospital.” “Hindi na,” mabilis niyang sagot sabay tingin kay Blaine. “Hindi dinadala sa ospital ang mga gaya namin, kapag nakarating ‘to sa mga pulis, maiimbestigahan ang nangyari, baka lalong lumaki ang gulo,” sagot niya. Bumuntong-hininga si Blaine. “Sige, naiintindihan ko.” “Manang, pakikuha ‘yong first aid kit at dalhin sa taas.” “Sige.” Sinubukan niyang maglakad mag-isa pero napapadaing siya nang maramdaman ang kirot ng kanyang sugat. “Let me help you,” sabi ni Blaine. Pinatong nito ang braso niya sa balikat nito pagkatapos ay maingat siyang inalalayan sa pag-akyat ng hagdan. Pagdating sa kuwarto ay natataranta ito sa pag-asikaso sa kanya. Inupo siya nito sa silya at nag-squat sa kanyang harapan. Aalisin na sana nito ang butones ng suot niyang longsleeve ng biglang matigilan. “Do you mind?” tanong pa nito. Tumikhim siya saka marahan umiling bilang sagot. Doon pa lang ito kumilos at inalis ang butones ng suot niya. Hindi alam ni Luna kung bakit kaylakas ng kabog ng dibdib niya habang ginagawa iyon ni Blaine. Kung hindi lang masakit ang sugat niya ay tiyak na hindi siya pumayag na asikasuhin nito. Mayamaya ay hinubad na rin nito ang sapatos niya. “Uh… kailangan mo rin hubarin ‘to,” sabi pa ni Blaine sabay hawak sa suot niyang tank top. Nahihiya man ay hindi magawang tumanggi ni Luna dahil may bahid din ng dugo iyon at talagang kailangan niyang hubarin. Muli siyang tumikhim pagkatapos ay tumango. Nang kumilos siya para sana hubarin iyon ay napakislot siya nang maramdaman ang sakit. “Ah,” daing niya. “Ako na,” prisinta ulit ni Blaine. Wala ulit siyang nagawa kung hindi hayaan si Blaine nag mahubad ng kanyang tank top. Dahan-dahan nitong inangat iyon lalo na sa parte ng kanyang sugat. Nang tuluyan na nitong mahubad ang pang-itaas niya at tanging bra na lang ang kanyang saplot sa taas, halos sabay silang humugot ng malalim na hininga sabay iwas ng tingin nito. As gentleman as he is, hindi bumaba ang tingin ni Blaine. “Humarap ka sa sandalan ng upuan,” sabi nito. Nang sumunod siya dito ay naramdaman niya na natigilan ito. Nang lumingon ay nakita niyang nakatingin ito sa kanyang likod. Nakita nito ang malaking tattoo ng Phoenix sa upper back niya. Bukod doon ay may mga peklat din ng mga tama ng bala o tama ng saksak. Hindi na ito nakakibo pa nang dumating si Manang Tessie. “Heto na,” sabi ni Manang. Daling kumuha ng tuwalya si Blaine at maingat na pinunasan ang sugat niya. Halos mapasigaw sa sakit si Luna nang i-disinfect nito ang sugat niya para matiyak na malinis at hindi maimpeksiyon. Mariin siyang napakapit sa silya. “I’m sorry, tiisin mo lang. Kailangan mo ‘to,” sabi pa nito. “Okay lang ako,” habol ang hininga na sagot niya. Nang malagyan ng gamot ay saka iyon tinakpan ng gasa ni Blaine. “Manang, pakihanda ng pagkain si Ysabel.” “Sige,” mabilis na sagot ng matanda. Inabot ni Luna ang drawer na malapit sa kanya pagkatapos ay kumuha ng dalawang klase ng gamot. Habang si Blaine naman ay kinuha ang bathrobe at pinatong iyon sa kanyang likod. “Cover yourself,” sabi nito. “Thanks.” Tinulungan pa siya nitong isuot ang mga manggas pagkatapos ay saka niya binuhol ang tali niyon. Nang humarap siya kay Blaine ay nakita niya na nawala ang pag-aalala nito. “Are you okay?” “Oo. Huwag kang mag-alala. Daplis lang ‘to. May mga mas malala pa akong naging tama dito.” Nasundan ng tingin ni Luna ang binata nang muli itong mag-squat ng upo sa kanyang harapan pagkatapos ay kinuha ang kamay niya. He gave her an apologetic smile. “Thank you so much for saving my life.” Tinapik niya ang kamay nito. “You’re welcome.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD