Chapter 4

2066 Words
“YSABEL, eto ‘yung susi ng kotse mo.” “Salamat.” “Binaba ko na rin mga gamit mo, pinadala na doon sa kuwarto.” “Sige, salamat ulit,” sagot niya. Natigilan si Luna nang mapansin na natawa si Mario. Halos kadarating lang nila doon sa bahay ni Blaine. It’s a house with approximately two hundred fifty square meters. “Bakit?” nagtataka na tanong niya. “Mukha ka kasing kinakabahan eh. Huwag kang mag-alala, mabait naman si Manang Tessie, saka si Sir Blaine at nakita mo naman kanina.” “Ayos lang ako,” sa halip ay sagot niya. Napalingon si Luna nang biglang bumukas ang pinto at sumilip si Blaine. “Ysabel, anong hinihintay mo diyan? Pasok ka dito.” “Sige, Mario,” baling niya sa lalaki. Nang umalis na ito ay saka lamang siya pumasok. Bumungad sa kanya ang magandang interior ng bahay. Halatang walang asawa ang nakatira doon base na rin sa disenyo ng loob. “Tuloy ka.” “Salamat po.” Isang matandang babae ang nakangiting sumalubong sa kanya. “Manang Tessie, si Ysabel po ang bago kong assistant. Dito ko na siya pinatuloy dahil puro lalaki ‘yong mga nasa dorm house,” sabi ni Blaine. “Ay mabuti nga at dumito siya, baka ma-aswang ‘yan doon.” Nahihiya siyang ngumiti habang natawa naman si Blaine. “Ang mabuti pa ay magpahinga na kayo habang hinahanda ko ang hapunan ninyo.” “Sige po.” “Halika dito sa taas, ipapakita ko sa’yo ang kuwarto mo,” yaya sa kanya ni Blaine. Tahimik siyang sumunod dito. Pagdating sa second floor ay dinala siya ng binata sa isang silid doon. “This is your room. Ang kuwarto ko itong pinto sa tabi.” “Yes, Sir.” Marahan natawa si Blaine. Bahagyang nahigit ni Luna ang kanyang hininga nang muli nitong haplusin ang buhok niya na parang bata pagkatapos ay mahina siyang tinapik nito sa braso. “Hey, loosen up. Masyado kang reserved and tensed. Nandito na tayo sa bahay, relax.” Doon siya pumikit at huminga ng maluwag. Hindi napigilan ni Luna ang mapangiti. Sa pagkakataon na iyon ay totoo at bukal sa loob na ngiti ang pinakita niya. “Sorry. This is new to me. Ang ibig kong sabihin, iyong may nagbibigay ng atensiyon at inaasikaso ako. Someone who treats me well and welcome me, na para bang parte ako ng pamilya.” “How about your family?” “Mag-isa na lang ho ako sa buhay.” “Kung ganoon masanay ka na.” “Salamat, Sir,” sagot niya. “Blaine,” mabilis na sabi nito. “Kapag wala tayo sa opisina at narito lang sa bahay, call me by my name, at walang po at Sir.” Tumikhim siya. “Okay.” “Magpahinga ka na.” Isang tango lang ang sinagot niya hanggang sa tuluyan na siyang maiwan mag-isa. Nang maisarado ang pinto ay agad napalis ang kanyang ngiti. Agad siyang nag-inspeksiyon sa bawat sulok ng kuwarto at banyo, naghahanap kung may secret micro cam na naka-install o kaya naman ay kahit anong wiretapping device. Nang masiguro niyang clear at walang kahit anong naka-install na camera sa loob ay saka pa lang siya nakahinga ng maluwag. Binagsak niya ang katawan sa kama at tumitig sa kisame. “Hindi ito ang inaasahan ko. I expect Blaine Montejo to be high and mighty. Full of arrogance, and cruel. Pero kabaliktaran siya ng lahat ng inakala ko. He seems so gentle and kind,” sabi niya sa sarili. Ngunit sa kabila niyon ay isang bagay ang nakumpirma ni Luna. That indeed, Montejo Group is not just an ordinary business empire. “THIS is not work related, Ysa. You can relax a bit,” sabi sa kanya ni Blaine habang palapit sila sa isang bar. “Yes, Sir.” Pagbaba nila ng sasakyan ay deretso silang pinatuloy ng security. Binasa ni Luna ang sinage, isa iyon sa mga bar na pag-aari ni Blaine. Pagdating sa loob ay sinalubong sila ng malakas na musika na sinabayan ng malakas na sigawan ng mga tao na nagsasayaw at nagpapakalango sa alak. “Good evening, Sir Blaine.” “Good evening. By the way, this is Ysabel. My new assistant. Maging pamilyar ka sa kanya,” pagpapakilala sa kanya nito sa manager ng bar. “Yes, Sir.” Isang matipid na ngiti lang ang sinagot ni Luna. Mula doon ay pumwesto sila sa harap ng bar counter. “You want anything? Or do you even drink?” baling sa kanya ni Blaine. “Konti lang po. Hindi ako masyadong umiinom,” sagot niya sabay tingin dito. Ngumiti sa kanya ang binata bago tinawag ang bartender at nag-order. “Mario, clean the place,” utos nito sa tauhan. “Yes, Sir.” Napakunot noo siya nang marinig iyon. “Clean? As in maglinis?” nagtatakang tanong niya sa sarili. Nang dumating ang inorder na alak ni Blaine ay binagay nito sa kanya ang isang baso. “It’s just Whiskey,” sabi nito. “Thank you.” Uminom siya ng konti pagkatapos ay humarap sa mga tao. Pinagmasdan niya ang paligid habang nagsasayaw ang mga tao sa gitna at ang iba naman ay tila wala ng bukas kung uminom. She doesn’t have the luxury to live the way these people are living right now. Hindi niya naranasan ang mag-relax, sumama sa mga kaibigan para magparty o mag-shopping. Una ay mabibilang sa limang daliri sa kamay ang maituturing ni Luna na malapit sa kanya. Pangalawa, bata pa lamang nang ipagkait na ng tadhana kanya ang buhay na masaya at payapa. Napahinto siya sa pag-iisip nang agad mamataan ang ilang lalaki na papalapit kay Blaine. Bago pa simulan ang undercover mission, hindi lang ang buhay ni Blaine ang napag-aralan niya. Maging ang mga tao sa paligid nito. Ngunit ngayon lang niya nakita ang mga ito, wala ang mga ito sa kanyang nalaman. Mabilis siyang tumayo at hinarang ang sarili sa mga ito at agad na humawak sa baril na nakasuksok sa likod niya. “Sino kayo?” tanong niya agad. Tumayo si Blaine at humawak sa braso niya. “It’s okay. Kilala ko sila,” bulong nito. Tumango siya at bahagyang umatras. “What is the leader of Dragon Empire doing here in my club?” sarkastikong na nakangiti na tanong ni Blaine sa lalaki na nasa unahan. “This is a great place to hang out, walang dahilan para hindi ako pumunta dito.” “Have a sit,” yaya ni Blaine sa lalaki. Matapos mag-order ng maiinom ay nagpatuloy ang dalawa sa pag-uusap. Habang si Luna ay nanatili na alerto. “Nabalitaan ko na binitiwan mo si Mister Sanchez.” “That’s true.” “Hindi ko alam na seloso ka pala,” pabiro ngunit may laman na sagot ng lalaki. “Mahalaga sa akin ang loyalty. You can have him, hindi ba’t matagal nang hinahabol ng Dragon Empire si Mister Sanchez,” may pangungutya na sagot naman ni Blaine. “Matagal na namin dapat nakuha ang suporta niya, umeksena lang talaga kayo.” “Hay Henry, hanggang ngayon ba ay iyan pa rin ang pinuputok ng butsi mo? Ang ginawa lang namin ay nag-present ng proposal. It was his decision and made the deal with us. Pero tapos na iyon, nasa inyo na siya. Hindi ba dapat ay magpasalamat ka?” Huminga ng malalim si Henry at hindi na sumagot pa. Mayamaya ay lumipad ang tingin nito sa kanya. “Who is she, by the way?” “She’s new.” Humagalpak ito ng tawa na parang nangungutya. “Pare, hindi ko alam na magtatago ka sa likod ng isang babae.” Agad uminit ang ulo ni Luna sa narinig. She felt insulted. She hates it when someone looks down on her just because she’s a woman. Dahil ang trabaho niya ay madalas para sa mga lalaki. Hindi niya maiwasan makaramdam ng galit kapag minamaliit siya ng ganoon. Akma niyang hahablutin ang kuwelyo ng damit nito nang mabilis nahawakan ni Blaine ang kamay niya para pigilan. Nang tumingin ito sa kanya ng may babala, doon pilit na kinalma ni Luna ang sarili. “She’s the best in the field. It’s a pity to waste such a talent just because she’s a woman,” sagot ni Blaine. Lumingon muli sa kanya si Henry. “Miss, do you want to work for me? Mas magaling ako kay Blaine,” nakangising sabi nito sabay hawak sa kanya sa braso. Doon hindi nakapapigil si Luna. Mabilis niyang hinawakan ang kamay nito at pinilipit ng husto sabay tulak ng mukha nito sa ibabaw ng bar counter. Napasigaw si Henry sa sakit. Habang ang mga bodyguard naman nito ay mabilis na kumilos. Ngunit bago pa makabunot ng baril ang mga ito ay nakatutok na agad ang baril ni Luna. Ang mga tao sa paligid nila ay biglang nagpulasan. Samantala si Blaine ay natatawa at napapailing lang. “Nobody can lay their hands on me, not even you,” mariin bulong niya. “Oo… oo! Hindi na!” natatarantang sagot ni Henry. Doon pa lang binitiwan ni Luna ang kamay nito. Agad naman hinawakan ni Blaine ang kanyang kamay na may hawak na baril at binaba iyon. “Ysa, it’s okay now,” sabi nito. Huminga siya ng malalim at pilit na kinalma ang sarili. “Umalis na kayo,” pagtataboy ni Luna sa mga ito. Umiigik pa rin sa sakit na pinukol siya ng masamang tingin ni Henry bago ito umalis. Nang maiwan sila, napalingon si Luna nang marinig na bumuntong-hininga si Blaine. “Masyadong mainitin ang ulo mo, mapapa-away tayo palagi niyan eh,” natatawang sabi nito. “Sorry, Sir. Hindi ko lang matiis na minamaliit niya ako.” Tinapik siya nito sa balikat. “He’s a jerk.” “Mukha nga, sino ba ‘yon?” tanong niya. “Henry Wang, leader ng Dragon Empire. Ang mahigpit na kalaban ng Montejo Group. Ilang araw ka pa lang sa trabaho na ‘to, Ysabel. Marami ka pang hindi nalalaman. Pero sakaling dumating ang panahon na magkita kayo n’yan si Henry at wala ako, umiwas ka na lang.” “Kaya ako narito, para malaman ko lahat ng sikreto n’yo,” sagot niya sa kanyang isipan. Tumunga siya ng konting whiskey. “Kung ganoon, sisimulan ko kay Henry Wang. Kikilalanin ko siya at ang buong Dragon Empire, para alam ko kung sino ang humaharap sa inyo. That way, I can protect you better,” sabi niya. Napalingon si Luna kay Blaine nang mapansin na natahimik ito. Lumukso ang kanyang puso nang makitang nakatitig lang ito sa kanya. “B-bakit?” kabadong tanong niya. “Nothing. It just feels weird to be protected by a woman, but at the same time, it feels great as well.” Isang matipid na ngiti ang sinagot niya rito at bumawi ng tingin. Ilang sandali pa ay dumating na si Mario. “Nalinis na po namin, Sir.” “Good.” “Sir, nakahanda na po ang VIP,” wika ng Manager paglapit. “Okay.” Nang maglakad si Blaine ay agad silang sumunod. Malapit na sila sa hagdan papunta sa mga VIP rooms nang may isang lalaking biglang humarang sa kanyang harapan. “Come on, babe. Let’s dance. I’ve been watching you for a while,” sabi nito. Bahagyang napaatras si Luna nang magsayaw ito sa harapan niya. “Excuse me, but—” Hindi na naituloy ni Luna ang sasabihin nang biglang may humawak sa kanyang kamay. Nang lumingon ay nakita niya si Blaine. Hinila siya nito palayo at hinarang ang katawan para hindi siya makita ng lalaki. “Hands off her, or I will have you throw outside,” galit na banta nito. Tinulak ng ibang tauhan ni Blaine ang lalaki palayo. Nang makaalis na ito, hindi na binitiwan ng binata ang kamay ni Luna. Hanggang sa makaayat sila sa second floor ay hawak pa rin siya nito. Nang makarating sa loob ng VIP Room, doon pa lang siya binitiwan ng binata. “T-Thank you,” malakas ang kabog ng dibdib na sabi niya. Ngumiti lang ito sa kanya at hinaplos siya sa likod ng ulo. Lihim na kinalma ni Luna ang sarili pagkatapos binalik ang atensiyon sa trabaho. Lumabas siya ng VIP room at nagmasid sa paligid. “Mario, alerto lang tayo. Magbantay kayong mabuti dito,” bilin pa niya. “Sige, kaming bahala.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD