Chapter 5

3099 Words
HUMINGA ng malalim si Luna habang tinatype ang report niya sa ipapadala sa pamamagitan ng email. She was supposed to report via phonecall. Ngunit hindi niya inasahan na doon siya patutuluyin ni Blaine sa mismong bahay nito. Kaya para sigurado ay sa ganoon paraan niya pinadala ang report. Matapos mai-send iyon ay kinuha niya ang burner phone at nagsend ng mensahe sa kanyang Commander. Sumulyap si Luna sa wall clock. Pasado alas-dose na ngunit dilat na dilat pa rin ang kanyang mga mata. Bumaba siya sa kama at kinuha ang kanyang forty-five calibre. Suot lamang ang kanyang sweat pants at t-shirt. Lumabas siya ng silid at nag-inspeksiyon sa buong bahay. Mula sa labas hanggang sa loob ay siniguro niyang naka-lock ang mga pinto at bintana. Nag-inspeksiyon din siya hanggang sa labas at siniguro na walang umaaligid. Nang matiyak na ligtas ang paligid ay saka pa lamang siya bumalik sa loob ng bahay. Sa halip na bumalik sa kuwarto ay dumiretso siya sa kusina. Binuksan ni Luna ang refrigerator at kumuha ng isang lata ng beer. Ngunit natigilan siya ng may marinig na kaluskos. Dahan-dahan niyang nilapag ang beer saka muling dinampot ang baril. Sa isang kisapmata ay mabilis niyang natutok ang baril nang biglang sumulpot ang isang lalaki. “Hey, it’s me!” sabi agad ni Blaine sabay taas ng dalawang kamay. Biglang nakahinga ng maluwag si Luna at napapikit sabay baba ng baril. Kumunot ang noo ni Blaine nang makita ang baril sa ibabaw ng kitchen island. “Bakit dala mo ‘yan?” nagtatakang tanong nito. “Nag-inspeksiyon ako sa buong bahay.” Napangiti si Blaine at marahan napailing. “You take your job seriously.” “Kailangan. Responsibilidad ko kapag may nangyaring masama sa’yo.” “Sinabi ko naman sa’yo eh, mag-relax ka kapag narito tayo sa bahay. Walang magtatangka na pumasok dito. I owned the whole subdivision. Mahigpit ang security dito kaya hindi mo kailangan maging alerto palagi. Besides, I know how to fight. Kaya ko humawak ng armas.” “Pasensya na, nasanay lang.” “Bakit pala gising ka pa?” tanong ni Blaine. “Wala lang. Hindi ako sanay matulog, kung makatulog man mababaw. Again, nasanay na.” Kumuha din ng isang lata ng beer si Blaine at naupo sa bar stool saka kunot noo na tumingin sa kanya. “Seryoso ka ba dyan?” “Oo.” “Why?” naguguluhan tanong nito. “Blaine, I’m sure you know my background. I’m an assassin. My job is to kill. I usually work when people are fast asleep. I always stay on guard and alert all time. Hindi ko rin alam. Baka dahil sa trabaho ko at subconsciously, pakiramdam ko palaging may kalaban na darating.” “How many did you kill?” Nagkibit-balikat siya. “I already lost count.” Napansin ni Luna ang bigat nang bumuntong-hininga ito. Naupo siya sa isang bakanteng bar stool sa tabi ni Blaine pagkatapos ay uminom ng beer. “Hindi ko alam kung paano ka napadpad sa ganitong mundo. But I think you deserve a life. I mean, your own happy life.” “Wala na yata sa isip ko na darating pa ang panahon na iyon.” “May boyfriend ka ba? O asawa’t anak?” Marahan siyang umiling. “I never dated anyone. I don’t have the luxury to entertain men. Hindi ko rin alam kung paano magmahal.” “Baka hindi ka pa lang nakakatagpo ng tamang lalaki na magpapalambot sa puso mo. Don’t lose hope, I’m sure there’s a better life awaits you,” sagot nito. Napalingon siya kay Blaine. Sinalubong si Luna ng ngiti nito. Muli niyang nahigit ang hininga nang haplusin siya nito sa buhok. “I really hope for your happiness, Ysabel.” “I’m okay. Sanay na ako sa ganitong buhay. But please, don’t pity me. I’m okay with the life I have right now. Isa pa, handa naman na ako kahit anong mangyari sa akin.” “Huwag muna, kakasimula mo pa lang ng trabaho sa akin eh,” pabirong sagot nito. Doon napangiti si Luna. “Hey, I saw that!” bulalas nito. “Huh? Ang alin?” maang na tanong niya. “Ngumiti ka!” Biglang napalis ang ngiti niya at umiwas ng tingin. Mabilis na pumintig ang puso niya. Ano ba itong nararamdaman niya? Bakit parang natataranta siya? “You’re beautiful.” “Ha?” wala sa loob na reaksiyon niya at mabilis na muling napatingin kay Blaine nang marinig ang sinabi nito. “I said, you’re much beautiful when you smile.” Tumikhim siya. “S-Salamat.” Biglang natungga ni Luna ang natitirang laman ng lata ng beer sa sobrang nerbiyos. “S-Sige, b-balik na ako sa kuwarto ko,” bigla ay paalam niya. Sa sobrang taranta ay bigla na lang siyang tumalikod. Nakakailang hakbang pa lang palayo si Luna nang maalala ang baril. Bigla siyang bumalik at dinampot ang baril. Natalisod pa siya sa unang baitang ng hagdan dahil sa pagkataranta. Nang makapasok sa loob ay bigla niyang sinarado ang pinto. Nilapat niya ang palad sa tapat ng kanyang puso. Mabilis pa rin ang pintig niyon. Huminga siya ng malalim at pilit na kinalma ang sarili. “Para kang tanga, Luna. Kailan ka pa naging clumsy?!” sermon niya sa sarili. HINDI napigilan ni Blaine ang mapangiti at umiling habang hindi mawala sa isip kay Ysabel. Marami na siyang nakilalang babae ngunit kakaiba ito sa lahat. He never met a woman who’s skill in fighting and handling firearms as astounding as her. Doon pa lang sa insidente sa coffee shop ay nakuha na nito ang kanyang atensiyon. Noong araw na iyon ay kukunin niya dapat ang pangalan at numero nito ngunit hindi siya nagkaroon ng pagkakataon. Mula noon ay hindi na nawala sa isipan niya si Ysabel. Kaya naman ganoon na lang ang kanyang gulat nang makitang ang babae ang pumalit sa namayapa niyang assistant. But one thing Blaine notices about Ysabel is that she’s cold. She is very much reserved. Always serious and doesn’t smile. Napansin din niya na madaling uminit ang ulo nito. Palagi itong alerto sa paligid. Ysabel has very keen observation around her. Matalino rin ito at magaling sa pag-iimbestiga. Mabilis din ang kilos nito lalo kapag bubunot ng armas. She can pull out her gun and fire it if she wants before a person even breathe. She can kill in just a blink of an eye. Karkulado ang mga galaw nito na parang ninja. A true attitude of a hitman. Kaya ang makitang mawala ito sa karakter na nakasanayan, natataranta at clumsy habang nagba-blush ang mukha. Blaine finds it cute. When he read about her profile, hindi siya makapaniwala sa mga nabasa. Sa kabilang banda ay nakaramdam siya ng awa para sa dalaga. Her life is so sad and miserable. Minsan nga ay napapatanong siya kung anong nangyari sa nakaraan nito kung bakit naging katigas ang loob ni Ysabel at mas malamig pa sa yelo ang puso. Every time he sees the sadness in her eyes. It makes him want to do anything to make her smile and happy. It makes him want to take care of her and protect her. NAPABALIKWAS ng tayo si Luna nang makita ang balita sa online news website. Mabilis siyang umakyat sa second floor at agad nagtungo sa kuwarto ni Blaine. “Boss,” tawag niya habang kumakatok. Hindi naman siya naghintay ng matagal at binuksan agad nito ang pinto. “Oh, bakit?” nagtatakang tanong nito. Inabot niya ang cellphone at pinabasa ang balita. “What?!” Tumambad sa kanila ng umagang iyon ang balita na natagpuan patay sa loob ng kotse nito si Mister Sanchez kasama ang dalawa alalay nito. Ayon sa balita ay may dalawang motor na may tig-dalawang sakay ang nag-ambush sa mga ito kaninang madaling araw habang pauwi ang mga ito. “I’ll look into it,” sabi niya. “I want an immediate report,” sagot ni Blaine. “Yes, Sir.” Agad tinawagan ni Luna si Bert. “Ate, may papatrabaho ka?” bungad nito sa kanyang tawag. “Kumuha ka ng mga impormasyon tungkol sa ambush kay Mister Sanchez. Lahat ng puwede mong malaman, balitaan mo agad ako.” “Sige ate, akong bahala.” “Mag-iingat ka.” Ilang sandali pa ay bumaba na si Blaine. “Ysa, let’s go,” yaya agad nito sa kanya. “Sandali lang, anak. Hindi ka ba muna kakain ng umagahan? Iluluto ko na ‘yong ulam,” awat ni Manang Tessie. Blaine gave her an apologetic smile. “Manang, pasensiya na po, nagmamadali kami. May kaunting emergency lang sa trabaho.” “Aba’y sige. Mag-iingat kayo.” Mabilis silang umalis ng bahay. Habang nasa daan ay panay ang browse nila sa internet. Si Luna naman ay napapaisip ng malalim. Isa sa dahilan kung bakit ginagawa niya ang undercover na iyon ay para alamin kung ang Montejo Group nga ang nasa likod ng pagpatay sa mga ilang politiko at businessmen. Ngunit magkasama sila ni Blaine sa iisang bubong. Magkausap sila kagabi bago matulog, bukod doon ay maghapon silang magkasama sa trabaho. Malalaman niya kung may inutos ito sa iba nilang kasama. At alam nitong isa siyang assassin, kaya’t kung ipapatumba nito si Mr. Sanchez ay tiyak na sa kanya na pinatrabaho iyon. “Who could it be?” tanong ni Blaine na nagpahinto sa kanya sa pag-iisip. “Sir, if you don’t mind me asking, hindi ba talaga kayo ang nag-utos na patayin si Mister Sanchez?” tanong din ni Luna. Salubong ang kilay na lumingon ito. “Ysabel, kung may ipapapatay man ako, nasisiguro ko na sa’yo ko ipapagawa. Isa pa, anong mapapala ko doon? Si Mister Sanchez ang may kailangan sa atin.” Tumikhim siya. “I’m sorry, Sir. I just want to make sure.” Bumuntong-hininga siya. “Hindi lang ito ang unang beses na nangyari ito. Noong mga nakaraan sa Montejo Group binibintang ang pagpatay sa mga biktima. Ang mga biktima ay nagkataon na mga dating miyembro ng organisasyon. Someone is definitely setting up Montejo Group,” paliwanag nito. “Huwag kayong mag-alala, Sir. May inutusan na ako para alamin ang mga nangyayari.” “Salamat, Ysa.” Marahan lang siyang tumango. Ilang minuto pa ang lumipas ay nakarating na sila sa gusali ng Montejo Group. Hindi pa man din nakakaupo si Blaine ay nag-ring na ang phone nito. “Dad,” bungad nito. Napalingon si Luna nang marinig ang malalim na buntong-hininga nito. “Wala akong kinalaman, Dad. Kilala n’yo ako. Hindi ko gawain ‘yon. Isa pa, hindi ako basta kumikilos ng walang go signal ng buong organisasyon lalo na’t sa ganitong bagay… sigurado ako. I was at home the whole night, ganoon din ang mga tao ko. You can even ask my assistant.” Hindi man lang nagpaalam si Blaine sa ama at basta na lang pinutol ang usapan. Mayamaya ay dumating si Sheila. “Sir, tumawag po ang reception area. May mga imbestigador daw po sa baba at nagrerequest na kausapin kayo.” “F*ck, I knew it!” galit na bulalas nito. “Send them here,” sagot nito. “Yes, Sir.” Hindi naman sila naghintay ng matagal at dumating doon ang opisina ni Blaine ang mga pulis. “Good morning, Mr. Montejo.” “Good morning, have a seat.” Tumayo mula sa swivel chair si Blaine at pinaupo sa sofa ang dalawang imbestigador. “Anong maipaglilingkod ko sa inyo?” tanong nito. “Sa tingin ko ho ay alam n’yo na,” sagot ng isa. “May nakarating po sa amin na intelligence report na isa po kayo a sumusuporta sa kandidatura ng biktima, totoo po ba ‘yon?” “Yes, it’s true. But that was in the past.” “Ano po ang ibig n’yong sabihin?” tanong ng isa sa dalawang pulis. “We, at Montejo Group withdraw our support to him just recently. Nalaman namin na humingi rin siya ng suporta sa kalaban ng kompanya namin, ang Dragon Empire. So, we just drop our support and let him be with the other company.” Nagkatinginan ang dalawang pulis. “Nasaan ho kayo kagabi? Mga bandang alas-dos ng madaling araw.” “Nasa bahay ako at natutulog.” “Ang mga bodyguards n’yo?” tanong nito. “Sir, nasa bahay lang din po kami,” sagot ni Mario. “Sigurado ho ba kayo?” Hindi nakatiis si Luna at napabuntong-hininga ng malakas kaya napalingon sa kanya ang mga ito. “Sir, I can attest to that. By the way, I’m Ysabel Jimenez, right hand ni Mr. Montejo. Sa iisang bahay kami nakatira. Ako ang huling natulog kaninang madaling araw kaya’t nasisiguro ko sa inyo na nasa bahay lang ang boss ko.” Napangisi si Blaine at nagkibit-balikat sa mga pulis. “If you want evidence, maaari ko kayong bigyan ng footage ng CCTV sa bahay. Pati sa apartment na tinutuluyan ng mga tao namin.” “Sige, kung puwedeng kumuha.” “Sir, ilang beses nang nangyayari ‘to. Sa tuwina ay palagi na lamang ninyong pinagbibintangan ang Montejo Group. Hindi ba kayo nagtataka? Kung may dahilan para pumatay, si Mr. Sanchez ‘yon dahil nawalan siya ng malaking pader na sasandalan.” Tumikhim ang isa sa pulis pagkatapos ay saka tumayo ang dalawa. “Kapag may nalaman kayo tungkol sa kaso na ‘to, please let us know.” “Sige po.” Nang makaalis ang dalawa ay saka sila nagkatinginan. Napapailing na lang si Blaine habang pabalik sa upuan nito. “Sir, do you want me to investigate?” tanong ni Luna. Tumingin ito sa kanya. “Sige, mas mabuti. Nang malaman natin kung sino ang gustong mag-frame up sa atin.” Mabilis siyang tumango. “Mario, ikaw muna ang bahala kay Sir.” “Sige.” Agad siyang lumabas ng opisina at deretsong bumaba. Habang nag-aabang ng taxi ay nakatanggap siya ng tawag mula sa kanyang Commander. “Sir,” bungad niya. “Ano itong laman ng balita?” “Ang masasabi ko lang ngayon ay walang kinalaman ang Montejo Group sa pagkamatay ni Mr. Sanchez. Naroon ako nang huling beses mag-usap si Blaine Montejo at si Mr. Sanchez. Sa iisang bahay kami nakatira at ako na mismo ang nakakatiyak na wala siyang kinalaman dito. May gustong mag-frame up kay Blaine Montejo.” “Iyong hinala natin tungkol sa organisasyon nila?” “Positive, Sir. Hindi ko pa nakikita ang buong grupo nila pero kung pagbabasehan ko mula sa ilang araw ko dito. Totoo na isang malaking mafia organization ang Montejo Group.” “Very good. Investigate more. Humanap ka ng ebidensya ng mga illegal nilang ginagawa.” “Yes Sir.” Nang maputol ang pag-uusap nila ay saka siya pumara ng taxi. Agad sumakay si Luna doon at nagpahatid sa isa sa kanyang hide out. Nang makarating doon ay saka siya pumasok sa garahe at sumakay sa kanyang big bike. Umalis din agad si Luna at ang kanyang unang pinuntahan ay kung saan nangyari ang ambush. Pagdating doon ay nagmasid siya sa paligid. May mga pulis pa rin doon. Samantala ay lumingon siya mga poste. Nang makita ang mga CCTV cameras ay agad siyang kumilos at pinuntahan ang mga bahay kung saan nakakonekta ang mga camera. “Magandang umaga ho, pulis po ako, ‘Nay,” pagpapakilala niya sabay abot ng totoong police ID niya. “Magtatanong lang po baka puwedeng makita ang cctv footage n’yo kagabi mga bandang alas-dos ng madaling araw?” nakangiting tanong niya sa matanda. “Ay oo, sige, iha. Pumasok ka.” Laking pasalamat ni Luna dahil malinaw ang cctv camera ng bahay na iyon. Malinaw ang nakuha niyang kopya ng footage. Matapos iyon ay pumunta din siya sa iba pang bahay at gaya ng ginawa kanina ay nagpakilala siyang pulis. Matapos makuha ang kanyang kailangan. Pinanood ni Luna ang mga nakuhang video sa kanyang phone. Napakunot noo siya nang makita ang dalawang motor na sakay ng mga suspects. Agad niyang zinoom-in ang footage at nakuha ang plate numbers. Pagkatapos ay may dinaial siyang numero. “Hey!” bungad niya pagsagot ng kaibigan sa kanyang tawag. “Phoenix, napatawag ka.” “Alam mo na, may kailangan akong ipahanap sa’yo. This is urgent.” “Sure, ikaw pa ba? Eh malakas ka sa akin.” “Salamat. Ilista mo itong dalawang plate numbers na ‘to. Then, send mo sa akin asap ang mga malalaman mo.” “Sige.” Dinikta niya ang mga plate number. “Maghihintay ako,” sabi pa niya. “Sure. Akong bahala dito.” Habang nakaparada sa gilid ng daan at nakasakay sa kanyang motor ay nagmasid si Luna sa paligid. Marami pa rin mga taong nang-uusisa sa paligid sa mga nangyari. Kaya naman bumaba siya ng motor at lumapit sa crime scene, nagpapanggap siyang nag-uusisa. Wala na ang bangkay sa loob ng sasakyan ngunit patuloy pa rin ang mga pulis sa paghahanap ng ebidensya sa paligid. Paalis na sana si Luna nang may mapansin siya sa gilid ng daan. Kumislap iyon nang matamaan ng araw. Lumingon muna siya sa paligid bago lumapit at pasimpleng pinulot iyon. Isang gold pin na may disensyong dragon. Bigla siyang napaisip. Wala sa loob na napalingon siya sa paligid nang nabuo ang isang theory sa kanyang isipan. “Ate!” Napalingon si Luna nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Nang lumingon ay saka niya nakita si Bert. Tumakbo ito palapit sa kanya. “Halika doon tayo sa loob ng fast food,” yaya niya dito. Nag-order si Bert ng pagkain nila at kunwari’y abala sa pagkain habang nag-uusap. “Anong nalaman mo?” tanong niya. “Galing daw sa isang hotel si Mr. Sanchez bago nangyari ang ambush,” sagot ni Bert. “Hotel? Anong Hotel?” “Dragon Empire Hotel.” Natigilan si Luna. “Sigurado ka ba diyan?” “Oo naman ate. Magaling ang mga kasama ko.” “Sino ang huling kasama niya bago ang ambush?” “Si Henry Wang, ang Leader ng Dragon Empire Organization.” Huminga ng malalim si Luna nang makumpirma ang hinala. Mayamaya ay may natanggap siyang mensahe mula sa kaibigan. Laman niyon ay ang impormasyon na kanyang hiningi. “Bert, umalis ka na dito,” mahina ang boses na sabi niya. “Sige ate.” Bago umalis ay inabutan niya ito ng pera. Lalong tumibay ang kanyang hinala nang makita mula sa impormasyon na pinadala ng kaibigan na ang dalawang motor na sakay ng mga suspects ay nakarehistro sa isang opisyal ng Dragon Empire. Mula doon sa fast food ay umalis si Luna at bumalik na sa opisina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD