Chapter 3

1899 Words
“DITO ‘yong table mo kapag nandito lang sa opisina si Sir. Pero kapag lumalabas siya, palagi kang kasama. May mga transaction kasi siya na hindi sa akin pinapagawa,” sabi pa ni Sheila. Nakuha ng sinabi nito ang kanyang atensyon. “Talaga?” “Oo. Ang sabi ng dati niyang assistant, highly confidential daw.” Marahan siyang tumango. “Okay.” “Ewan ko rin kung anong klaseng business deals ‘yon basta, iyon ang mga hahawakan mo.” Matipid siyang ngumiti. “Sige, salamat.” Huminga ng malalim si Luna. Doing paper works is what she hated the most. This is the most boring job for her. Paano siya napunta mula sa pagiging assassin heto at bigla ay mukha siyang tipikal na office worker? Luna was born and raised for some action. Mayamaya ay lumabas ang isa sa tauhan ni Blaine. Sinalubong siya nito ng ngiti. “Ysabel, tama?” tanong nito. Marahan siyang tumango. “Ako si Mario,” pagpapakilala nito sabay lahad ng kamay sa kanyang harapan. “Nice to meet you,” sagot niya matapos tanggapin ang pakikipagkamay nito. “Same here,” sagot din nito. “Pinapatawag ka pala ulit ni Sir sa loob.” Muli siyang tumango at sumunod kay Mario pabalik sa opisina. Pagpasok ay sinalubong siya ni Blaine ng ngiti ngunit gaya ng nakasanayan pormal lang siyang tumingin sa boss. “I forgot to tell you, read these profiles. Pag-aralan mo ang tungkol sa kanila. Kung may malalaman ka pang ibang impormasyon tungkol sa kanila, much better,” sabi nito sabay abot sa kanya ng isang folder. “Yes, Sir.” Matapos iyon ay inabot naman sa kanya ni Mario ang isang laptop. Lalabas na sana siya ng opisina nang muling tawagin ni Blaine. “Ah, Ysabel. You can do it here. That is confidential, hindi puwedeng may ibang makakita, puwede kang pumwesto doon,” sabi nito sabay turo sa isang maliit na mesa na may dalawang upuan sa isang bahagi ng pribadong opisina. Isang matipid at marahan na tango lang ang sinagot niya. Agad siyang nagtungo doon pagkatapos ay binuklat ang laman ng folder. Marahan siyang napakunot noon ang makita ang mga naka-imprenta sa papel ay mga larawan ng iba’t ibang tao. Sa ibaba ng larawan ay ang mga impormasyong tungkol sa bawat isa. Ngunit ang mas napansin ni Luna ay ang estado ng mga ito sa buhay. Karamihan sa mga ito ay mga malalaking pangalan sa business world. Ang iba naman ay mga politiko. “Eto na ba ‘yon?” tanong niya sa sarili. Mula kanina ay pinagtagpi-tagpi ni Luna ang mga naganap. Mula sa mga confidential work na ayaw ipahawak kay Sheila ngayon ay itong mga pangalan na ito na gusto ni Blaine na pag-aralan niya. Sa kabila ng pagtataka, hindi nagtanong si Luna. Kadarating lang niya doon at baka makahalata agad ang mga ito. Pinasadahan niya ang mga papel na iyon. Karamihan sa mga personalidad na iyon ay pamilyar sa kanya. Iyong iba ay may under surveillance ng NBI. Ang iba naman ay may mga kaso na. Lahat ng mga ito ay nadidikit ang pangalan sa mga kaso ng illegal na gawain. Mula sa bulsa ay kinuha niya ang phone at may tinawagan. “Hello, Bert. May trabaho ako sa’yo,” sabi niya pagsagot agad nito ng kanyang tawag. “Sige ate, ano ‘yon?” “May ipapadala akong mga pangalan sa’yo. Gaya ng dati, okay?” sagot niya. “Sure, no problem.” “Balitaan mo ako agad.” “Sige ate.” Napangiti siya nang marinig ang excited na tinig nito sa kabilang linya. Dalawa ang kanyang informant. Si Jelai na tumutulong sa kanya bilang secret agent. At si Bert na tumutulong sa kanya kapag nasa undercover siya gaya ngayon. Gaya ni Jelai ay tinutulungan niya rin makatapos ng pag-aaral si Bert. Huminga siya ng malalim saka sinimulan ang gagawin. Sa kalagitnaan ng ginagawa, bahagya siyang natigilan nang maramdaman na lumapit sa likuran niya si Blaine. Tumayo si Luna at humarap. “May ipapagawa po ba kayo?” pormal ang mukha na tanong niya. Napalingon siya sa likuran nito nang makitang umalis ang apat na lalaki at iniwan sila. “Relax, Ysabel. Masyado kang pormal. Loosen up a bit.” Matipid siyang ngumiti at tumango. “Maupo ka,” sabi pa sa kanya ni Blaine. Sumunod siya sa sinabi nito pagkatapos ay naupo naman ang lalaki sa bakanteng silya sa tapat niya. “Are you really this quiet and formal?” “Opo,” sagot niya. “Kapag magkasama tayo, lalo at wala naman tayong ibang kasama. You can relax.” Tumikhim si Luna. “Sir, ang trabaho ko po ay panatiliin kayong ligtas. Kailangan po ay alerto ako sa lahat ng oras.” “I understand and I trust you. Pagkatapos ng nasaksihan ko doon sa coffee shop, alam ko na mapagkakatiwalaan kita.” “Salamat po.” “Ilang taon ka na?” tanong nito. “Twenty-six po, Sir.” Tumango-tango ito. “Huwag mo na akong pino-po. Apat taon lang naman pala ang tanda ko sa’yo.” “Okay, Sir.” Nang bigyan siya ng matamis na ngiti ni Blaine. Nakaramdam ng pagkailang si Luna, bigla ay bahagyang nag-init ang kanyang mga pisngi. “It’s nice to have you here,” sabi pa nito. “Me?” Tumango ito. “It’s a breath of fresh air to have a woman around me. Napapaligaran ako ng mga barako. Pakiramdam ko gumaan ang paligid ngayon may babae na sa team ko. But besides that, after that incident in the coffee shop, I tried looking for you. Mukhang hindi na ako pinahirapan ng tadhana at ikaw mismo ang lumapit sa akin. Hindi alam ni Luna kung paano magre-react sa mga sinabi nito. Wala siyang maisagot kung hindi isang nahihiyang ngiti lang. Mahina siyang tumikhim. “I’m glad I was able to help even in a simple way,” sagot niya. Isang ngiti at marahan tango ang sinagot sa kanya ni Blaine. “Sige na, ipagpatuloy mo na ‘yang ginagawa mo. Mamayang alas-tres may lakad tayo,” sabi pa nito. “Okay po.” “And by the way, may sasakyan ka ba? Nasaan ang mga gamit mo?” “Nasa kotse po sa baba.” “Bigay mo mamaya ang susi ng sasakyan mo kay Mario para siya na ang mag-uwi niyon sa bahay.” “Sige po, Sir. Ah… I mean, sige Sir.” Ngumiti ito sa kanya. Natigilan si Luna nang bahagya nitong haplusin ang kanyang ulo na para siyang bata bago ito bumalik sa mesa nito. Wala sa loob na nasundan niya ito ng tingin at agad din binawi iyon nang bigla ulit itong lumingon sa kanya. Her heart skipped a bit. For the first time in her life, someone treated her warmly. At mula pa sa isang tao na pinaghihinalaan nilang leader ng isang malaking mafia group. MULA sa pribadong opisina ay umalis si Luna kasama ang boss. Nangunguna silang dalawa ni Blaine sa paglalakad at nasa likod nila si Mario at iba pang tauhan nito. “Mario, inform Mister Sanchez that we are on our way.” “Yes, Sir.” Mula sa elevator ay lumabas na sila sa mismong basement parking. Bukod sa driver at nakasakay sa passenger’s seat si Mario. Silang dalawa naman ni Blaine sa likod. Habang tahimik sa sasakyan ay nag-ring ang kanyang phone. Agad niya iyon sinagot nang makitang si Bert ang tinatawag. “Hmm, anong balita?” Nakinig siya sa mga sinabi nito sa kabilang linya. “Sige, salamat.” “Sir, as we speak, kakalabas lang daw ni Mister Sanchez mula sa Dragon Empire building,” sabi niya kay Blaine matapos kausapin sa phone ang kanyang informant. “Who else is with him?” “Si Mister Sanchez lang po at mga tao niya.” Humugot ng malalim at mabigat na hininga si Blaine. “That m*therf*cker,” narinig niyang bulong nito. “Ano po ang gagawin natin, Sir?” tanong pa niya. “Hayaan muna natin siya. Makipaglaro lang muna tayo.” “Yes, Sir.” Mayamaya ay nakatanggap siya ng message mula ulit kay Bert. Nagpadala ito ng mga pictures kaya agad nitong inabot iyon kay Blaine. “Naniniguro ang walanghiya,” komento pa nito. “Save it.” “Yes, Sir.” Pagdating sa isang fine dining Japanese restaurant. Dumiretso sila sa loob ng VIP Room. Si Luna ang kasama ni Blaine sa loob habang ang ibang tao nito ay naghihintay sa labas. Hindi naman nagtagal ang kanilang paghihintay at dumating na rin si Mister Sanchez. “Blaine, kumusta?” magiliw na salubong ng matanda dito. “I’m good, Sir. Kayo po?” “Ayos naman.” Agad lumipad ang tingin ng matanda sa kanya. “Who is she? Girlfriend?” tanong nito. Marahan natawa si Blaine. “My new assistant, Sir.” “She’s beautiful,” sabi pa nito at inangat ang kamay at nagtangka na hawakan siya sa mukha. In one split second, Luna pulled her gun and point it towards Mister Sanchez. Sa halip na pagalitan siya ni Blaine ay tumawa lang ito. Habang si Mister Sanchez ay namutla sa takot. “Nobody can lay their hands on me, Sir,” matapang na sagot niya. “Sorry. Nagbibiro lang ako.” Lumingon sa kanya si Blaine at ito mismo ang nagbaba ng baril niya. “Relax.” Huminga ng malalim si Luna saka binalik sa holster ang baril. “Let’s get down to business, Mister Sanchez. What can I do for you?” “Nalalapit na ang eleksiyon, Blaine. Narito ako para ipaalala ang pinangako ng Montejo Group na suporta sa akin para sa darating na kandidatura ko. Gaya ng dati, kapag nanalo ulit ako, wala kayong magiging problema sa mga transaksiyon ninyo.” Naalarma si Luna sa narinig niyang usapan. Kunwari ay inayos niya ang jacket na suot. Mayamaya ay sarkastikong tumawa si Blaine. “Iyan din ho ba ang pangako n’yo sa Dragon Empire?” tanong nito. Nakita niya ang pagkabigla ng matanda sa narinig. Inangat ni Blaine ang kamay at nilapag niya doon ang phone. Nang buksan ang screen ay nilapag nito iyon sa harap ni Mister Sanchez. “Bago kayo pumunta dito ay galing kayo sa Dragon Empire, tama ba?” Nauutal si Mister Sanchez at halos walang salitang lumabas sa bibig. “Mukha ho yatang naniniguro kayo. Alam n’yo naman na mahigpit na kalaban ng Montejo Group ang Dragon Empire, and we are very much jealous.” “Hindi iho, makinig ka sa akin. Hindi tungkol dito ang pinunta ko doon, negosyo! Oo, ibang negosyo!” Biglang tumayo si Blaine kaya’t sumunod siya. “I’m sorry, Mister Sanchez. But Montejo Group can no longer support you, you’ve got Dragon Empire, right?” sarkastikong sagot nito. “Blaine! Hindi mo puwedeng gawin sa akin ‘to!” “Well, I just did. Alam na alam ninyo na ayaw namin sa lahat ay tinatraydor kami. Sinuportahan ka namin sa lahat ng kandidatura mo. Montejo Group has been loyal to you, pero totoo nga yata na may mga taong hindi marunong makuntento.” “Ysa, let’s go.” Kahit na tinatawag ni Mister Sanchez si Blaine ay hindi na nilingon pa ito ng binata. “Sabihin mo sa mga tao natin na i-pull out lahat ng suporta kay Mister Sanchez,” utos ni Blaine. “Yes, Sir,” sagot niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD