Chapter 6

2023 Words
“KUMUSTA?” tanong ni Luna kay Mario nang maabutan niya ito sa labas ng opisina. “Ayos naman pero medyo stress at mainit ang ulo ni Boss dahil sa nangyari.” Bumuntong-hininga si Luna. “Kumain na ba siya?” tanong niya. Umiling ito. Walang salita na muli siyang tumalikod at bumaba ng gusali. Sa isang fast food chain malapit sa Montejo Group building siya pumunta. Bumili siya ng isang malaking grilled beef burger, large French fries at canned softdrinks. Pagkatapos ay saka siya muling bumalik. Bago muling pumasok ay kumatok muna siya nang walang sumagot ay dahan-dahan niyang binuksan ang pinto. Naabutan ni Luna na nakasandal ang ulo nito sa backrest ng swivel chair habang nakapikit. “Sir?” Doon ito dumilat. Tumalon ang kanyang puso nang salubungin siya nito ng ngiti. “Ang akala ko ba mainit ang ulo niya?” nagtatakang tanong niya sa isipan. “Ysabel, you’re back. Kumusta? Anong nalaman mo?” Huminga siya ng malalim at nilapag ang paperbag na may laman na pagkain sa ibabaw ng coffee table. “Kumain ka muna. Sinabi ni Mario na hindi ka pa kumakain ng lunch, hindi ka na nag-umagahan, baka magkasakit ka.” Natigilan ito ngunit mayamaya ay ngumiti saka tumayo. Nang makalapit sa kanya ay hinaplos nito ang ulo niya. “Thank you, Ysabel.” Tumikhim si Luna at umiwas ng tingin pagkatapos ay tumango. “Walang anuman.” “Ikaw? Kumain ka na ba?” tanong nito. “Tapos na po—” Mabilis umangat ang ulo nito ang salitang po. “Ah, ang sabi ko tapos na.” “Kumusta ang imbestigasyon mo?” “Mamaya, sasabihin ko. Kumain ka muna.” “Hay, ang higpit naman ng bantay ko,” natatawang sagot nito. “Mas importante ang kalusugan mo kaysa sa mga taong gusto kang sirain kaya tapusin mo muna ‘yan.” “Fine, ikaw ang masusunod.” Habang abala sa pagkain si Blaine, si Luna naman ay nagbabasa ng mga balita tungkol sa nangyaring pagpatay kay Mr. Sanchez. “I never knew that behind the cold and mysterious aura you portray lies a caring and thoughtful woman,” sabi nito. Natigil ang kamay ni Luna sa pagtatype at napaangat ng tingin kay Blaine. Nahuli niya itong nakatitig sa kanya habang nakangiti. “Consider it as part of my job,” matipid na sagot niya sabay iwas ng tingin. “Hindi ito ginagawa ng dating right hand ko,” sabi ni Blaine. Huminga ng malalim si Luna at sumandal. “Magkaiba kami.” Tumango-tango ito. “Right. Tama ka sa sinabi mo. Magkaiba kayo. Magkaibang-magkaiba. Ngayon ko lang na-realize na iba pa rin kapag may babaeng nag-aalaga.” Bahagyang tumaas ang kilay niya. “Ngayon lang? Eh ano pala si Manang Tessie?” Doon napahagalpak ng tawa si Blaine. Hindi tuloy napigilan ni Luna na bahagyang mapangiti. “Oo nga, no? Hindi ko naisip ‘yon.” “Ubusin mo ‘yan baka hindi ka makalunok mamaya kapag sinabi ko sa’yo ang report ko.” Sinunod naman siya ni Blaine. Nang matapos ito sa pagkain ay saka siya tumayo para iligpit ang pinagkainan nito. Dadamputin pa lamang ni Luna ang mga pinagbalutan ng burger nang biglang hinawakan ni Blaine ang kanyang kamay. Natigilan si Luna at napatingin dito, kasabay niyon ay ang mabilis na pagkabog ng kanyang dibdib. “Ako na. Kaya ko na ‘to.” Tumikhim siya at tumango. Nang bitiwan nito ang kamay niya ay saka siya bumalik sa kinauupuan. Matapos nitong malinis ang mesa ay bumalik ito sa puwesto. “Now tell me.” Huminga ng malalim si Luna pagkatapos ay sinalaysay niya ang kanyang mga nalaman. Habang nilalatag sa harapan ni Blaine ang lahat ng impormasyon ay nakikita niya na unti-unting nagbabago ang ekspresyon sa mukha nito. Nagsalubong ang mga kilay nito at nabalot ng galit. “I knew it!” bulalas nito. “Henry Wang is always up to something. Nananahimik ang Montejo Group. Hindi ko alam kung bakit pine-frame up niya ako.” “Competition, Sir. Sa bawat magkalaban ay mayroon isang ganid at dito sa laban na ito, sila ‘yon. Siguro ay gusto nilang i-take over lahat ng hawak ng Montejo Group.” “You’re right. Matagal ko nang alam na gusto nilang hawakan ang buong Manila. Gusto nilang lumawak ang kapangyarihan sa gobyerno nang sa ganoon ay malaya nilang magagawa ang mga illegal na negosyo.” “Anong plano n’yong gawin, Sir?” Huminga ng malalim si Blaine. “Wala. Hayaan natin sila sa larong gusto nila. Naniniwala ako na kahit anong subok ay hindi nila mape-frame up ang Montejo Group. Malinis ang konsensya natin.” Marahan siyang tumango. “Okay, Sir. It’s your call.” Umangat ang tingin nito at ngumiti sa kanya. “Maraming salamat, Ysabel. Ikaw ang unang babae na naging tauhan ko pero ikaw ang bukod tangi na naging ganito ka-efficient sa trabaho.” “It’s my pleasure, Sir.” Nang tumayo ito ay muli siyang hinaplos nito sa ulo. Hayun na naman ang munting paglukso ng kanyang puso. “Magrelax ka muna,” sabi nito. “Yes, Sir.” “OH, BAKIT ang aga n’yo yata ngayon,” bungad sa kanila ni Manang Tessie. “Gusto ko lang po magpahinga ng maaga,” sagot ni Blaine. “O sige, ano ba ang gusto mong hapunan?” “Namimiss ko na ho ang Sinigang na Baboy n’yo, Manang. Iyong maraming taba?” “Ay, iyon lang naman pala. Sige, ako ang bahala. Magluluto ako mamaya. Ikaw, Ysabel? Kumakain ka ba ng sinigang?” sagot nito sabay lingon sa kanya. “Ay opo, wala ho kayong problema sa akin sa pagkain,” magalang na wika niya. Bumaling si Blaine sa mga kasama niya. “Mario, sige na, umuwi na kayo at magpahinga rin ng maaga. Wala na akong balak lumabas ngayon gabi.” “Sige po, Sir.” Sinundan lang ng tingin ni Luna si Blaine habang paakyat ito ng hagdan. “Ikaw, Ysabel? Hindi ka ba magpapahinga?” tanong sa kanya ni Manang Tessie. “Po? Ah… mamaya na po siguro.” Ngumiti ang matanda at umiling. “Pagkakataon mo na ito na makapagpahinga ng maaga. Sige at umakyat ka na muna sa kuwarto mo, tatawagin ko na lang kayo kapag kakain na.” “Sige po.” Sinunod ni Luna ang sinabi ni Manang Tessie. Pagdating sa loob ng kuwarto ay agad siyang naghubad ng sapatos pagkatapos ay ang kanyang jacket at pinusod ang buhok. Huminga siya ng malalim nang hawiin ang kurtina at tumanaw sa labas. Mula nang dumating siya sa poder ni Blaine ay mas naging maluwag para sa kanya ang trabaho. Kung dati ay laman siya ng kalsada ng madaling araw. Ngayon ay napipirme siya doon sa bahay. Napansin ni Luna na mas relax siya ngayon kumpara noong hindi pa siya nakakapasok sa mundo ng Montejo Group. Kaya minsan ay napapatanong siya kung okay lang ba ang ganoon. This is not her world. Hindi siya sanay na walang ginagawa at nagrerelax. Bumuntong-hininga si Luna. “O baka nasanay na lang ako sa bayolenteng mundo na kinalakihan ko. Nakalimutan ko na kung paano mabuhay ng isang normal na tao,” wika niya sa sarili. Kaya para hindi siya mabagot ay binuksan niya ang laptop at saka nag-compose ng mensahe sa email ng report niya sa USO. Kasama sa kanyang report ay ang insidenteng nangyari ng umagang iyon at ang naging resulta ng imbestigasyon. Matapos iyon ay kinuha niya ang dalawang baril sa holster maging ang military knife at ang mga magazine na puno ng bala saka nilatag iyon sa mesa. Pagkatapos ay nilinis niya ang mga baril. Ilang sandali pa ay narinig niyang may kumatok sa labas. “Ysabel?” Walang iba kung hindi si Blaine. “Pasok,” sagot niya. Bumukas ang pinto at sumilip doon ang binata. “Busy?” tanong nito. “Hindi naman, naglilinis lang ng baril. May lakad tayo?” tanong agad niya. “Wala. Tinitignan ko lang kung anong ginagawa mo, nabo-bored kasi ako sa kuwarto.” “Kung trip mo manood habang naglilinis ako ng baril, ikaw ang bahala,” sagot niya. Tuluyan itong pumasok sa loob ng kuwarto niya at sumandal sa pader habang nakahalukipkip pagkatapos ay pinanood siya. Dinampot nito ang kanyang military knife at binunot iyon mula sa holster. “Ingat ka, matalas ‘yan baka masugatan ka,” paalala niya. Matapos tignan ay binalik nito iyon sa ibabaw ng mesa pagkatapos ay muling binalik sa kanya ang tingin. “How did you end up in this kind of job?” “Hindi ba sabi ko na sa’yo na ex-military ako na na-lay off,” sagot niya. “Alam ko ‘yon, ang ibig kong sabihin, being an assassin.” Huminga siya ng malalim. “Well, may nanghinayang sa skills ko. Those people in the government and military hired me to kill someone, kapalit niyon ay malaking bayad. Pumayag ako noong una dahil sabi ko sa sarili ko, ngayon lang naman. Pero nasundan pa iyon ng nasundan. Hanggang sa hindi ko namamalayan, hindi ko na mabilang kung ilang buhay na ang dumaan sa mga kamay ko.” “Hanggang kailan mo gagawin ‘to?” “Hindi ko alam.” “But do you ever want to stop?” Sarkastiko siyang ngumiti at lumingon kay Blaine. “If I stop right now, Blaine. Iiwan ko ang trabaho ko dito.” Bumuntong-hininga ang binata. “How about your family? Alam ba nila itong ginagawa mo?” Malungkot siyang ngumiti at binalik ang tingin sa baril. Natapos na niya iyong linisin at muli na niyang binubuo. Nang matapos ay saka niya kinasa iyon at tinutok sa bintana. “’Di ba nabanggit ko nang wala na akong pamilya? Pinatay ng limang hindi nakikilalang lalaki ang buong pamilya ko, ang Mama at Papa ko pati ang tatlo kong kapatid. Witness ako sa buong pangyayari, I was only eight years old. Isa sa mga suspect ang nakita ako. Pero hindi ko alam kung bakit hindi nila ako sinaktan. Mula noon ay kinupkop ako ng pulis na nag-imbestiga sa kaso. Pero mula nang ma-relieve ako sa serbisyo hindi na ako nagpakita sa kanila,” kuwento niya. Hindi sigurado si Luna kung bakit niya nagawang ikuwento iyon kay Blaine. Walang may alam sa kanyang nakaraan bukod sa mag-asawang kumupkop sa kanya at ang iilan niyang mga kaibigan. Isang mabigat na buntong-hininga ang narinig niya mula sa binata. “Mula noon araw na iyon. I forgot the feeling of what it’s like to be happy. I forgot how to smile. Pakiramdam ko, wala akong karapatan maging masaya dahil sa nangyari sa pamilya ko. Iyon din ang dahilan kaya ako nagsundalo at kung bakit wala akong remorse sa tuwing may assassination subject akong ginagawa. Dahil nakita ko rin mismo kung paano walang awa na pinatay ang pamilya ko.” Nagulat si Luna nang biglang hawakan ni Blaine ang kanyang kamay pagkatapos ay hinila siya patayo. Nagtataka na sumunod na lamang siya hanggang sa manlaki ang mga mata nang biglang yumakap sa kanya ito. “I’m sorry about what happened to you,” sabi nito. Luna’s heart beat so fast. Hindi siya nakakilos habang nakakulong sa mga bisig ni Blaine. Sa unang pagkakataon makalipas ng maraming taon, someone comforted her. Someone shows some sympathy to her. Pakiramdam ni Luna ay hindi na siya nag-iisa ngayon sa madilim na mundo niya. “T-Thank you.” Nang bitiwan siya ni Blaine ay halos tulala pa rin si Luna. “Gusto ko lang malaman mo na hindi mo kailangan maging reserved sa akin. You can talk to me freely anytime about everything. Hindi mo na kailangan solohin lahat ng burden mo sa buhay. I’m willing to listen to you anytime.” “Salamat, Blaine,” magaan ang loob na sagot niya. Halos sabay silang napalingon nang marinig mula sa baba ang boses ni Manang Tessie. “Blaine! Ysabel! Bumaba na kayo at kumain.” Nakangiting lumingon sa kanya ang binata. “Tara na, kumain na tayo. Mamaya mo na ipagpatuloy ‘yang ginagawa mo.” Nang hilahin siya nito palabas ng silid ay hindi na tumanggi pa si Luna.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD