Chapter 32

1669 Words

“BAKIT mo pinasakay sa kabilang sasakyan sila Mario?” nagtataka na tanong ni Luna. “Para magkaroon tayong dalawa ng privacy. Isa pa, matagal ko nang gustong gawin ‘to na ipag-drive ka. Iyong tayo lang at pupunta tayo sa malayo.” “Pero trabaho ang ipupunta natin sa Tagaytay, ‘di ba?” Huminga ng malalim si Blaine at umiling. “Alam ko. Kaya nga kahit dito man lang, masolo kita. Ayaw mo naman lambingin kita sa harap ng ibang tao.” Marahan siyang natawa. “Sige na, wala na akong sinabi.” Habang nasa biyahe ay masaya silang nag-uusap ng tungkol sa kung anu-ano. Nariyan tungkol sa trabaho o kaya naman ay sa Dragon Empire. Nariyan din magbibiruan sila o kaya naman ay may sasabihin itong kapilyuhan. Pagdating sa rest stop ay saglit huminto doon ang kanilang grupo para kumain at magpahinga.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD