“ALAM mo, natatakot ako kapag ganyan tahimik ka.” Napalingon si Luna sa kaibigan at kapwa agent na si Lani. Naroon sila ngayon sa roofdeck ng gusali ng Montejo Group. Matapos ang kanyang breaktime ay may natira pa sa kanyang dalawampung minuto kaya naisipan na magpahangin doon. Bahagya siyang napangiti. “Anong nakakatakot doon?” “Eh hindi ko mahulaan ang tumatakbo sa isip mo.” “Wala naman, iniisip ko lang kung kailan matatapos ‘to.” “Si Blaine ba?” tanong pa ni Lani. Huminga siya ng malalim at tumango. “Mahal mo na talaga?” “Sobra,” sagot niya sabay lingon sa kaibigan. Napangiti si Lani at bahagyang umiling. “Sino ba ang mag-aakala na darating ang panahon na ‘to, I mean the cold-blooded assassin falling in love.” “I know, right?” she chuckled. “Kahit na alam niya na assassi