PINANOOD ni Luna ang footage na nakuha niya gamit ang microcam sa suot na smart watch. Kuha doon ang lahat ng mga armas na dumating sa warehouse kanina. Maging ang pagtatalo ng mag-ama ay kasamang na-record. Gabi na ngunit mula nang makauwi sila sa bahay ay hindi pa rin lumalabas ng kuwarto si Blaine. Tahimik itong kumain ng gabihan pagkatapos ay muling nagkulong sa loob ng silid. Hindi sanay si Luna na ganoon ang binata. Nasanay na siya na palaging naririnig ang masiglang boses nito. Sa halip na ipadala ang video sa headquarters ng USO ay nilagay niya muna iyon sa kanyang files. Pagkatapos ay binaba ang screen ng laptop at lumabas ng silid. Patay na ang ilaw sa buong kabahayan, nakapag-inspeksiyon na rin siya. Dapat ay matutulog na siya ngunit hindi siya dalawin ng antok. Ang isipan n