“YSABEL, dito ka sa kotse sumakay, huwag ka na mag-motor,” sabi ni Blaine sa kanya. “Okay,” mabilis niyang sagot. Sabado ng umaga. Sinabihan siya ni Blaine na pupunta sila sa main hideout ng Montejo Organization. Dumating na sa wakas ang hinihintay ni Luna, ang makapasok sa pinakasentro ng grupo at malaman ang mga illegal na aktibidad ng mga ito. Habang nasa biyahe, napansin ni Luna ang pagkabalisa ni Blaine. “Boss, okay ka lang?” hindi nakatiis na tanong niya. “Yes.” Gayundin si Mario. Nakiramdam lang si Luna habang nasa biyahe sila. Hanggang sa lumipas ang higit kumulang forty-five minutes bago nakarating sa pupuntahan. “Boss, nandito na tayo,” narinig niyang sabi ni Mario. Huminga ng malalim si Blaine at humarap sa kanya. “I will give you some heads up, Ysabel. May tradis